You are on page 1of 4

Blg.

1 Tomo 1

OPISYAL NA POLYETO NG KAGAWARAN NG FILIPINO

Hunyo 2012 - Pebrero 2013

Ni Mary Grace I. Pasaoa


LUMAHOK ang pambato ng Pambansang
Komprehensibong Mataas na Paaralan ng
Calasiao (PKMPC) sa National Schools
Press Conference (NSPC) na ginanap sa
Puerto Princesa City, Palawan, Abril 9-13,
2012.
Matapos mahablot ni Charlene T.
Gutierrez ang ikalawang puwesto sa
pagwawasto ng sipi at pag-uulo ng balita sa
isinagawang Regional Schools Press Conference (RSPC) sa Dagupan City National
High School (DCNHS) noong Disyembre 1820, 2011, muli siyang sumabak para sa pambansang patimpalak.
Apatnaput walong tagawasto ng sipi
mula sa ibat ibang paaralan sa ibat ibang
rehiyon sa buong Pilipinas ang nagtagisan
ng galing sa patimpalak na ito.
Hindi man pinalad, masaya pa rin si
Gutierrez sa kanyang narating at naranasan.
Kahit hindi ako nanalo, masaya pa rin ako
NARITO NA KAMI. Nakangiti si Charlene T. Gutierrez kasama ang tagapayong si Bb. dahil nakarating ako sa isang pambansang
Wilma G. Macatbag sa kanilang paglahok sa National Schools Press Conference (NSPC) patimpalak tulad ng NSPC, wika ni
2012 na ginanap sa Puerto Princesa City, Palawan, Abril 9-13.
Gutierrez.
Sinanay ni Bb. Wilma G. Macatbag, tagapayo ng Ang Sombrero, si Gutierrez.
Sa pagdaraos ng Pampaaralang Education Summit

Sa RSPC 2013

Nina Arvin L. Bacos at Daryl U. Facun - IV-Sampaguita

Nakipagsabayan ang Kagawaran ng


Filipino sa iba pang kagawaran nang
idaos ng Pambansang Komprehensibong Mataas na Paaralan ng Calasiao
(PKMPC) ang kauna-unahang Pampaaralang Education Summit Fair and Exhibit,
Oktubre 18-20, 2012.
Pinangunahan ni Dr. Ferdinand A.
Torres, ulongguro III, ang naturang kagawaran.
Nakipagtalbugan ang kagawaran sa
pagandahan ng booth at pagalingan sa
video presentation.
Tulong-tulong ang 16 na guro sa kagawaran upang maging maayos at maganda
ang booth.
Tumulong din ang mga mag-aaral sa
paghahanda sa naturang booth.
Itinampok sa booth ang mga natatanging likha ng mga mag-aaral tulad ng mga
sanaysay, tula, maikling kuwento at nobela
sa asignaturang Filipino sa ibat ibang antas. Ibinida rin ang mga iginuhit na eksena

mula sa Ibong Adarna, Florante at Laura,


Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Natunghayan ng mga mag-aaral ang
mga awtput na itinampok sa booth nang
bigyan sila ng 30 minuto upang bisitahin
ang ibat ibang booth.
Iniluklok din sa tungkulin ang mga opisyal ng Master Teachers Association of
Calasiao (Antas Sekundarya) sa pangunguna ni Dr. Lourdes D. Servito,punongguro
IV ng PKMPC, bilang inducting officer. Kabilang sa mga nahalal ay si Gng. Mercelita F.
Valle, daludguro I ng Kagawarang Filipino,
bilang Tagapamahala ng asosasyon.
Kasamang iniluklok sa tungkulin ang
mga dalubguro sa ibang mataas na paaralan ng Calasiao.
Matagumpay na naidaos ang naturang
programa sa pangunguna ni Dr. Servito,
Gng. Fe Reyes, pangulo ng ParentsTeachers Association (PTA) at Gng. Carmelita Pobre, pangkalahatang tagapag-ugnay.

Ni Charlene Gale M. Lee


7-Maka-Agham

Nakamit ng Dibisyon ng Pangasinan I ang


ikatlong puwesto sa Collaborative Publishing (Filipino) sa ginanap na Regional
Schools Press Conference (RSPC) 2013
sa Urdaneta I Central School, Lungsod ng
Urdaneta, Pangasinan, Pebrero 13-15.
Ang grupong kinatawan ng dibisyon ay
binubuo ng mga mag-aaral sa ibat ibang
paaralang sakop ng dibisyon.
Kabilang sa grupong ito si Noemi S. Bermachea, mag-aaral ng Pambansang Komprehensibong Mataas na Paaralan ng
Calasiao (PKMPC) at tagasulat ng balita ng
pahayagang Ang Sombrero (AS) ng paaralan.
Si Bermachea ay sinanay ni Bb. Wilma G.
Macatbag, tagapayo ng AS, at ginabayan
naman ni G. Ferdinand A. Torres, ulongguro
III ng Kagawaran ng Filipino.

KAYUMANGGI

(Ikalawang Gantimpala, Buwan ng Wika 2012) Ni Charlene Gale M. Lee - 7-Maka-Agham

Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang sinasalita. Wikang nagtataglay ng katangiang kakaiba sa ibang wika. Wika na isang
matibay na pagkakakilanlan nating mga Pilipino.
Ibat ibang wika mayroon ang Pilipinas.
Bawat probinsiya ay ibang wika ang sinasalita.
Ngunit kahit iba-iba ang wika ng ibat ibang
probinsiya, Wikang Filipino pa rin ang ating
pambansang wika. Ito ay ayon sa Kontitusyon
ng 1987.
Pinaunlad at pinayabong ang Wikang Filipino. Pinanday at pinatatag upang maging
sandata ng bawat Pilipino laban sa kamangmangan at pagkakawatak-watak. Ito ang nagsisilbing bigkis nating mga Pilipino upang
magbuklod lahat ng tao sa ibat ibang bahagi
ng Pilipinas. Pinagkakaisa tayo upang lumakas ang ating hangaring mapaunlad ang
ating bansa at makaahon mula sa pagkakalugmok sa kahirapan.
Ang paggamit ng ibat ibang wikang banyaga at pagkakahumaling sa mga ito ang
nagpapahina sa ating lahi. Ang pagpili ng
paggamit ng wikang banyaga sa halip na sariling wika ay nangangahulugang pagtatakwil sa
iyong sariling lahing pinanggalingan. Oo ngat
kailangan nating pag-aralan at gamitin ang Wi-

kang Ingles dahil ito ay isa sa wikang opisyal


ng Pilipinas at upang kaya nating makipagsabayan at makipagtalastasan sa ibang bansa.
Subalit huwag sana nating kalilimutan na sariling pagkakakilanlan natin ang Wikang Filipino
kayat dapat itong higit na pahalagahan at
gamitin ng bawat isa sa atin.
Bilang paggalang at pagmamahal sa ating
bansa at lahi, nararapat lamang ang pagtangkilik at paggamit ng ating sariling wika. Ang
paggamit ng ating wika sa araw-araw na pamumuhay ay tulad ng apoy na patuloy na nagaalab at nagbibigay-liwanag sa ating buhay.
Ito ay nagbibigay ng ibayong lakas upang
manatiling matatag ang lahi natin.
Ipagmalaki sa buong mundo ang sarling wika natin. Huwag ikahiya kaninuman sapagkat
ang pagkakaroon ng wika ay kaloob ng langit
ayon nga kay Rizal. Huwag hayaang mabalewala ang ating wika bagkus itoy palaguin at
payabungin upang umunlad at makaagapay
sa pagbabago ng panahon.
Pagyamanin, paunlarin, pahalagahan at gamitin nating mga Pilipino ang Wikang Filipino
na ating pambansang wika upang maging matatag ang lipunang ating ginagalawan, at ang
pagkakakilanlan ng ating lahi, at manatili itong
malakas upang di matinag ng kahit anuman.

Ni Quincy Ira Bulatao - III-Eagle

Mundoy nagalak noong unang nasilayan


Ang mga punot halaman na nagsasayawan
Mga ibon ay nagliliparan sa langit
Sabay sa hangin habang umaawit.
Asul na langit na tapat ng dagat
At sang milyong isdang kayamanan
Matatayog na punoy di sapat
Mga bulaklak ay sobra pa sa isang dangkal.
Nang tumagal, mga punoy bilang na lang
Sapagkat itoy walang awang pinagpapaslang
At dagat ay karga ang basura
Kabilang ang kayamanang nalalason na.
Mga taoy sana gumana ang utak
Na dapat di na gumamit ng itak
Inang Kalikasan ay walang katapusang
arugain

EDITORYAL

PATNUGUTAN

KAYUMANGGI
P.T. 2012-2013
DARYL U. FACUN
Punong Patnugot
EARL KINGSLEY R. EQUILA
MARY GRACE I. PASAOA
Pangalawang Patnugot
MARIE F. RODAS
ARVIN L. BACOS
MELISSA FE HORA
CHARLENE GALE M. LEE
ALMIRA G. BARROGA
NOEMI S. BERMACHEA
Mga Patnugot sa Balita
MC KRISTIAN G. BALBALOSA
QUINCY IRA V. BULATAO
ANNE LAURICE S. PERALTA
LYRA JONNELLE G. JIMENEZ
Mga Patnugot sa Lathalain
WILMA G. MACATBAG
Tagapayo
FERDINAND A. TORRES, Ed. D.
Ulongguro III
LOURDES D. SERVITO, Ed. D.
Punongguro IV

Ni Earl Kingsley R. Equila

linsunod sa DepEd Order No. 16 series of 2012 na nagpapatupad sa K to 12


Basic Education program, inimplementa ngayong panuruang taon ang Mother
Tongue Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE) sa ating bansa.
Ang MTB-MLE ay naglalayong matulungan ang ating mga kabataan upang magkaroon ng maayos na pag-aaral at madaling makaintindi ng mga araling mahirap unawain tulad ng Matematika at iba pa gamit ang kani-kanilang sariling wika.
Ang pagkakaroon ng ganitong programa ng DepEd ay isa pa ring malaking palaisipan sa atin. Ito nga ba ay talagang makatutulong sa pag-aaral ng ating mga kabataang
pag-asa ng bayan? O ito ay magiging isa na namang walang kuwentang programa ng
ating gobyerno?
Kung ating susuriing mabuti, sadya ngang makatutulong ang MTB-MLE sa ating
bansa. Sapagkat ito nga ay may mga layuning makabubuti sa bawat isa sa atin.
Subalit hindi ba naisip ng gobyerno ang maaaring idulot kapag patuloy itong iimplementa?
Marami ang mga hindi magandang mangyari sa ating bansa kung mangyayari ang
nabanggit. Isa na rito ang pagkasanay ng ating mga kabataan sa kanilang kinagisnang
wika. Maaaring masanay ang mga ito kayat maaari itong maging balakid sa paghahanap ng trabaho o kayay pagtuntong ng ilan sa ating mga kababayan sa ibang
bansa upang maghanapbuhay para sa pamilya rito sa Pilipinas.
Ngunit kahit na may mga hindi kanais-nais na maidudulot ito, hindi pa rin maiaalis
ang katotohanang ginawa ang MTB-MLE upang makatulong sa ating bansa. Hindi
lamang sa pag-aaral ng mga bata kundi maging sa pagkilala sa kultura ng ating bansa.
Ito ang magmimistulang tiket ng ating mga kabataan upang maunawaan ang kanilang mga aralin, makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho na
makatutulong sa kanilang pamumuhay.
Kayat tama ang desisyon ng ating gobyerno na mag-implementa ng ganitong programa sapagkat napakalaking tulong ito para sa mga mag-aaral.

KAYUMANGGI

Dakilang Nilalang
Ni Mc Kristian G. Balbalosa - III-Eagle

Dakila. Isang pang-uring madalas gamitin sa isang taong ginagawa ang lahat, nagsasakripisyo at nagmamahal.
Magulang. Dugot pawis ang puhunan ng pagsasakripisyo na ginagawa upang gampanan ang tungkuling tustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga supling.
Ngunit sa kabila ng lahat, handa ba ang mga anak na gampanan ang kanilang tungkuling
suklian ang paghihirap ng mga magulang?
Ang pagiging magulang ay isang pangako na mahirap bigyan ng katuparan. Ito ay tila
kusang loob na pagpasok sa bilangguan na hindi alam ang magiging kahihinatnan, hindi
alam kung ano ang unang gagawin. Wala nga namang kurso na maaaring kunin o pagaralan upang maging propesyunal na magulang.
Ang mga magulang ay kaibigan sa loob at labas ng tahanan. Sa bawat pahina ng ating
buhay ay may pangyayaring naghahatid sa atin ng kasiyahan at kalungkutan. At sa bawat
araw na ito ay naririyan ang ating mga magulang upang tayo ay damayan. Sa bawat problemang dumaraan ay naririyan sila upang magsilbing sandalan at nagbibigay-lakas. Lagi
silang naririyan upang punasan ang mga luhang pumapatak mula sa ating mga mata.
Ang mga magulang ay simbolo ng pagmamahal. Sila ay mga huwaran sa pagkakaroon
ng pagmamahal na hindi mo mahahanap at mararamdaman mula sa iba.
Maaari ngang binibilang natin ang bawat hampas ng patpat na dumadapo sa balat
natin, ngunit hindi mabibilang sa ating mga daliri ang mga sakit ng katawan na kanilang
nararanasan sa pagsasakripisyo, maipadama lang sa atin ang kalingang hinahanap natin.
Ang mga magulang ang haligi at ilaw natin sa pagtahak sa tuwid na landas. Sila ang
nagbibigay ng pag-asa at nagsisindi sa namatay na kandilang ating ginagamit sa pagtahak
sa madilim na daan ng buhay. Sila ang nagsisilbing inspirasyon natin upang makamit ang
tagumpay na ating hinahangad.
Sa bawat gabing hindi kompleto ang kanilang mga tulog upang magbanat ng buto para
sa ating kapakanan, ito sana ay magganyak sa ating tuparin din ang tungkulin na suklian
ng tagumpay, ng ngiti at ng galak ang kanilang mga dakilang puso. Patuloy nating bigyang
pugay ang mga magulang. Silang mga dakilang nilalang dito sa mundo.

Ni Anne Laurice S. Peralta - III-Mendeleev

Sinakop tayo nang walang kalabanlaban


Ilang taon tayoy pinahirapan
Ang munting sigaw ng bayan
Ang kalayaanna ating kailangan.
Lumaban ating dakilang bayanit kababayan
Dugot pawis ay kanilang isinakripisyo
Ang kinalakhang bayan ay ipinaglaban
Para sa susunod na henerasyon, sa atin,
sa inyo.
Ngunit hindi ito maaabot, makakamtan
Nang walang Diyos na pinaniniwalaan
At Siya ang makapangyarihan
Sa buong bayan, sa sangkatauhan.
Ngayoy nakamit natin ang ating
kalayaan
Tayo ay magkaisat magtulungan
Upang maipagtanggol ang ating bayan
Sa anumang unos at kapahamakan.

Mundong Kinalimutan
Ni Bb. Wilma G. Macatbag - Guro III

Buhay at mundong maaliwalas


Kapiling mga taong mistulang mga alas
Saya at halakhak ng animoy bilanggong
takas
Pinagsaluhan na para bang wala ng bukas.
Pagmamahal sa pagitan natiy di matinag
Pagsasamahay hindi mabuwag-buwag,
Ng mga sabi-sabi ng isipang maluwag
Mundo natiy punumpuno ng liwanag.
Sa pagdating ng pag-ibig at relasyon
Dalay saya at komplikasyon
At nawala na lang sa isang iglap
Pagtitinginan at pagkakaibigang tapat.
Nawala ang masasayang araw natin
Mga oras ng kuwentuhan at bonding
Nakalimutan pati mga bagay na nakasanayan
Gaya ng pagbati sa unang minuto ng aking
kaarawan.
Ako ang nagbago, wika mo
Ninais ang tahimik na mundo
Sa wari koy mga pangyayari sa iyong nakaraan
Bahagi na ng mundong kinalimutan.
Ngayon, gusto lang itanong
Ng isip kong wariy hilong-talilong,
Kaibigan, kasama ba ako
Sa mundong kinalimutan mo?

Ni Lyra Jonnelle G. Jimenez - III-Mendeleev


Bawat isa sa atin ay dumaraan sa
pagiging tinedyer. Ito ang pinakamasaya at
pinakahihintay na bahagi sa buhay ng isang
tao. Tinedyerbakit nga maraming nagsasabi na ito ang pinaka-exciting na bahagi
sa buhay ng isang tao?
Masaya ang pagiging tinedyer sapagkat ito ang panahon kung kailan nagkakaroon ng kalayaan na gawin ang isang bagay kagaya na lamang ng pamamasyal o
paglabas kasama ang mga kaibigan at
pagkakaroon na rin ng pagkakataon na
magdesisyon para sa sarili, di gaya na
noong bata pa na lahat ay desis-yon ng
magulang. Dito rin nagsisimula ang pagbabago sa pag-uugali, pisikal na anyo at nararamdaman.
Nagbabago na ang ating pag-uugali
dahil lumalawak na ang ating kaalaman.
Nalalaman na natin kung ano nga ba ang
tama at maling gawain bilang isang tao at
bilang isang tinedyer. Subalit may mga
tinedyer na napapahamak dahil sa kapusukan. Kailangan nating maging responsableng tinedyer, gampanan ang mga tungkulin at responsibilidad upang maabot ang
pinapangarap na tagumpay.
Isa pa sa pagbabago bilang isang
tinedyer ay ang pagbabago sa pisikal na
anyo. Mapapansin natin sa mga bata na si-

la ay wala pang pakialam sa kanilang sarili


subalit tayong mga tinedyer, pinapahalagahan na natin ang ating mga sarili.
Marami na rin ang mga naging pagbabago
kagaya ng pagtangkad, paraan ng pananamit, pagkinis ng balat at iba pa sapagkat sa
edad na ito ay natuto tayong alagaan ang
ating sarili.
Pagbabago sa nararamdaman ay isa
rin sa mga pagbabago sa buhay ng isang
tinedyer. Hindi lang pagkaawa, pagkadismaya at iba pa ang ating nararamdaman
pati pag-ibig ay nararamdaman na rin. Ang
sobrang pag-ibig sa isang tao ay nakapagdudulot ng kasamaan. Bakit? Sinasabi nga
nila, ang lahat ng bagay kapag nasobrahan ay nagdudulot ng kasamaan. Sa
panahon natin ngayon, maraming tinedyer
ang sobrang magmahal, hindi na naiisip
kung ano ang posibleng maging epekto
nito. Inuuna ang mga nararamdaman kaysa
sa kanilang mga pangarap. Upang hindi
masira ang kinabukasan, kailangang matutong kontrolin ang nararamdaman.
Ito ang pinaka-exciting at pinakadelikadong bahagi sa buhay ng isang tao kaya
dapat maging maingat sa lahat ng ating
mga pasya, maging maingat sa pagpili ng
mga kaibigan at higit sa lahat, makinig sa
payo ng mga magulang.

Sa 23rd Division Secondary Schools Press Conference

PKMPC, nasungkit ang pangalawang puwesto


Nina Trexie Ann M. Domalanta at Marie F. Rodas - IV-Sampaguita

Nasungkit ng Pambansang Komprehensibong Mataas na Paaralan ng


Calasiao (PKMPC) ang pangkalahatang
pangalawang puwesto sa ginanap na
23rd Division Secondary Schools Press
Conference sa Pangasinan School of
Arts and Trades (PSAT), Lingayen, Pangasinan, Enero 28-29.
Umikot sa temang Campus Journalists: Championing Ethics in Social Media
ang naturang patimpalak.
Nahablot nina Mary Grace I. Pasaoa
ang unang puwesto sa Pagwawasto ng Sipi
at Pag-uulo ng Balita sa Filipino at Quennie
Iris V. Bulatao sa Pagsulat ng Editoryal sa
Ingles.
Nagwagi rin sina John Patrick Palaganas, ikatlong puwesto sa Pagsulat ng Isports at Fairlin Lavaro, ikaapat na puwesto
sa Pagguhit ng Kartung Pang-editoryal sa
Ingles.
Nakuha naman nina Daryl U. Facun
ang ikalimang puwesto sa Pagsulat ng
Isports at ikaanim na puwesto naman si Mc
Kristian G. Balbalosa sa Pagsulat ng Balita
sa Filipino.
Nangibabaw rin ang galing ng dalawang grupo ng PKMPC nang angkinin ang
kampeonato sa Radio Broadcasting at
Scriptwriting sa Filipino at Ingles. Ang grupo
sa Filipino ay kinabibilangan nina Alvin
Miranda, Dianara Garcia, Albert Calaunan,
Joymee Joyce Trinidad, Mary Rose Cancino, Kimberly Sangcap at Sam Russel
Sison.

Magkaisang tinanggap ng mga mamamahayag ng Pambansang Komprehensibong Mataas


na Paaralan ng Calasiao (PKMPC) kasama ang kanilang mga tagapayo ang kanilang medalya at tropeo ng pagkapanalo sa Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC) na
ginanap sa Pangasinan School of Arts and Trades (PSAT), Enero 28-29, 2012.

Samantala, binubuo naman nina


Joshua Fermari Sison, Jasmin Nepuscua,
Sable Cabatbat, Sandra Donna Catugas,
Angelica Joves, Christian Paul Javier at
Wenchie Sarmiento ang pangkat ng Ingles.
Itinanghal na best anchor si Miranda at
best news presenter naman sina Calaunan
sa Filipino at Cabatbat sa Ingles.
Iniuwi rin ng dalawang grupo ang best
in scriptwriting, technical application, radio
production at infomercial.

Ang mga nanalong mamamahayag ng


paaralan ay sinanay nina Bb. Wilma G.
Macatbag, Gng. Rhea R. Catungal, Dr.
Daisy M. Barongan at Bb. Michelle B. Mina,
mga tagapayo ng Ang Sombrero at Hat
Tribune, sa pamamatnubay nina Dr. Ferdinand A. Torres, ulongguro III ng Kagawaran
ng Filipino, Gng. Maria Selma S. Solis,
ulongguro VI ng Kagawaran ng Ingles, at
Dr. Lourdes D. Servito, punongguro IV ng
PKPMC.

Santillan, bagong guro


ng kagawaran
Ni Diana A. Catambay - III-Eagle

Isa na namang guro ang nadagdag sa


Kagawaran ng Filipino sa panuruang taon
2012-2013.
Pasok na bilang permanenteng guro si
Bb. Emily Santillan, 32 taong gulang at
nakatira sa Talibaew, Calasiao, Pangasinan.
Natanggap ni Santillan ang kanyang
appointment bilang permanenteng guro
noong Hunyo 29, 2012.
Agosto 3, 2011 naman nagsimulang
magturo bilang contractual teacher si
Santillan.
Masaya ako dahil napermanente na
ako. Isa itong blessing kasi ito ang pinakapangarap kong matamo, wika niya.
Si Santillan ay kasalukuyang nagtuturo ng Filipino 7 at tagapayo ng I-Maaasahan.

Ni Charlene Gale M. Lee - 7-Maka-Agham

Nagsilbing lektyurer ang ulongguro at


isang guro sa Kagawaran ng Filipino ng
Pambansang Komprehensibong Mataas na
Paaralan ng Calasiao (PKMPC) sa magkaibang pansangay na seminar.
Nagbigay ng lektyur si Dr. Ferdinand
A. Torres, ulongguro III, sa Pansangay na
Kumperensiya sa Filipino na ginanap sa
Presidents Hotel, Lingayen, Pangasinan,
Disyembre 14, 2012.
Tinalakay niya ang Pagsulat at
Pagwawasto ng Komposisyon sa naturang
kumperensiya na dinaluhan ng mga ulongguro at mga guro sa buong dibisyon ng
Pangasinan I.
Samantala, ibinahagi naman ni Bb.
Wilma G. Macatbag, guro III at tagapayo ng
Ang Sombrero, ang kanyang kaalaman
tungkol sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo

ng Balita sa ginanap na Division TrainingWorkshop na ginanap sa Agno National


High School, Agno, Pangasinan, Setyembre 27-28, Basista National High School,
Basista, Pangasinan, Oktubre 9-10, at Mapandan National High School, Mapandan,
Pangasinan, Oktubre 29-30, 2012.
Dinaluhan ito ng mga mamamahayag
at manunulat mula sa ibat ibang paaralan
sa buong dibisyon.
Masarap sa pakiramdam na malamang masaya at may natutunan ang mga
dumalo sa seminar. At iyon ang nagbibigay
ng inspirasyon sa amin na lalong pagbutihin
ang aming gawain, wika ni Macatbag.
Bukod sa pagiging tagapayo ng Ang
Sombrero, si Macatbag ay opisyal din ng
Association of Pangasinan I School Organ
Advisers (APSOA I) antas sekundarya.

You might also like