You are on page 1of 8

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

S
I
N
I
N
G

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

BALANCE

5
Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City

Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.
This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.

BALANCE
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang masasabi mo na ang
kahulugan ng balance at matutukoy mo na rin ang simetrikal o pormal na
balance at ang asimetrikal o impormal na balance.

PAG-ARALAN MO

Katulad ng ritmo, ang balance o pagtitimbang-timbang ay mahalagang


prinsipyo sa sining. Ito ang bigat ng bagay sa magkabilang panig ng papel kung
larawan at ng patungan sa pag-aayos ng bagay-bagay.

Unang Larawan
Ipinakikita ang balance sa paglalagay ng parehong bagay sa magkabilang
panig na may parehong layo buhat sa gitna.
Ikalawang Larawan
Ipinakikita ang balance ng hindi magkatulad na bagay sa pamamagitan ng
paglalagay ng malaki o mabigat na bagay nang mas malapit sa gitna kaysa sa
maliit na bagay.
Ang balance ay nagpapahiwatig ng damdaming may katatagan, kaayusan
at kapayapaan.

Ang Dalawang Uri ng Balance


A. Simetrikal o Pormal na Balance
Ang balance ay simetrikal o pormal kapag buhat sa gitna ay
magkatulad at pantay ang kaayusan ng mga bagay sa kulay, hugis, laki at
bigat sa magkabilang panig ng papel o lugar o ano pa mang bagay kapag
nilagyan natin ng patayong guhit ang gitna ng ating katawan, sa kaliwa at
kanang bahagi ay may tig-isang kilay, tig-isang mata, tig-isang tenga,
kamay, paa o tigkalahating bibig, leeg, mukha, at iba pa. pantay ang
magkabilang bahagi ng ating katawan.
Ang mga kulisap at hayop ay may pantay din bahagi ng katawan
buhat sa gitna

B. Asimetrikal o Impormal na Balance


Ang balance ay asimetrikal o impormal kapag buhat sa gitna ang
kaayusan ng disenyo o bagay sa magkabilang panig ay magkaiba sa
anyo, sulat at layo ngunit magkatulad ang timbang sa bigat o paningin.
Itoy karaniwan sa mga larawan o painting at sa pag-aayos ng bulaklak sa
plorera.

PAGSANAYAN MO

A. Tapusin ang larawan. Ipakita ang simetrikal o pormal na balance.

B. Tapusin ang larawan. Ipakita ang asimetrikal o impormal balance.

GAWIN MO

1. Ihanda ang putting papel, 2 art paper (magkaiba ang kulay) gunting,
pandikit.
2. Pagpatungin ang 2 art paper na nasa loob ang kulay at gugupitin ito nang
sabay
3. Gumupit ng malaking kalahating ulo ng tao sa gilid ng papel.
4. Idikit ang ginupit na ulo nang magkaharap sa putting papel.
5. Gumupit sa natirang papel ng kilay at mata.
6. Idikit ang mga ito sa di kakulay na bahagi ng mukha.
7. Gumupit na kalahating ilong at bibig sa tuwid na gilid.
8. Idikit sa tamang puwesto sa kasalungat na kulay.
9. Gamitin ang imahinasyon sa pagpapaganda iyong gawaing sining.

ISAPUSO MO

Sagutin ang tanong. Lagyan ng

ang kolum ng sagot.

Sagutin mula sa Puso

Oo

Hindi
Gaano

Hindi

1. Natapos ko ba ang gawain?


2. Naipakita ko ba ang aking
pagkamalihain?
3. Nagdagdag ba ako ng sarili kong
imahinasyon sa larawan?
4. Nagpatulong ba ako sa iba?
5. Nasiyahan ba ako sa natapos kong
gawain?

TANDAAN MO

1. Ang balance ay ang pagtitimbang-timbang ng mga bagay sa larawan o


lugar.
2. Ang balance ay may dalawang uri.
3. Ang simetrikal o pormal na balance ay may magkatulad at pantay na
kaayusan ng bagay sa dalawang panig buhay sa gitna.
4. Ang asimetrikal o impormal na balance ay ang pag-ayos ng
magkakaibang bagay sa magkabilang panig buhat sa gitna nang
magkatulad ang timbang sa bigat at paningin.
5. Ang balance ay nagpapahiwatig ng damdaming matatag, maayos at
payapa.

PAGTATAYA

Isulat ang S kung ang balance ng larawan ay simetrikal o pormal at A


kung asimetrikal o impormal.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong


kaalaman sa hugis. Ipagpatuloy mo ang
magandang ugali.

You might also like