You are on page 1of 1

K-12: Kaagapay o Pasakit?

Tatlong taon na ang nakalipas matapos isumite ang K-12 program sa buong Pilipinas. Maraming
kinailangan na kagamitan at pasilidad upang mas maging epektibo ang programang ito sa pagkamit ng mataas na antas
ng edukasyon sa Pilipinas. Pero sa kabilang banda anon a nga ba ang epekto ng K-12 sa atin?
Kulang sa modules at sa mga guro at silid-aralan, dagdag pa dito ang paraan ng pagtuturo mismo. Ang mga ito ay
ilan lamang sa mga problemang dala ng K-12. Ang k-12 ay nakasentro sa sariling pagkatuto: bibigyan ka lamang ng mga
babasahin at ikaw na ang bahala sa mga tanong matapos ang babasahing mga iyon. Sumunod naman ay ang mga guro
at pasilidad, ang mga gamit natin doon ay kompleto at halos lahat ay kapakipakinabang, ngunit sa paglipas ng panahon,
paunti-unti ng kumokonti ang bilang ng guro at hindi na angkop ang bilang ng studyante sa isang silid, minsan marami
na at minsan naman ay gumana. Sa dami ng bilang ng estudyante sa isang silid, mahihirapan ang mga ito sa pagkatuto
dahil ang isang guro ay nakatuon lamang sa 45 estudyante sa isang silid.
Sa kabilang banda nito, may mga bunga rin naman na sa pagsunod nito. malapit na natin matunghayan ang
unting- unting pagbabago sa kalidad ng eduksayon sa Pilipinas. Isang taon na lang at magkakaroon na ng Senior High
School. Ito ay magsisilbing Training Center ng mga estudyante bago humakbang sa kolehiyo. Sa ngayon, nakabantay
parin ang Departement of Education (DepEd) at ang ating pamahalaan sa kung ano ang kailangan ng bawat paaralan
upang matugunan ang pangangailangan ng Senior High School Student. Kaya nga mas naglaan ang ating pamahalaan sa
DepEd upang magamit ito sa tama.

You might also like