Claridel

You might also like

You are on page 1of 4

Pansangay na Pakitang-turo sa Pamahayagan (Journalism) VI

I.
Layunin sa PagkatutoA. Nasusunod ang mga tuntunin sa pagsulat ng
balitang sakunaB. Nakasusulat ng balitang sakuna ayon sa tamang
istruktura nitoC. Nakikilahok nang buong sigla at husay sa mga
talakayan at pangkatang Gawain
II. II. Paksa ng PagkatutoPagsulat ng Balitang
SakunaSanggunian: Pamahayagang Pilipino, pp. 60-61; Sanayang
Aklat saPamahayagan, pp. 26-34; Pamahayagang Pangkampus sa
BagongMilenyo, pp. 17-34Kagamitan: Laptop, LCD projector, MP3
player, showcards, cartolina, pentel pen,Pagpapahalaga:
III. III. PamamaraanA. Panimulang Gawain1. Pamukaw-sigla2. Ulat
PanradyoB. Pagsasanay
IV. 1. PagwawastoBasahin ang pamatnubay na nasa ibaba. Iwasto sa
pamamagitan ng paggamit ngsimbolo sa pagwawasto at sabihin kung
bakit.
V. 2. Pagkilala sa mga Uri ng PamatnubayPagsasagawa ng palaro ukol sa
pagtukoy sa ibat ibang uri ng pamatnubay
VI. C. Balik-aralPagtatalakayan ukol sa paraan ng pagsulat ng balita
(pangkatang-ulat)D. Panlinang na Gawain
VII. 1. Pag-uusap tungkol sa mga larawan na nagpapakita ng ibat ibang
sakuna
VIII. 2. Pagtalakay sa salitang sakuna
IX. 3. Pagbasa ng isang halimbawa ng balitang sakuna sakunaPagiging
maingat sa lahat ng oras Natuluyan ng maMatay ang 1 40 anyos na
ginang sa ika limang beses na tangkang tangkang suicide upang
umano y takasna ang kahirapan ng kanilangbuhay sa Tando maynila,
kamakalawa ng gabiIsang 8-buwang sanggol na lalaki ang nasawi nang
lumusot ang ulo nito sa butas ngduyan, Tondo, Maynila kamakalawa ng
hapon. Nakilala ang nasawi na si John Prince Henry ng 36B Quezon St. Tondo, sanhi ngmatinding pinsala sa kanyang ulo.Sa
ulat ni Det. Lito Lopez ng Manila Police District-Homicide Section,
dakong alas-3ng hapon nang makaidlip umano ang ina ng sanggol na si
Richelle Frogosa, 24, sa loob ngkanilang bahay habang nasa crib ang
sanggol.Alas-6 ng gabi nang tuluyang bawian ng buhay ang sanggol sa
ospital.
=

Trahedya sa Cebu: 13 nasawi sa sakuna


MANILA Patay ang 13 tao sa sampukan ng isang minibus at trailer truck sa Cebu
nitong Sabado, ayon sa ulat ng isang himpilan ng radyo. Sa ulat ng Bombo Radyo,
sinabing kabilang sa mga nasawi ay 10-taong gulang na batang babae at mga drayber
ng dalawang sasakyan na nagbanggaan.
Kabilang sa mga nasawi ay kinilalang sina
Alfred Chan; Nora Pacubas at anak nitong si Charlene; Chunie Caban; Rodrigo Laa;
Warren Aleser; Nestor Omilgo; Allan Omilgo; Jasmin Hasma; Aladin Lawit, drayber ng
bus at Alipio Quiber, drayber ng trak. Limang biktima pa ang nasugatan na pawang
dinala sa South General Hospital. Batay sa paunang imbestigasyon, lumitaw na may
20 pasahero ang minibus na patungo sa Cebu City galing sa bayan ng Sibunga nang
maganap ang trahedya. Nag-overtake umano ang bus sa isang sasakyan at
nakasalubong sa kabilang linya ang trak.
Nangako naman ang operator ng bus na si Eladio Pelalhoy na tutulungan ang mga
biktima.
Una rito, inatasan ni Press Secretary Cerge Remonde ang Department of
Social Welfare and Development na tulungan sa mga pangangailangan ng mga nasawi
at nasaktan sa aksidente. -GMANews.TV

50 pamilya, naapektuhan ng paghagupit ng ipo-ipo


sa Zamboanga City
August 30, 2013 9:16pm

Aabot sa 30 bahay ang napinsala sa paghagupit ng ipo-ipo


sa Zambonga City nitong Huwebes ng gabi, ayon sa ulat ng GMA News TV's Balita
Pilipinas Ngayon. Idinagdag sa ulat na mahigit 50 pamilya sa barangay Talon-talon
ang naapektuhan ng ipo-ipo at pansamantalang pinatuloy sa barangay hall.\
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente. -- FRJ, GMA News

73 Pinoy ang namamatay sa tuberculosis araw-araw


August 27, 2013 10:05pm

Alam niyo ba na pang-siyam ang Pilipinas sa 196 bansa sa buong mundo na may
mataas na kaso ng tuberculosis, batay umano sa isang ulat na ipinalabas ng World
Health Organization Global Tuberculosis noong 2012.
Sa isang pahayag mula kay Quezon Rep. Angelina Tan, nagbabala siya na lalong
kakalat sa maraming bahagi ng Pilipinas ang tuberculosis kung hindi bubuo ng
pambansang plano ang pamahalaan para tugunan ang problemang ito ng kalusugan.
Aniya, tinatayang 73 Filipino ang namamatay sa sakit bawat araw, at aabot sa 600,000
ang tinatawag na "carrier" o nagtataglay ng sakit. Pang-anim umano ang TB sa mga
pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy.
Dahil dito, inihain ni Tan ang House Bill 259, na nagtatakda sa Department of Health na
bumuo at ipatupad ang national plan upang tuluyang mawala ang tuberculosis sa

Pilipinas.
A national plan should focus on the prevention, detection, treatment and
control of the disease, ayon sa mambabatas. TB disease is highly contagious as each
person with active TB can spread the disease to aside from the fact that an estimated
80 percent of them have latent TB, dagdag pa niya. Kasama sa magiging mandato
sa DOH na nakapaloob sa panukala ay ang paghahanap ng mga makabagong paraan
at teknolohiya, at pakikipag-ugnayan sa mga international organization para hanapan
ng lunas o makontrol ang sakit na tuberculosis. Dagdag ni Tan, dapat magsagawa
nationwide monitoring at magkaloob ng kaukulang gamot at libreng laboratory
examination ang DOH sa mga hinihinalang TB carrier.
Maaari umanong maipasa sa
ibang tao o makahawa ang TB carrier sa pamamagitan ng maliit na patak ng likido mula
sa pagbahing o pag-ubo nito. Nakasaad din sa panukala ang pag-aatas sa
Department of Health at Commission on Higher Education (CHED) na tumulong sa
pagpapalaganap ng kaalaman sa mga kabataan tungkol sa sakit. -- RP/FRJ, GMA
News

Cesar Montano 'totally devastated' by legal battle


with wife Sunshine Cruz
August 30, 2013 8:24pm
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar Montano sa grand
launch ng Akin Pa Rin Ang Bukas nitong Huwebes ng gabi, August 29, sa Studo 7 ng
GMA Network.
Ang Akin Pa Rin Ang Bukas ang comeback project ni Cesar sa Kapuso network
pagkalipas ng dalawang taon. Naging maingat si Cesar sa pagbibigay ng pahayag
tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Sunshine Cruz, at sa mga kasong isinampa
laban sa kanya ng aktres.

Bangkay ng sexy actress na si Claudia Zobel,


nadiskubreng 'di naagnas sa Cebu
August 29, 2013 9:57pm

Pagkaraan ng halos 30 taon mula nang masawi sa isang car accident, natuklasan
nitong Miyerkules na hindi pa rin lubos na naaagnas ang mga labi ng 1980's sexy star
na Claudia Zobel na inilibing sa kanyang lalawigan sa Cebu.
Sa ulat ng "Chika
Minute" ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing ipinahukay ng pamilya ni
Zobel (Nee Thelma Maloloy-On sa tunay na buhay), ang pinaglibingan ng aktres para
doon naman ilibing ang pumanaw niyang ama.Pero laking gulat ng mga kaanak ng
aktres nang makita nila na hindi pa nagiging bungo at kalansay ang mga labi nito.
Tubong sa Cebu si Claudia na nakipagsapalaran sa Maynila at pinalad na makapasok
sa industriya ng showbiz. Isa siya sa mga pinakasikat na sexy star noong 1980's at
kabilang sa mga nagawa niyang pelikula ayShame, Uhaw Sa Pag-ibig, Bayan Ko, Kapit
sa Patalim at Sinner Or Saint."
Ngunit madaling natapos ang kasikatan ng aktres nang masawi siya sa isang car
accident sa Makati noong 1984 sa murang edad na 18.

56 katao, patuloy na hinahanap sa lumubog na


barko sa Cebu
August 27, 2013 9:15
pLabing-isang araw matapos ang banggaan ng dalawang
barko sa karagatang sakop ng Cebu, 56 katao pa rin ang nananatiling nawawala, ayon
sa Philippine Coast Guard nitong Martes. Batay ito sa pinakahuling update ng Coast
Guard sa bilang ng mga nailigtas, narekober, at mga nawawalang pasahero ng MV
Saint Thomas Aquinas 1 nitong Martes ng tanghali.
Maliban sa 56 katao na nawawala, umabot na sa 81 ang bilang ng mga nasawi sa
trahedya na narekober. Kinabibilangan ito ng 76 pasahero at limang crewmembers.
Samantala, 733 katao naman ang nailigtas. Lumubog ang MV Saint Thomas
Aquinas 1 noong Agosto 16 matapos mabunggo ng MV Sulpicio Express 7. Maliban
dito, nagkaroon din ng oil spill mula sa lumubog na barkong MV St Thomas Aquinas na
labis na nakaapekto sa bayan ng Cordova sa Cebu.
Inilagay ang buong probinsiya sa ilalim ng state of calamity dahil sa naturang oil spill.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring banggaan upang
malaman kung sino ang may pananagutan sa naganap na trahedya. -- Mandy
Fernandez/FRJ, GMA News

Panindang gulay sa Benguet, nabubulok na;


sakahan naman sa Ilocos, nalubog sa baha
August 23, 2013 7:51pm
176 29 0 208
Dumadaing na umano ang mga nagtitinda ng gulay sa La Trinidad, Benguet dahil
nabubulok na ang kanilang mga paninda dahil sa pinsala ng Habagat.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing karamihan
sa mga tindang gulay ay nababad sa tubig bunga ng ilang araw na pag-ulan.
Kakaunti rin umano ang mga namimili kaya nakaimbak na lang ang kanilang mga
tindang gulay.
Sa Badoc, Ilocos Norte, ekta-ektarya naman ng palayan ang napinsala ng baha
matapos umapaw ang kalapit na ilog.
Laking panghihinayang ng magsasaka sa barangay Bato dahil malapit na umano
sanang anihin ang kanilang palay na nasira ng baha. - FRJ, GMA News

You might also like