You are on page 1of 3

Pag-ikot ng Mundo sa Kanyang Aksis

Gawain I
a. Hawakan ang globo ng dalawang kamay at paikutin
ito mula kanluran pasilangan.
b.
Itanong:
Ano ang kinakatawan ng globo?Ano
ang nangyayari sa mundo? Saan ito umiikot? Sa
anong direksyon umiikot ang mundo? Anong
mosyon ang ipinakikita nito? Dahil sa pasalungat
na pag-ikot ng mundo, saan tila sumisikat at
lumulubog ang araw?

Pag-ikot ng Mundo sa Kanyang Aksis

Gawain II
a. Pailawin ang flashlight at itutok sa globo. Dahandahan paikutin ang globo habang pinasisinagan ng
flashlight. Isulat ang inyong obserbasyon.
b.
Itanong: Ano ang kinatawan ng flashlight? Ano
ang napansin nyo sa bahaging naiilawan ng
flashlight? Bakit? Ano naman ang mapapansin nyo
sa bahaging di naabot ng sinag ng flashlight?
Bakit? Ano ngayon ang nararanasan ng bahagi ng
mundong naaabot ng sinag ng araw? Ano naman
ang nararanasan sa bahaging di-naaabot ng sinag
ng araw o nakatalikod sa araw? Bakit tayo
nakararanas ng gabi at araw? Ilang oras tumatagal
ang gabi? araw? Anong nangyayari sa temperatura
kapag gabi? araw? Bakit

Pag-ikot ng Mundo sa Kanyang Aksis

Gawain III
a.Hanapin ang Pilipinas sa globo. Lagyan ito ng tape.
Pasinagan o pailawan ng flashlight ang Pilipinas. Isulat
ang inyong obserbasyon.
b.Ano ang nararanasan'ng bansang Pilipinas? Anu-ano
pang mga bansa ang nakararanas nito? Anu-anong mga
bansa naman ang nakararanas ng gabi?
c.Itanong: Saan umiikot ang mundo?

You might also like