Professional Documents
Culture Documents
Marilyn
Marilyn
Kasaysayan
Naniniwala ang mga humanista na mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan upang maunawaan nila ang panahong
kanilang kinabibilangan.
Sa kanilang pag aaral ay natuklasan nila ang mga pagkakamali ng mga eskribano ng middle ages sa pagkopya
mula sa orihinal. May natuklasan din silang mga huwad na dokumento kung kaya nagsimula silang magsiyasat sa
pagiging makatotohanan ng mga diumanoy isinulat ng mga eksperto.
Isang produkto ang kritikal na pagsusuri ng mga teksto ang sanaysay ni Lorenzo Valla (Circa 1406-1457) na may
pamagat na Declamation Concerning the False Decretals of Constantine (1439-1440).Sa akdang ito, pinatunayan
ni valla na huwad ang dokumentong nagsasaad na inilipat ni haring Constantine sa Santo Papa ang kapangyarihan
sa Santo Papa ang kapangyarihan sa pamumuno sa kanlurang bahagi ng Imperyong Roman nang inilipat niya ang
kabisera sa Constantinople.
Mga mahuhusay na manunulat sa panahon ng renaissance:(mula kaliwa) Francois Rabelais Miguel de Cervantes
Saavedra at william shakespeare.
Panitikan
Masasalamin sa panitikan ang temang humanistiko. Mapapansin sa mga sakda ng mga manunulat ng renaissance
ang paghamon sa mga kaisipan ng middle ages, lalo na sa ideya ng pagiging makapangyarihan ng simbahan.
Sa France, si Francois Rabelais(1494-1553) nag may akda ng limang tamang aklat na pinamagatang Gargantua
and Pantagruel kung saan ginawa niyang katawa tawa ang mga taong hindi naniniwala sa humanismo.
Naging Tanyag naman si Michael de Montaigne (1533-1592) dahil sa kanyang akdang essays na nalathala noong
1580 at nagimpluwensya sa panitikanng europeo sa modernong panahon. Ito ay dahil sa estilong pagkakasulat nito
parang nakikipgusap at sa mga pinaksa ni Montaigne tungkol sa sarili, edukasyon, pakikipagkaibigan at iba pa
niyang mga interes.
Sa Spain napantanyag si Miguel de Cervantes Saavedra (1547-1616) sa kanyang akdang Don Quixote de la
Mancha na nailathala noong 1605. Sa nobelang ito, tinuligsa niya ang medieval na batayan ng katapangan na
nakasaad sa chivalry.
maihahalintulad sa sining n klasikal ng mga Roman at Greek kung saan binibigyang halaga ang pagiging kakaiba
ng bawat mukha at pigura ng tao. Ang paggamit ng mga bagong materyal gaya ng mga oil-based paint ay
katangian din ng panahong ito. katangian din nito ang paggamit ng tinatawag na na perpekstiba o impresyon ng
lalim at layo s flat o surface ng painting upang makalikha ng realismo. Tumutukoy ang realismo sa paglalarawan
ng mga bagay o tao batay sa tunay na anyo nito.
Isa sa ga tanyag na henyo ng sining noong renaissance ay ng Italian na sina Giotto Bondone (1267-1337) na unang
gumamit ng teknik sa paglikha ng perpekstiba noong ika 14 siglo . Si Filippo Brunellschi ang nakatuklas sa
paggamit ng mathematical laws upang maipakita nang malinaw ang perpekstiba. ang Flemish na si John Van Eyck
namn ang nagsulong ng bagong teknik ng oil painting.
Si Leonrdo da Vinci ang nagpinta ng The Last supper (1498) at Mona Lisa (1503-1507) . Si Michael Angelo
Buonarroti ang itinuturing na pinakamahusay na eskultor ng Renaissance. Nakilala si Raphael Santi sa kanyang
mga pinta ng Madonna mula 1499 hanggang 1520. Bukod sa tatlo is pang naptanyag si Orazio Gentileschi na may
likha ng Portrait of a Young Woman as a Sibyl (1620).
ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE
Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinaggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay
ng kanilang propesyon sa Italy. Si Isotta Nagarola ng may akda ng Dialogue on Adam and Eve(1451) at Oration On
The Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kanyang kahusayan sa pagunawasa mga isyung teolohikal. Nariyan
din si Laura Cereta mula sa brescia na bago mamatay sa gulng na 30 ay isinulong ng isang makabuluhang
pagttanggol sa pag-aaral para sa kababaihan.
Sa Pagsulat ng Tula nariyan sila :Verronica Franco mula sa Venice at Vittoria Colonna Mula sa Rome . Sa
larangan ng Pagpipinta nriyan sina Sofonisba Anguissola mula sa Cremona na my likha ng self-portrait (1554) at si
Artemisia Gentileschi , Anak ni Orazio Gentileschi na ngapinta nag Judith and Her Maidservant with the head of
Holofernes (1625) at Self -Portrait as the allegorry of Painting(1630).
EPEKTO NG PALIMBGAN SA PAGLAGANAP NG RENAISSANCE
Gumagamit na ang mg eurepeo ng wood block printing simula ika-12 siglo. kahawig ito ng ginagamit ng mga tsino
simula 800 C.E. Noong unang bahagi ng dekada 1450, nakapaglimbag ang German na si Johann Gutenberg ng
unang aklat , isang kopya ng bibliya, gamit ang naimbento niyang movable type na mas moderno kaysa naunang
tipo.
Ang mga akda ng mga humanista ay lumaganap sa pamamagitan ng palimbagan. Mahalaga rito ang In Praise Of
Folly(1511) ni Desidarius Eresmus (circa 1466-1536 ) na itinuturing na dahilan ng paglaganap ng Renaissance
bilang isang pandaigdigang kilusan. Ginamit niya ang kapangyarihan ng pluma upang tuligsain ang teolohiyang
eskolastika pang-aabuso ng kaparian , at itaguyod ang kanyang pilosopiya tungkol kay kristo. Sa Katunayan ang
Humanismong Erasmian ay makikita sa mga akdang ng mga french na manunulat sa palimbagan mahirap
maisakatuparan ang paglaganap ng kulturang Renaissance . Maging ang paglaganap ng mga ideya kaugnay ng
repormasyon at rebolusyong siyentipiko ay nakikinabang din ng malaki sa pagunlad ng palimbagan.
Marla Lane Martinez
III-ESEP Mendeleev