Km. 15 East Service Rd., SMDP, Paranaque City Portfolio in Economics IV Kalipunan ng mga Kaalaman sa Araling Panlipunan - Respective, Riesling, Bolstar Black Ipinasa kay: G. Noriel Balanquit Ipinasa ni : Cecille Kaye M. Pacleta ng IV-Diamond I.Paunang Salita Sa mga mambabasa , Ang kalipunan na ito ay naglalaman ng iba't ibang impormasyon paukol sa aming piling aralin sa Ekonomiks. Ang mga litrato at impormasyon dito ay malinaw na ipinapahayag upang makatulong sa mas mabisang pagkatuto. Ito'y pinagsama samang kaalaman mula sa libro at internet na ipinaskil sa pinakamalikhaing paraan na aking naisip. Ang lahat ng ito'y magsisilbing hamon saakin upang mapatibay ang aking kahusayan pagdating sa kritikal at masining na pag-iisip.Nawa'y mabusog ang inyong isipan sa mga impormasyon mula dito. Inaasahan kong magagamit ng sinuman ang mga kaalamang nakapaloob dito upang mahubog bilang isang mahusay, maka-Diyos at makabayang mamamayan. II. Dedikasyon Iniaalay ko ang proyektong ito sa aking mga magulang para sa kanilang moral at pinansyal na tulong upang magawa ko ang proyektong ito Sa aking kapwa mag-aaral, maraming salamat sa inyong mga naitulong saakin upang ako'y lubos na matuto. Lubos din akong nagpapasalamat sa aming guro, sa walng sawang pagtuturo sa amin ng mga bagay na dapat naming malaman sa loob at labas ng paaralan. Nagpapasalmat in ako sa Poong Maykapal sa kanyang ibinigay na lakas at talino sa akin upang masiagawa ang proyektong ito. Maraming salamat din sa lahat ng taong tumulong sa akin ng buong puso.