You are on page 1of 1

HINDI MAITATANGGING KALAGAYAN

Ayaw man nating pakinggan, totoo na hindi na nakakabuhay ang kasalukuyang mababang sahod,
dadagdagan pa ng buwis at walang kasiguraduhan sa ating trabaho. Kaya mas lalo nating kailangan
ang kagyat at matibay na pagtaas ng sahod, partikular sa hanay ng pampublikong sektor ang mga
guro at kawani. Maraming batayan at kondisyon kung bakit kailangan natin ipanawagan ang usapin
sa pagtaas ng sahod. Kasalukuyan pa din ang deliberation ng proposed 2015 budget, pangalawa
may mga pending bills na naipasa tayo sa kongreso para sa pagtaas ng sahod sa mga manggagawa
sa sector ng edukasyon at iba pang kawani ng pamahalaan.
Hindi ang mga nagpapautang ang papatay at magpapatahimik sa mga guro at iba pang kawani, tulad
lamang ng kaso ng pagpatay ni PO3 Domino Alipio sa mga public school teacher sa Pangasinan,
kundi ang pagtanggi upang ipatupad ang dagdag sahod sa kabila ng patuloy na pagtaas ng gastusin
na ating kinakaharap, kaya ang mismong gobyerno ang pinaka dahilan ng paghihirap ng mismo
nitong empleyado.
Ang proposed P2.606 trillion ($57.982 billion) na budget sa 2015 na pinaka malaking budget na
naaprubahan para sa mga panahon na nalalapit na ang national election ay malinaw na batayan
upang bigyan diin natin upang magkaroon ng kagyat o agarang pagtaas ng sahod.
At sa kabila na mayroong House Bill 245 o ang panukalang pagtaas sa P25,000 ng mga public
school teacher at P15,000 ng non-teaching employees at House Bill 246 o ang panukalang pagtaas
mula SG 12 papuntang SG 16 ng mga guro sa State Colleges and Universities (SUCs) na malaki
ang ibinibigay na suporta sa kongreso. Habang abala naman ang Malacanang sa pagpopondo sa
korupsyon at eleksyon sa mga errata nito sa national budget, ipinagkakait naman nito ang
pagpapatibay sa pagsasabatas ng dagdag sahod upang maidagdag sa taunang budget ng ating
gobyerno.
Hindi na dapat hintayin ng Malacanang o ninuman na may mapaslang o masaktan muli sa hanay ng
mga guro at kawaning lubog sa utang dahil hindi na makaagapay ang sweldo para sa araw-araw na
gastusin. At lalong hindi na dapat hintayin ang election year bago magbigay ang Malacanang ng
hustisya sa mga biktima ng Pangasinan shooting at iba pang biktimang kawani sa buong bansa na
nagtitiis sa kakarampot na sahod.
Kaya sa oras na ito, hamon ito ng panahon upang gawin ano man ang ganang kapakinabang para sa
mamamayan.
Lumahok sa November 14, National Sit-down Strike para sa mataas na sahod at pagtutol sa
korupsyon
Guro at Kawani magkaisa, ipaglaban ang makabuluhang sweldo!
Salary upgrading ng mga guro at kawani, ngayon na!
HB 245 at HB 246, ipasa na!

NOVEMBER 14, 2014 NATIONAL SIT-DOWN STRIKE PARA SA MATAAS NA


SAHOD AT PAGLABAN SA KORUPSYON

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHER - PUP CHAPTER

You might also like