You are on page 1of 1

Akala mo nagkataon ang lahat. Ang mapadpad sa di pamilyar na lugar.

Ang
magtrabaho sa di inaakalang propesyon. At ang mapunta sa di inaasahang
posisyon. Nagsimula ang lahat sa isang pagbabaka-sakali, na makapaggala lamang
sa lugar na madalas ko nang naririnig. Ngunit ang pagkakataon nga naman, baka
ako nga ang sadyang kailangan para makaalis na ang ilan.
Ang bawat araw ay naging pakikipagsapalaran. Mula sa unipormeng susuotin at
palagiang pagbati sa bawat taong sa harapan ko ay daraan. Sa mga estudyante na
likas ang pagiging masayahin, makulit at minsan ay may kadramahan. Sa mga
taong bihirang makita kaya hindi masaulo ang pangalan at sa mga kapwa ko
propesyonal na araw-araw kasama sa silid ng guro ang aking tawag. Ang pagigising
ng maaga at pagpasok na dapat mukhang kagalang-galang. At ang mismong
paggalang sa iyong sarili para igalang ka rin ng mga taong makakasalamuha.
Kapag nasanay ka talaga sa buhay na mag-isa ka lamang, pulos pakikibagay ang
kinakailangang isagawa. Hindi naging madali ang pagsasaayos ng sarili upang
lubusang tanggapin ng institusyong nagbigay pagkakataon na subukan ang aking
lakas ng loob, tiwala sa aking kakayahan, pagpapagabi sa paaralan, at pagpupuyat
para may maibahaging kaalaman.
Lahat ay nakatakda pero ikaw mismo ang may hawak ng panulat sa kung paano at
saan mo gustong itakda ang bawat araw na dadaan. Kung totoo ang tadhana, isa
ang pagsama ko sa pamilyang ito bilang patunay. At kahit saan man ako dalhin ng
aking bisikleta. Ang tatak-salesyano ay mananatiling nasa puso ko mula ngayon
hanggang sa huling paghinga.

You might also like