You are on page 1of 8

Isang mapanglaw na araw sa isang payak na nayon na malayo sa kabihasnan ay may isang babae na tila

nakatayo sa itaas ng mga burol na malumanay na pinagmamasdan ang madilim at asul na karagatan at tila
hindi niya manansala ang mga luhang bumubuhos mula sa kaniyang mga mata na tila nahahapo na sa pagiyak sapagkat dinaramdam pa rin niya ang masaklap na pangyayari sa kaniyang buhay. Siya si Krishna isang
mabait, maganda, matalino, at matulungin sa kaniyang pamilya ngunit nang makilala niya ang buktot na
lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso ay tila unti-unting naapektuhan ng kaniyang dalisay na pag-ibig ang
datiy wasto niyang pag-uugali at di kalaunan, naging suwail na anak sa kaniyang mga magulang. Ibinigay niya
ang lahat sa lalaking kaniyang pinakamamahal, sinuway niya ang kagustuhan ng kaniyang mga magulang na
ihiwalay siya sa lalaking inakala niyang tama. Hindi nais ng magulang ni Krishna na tutulan ang lalaking
minamahal ng anak ngunit ang lalaking itoy kilala sa kaniyang pagiging babaero at sugarol. Nang walang
anu-anoy tila mas lalong lumalim ang sugat sa kaniyang puso nang may nakita siyang isang magkasintahan
na kaytamis ang pagmamahalan, wala na lamang siyang nagawa kundi tingnan na lamang ang dalawa at
daling umalis at dali-daling bumalik sa bahay ng kaniyang kaibigan kung saan siya nakikitira nang piliin niyang
sumama na lamang sa mapaglilo niyang kasintahan at lumayas sa kanila

Kay bilis niyang tinawag ang kaniyang kaibigan. Teresa!, Teresa! Nandiyan ka ba? wika ni Krishna. At nang may
tatlumpung segundo ang lumipas lumabas na ang kaniyang kaibigan sa kaniyang kuwartong panahanan. Oh
Krishna, saan ka nanaman pumaroon? Akoy nangangamba sa iyong kaligtasan. Hindi na lamang sumagot si
Krishna at dali daling pumasok sa kuwarto, nabatid ng kaniyang kaibigan ang pamamaga ng mata ni Krishna.
Krishna, ako nga ay iyong tapatin ikaw bay may itinatagong sikreto na hindi sakop ng aking kaalaman? Tila
lumakas ang kabog ng dibdib ni Krishna, ayaw na sanang sabihin ni Krishna ang totoo ngunit nagpumilit si
Teresa na sabihin ang totoo. Krishna! Tapatin mo na ako, may nanakit ba sa iyo? Sino iyong sabihin sa akin!
Krishna! Hoy Krishna! Hindi ako matatahimik hanggat hindi mo sinasambit ang iyong sikreto!. Lalong kinabahan
si Krishna sa narinig na pahayag ng kaniyang kaibigan, nagulat na lamang si Krishna nang biglang bumuka ang
kaniyang bibig at inilahad ang pangkalahatan na nagyari sa kaniya. Teresa!, malakas na sigaw ni Krishna sa
kaibigan. Oh bakit sabihin mo na ang problema mo nang maayos natin. Tumingin ng deretso si Krishna kay
Teresa at sinabi ang lahat. Ibinigay ko ang lahat ng makapagpapasaya kay Antonio ngunit ano ang kaniyang
ginawa? Niloko niya ako Teresa! Niloko niya ako! Isa akong hangal!. Dinaan na lamang ni Krishna sa pag-iyak ang
lahat ng hinanakit sa kasintahan. Napaisip si Teresa sa narinig sapagkat ngayon lamang niya nalaman na
mayroon pala na itinatagong kasintahan si Krishna simula nang siya ay lumipat sa bahay ng kaibigan. Teka,
Antonio? Sino si Antonio, siya ba ang itinatago mong kasintahan kaya akoy may namamataang mga sulat kamay
diyan sa ilalim ng iyong damitan? Kailan pa Krishna? Ibinulgar na ni Krishna ang nangyari at ipinaliwanag kung
bakit siya lumayas sa kanilang bahay-panahanan. Teresa, paumanhin kung ako ay nagtago ng sikreto sa iyo,
siguroy talagang hindi pa ako handa na tuwirang ibunyag ang aking ikinukubling katotohanan. At nagpatuloy si
Krishna sa pagsasalaysay ng pangyayari. Ang totoo nang akoy magsimulang lumipat dito, ilang buwan na ang
nakakalipas ay nagkaroon kami ng di-pagkakaintindihan ng aking ama at ina, ipinaglaban ko ang pag-iibigan
naming dalawa ni Antonio at di kalaunay sinadya ko nang lumayas sa aming tahanan dahil na rin sa poot ko sa
aking amat ina at noong mga oras na iyon ay ikaw na lamang ang aking alam na matatakbuhan, kayat akoy
kampante na makitira dito dahil matagal na tayong magkaibigan ngunit wag mo sanang masamain ang pagtira ko
dito sapagkat hindi ko sinasamantala an gating pagkakaibigan para tumira dito. Tila namulat na ang kaisipan ni
Teresa sa narinig na pahayag mula sa kaibigan. Huwag mong sisihin ang sarili mo naiintindihan kita, alam ko
naman na hindi mo ginusto ang nangyari sayo, hayaan mo makahahanap ka rin ng isang lalaking makapagpapasaya
sa iyo at mamahalin ka nang walang pag-iimbot at naniniwala ako na makakaya mo iyon!.

Hating gabi na nang mabulabog ang mga kapitbahay sa isang nayon nang may marinig silang isang malakas na
pag-uusap o isang di pagkakaintindihan ng mag-ina sa isang bahay panahanan. Halos sumpain ng mga
kapitbahay ang ingay na naririnig na nagmumula sa isang kalapit na bahay. Nang maki-usyoso ang mga
magkakapit-bahay ay tila nagulat sila sa nakita. Nakita na lamang nila si Krishna na nakikipag-away sa kaniyang
ina. Huy bakit kaya nag-aaway yang dalawang mag-ina na iyon? patanong na pahayag ng isang kapitbahay.
Tila nag-aaway ang mag-ina!. Sagot naman ng isa sa mga nakiki-usyosong kapitbahay.
Anak hindi ka na namin pinangungunahan ang iyong mga desisyon dahil alam naming na ikay may isip na at
nalalaman mo nang kumilatis ng isang tao! Pero hindi kami makakapayag ng iyong ama na sumama ka diyan sa
sugarol na lalaking iyan sapagkat kilala yang buktot na lalaking iyan sa pagiging sugarol sa buong nayon! Ang gusto
lang namin ng ama mo na sanay iyong mabatid na hindi siya karapat-dapat sa iyong pagmamahal! wika ng ina ni
Krishna na si Imelda na isang inang nagmamalasakit lamang sa kaniyang anak. Nay, ako po ang mas nakikilala
kay Antonio kaya hindi ngunit ganoon siya dati ay ganoon na rin siya ngayon! pasigaw na pahayag ni Krishna.
Nagulat si Imelda sa pagsagot ng kaniyang anak, sapagkat ngayon lamang sumagot ng pasigaw si Krishna sa
kaniya, hindi kinaya ng ina ni Krishna ang pangyayari kung kayat siyay nahilo at bigla na lamang nawalan ng
mala yang ina. Hindi na napigilan ni Victorino ang sarili upang awatin ang dalawang mag-ina habang nag-aalaga
ng hayop sa ibaba at agad agarang dinala si Imelda sa kuwarto upang maipahinga. Alam ni Victor na wala siyang
karapatan na makialam sa dalawang mag-ina sapagkat hindi din siya pakikinggan ng anak. Si Victor ang ama ni
Krishna na iniwan silang mag-iina sa loob ng dalawampung taon. Anak, tama na! Tingnan mo ang iyong mga
ginagawa, dahil sa lalaking iyan naging bastos ka nang anak sa amin ng ina mo!. Tila naglalagablab na apoy ang
namayani sa puso ni Krishna nang manghimasok ang ama sa usapan ng mag-ina. At sino kayo upang akoy
pagsabihan ng ganiyan? At teka Anak?! Anak?! Ano po ang inyong mga pinag-sasasabi? Wala akong amang
mapagpabaya sa pamilya!!! Nang marinig ni Victor ang sagot ng anak ay tila nagdilim ang kaniyang mga paningin
at di niya namamalayan na nasaktan niya ang kaniyang anak. Napagbuhatan ng kamay ni Victor ang anak.
Anak, pasensiya na hindi ko lamang talaga napigilan ang aking sarili, paumanhin anak. Lalong sumama ang
tingin ni Krishna sa ama at lalong pumaibabaw ang poot sa kaniyang pusot isipan. At higit sa lahat wala akong
amang bayolente at masama!!! Wala kayong karapatang saktan ako. At walang anu-anoy isa isang yumapak sa
sahig si Krishna at mabilis na tumakbo patungo sa kaniyang kuwarto habang naghihinagpis ang anak. Lubos na
pinagsisihan ni Victor ang nagyari kung kayat kaagad niyang pinatunguhan ang silid ng kaniyang anak. Anak,
pasensiya na hindi ko sinasadyang gawin iyon sa iyo, anak parang awa mo na lumabas ka na diyan. Pinairal ni
Krishna ang kaniyang kaasingtaas ng bundok na panghuhusga sa kaniyang ama, hindi na lamang niya pinansin
ang ama. Sumuko na ang ama sa kasusuyo sa kaniyang anak at bumalik na lamang sa kaniyang kuwarto.
Samantala, patuloy pa rin ang tila isang talon na tuloy-tuloy ang luhang bumubulwak mula sa kaniyang malatalang mga mata. Di namalayan ni Krishna na siya palay naiglip na.
Halos sumpain ng mga may rayuma ang panahon sapagkat malamig ang simoy ng hangin ng bukang-liwayway
nang may isang malumanay at mahinang bulong ang narinig ni Kishna na tila naglalakbay tungo sa kaniyang
mga tainga. Krishna. Nagising sa kamulatan si Krishna at kaniyang ikinagulat nang may nakita siyang isang
lalaking nakatunghay sa bintana. A A Antonio?! Anong ginagawa mo rito? At saka paano ka nakapasok sa
aming tahanan? Pasigaw na wika ni Krishna. Takang-taka si Krishna kung paano nakapuslit ang nobyo sa bahay
samantalang nasa ikalawang palapag ng bahay si Krishna. Huwag kang maingay, maaari tayong marinig ng
iyong mga magulang, napag-isip isip ko na tayoy magtanan na upang magpakalayo-layo na pabulong na wika ni
Antonio. Nabigla si Krishna sa narinig at tila siyay tumatanggi.

Ha?! Iyo pa ba na nalalaman ang iyong mga sinasambit? Hindi pa tayo maaaring magtanan sapagkat mura pa an
gating kaisipan at tayoy bata pa. Tila hindi maipinta ang mukha ni Antonio nang marinig ang pahayag ng
kasintahan, ngunit nakaisip siya ng paraan upang mapasakanya si Krishna, tinakot niya ito. Krishna ikay
makinig sa akin, kung hindi ka sasama sa akin hinding hindi mo na makikita kahit anino ko at ipagtatabuyan kita
bilang dati kong kasintahan! Nagulat si Krishna sa narinig, napaisip ang babae kung sasama ba siya o hindi. Sa
sobrang pagmamahal ni Krishna kay Antonio ay sumama siya rito at iginayak ang kaniyang gamit. Pagkatapos
mag-ayos ng gamit ni Krishna ay tila siya ay nag-iwan ng isang liham para sa kaniyang mga magulang.

Mahal kong Ina at Ama,


Nay, pasensiya na po kung hindi ako nagpaalam sa inyo, hindi kop o
kagustuhan na kayo ay iwanan. Nay, pasensya na po dahil pinipilit po ako
ni Antonio na sumama sa kaniya. Nay alam niyo po na kasintahan ko siya at
nagmamahalan kami kayat kagustuhan ko din po na sumama sa kaniya.
Palagi po kayong mag-iingat kasama ang iba ko pa na mga iniwan na kapatid.
Hindi niyo po ba gusto ito? Na mawala na ang salot sa buhay ninyo. Nay
hanggang dito na lamang po ako. Maraming salamat.
Nagmamahal, Krishna
Habang nag-uusap ang magkasintahan nang sila ay makababa ay kanilang pinag-usapan kung saan ang kanilang
matutuluyang bahay-panahanan. Mayroon nang alam na matutuluyan si Antonio ngunit tila tinuligsa ito ni
Krishna. Mahal ko, akoy mayroong alam na matutuluyan doon sa kabihasnan halinat pumaroon na tayo upang
makapagpahinga wika ni Antonio. Ngunit tila hindi pa handa si Krishna na magsama silang dalawa sa isang
kuwarto at bigla niyang naisip ang kanyang kaibigan na nananahan sa kabihasnan upang doon na lamang
tumuloy. Ah Mahal akoy mayroon na din na alam na matutuluyan sa kabihasnan yung kaibigan ko doon at wala
kang nararapat pang alalahanin sapagkat babae rin iyon wika ni Krishna. Tila pumawag naman si Antonio sa
kagustuhan ng kasintahan at sila ay sumakay na nang sasakyan tungo sa bayan. Pagdating nila sa bayan ay tila
naghiwalay na nang landas na tatahakin ang dalawa sa kanilang tutuluyang tahanan. Mag-iingat ka mahal ko
wika ni Antonio sa kasintahan habang naglalakad papunta sa isang maliit na eskinita. Mag-ingat ka rin
Antonio sagot naman ni Krishna.
Narating na ni Krishna ang tahanan ng kaibigan, at nang siya ay pumaroon ay tinawag niya ang pangalan ng
kaibigan. Teresa! Teresa! *ding ding ding* Teresa andiyan ka pa ba?! wika ni Krishna. Nang walang anu-anoy
biglang gumalaw ang pinto ng bahay at may isang babaeng sumalubong kay Krishna at iyon na nga si Teresa.
Krishna!!! Kay tagal na nating di nagkita simula noong bumalik ka sa inyong nayon, Oh ano ikaw ba ay kamusta na?
Habang sinusulyapan ni Teresa ang kaibigan ay tila napansin nito na may dala na maletang munti. Teka, Krishna
umamin ka bakit mo dala yung gamit mo at saka bakit may dala kang maleta? Lubos na kinabahan si Krishna sa
tanong ni Teresa. Ah. Eh Teresa kasi . Wag mo sanang mamasamain kung maaari ba akong makitira sa
iyong bahay panahanan. Nabigla si Teresa nang sambitin ni Krishna ang sagot ng kaibigan ngunit mistulang iba
ang nais na sagot ni Teresa. Alam mo Krishna ayos lamang sa akin kung makikitira ka dito sa amin pero ang gusto
kong malaman ay anong nangyari sa inyo? Sinagot naman ni Krishna ang naghihintay na katanungan ni Teresa.
Ah kasi Teresa sabi ng aking mga magulang na dapat ko raw danasin ang buhay sa kabihasnan upang ako daw ay
magtagumpay sa buhay, Bueno halika nat pumasok na tayo akoy nagagalak nang kausapin ka wika ni Krishna

upang makalusot sa kaibigan tungkol sa totoong nangyari. Pinaniwalaan naman ito ni Teresa kayat silay
pumasok na sa bahay.
Habang silay nasa silid-panahanan ni Teresa ay tila nag-usap at nilibang muna ni Krishna ang kaibigan upang
hindi na nila mapag-usapan ang nangyaring pagtatanan ng dalawang magkasintahan. Alam mo Teresa ang
dami kong mga bagay na dapat ikuwento sa iyo. . . . at habang kinakausap ni Krishna si Teresa ay tila
nakaligtaan na ni Teresa ang tanong niya kay Krishna. Kinabukasan ay maagang pumasok sa trabaho si Teresa
at nag-iwan ng liham upang ipabasa kay Krishna kung ano ang dapat niyang gawin ngayong umaga na isinulat
ni Teresa sa isang pilas ng papel.

Para sayo Krishna,


Pag-gising mo nakahanda na ang iyong almusal sa hapagkainan ang iyong almusal at pagkatapos
ikaw ay maligo na at aking nalalaman na bahagyang mayroon ka nang amoy. Iyon lamang Teresa.
Teresa,

Dali-daling gumayak si Krishna at kumain ng almusalan at pagkatapos siya ay lumabas ng bahay at nagnilaynilay. Kinagabihan, dumating na si Teresa na may malaking problemang pinansyal, napansin ni Krishna na
bahagyang nagsasalubong ang kilay ni Teresa at di siya nagdalawang isip na siya ay komprontahin at kasuapin
kung ano ang nangyari. Teresa ikaw ba ay may problema, maaari mo akong mapagsabihan at maari din kitang
matulungan sa iyong suliranin sa buhay. Napatingin si Teresa kay Krishna. Bakit? Sa iyong palagay ba ay
kakayanin mong bayaran ang napakalaking halagang ipinataw sa akin? Tila napaisip si Krishna sa sinambit ng
kaibigan ngunit mayroong naisip si Krishna upang makatulong sa kaniyang kaibigan. Pero teka bakit? Anong
malaking halaga ang iyong pinagsasasabi? At sinabi na ni Teresa ang totoo kay Krishna sapagkat alam niyang
mapagkakatiwalaan ang kaniyang kaibigan. Wala naman, napagbintangan lamang ako bilang isang magnanakaw
sa isang tindahan sapagkat kaninang naganapang pangyayari ay naroon ako mismo sa pinangyarihan ng krimen
kung kayat akoy pinunterya ng mga pulis at sinabi sa may-ari na pagbayarin na lamang daw ako sa halip na
makulong sa bilangguan. Ngunit saan ako kukuha ng ganoon na kalaking pera. Isang hamak na mangagawa lamang
ako. Ano ang aking gagawin Krishna? Ano?!!!. Halos tumulo ang luha ni Teresa nang ipinahayag ang
nakapanlulumong kaganapan sa kaniyang buhay ngunit tila bumalik ang kaniyang gising na diwa noong narinig
niya ang pahayag ng kaibigan. Ah Teresa akoy may naisip na paraan upang ikay matulungan, bilang kapalit ng
pagtira ko sa iyong silid-panahanan ay maghahanap rin ako ng aking trabaho upang makatulong sa pinansyal mong
suliranin at para na rin sa kinabukasan naming dalawa ni Antonio at sa aming magiging mga magiging supling
ngunit teka ikaw bay may nalalaman na trabaho na aking papasukan upang akoy makatulong? Nabuhayan ng
loob si Teresa dahil kay Krishna at itinuro nang maayos ni Teresa ang mga maaari na pasukan na trabaho si
Krishna. At nang gabi na yaon ay kahit bumubuhos ang malakas na pagbagsak ng ulan ay tila bumubuhos rin
ang kasiyahan ni Teresa at Krishna. Buong gabi nila na pinag-usapan ang tungkol sa kanilang isasagawang
paghahanap ng trabaho.
Samantala, mayroon naman isang lalaki na tila isinumpa ng lupa at langit sa pagiging masama niyang tao. Siyay
isang buktot, at mapaglilong lalaki na sa kaniyang pananaw ay laruan lamang ang mga kababaihan na kapag
pinagsawaan ay itatapon na lamang. Ang magaling sa salita kulang sa gawa na si Antonio. Hindi alam ni Krishna
na di- pa din nagbabago ang masamang ugali ni Antonio at patuloy pa rin sa pagsusugal at pagiging babaero sa
pamamagitan ng pag-aarkila ng mga babaeng bayaran.

Nagpatuloy naman sa pagtatrabaho si Krishna at Teresa, sila ay nagtiyaga sa kaiipon ng pera upang ipangbayad
sa utang at iba pang naitabing salapi. Nagsikap sila araw araw sa katatrabaho bilang isang kasambahay,
mangagawa, labandera, o kung kayat ang pagiging karpintero ay kanila na rin na sinakyan, at matapos at ilang
buwan ay nabayaran na nila ang kanilang utang at nakapag-ipon naman ng sapat na halaga si Krishna na para
sana sa kanilang dalawa ni Antonio. Nang makahanap ng tiyempo kung kalian walang trabaho si Krishna ay
tumakas nang may iniwang sulat kay Teresa na naglalaman na siya ay babalik sa lalong madaling panahon.
Hinanap ni Krishna ang tirahan ng kaniyang kasintahan sa buong lungsod, halos bawat bahay ay kanyang
napagtanungan at nang siya ay makarating sa lokasyon at tirahan ng kaibigan ni Antonio ay kaniyang ay
nagkaroon siya ng pagkakataon na mabigyan ng eksaktong kinatitirikan ng tahanan ni Antonio. Hindi sumuko si
Krishna sa paghahanap dahil alam niyang masasayang ang kaniyang binili na surpresa para kay Antonio, isang
kuwintas na ginto at singsing na sanay tanda ng kanilang pagmamahalan. Hating-gabi na nang matalunton niya
ang eksaktong bahay-panahanan ni Antonio at walang tigil na tumawag si Krishna sa tarangkahan. Antonio!,
Antonio! Mahal ko andito na ako, nasasabik na ako sa iyo Antonio! Ngunit kahit isang tao ay walang sumagot sa
mga tawag ni Krishna dahil na rin s autos ni Antonio. Antonio? Sino ba yaong babae na tumatawag sa pangalan
mo? Mahal pa yata ang tawag sa iyo eh? nabigla si Antonio sa sinabi ng kaibigan at nang tumingin si Antonio sa
ibaba ay namataan niya si Krishna na tawag ng tawag sa kanilang tarangkahan. Ha Hindi ko kilala yaong
babae na iyon,marahil isa lamang sa mga mga. naghahangad sa akin na maging kasintahan huwag ninyo na
lamang pautal-utal na wika ni Antonio. Nagpakawala ng isang ubod ng lakas at matining na boses si Krishna na
nakapagpagising sa buong lugar bago siya umalis ng tahanan ni Antonio. Mahal kita Antonio tandaan mo
yan!!!

At pag-uwi ni Krishna sa bahay ni Teresa ay tila halos mahilo at bumagsak ito dahil sa paglalakad ni Krishna
pauwi na inabot ng maraming oras kung kayat inalagaan kaagad ni Teresa ang kaibigan. Pagkagaling sa
tahanan ni Antonio ay tila nilakad ni Krishna ang pabalik sa kanilang bahay na inabot ng apat na oras at kalahati.
Agad na pinunasan ng malamig na tuwalya ni Teresa ang kaibigan upang bumaba ang naglalagablab na lagnat
ni Krishna na maihahalintulad sa apoy. Ano ba ang iyong ginawa Krishna? Bakit ka nagkaganyan? Hindi mo man
lamang inisip ang iyong sarili!!! Saan ka ba pumaroon ? Tila isang tuod lamang si Krishna na nakahiga sa kama at
tinitigan ang mukha ng kaniyang kaibigan sapagkat hindi na nito kayang sagutin ang kaibigan. Ilang araw ang
lumipas at bumalik na sa dating sigla si Krishna at nagpasiya ulit na bumalik kay Antonio. Sa araw rin na yaon ay
makikipagkita si Antonio sa bago niyang babae sa parke. Sinigurado ni Teresa na maayos na talaga si Krishna at
kaya na ulit ang kaniyang sarili, at hndi naman siya bigo sa kaniyang inakalang mangyayari, bumalik ang dating
diwa ni Krishna ngunit di pa sinasabi ni Krishna ang totoo kay Teresa na si Krishna ay mayroong itinatagong
kasintahan sa kaniya. Paalam na Teresa akoy magbabalik sandali lamang ako sa botika at bibili lamang ako ng
gamot na aking kailangan At nahikayat naman ni Krishna si Teresa na maniwala sa kaniya, na pupunta lamang
sa botika ngunit hindi, si Krishna ay nagpunta sa parke at doon na nagsimula ang kinatatakutan na mangyari ni
Krishna, ang saktan siya ng kaniyang unang minamahal, tila bumagsak ang pundasyon ng kaniyang pagiging
masayahin, mistulang sinibak ng kaniyang nakita ang mga pananaw niya higgil sa kasintahan. Agad-agarang
sinugod ni Krishna si Antonio at ng kaniyang babae. Walang hiya kayo!, Mga mababang uri, walang hiya kayo!
Suwail ka! Isinusumpa kita Antonio! Isinusumpa kitaaaaa!!!! Nagbigla si Antonio nang sumulpot si Krishna at dalidaling pinigil ang nagwawalang babae. Hoy Krishna heto ang tatandaan mo kahit kalian hinding hindi kita
minahal kahit isang Segundo! Pinaglalaruan lang kita kasi nga ikay aking laruan lamang kaya lumayas ka sa aking
paningin ngayon din! Sinisira mo ang aking mahahalagang transaksyon hindi kita kailangan sa aking buhay wala ka
nang pera kaya wala ka na din na pagmamahal na matatanggap sa akin!

Sampal ang inabot ni Antonio mula kay Krishna. Tumakbo nang malayo si Krishna at lumuha nang lumuha at
bigla na lamang natulala na para bang nakatunghay sa karagatan sa itaas ng mga burol! At dito na nga
nagsimula ang pag-uusap ng dalawang magkaibigan tungkol sa pagkakawasak ng puso ni Krishna na ipinakita
sa pinakaunang bahagi ng nobela. Ngayon ito ang pagpapatuloy ng dalawa sa pagpapalitan ng pananaw at paguusap. Hayaan mo Krishna, marami pang mga lalaki diyan na magpapasaya at iintindi sa iyo, wala naman na
may gusto na mangyari ito kaya lang itoy bahagi na lamang ng iyong nakaraan! Sumagot naman si Krishna sa
kaibigan. Kinamumuhian ko siya! Isa siyang suwail! Sana ay nakinig na lamang ako sa aking mga magulang,
kung nangyari lamang iyon ay tila maganda ang aking buhay ngayon kasama ng aking pamilya sa nayon. Tama si
Ina hindi na talaga magbabago ang isang mapaglilong tao maliban kung nanaisin man niyang magbago at
tanggappin ang realidad sa buhay Lubos ang pagsisisi ni Krishna sapagkat ibinigay niya ang lahat sa kasintahan
ngunit niloko lamang siya.
Matapos ang mahigit tatlong taon ay tila naglaho na sa isipan ni Krishna ang buktot na si Antonio at habang
nagtatrabaho si Krishna bilang isang kasambahay ay doon niya nakilala ang isang disente, kaakit-akit na
pagmumukha, mabait, matalino, mapagmahal at maykayang lalaki na si Fernando. Dahil sa araw-araw na
nagkikita ang dalawa sa trabahong kanilang pinapasukan ay tila nabuo ang kanilang pagkakaibigan at habang
lumilipas ang panahon ay tila mas lumalim ang ugnayan nila sa isat isa. Dahil sa patuloy na panunuyot
panliligaw ni Fernando kay Krishna ay nakamit nito ang matamis nitong oo. Hay, aking nilalangit na Krishna,
akoy kalian mo kaya sasagutin. . . Kahapon, ngayon, bukas abay malay natin. Ngunit akoy di susuko Krishna sa
iyo aking mahal. Natuwa si Krishna sa pahayag ng manliligaw. Ikay huwag nang mag-alala sa araw na din na ito
akin nang tinatapos ang iyong paghihirap sapagkat hindi ka tumigil sa kasusuyo sa akin araw-araw hanggang
umabot ng limang taon at para sa akin iyo nang napatunayan na ang pag-ibig mo sa akin ay dalisay at walang
halong pag-iimbot. Simula sa araw na ito ibinibigay ko na sa iyo ang matamis kong oo. Hindi makapaniwala si
Fernando sa narinig at tila napatalon sa saying naidulot ng pahayag ni Krishna. Ako pa rin ay hindi
makapaniwala ngunit aking ipininapangako na ang pag-ibig ko sa iyoy totoo, dalisay at puro na walang halong
pag-iimbot sapagkat akoy naniniwala na ang tunay na pagmamahal ay hindi minamadali kundi iyan ay kusang
darating at paghihirapan mo na lamang upang mapatibay ang pundasyon ng iyong pag-iibigan, walang
anumang bagay ang makapag-hihiwalay sa atin at aking ipinapangako sa iyo yan mahal kong Krishna, at
ipinapangako ko na ikaw ay ang ituturing kong reyna ng aking buhay.
Lubhang natuwa si Krishna sa pahayag ng kaniyang manliligaw, kahit na minsan na siyang nasaktan ay hindi
iyon dahilan upang tumigil na siyang magmahal, intinuturo lamang sa atin ng mga maling tao na may nararapat
pa para sa iyo. Ipinapangako ko rin sa iyo na ang aking pagmamahal sa iyo ay walang hanggan at hindi
magtatapos, ipinapangako ko sa iyo na mamahalin hanggang wakas ng panahon dahil akoy naniniwala na may
habang-buhay na pagmamahalan ang dalawang taong nananalig sa isat isa, ikaw ang nagsilbing tagahilom ng
aking sugat sa aking puso, ikaw ang nagpasaya sa akin nang ako ay malungkot, ikaw ay naging isang mabuting
manliligaw at kaibigan sa akin. Sa tagal ng aking ibinuhay bakit kaya ngayon lamang kita nakilala? Bakit nga ba
ikay ngayon lamang dumating? Mahal na mahal kita. Ikaw ang pag-ibig na inasam-asam ko. Kay tagal kitang
hinintay. . . .

You might also like