You are on page 1of 11

SEN.

BENIGNO “NOYNOY” AQUINO III @ KILALANIN FORUM


09 January 2010 – De La Salle-Zobel
Hosted by Mike Enriquez

Mike: Tatanungin po natin sila one-by-one in alphabetical order. O ang


uunahin pa natin ay si Senador Aquino. Kumusta po si Kris? ‘Di ba
‘yun ang gusto ninyong malaman? Ahm, Senador, mahirap na
trabaho… syempre mahirap na trabaho ang pagiging presidente.
Napakaraming both mga major at mga detalye na kailangang
tutukan ng kung sinumang magiging presidente ng republika.
Papaano ninyong balak gampanan ang trabahong ito, senador?

BCA: Ngayon pa lang ho nag-aaral na ho kami ng mga


problema na bumabalot sa ating bansa. Mamili ka lang ng
sector, ‘yun Edukasyon at ‘yung ating Agrarian system. So
‘yung ginagawa po natin ngayon, tinitingnan natin ‘yung
kasalukuyang palakad at ‘yun nga po marami tayong
binatikos sa kasalukuyang budget na panukala para sa
taong ito. Ang dami nating nakitang problema ‘dun at
hinahanapan na natin ng solusyon. Bigyan ko ho kayo ng
sample. ‘Yun hong sa edukasyon nating sistema, obligayon
ng estadong magbigay ng kalinga sa pag-asenso dito sa atin
para sa mga kabataan. Ano ‘yung ginawang sistema sa
kasalukuyan? Meron po tayong shifting. ‘Yung shifting,
maghahati ng classroom ‘yun dalawa o tatlong separate na
klase. Ang nangrarayi po tuloy, ‘yung English subject na
primary, sinasabayan ng Science, sinasabayan ng high
school, kino-compress lahat po ng kailangan nilang
matutunan na kung saan binibigyan pa ng libro na
napakaramig mali, ‘yun tuloy itong bata na nasa grade 1,
hindi na binibigyan ng pagkakataon ng estado na matuto.

Mike: Salamat po senador. Isang tanong na lang. Maikising-naiksi. Hands-


on ba kayo? Ibig sabihin, ‘yung tipo ninyo ng pangangasiwa o
management, hands-on o ‘yung hanggang sa kaliit-liitang detalye, o
‘yung gusto ninyo eh alam ninyo o nasa kontrol ninyo o kayo ba ay
‘yung tinatawag na mega o tapos sasabihin mo na lang yung mga
tauhan ninyo kung ano ang gagawin, senador?

BCA: May problema ho kapag masyadong micro-manager. ‘Yung


competency ho ng mga tao ninyo ay hindi naeexploit, hindi
po napagtutulungan ng marami na magkarron ng
magandang aksyon. May balanse po sa lahat ng bagay sa
buhay. May balanse ho na kailangan may sapat na detalye
para may desisyon na tama, na kapag talaga naman hong
lahat na lang ho ay nakatingin o tinitingnang ‘yung lahat ng
kanilang kilos eh nawawalan na ho ng independence.
***
Mike: Ok. Another round. Senador Aquino, alam ko narinig ninyo na ito ng
maraming beses, sobra raw an pagdepende ninyo sa mga
namayapa ninyong (magulang) nauna na sina dating Senador Ninoy
Aquino, uy, tumutungo si Senador, narinig ninyo na ito. Si Senador
‘pag nangangampanya puro Cory, puro Ninoy. Ano po ang masasabi
ninyo sa mga nagsasabi ng ganoon, Senador?

BCA: Well, ‘yung pagdepende ko ho sa kanila, sabi ko ho kasi


pinagpapatuloy ko ‘yung kanilang pinaglalaban. ‘Yun ho ang
nag-akda ng ideolohiya naming sinusunod, sila po ang
nagpakita sa akin ng tama at mali, at palagay ko naman ho,
bakit ko tatalikuran ang kanilang sinimulan kung sa palagay
ko eh dapat tapusin ‘yung kanilang pinaglalaban. ‘Yun lang
po ang sinasabi natin, ‘di pa tapos ang kanilang
pinaglalaban, kailangan hong tapusin at ipagpatuloy ang
laban na ito.

Mike: Ano po ba ‘yung pinaglalaban na ‘yun Senador?

BCA: May tinayong gobyerno. ’Yung gobyerno, dapat naglilingkod


sa taong bayan. Sa loob ng halos sampung taon, nakita po
natin ‘yung paglilingkod. Tingnan po natin kunyari, mamili
na ho kayo ng halimbawa, tingnan ninyo ang Maguindanao.
Ok ho ba ang Maguindanao? Biglang may na-discover na
meron palang private armies sa Pilipinas tapos ‘yung
massacre. Tama ho ba ‘yung ating mga estudyante, sa isang
daang papasok sa Grade 1 starting sa public school system,
ang mag-gagraduate sa college, lalabing-apat lang,
dadalawa lang ho dun ang siyensya. Tama ho ba ang justice
system na kung saan ‘yung mga prosecutor natin,
magsasampa ng kasong criminal na kung saan 18% lang ang
nako-convict. Wala man lang ho sa 20% man lang conviction
rate natin kumpara ninyo sa Japan ho o sa Amerika. Japan ho
95%, Amerika, 85%. Dito nga ho sa sa atin, ‘yung huling
budget nga, medyo tumataas. ‘Yung sa budget ho, halos
lahat po sa mga nakakausap nating mga departamento,
‘yung kanilang mga nakaugalian, itutuloy na lang nila.
Parang wala na hong nagi-guilty dahil wala namang nako-
convict.’Yun po ang pinaglalaban natin.
***
Mike: Balik ho tayo kay Senador Aquino. Senador Aquino, pakisabi lang
kung ano talaga ang papel ni Kris. Nakalagay ho dito, babasahin ko
ho, medyo englisyero, englisyera ang sumulat nito. “Please tell us,
how your sister Kris is both a bane and a boost to your presidential
campaign?” ‘Di kaya maging star-studded at maging extension day
ng movie world ang Malacañang pag kayo ang naging presidente,
Senador? Lahat ng tanong tatanungin natin dito, ‘yung nakakatawa,
‘yung seryoso, ‘yung mabigat, ‘yung ‘di mabigat. Go senador.
BCA: Well, nu’ng presidente po ang aming ina, ang una pong
sinabi sa amin, bumalik na kayo sa kani-kanya kayong mga
buhay, ituloy ninyo ‘yung mga career ninyo. At Para
talagang hinabol na hindi po kami makialam nu’ng siya ay
presidente mula po nung ’86 hanggang nu’ng 1992. ‘Yung
mga kapatid ko ho, ‘yung karamihan, maliban na nga lang
ho kay Kris, mga private personality. Talagang mabigat
‘yung ginawa nilang pumasok sa buhay publiko ngayon lalo
na ‘yung panganay naming si Ballsy tsaka si Pinky. Si Kris
po talagang outspoken. She’s a boost overall. She has given
me access to a lot of people in media connections to the
showbiz world who are already carrying out certain
advocacies like Dingdong Dantes who is setting up a youth
group to help us in changing this society. If I’m fortunate to
win in May 2010, I expect all of my sisters also to get back
with their own lives, the three to have back their privacy
and Kris perhaps to really just concentrate in her career.

Mike: Salamat ho Senador.


***

Mike: Para sa kanilang lahat. Isa po sa malamang, ‘yung ibang


presidentiables, wala. An susunod na presidente ng Pilipinas, ‘yung
tinatawag na M-word – Maguindanao, Mindanao. Ngayon, lumalabas,
hindi lang pala dun. Maraming lugar sa Pilipinas, ayon na rin sa
Philippine National Police, sa bagay ngayong eleksyon, may areas of
concern, hotspots, etc., etc. Senador Aquino, papano ninyo
papangasiwaan ‘to? Papano ninyo aayusin ‘tong problemang ito ng
Pilipinas.

BCA: ‘Yung Mindanao ho ba ‘yung tinatanong ninyo?

Mike: ‘Yung Maguindanao, ‘yung Mindanao, ‘yung iba’t-ibang private


armies, war lord, political lord, o sige po…

BCA: Nasa Saligang Batas po, bawal ho ang private armies. ‘Yung
chief executive ang tagapagpatupad ng batas, Dapat
ninyong gawin ‘yung tungkulin ninyo. On top of that, how do
you solve a problem like Mindanao? Mindanao ho kasi,
specially ‘yung ARMM, talagang the horror story of any
statistics that it wants. Pero meron hong magagaling na LGU
ho diyan, na talaga namang nagtatrabaho pero marami hong
hindi ninyo man lang makita sa kanilang sinasakupan. So
ano hong gagawin natin dun? Dun ho sa mga nagtatrabaho
hong LGU, tutulungan natin, dadagdagan ‘yung pondo na
magpapa-asenso pa sa kanilang mga lugar. ‘Yung mga
nakatira sa ibang lugar at hindi ginagawa ‘yung kanialng
mga trabaho, hahabulin po natin. Meron hong dereliction of
duty. “yung gagamitin po natin, ‘yung power of the
executive to discipline the member of the executive. Tulad
po niyan, bigyan natin ng dapat na serbisyo mararamdaman
lalo na humiwalay po sila dun sa ideaya na sumama sa isang
rebel goup, sumama sa isang bandit group, ‘yun na lang ang
kakayahan nila para may mangyari sa buhay nila. Pero ‘yung
mga kasama po sa rebel groups, pagkakaintindi po natin
ang tinatanggap na sweldo eh P3,000 a month po, allowance
dun sa grupong ‘yun. Other than that, wala po silang other
opportunities. Kapag nakita po natin ‘yung discovery at
‘yung gusto ko kasi talagang tutukan, 10 billion ‘yung
nakalaan sa ARMM, 12 billion last year. ‘Yung MOA hindi ho
ako sigurado kung nagawa ho ‘yung trabaho sa ARMM.
Meron bang napala ‘yung mga tao sa pondong ibinibifay ng
national government At sila ho ang pinakamalaki din sa
Overseas Development Assistance. Saan ho napunta lahat
‘yan? Bakit hindi umaangat ‘yung kanilang estadistika sa
aptitude test.

Mike: Ok. Salamat ho Senador Aquino.


***

Mike: Dito ako kay Senador Aquino. Nangunguna sa mga survey. Pero
bumababa. Nababawasan ‘yung lead. Ano palagay ninyo dun sa
nangyayari sa survey? naniniwala ba kayo sa survey? Papano ba
‘to?

BCA: Well my survey na matino ho, may survey na nabibili ho


siguro sa Quiapo paminsan-minsan. Comment lang ho dun sa
sinabi ninyong bumababa sa survey. Ok, may 2% change dun
sa survey na kinommission ho ang ating katunggali na
survey kung saan nabawasan tayo ng 2 percentage points
pero ang m,argin of error, 2.2%, according to them. O pwede
h nating i-argue, statistically, it does not change. Kami ho,
sa lumipas na mga ilang buwan, ‘no, eh nakatutok dun sa
budget, nakatutok dun sa joint session, talaga hong ginawa
ho natin lahat ng tungkulin natin at pagkatapos ho mag-file,
sinunod na rin ho natin ‘yung espirito ng batas na
nagsasabing dapat walang pre-campaigning to a large
degree. ‘Di ho kami nag-aad, meron ho kaming ad sigurong
ad na natsatsambahan paminsan-minsang mapanuod ng
ating mga kababayan at meron ding ilang radio spots pero
what is surprising to us is despite of the blitz carried out by
others, we are mainating the numbers. Hindi naman ho
talaga nagbabago. ‘Yung 44 and 46 are statistically the
same kahit ano gamitin even using their definition of it.
Maniniwala ho ba tayo? It’s really just a guide. Pinapaalala
lang ho sa’min, sa amin pong partdo, sa amin pong
kasamahan, eh ang nagtutulak po talaga nitong
kampanyang ‘to eh ang taumbayan. Ang bigat po ng
obligasyon namin sa taong-bayan lalo na po ‘yung aming
pinangakuan na pwede na kayong mangarap ngayon. ‘Yung
pangarap na ‘yun eh lalong matutupad.

***
Questions from the audience

Gusto ko pong tanngin SA lahat ng mga kandidato ang kanilang masasabi


at papaano po nila lulutasin ang problema ng journalist killings? (Alex
Austria from DLSZ)

BCA: ‘Yung pang-apat ho sa platform namin na napaka-


importante, dun namin makukuha ‘yung tinatawag na strict
approach ng government na reform. Halimbawa ho kanian
nasabi ko na, ang piskal ho an nagdedetrmine kung may
sufficient na ebidensya para i-file ang kaso. Lahat ho ng
pina-file nila, 18 % lang nga ho ang nako-convict. ‘Di ba
dapat pag-finile nila eh may certainty sila na mataas ang
tsansang mako-convict itong mga sinasampaahn nila ng
kaso. Ngayon tinanong ko, paano ba ang performance rating
ng mga prosecutors, ang sagot sa atin, sa 250 kasong finile
mula beginning of the period, nailabas ‘yung 200, may 50 na
naiwan sa mesa. Pag nailabas, na-dismiss, na-settle
amicably, na-archive, lahat ho ‘yun counted eh ok na ‘yun.
So ang bottomline eh, bakit ko pinapaskan ‘yun. Dahil ‘yung
mga pumapatay nga hong ‘to, nahuhuli, ‘yung iba ng ating
kapulisan at other enforcement agencies. Katulad nga ho
nun, sinampahan mo ng kaso, ‘di o naman mako-convict.
May mga criminal dyan, ang tatapang pang tinatakot ‘yung
nga tetestigo sa loob pa ho ng courtroom. Eh ano nga hong
mangyayar sa’tin. Pag may ginawang krimen, may certainty
of punishment, at ‘yun ang pang-apat ho sa aming
plataporma ‘yung reforming the judiciary in this country na
isa sa mga pinaka-essential para may mangyari po sa bansa
natin.

Mike:Salamat ho Senador.
***

My question to you Senator Aquino is, how is it that you are saying that
you are the advocacy of change that you promote the alternative when
the people around you is the same people with Erap, with GMA and all
those other years that we have where we are struggling, ‘di ba? So ang
tanong ko lang po, nasaan po doon an pagbabago, kung maihahalal po
namin kayo, parang pareh lang po ‘yung mga taong nasa likod ninyo,
paulit-ulit pa rin po ang kahirapan ‘Yun lang po. (Jay-R Soriano)

BCA: Pwede bang matanong iho kung ilang taon kana?


JR: Sir, I’m 23 years old po. I was born po during the EDSA Revolution,
actually.

BCA: Number 1, siguro pwede isagot dun, karamihan sa mga


nakararaming supporters sa kasalukuyan, natural ‘yung
spectrum ng lipunan natin mare-reflect sa mga kasamahan
namin. Pero more than anything ‘no, kung merong mga
taong may competencies, na talagang nag-demonstrate,
kunyari sa palagay ko ‘yung tinutukoy mo ‘yung IFM. ‘Yung
IFM umalis, pareho kaming nasa administrasyon nu’ng
umpisa, ‘di namin nagustuhan ‘yung palakad, kami ay
nagpaalam st sumama sa oposisyon. An tanong dito, sila
may eksperyensya na, kukuha ba tayo ng bagong-bagong
mukha, sabihin natin, bagong graduate ng kolehiyo, ipasok
natin sa isang departamento, para masabi lang na bagong
mukha. ‘Yung bagong taong ‘yun, mahina ‘ung dalawang
tan para matutunan niya ‘yung kailangan niyang gawin.
Kaagad ba porket ‘yung isang tao naging prominente na
nung dating panahon, may kasalanan ka na, ‘di naman ata
tama ‘yun. Sins of the father should not be visited upon the
children. So balik lang ako dito, ako kasi eh training ko,
ekonomista at sa ekonomiks, ay best utilization of resources
ang pinaka-buod ng ating pag-aaral. Merong magagaling sa
ating lipunan, mga palagay mo sa pag-uusap, pareho ‘yung
pananaw namin sa problema. Parang napakahina ko naman
na hindi ko kukunin ‘yung talento niya sa pagpapaganda ng
bansang ‘to at kukuha ako ng isang taong walang
nakakakilala para lang masabing bago.

***
Isang vision, isang mission, isang objective na gustong matupad ng ating
mga presidentiables na siguro’y magtatak sa kanila sa History ng Pilipinas
at magiging tayo ay isang bayani ng mundo. Ano po kaya ‘yun?

BCA: ‘Yung tanong ho ninyo, madaling sagutin at mahirap ding sa


sagutin ng buo. Paano ho ‘yung buo? Kasi ho, ‘yung
talagang tema naman namin, empowerment din ng ating
mga kababayan. People empowerment. How do we do that.
I’m an economist by training. Again, one father puts it this
way, meaning, a father of a family, bigyan ninyo ko ng
trabaho, ako na bahala sa edukasyon ng anak ko, ako na
bahala sa kalusugan ng pamilya ko. And that really appeals
to me. Why? ‘Yung job generation, ‘ung empowering the
person to make a decision for himself is the first in our
platform. However, that cannot exist in a vacuum. ‘Yung
ginagawa mo nga ‘yung dapat mong gawin, nagpaka-
sumikap kang makakuha ng trabahonh maayos, ‘yung
infrastructure na kailangan naman ng bansa para lumago
ang ekonomiya natin, nawawala sa korupsyon. Gusto mong
imikot sa bansa natin, pasukan lahat ‘yung mga oportunidad
sa iba’t ibang lugar, wala namang peace and order dun. Ang
daming ano eh, ang daming sanga-sanga na hindi
pipwedeng i-ignore, hindi pwedeng mag-exist sa vacuum.
Pero to directly answer your question, lahat tayo, bibigyan
ng pagkakataon, at ‘yung pagkakataon, ‘yung first priority
namin, eh job opportunities nga na i-iincrease natin. We’re
really fighting for it. Syempre nandyan na ‘yung tradition,
‘yung BPOs, ‘yung IT-realated and tourism-related but we
would also add ‘yung harvesting, because ‘yung agriculture
is also of a very high priority. Ang dami nating potential.
One of the first things that really caught my attention is
when I study agricultural situation is most of the arable
lands in this country started cultivated. Ang laki ng
potential dun. Meron din yung fisheries sa Surigao that I
saw when I’m running for Senate. Lumabas dun something
as simple as about siguro, close to two meters long. It could
have been converted into fish steaks pero it can be sell in a
raw condition. We could have been aaded a new export item
for the benefit of a fisherman who was at the mercy of who
would go at the market in Surigao. Tapos meron pa ‘yung
last point, even if ‘yung infrastructure that we really need,
we’ll really have a high labor dimensions. As long as the
project will not suffer, we would really off to have more
labor intensive projects in the mold of FDR, Franklin Delano
Roosevelt when he became president of America. Again,
yung first priority, ‘yung job generation, we have a 16 point
program ano.

***
Mike: Kayo daw hong mga pulitiko, para daw kayong ampaw, sa labas,
masarap, matamis, malutong-lutong. Walang laman. Masarap
kayong pakinggan, enjoy na enjoy sila oh, palakpakan tawanan tayo
dito, Paglabas natin dito ngayong tanghali, talaga nga bang ay
mangyayari sa bansang ito after May 2010 ‘di ba ho? Senador
Aquino, may laman ba ang kampanya ninyo? O puro mga…

BCA: Oho. Tingnan ninyo humarap ako sa inyo ni wala naman


kayong binigay na tanong before hand…palagay ko ho…

Mike: O puro sa mga TV. At alam ko naririnig ninyo na rin ‘yung mga
sinasabi ng ilan tungkol sa pulitika dito sa Pilipinas.

BCA: ‘Yun nga ho kaya nga pilipilit namin eh. Kaya nga platform
based, kaya nga issue-based, parati ko hong sinasabi, kami
po sa aming tiket, kami ho sa aming partner ho na si Mar
Roxas eh pareho ho ang pinaglalaban, pwede ho kaming
maghalinhinan at parehong-pareho po ang mangyayari.
Dahil iisa nga po ang pinaglalaban dito. Sa ano nga ba ang
ibig sabihin namin dito. We recognized, in six years we will
not be able to change everything that we have to change.
Through the maximum years, we will be able to start the
thread that is unstoppable. We will not back ride anymore.
Sabi ko nga ho, 16 points po ang aming agenda. Kaya’t ang
mga specifcs ang gusto naming gawin. More than anything,
tingnan ho natin paano natin gagawin ‘yun? Parati hong
sinasabi, you level the playing filed as far as the business
community is concerned. Ano ba ibig sabihin nun? Sa
pagkatagal-tagal, sinumang malapit sa poder, gustong
makalaman sa kanyang mga kalaban. Wala namang
hahabulin na maging mas-efficient, para mas competitive.
Pag binuksan natin ang ating merkado, hindi tayo
makalaban doon sa ibang bansa na sanay na sanay sa
competition. So ile-level po natin ‘yan. Yung gagawin n’yong
tama, ang dami hong aspects eh. Yung ating tax collection
efficiency, at the highest point was only 18%. It is now down
to 12%. Andyan na ho yung mga batas eh, nandyan na yung
tamang buwis eh. Itong buwis yung kakulangan na sinasabi
sa atin na pantustos. Dapat mahabol natin ‘yan. Saan ba
galing yang kakulangan ng buwis na ‘yan? Tatargetin natin
ho yung mga mag-ssmuggle. Talagang ika-klaro natin. Wala
tayong papaburan. Magsa-sample tayo. Hopefully, within
the first week of assuming the presidency, we will talk with
the Supreme Court to really reform the judiciary. Dapat ho
wala ding six years bago magkaron ng adjudication of cases.
Dapat ho wala yung 18% na ikinatutuwa na natin na
sinampahang kaso ng mga piskal natin tapos sa dulo eh,
hindi ba yun lang ang nacoconvict? Ang dami hong gustong
gawin, pero bottom line, marami hong simpleng gagawin. Sa
eskwelahan ho, kulang tayo ng classrooms between 20-40
thousand ang minsang sinabing mga figure. Ano hong
solution? Shifting. Yung shifting na gina-garantiya na nating
ang mga estudyante, eh hindi matututo. Isipin n’yo Grade I
kayo, papaalala sainyo nung teacher, “Oo nga pala, itong
librong binabasa n’yo, merong 500 errors. Itong parteng ito,
‘wag mong intindihin, itong parte ito, memoryahin mo.”
‘Yung Grade I na hindi pa nakakaintindi ng English,
tinuturuan nga ng English. Bibigyan ng English textbook na
talagang parang imbis na iahon s’ya, inilunod s’ya. So, sa
last point na lang ho dito, ako ho kasi, tinuruan ng aking
mga magulang, lalo po ng aking tatay na ‘pag nagbitiw ako
ng salita, siguruhin kong gagawin ko. Sabi ko nga ho sa
inyo, ‘yung isa sa pinaka, ‘yung umpisa nung nagdedesisyon
ako, may nagsabi, pwede na ulit mangarap. Pinabayaan
natin na ‘yung nangangarap ay talagang nangarap.
Kailangan hong matupad ‘yan. Ilang beses na din pong
binanggit, tingnan ang track record. Ako ho makikiusap na
rin. Tingnan natin yung mga track record naming lahat kung
may pagtutugma dun sa sinasabi at dun sa ginagawa.
Maganda ho naman talaga. Yun ho yung sagot ho sa ampao.
Ang daling sabihin yung motherhood statement, ang daling
sabihin lahat ng magagandang bagay. Wala naman pong
sekreto dun sa mga… Pero ilan nga ho ba, tulad nga ho,
itong kakalipas nating ano… Kami po’y nasa legislature. Ang
paraan nating maimpluwensyahan yung policy ay yung sa
budget. In simplest terms, kung ayaw n’yo yung palakad,
‘wag n’yong bigyan ng pondo, ‘pag tama, dagdagan n’yo. So
ako ho, kaisa-isa ho akong bumoto noon dun sa budget at
marami nga hong dahilan. Dun na nga lang ho siguro. Itong
first budget, kung saan talagang nang-asim po yung
sikmura ko, talagang tumaas yung presyon ko sa galit dahil
ang attitude ho ng iba’t ibang departamento, “Basta ganyan
ang gagawin namin, wala kang magagawa. Ipagpapatuloy
namin ito.” So para maski protesta man lang. Kaisa-isa nga
ho tayong tumayo dun. Hindi tama yung ginagawa n’yo. No
do sa budget ‘yun. ‘Yun po ang part eng ating track record.
Mike: Meron pong magandang tanong na inabot sakin. If you don’t mind,
yung mga magtatanong sana, we’re running out of time. Please
remember that at the start sinabi ko na baka hindi natin ma-
accommodate yung gustong magtanong. Matinding tanong ito.
Magandang tanong ito sa kanilang apat. S’yempre alphabetical
order. Nasa wikang English po to tapos pagkatapos ko pong basahin
sa wikang Ingles, sa kapakanan ng mga nakikinig sa buong Pilipinas
at yung mga kapuso natin sa ibang bansa, susubukan ko pong isalin
ito sa wikang Pilipino. Can you promise the Filipino people, that if
you become president, after your term of office, you will go home to
the same house where you live now?...and that your assets will not
increase tremendously? Sa wikang Pilipino… “Mapapangako n’yo ba
sa taong bayan na ‘pag natapos n’yo na ang panunungkulan ninyo
bilang Presidente ng Republikang Pilipinas, yung bahay ninyo nung
kayo’y nag-umpisa sa Malacañang ay ‘yun pa rin ang bahay ninyo
na uuwian pagkatapos ng anim na taon? At pangalawa, na hindi
lolobo nang katakot-takot ang yaman ninyo nung nag-umpisa kayo
ng panunungkulan?... Senador Aquino pakisagot.

BCA: Actually ang plano ko po ay kung pe-pwede po ay hindi na


rin titira ‘dun sa Malacañang… Kung makukumbinsi ko ang
aking PSG commander o kung papalarin, I really would want
to go back to our residence in Times everyday to have
assemblance of normalcy and to preserve the sanity. Pinag-
aaralan ko na rin po kung pa’no, pa’no yung expenses in
running the household… Advantage lang ho nung nandun sa
Malacañang eh, meron naman kayong konting quiet time
maski papano. May appointment, as much as possible, to
manage everybody who wants to talk to you. Dun po sa
Times, eh national road po yun, open to everybody, baka
wala hong time management na pepwede dun. After having
said that, yung sa assets naman ho, the President is
supposed to divest. The Cabinet is also supposed to divest.
And when you divest, you are not supposed to be promoting
any interest. We are required to submit our SAL every year.
So tingnan po n’yo dun, pati na rin ho yung, pag later on
may magsasabing ganto sayo, etcetera, etcetera. Sa
palagay ko nakita n’yo na rin yun sa dinaanan namin as a
family eh. Kami po ba’y nadadagdagan yung assets or
nababawasan actually. If I can just add, hindi naman sa
pagtataas po ng sariling bangko. We used to have
tremendous land holdings from the start of Bulacan up to, I
think Pangasinan, during my great grand mother’s time. Our
holdings now, are to a large degree, are relegated just to
Luisita as an entire family. And the land reform that placed
Luisita under land reform was the centerpiece program of
my mother which I intend to finish also.
Mike: (Final message) Again in alphabetical order, uumpisahan po natin
kay Senador Aquino.

BCA: Salamat po, Manong Mike. Gusto ko hong


magpasalamat sa lahat po ng ating mga kababayang
nandito. Magkakaiba tayo ng kulay sa ngayon. Yun naman
talaga ang buod ho ng demokrasya, magpalitan tayo ng mga
mungkahi at mga ideya, baka malamang makagawa tayo ng
mas maganda kesa yung tangan natin bawat isa. Sana
magpatuloy na kaya nating makipag-dayalogo, makipag-
usap tungo sa ikabubuti ho ng ating bansa. Ako, hindi ko ho
talaga hinangad ang posisyong ito. Dalawang taon pa lang
ho nung tumakbo tayo bilang Senador. Talagang mabigat ho
yung national na campaign. Wala tayong paghahanda, pero
hindi ko ho matalikuran yung pagkakataon na tila meron
tayong mahusay na pag-asang magkaroon ng tunay na
pagbabago dahil ang taong bayan na nga ho ang nagtutulak
nito. Taong bayan na rin ho ang magbibigay ng lakas, talino,
galing, tapang at lahat ng kakailanganin para talagang
maipilit yung pagbabago na pagkatagal-tagal na po nating
inaasam-asam. Ako ho, sa palagay ko, kilala n’yo na ho ang
pamilyang Cojuangco. Imbitahin ko kayo, tingnan na po
ninyo yung aking nagawa at siguro, ituro na rin ho sa akin
kung ako’y may kakulangan mula pa ho nung ako’y labing-
dalawang taon. Kung kelan po natin naranasan yung Martial
Law hanggang sa kasalukuyan. Matagal na ho tayong
kasama dito sa labang ‘to. Hindi ko ho ugaling ibandera ang
aking nagawa dahil palagay ko yun lang po ang dapat
tamang gawin kaya gawin mo na lang, ‘wag mo nang
ibandera. Tayo po mga kasama ay talagang nandito sa
panahong ito’y may pagkakataon. Tanong nga natin dito ay,
ipagpapatuloy ba natin ang nakaraan o tutungo na tayo sa
tunay na pagbabago. Magandang umaga po at maraming
salamat sa inyo.

You might also like