You are on page 1of 3

REDVOLUTION: Student empowerment

Hindi ba kayo nag taka kung bakit ang kulay pula ay tila makapangyarihan
Ang kulay na pula ay tanyag sa pagiging simbolo nito sa mga bagay na matapang,
nag-aapoy, mapanganib, buhay, naglalagablab at rebolusyon.
Bakit ba ang kulay pula ang naging kulay ng rebolusyon?
Papaano ito nagsimula?
Ang pula ay kaakibat ng mga bagay na nagpapahiwatig ng matatag na paninidigan,
minsan nakakabagabag subalit may kahahantungang ligaya at ng isang rebolusyon.
Matagal na panahon ang bibilangin sa ating kasaysayan sa papaanong mga paraan
nagamit ang kulay. Maraming beses na ang pula ay hinawakan ng mga bayani sa
kanilang mga pakikidigma para sa karimlan. Ang mga rebolusyon katuld ng sa
Pranses, Cubana at kahit dito sa Indotsina, makikita mo na nasa bantayog ng
kanilang himagsik ang mainit na kulay.
Maging sa mga bandila ng mga estadot bansa ay makikita ang mala-dugong kulay
na tila humihinga ng apoy.
Subalit ngayon, hindi na tayo nakikipagdigmaan ng kahalintulad sa ating mga
ninuno. Ang panahon ngayon ay naiiba at naghahamon ng naiibang giyera. Panahon
na ngayon upang bilisan ang ating mga adhikain dahil ang mundo ay nasa siglo na
ng modernisasyon. Hindi ito mapipigilan at higit na malaki ang dapat na
pagtagumpayan kaysa sa nakaraang panahon.
Ito ay ang paglinang sa buong sangkatauhan.
Sinasabi nila noon na kung iniisip natin ang susunod na taon, tayo ay dapat
magtanim ng butil. Kung iniisip naman natin ang isang dekada, mainam na
magtanim tayo ng punong kahoy. Pero kapag iniisip natin ang isang daang taon,
pag-aralin natin ang kabataan.
Ito ang rebolusyon na nais nating ipanalo sa ngayon.
Ang pagsiguro na may dunong ang kabataan! Ito ay ang turuan sila ng tama,
angkop, at may pag-aruga. Naniniwala na dahil dito ang mundo ay isang magiging
maganda at mas kaaya-ayang pamuhayan.
Ito ay isang oportunidad na nais nating pagyamanin. Isang kultura kung saan ang
homo sapiens ang naghahari sa mundo dahil sa ating kakayanan na matuto at
turuan.
Palagi nating maririnig ang palala ng ating mga magulang. Na ginagawa nila ang
lahat upang tayo ay mapag-aral dahil sila ay umaasa na ito at ito lang ang

pinakamagandang kayamanan na maiialay nila sa atin. Kayamanan na hinding hindi


mananakaw nag kahit na sino man. Isang kayamanan na nagsasalamin ng kanilang
dedikasyon at pagmamahal sa atin. Ito ang kanilang tanging pamana.
Ang kapangyarihan ngayon ay wala sa mga palubog na ang araw. Sa mga kabataan
na sumisikat ang haring-araw ngayon. Tayo na nag-aalab ang dugo upang turuan at
gabayan. Tayo ang may hawak sa pag-asa.
Ngunit habang tayo ay nasa kalagitnaan ng kapanahunan ngayon, mismo ang mga
kabataan ay nahuhulog bilang biktima ng poot at galit. Tayo mismo ang nagtatanim
ng di pagkakaunawaan. At nang dahil ditto, sila ay kinakain ng kalawang at ang
tingkad ng kanilang budhi ay nawawala. Sila na ating natatanging pag-asa ay tila
magiging ating katapusan.
Ang pag-aaral ay walang hangganan at ang kamangmangan ay hindi karimlan. Ang
edukasyon ang magagagbay sa atin kung papaano natin mababago ang mundo
sana lang ay para sa ikabubuti ng lahat dahil kalian man hindi natin mabibili o
mahihigitan ang pagiging tama at katarungan sa moralidad.
Kapwa ko mga Agustino, ang pag-aaral ay hindi sapat. Ang katalinuhan ay hindi
lahat-lahat sa buhay. Bagkus nasa pagkakaisa ng isipan at puso patungo sa
Maykapal ang magsasalalim n gating tagumpay sa paglalakbay na ito patungo sa
pagiging makapangyarihan. Sa kahit ano pa mang ninananis nating makamit, gawin
natin ito nang buong puso, walang pag-aatubili na wariy ito ay para sa Dioys at
hindi sa ating pinaglilingkuran na tao.
Ang panawagan uoang maging mahusay ay hindi kulang sa katuturan. Ito ay naguugat sa katotohanan na kaya natin itong gampanan. Magsimula ka, kahit maliit at
mabagal lang. Ang importante, ito ay maipapasa at hindi titila.
Nasa bibliya na ang takot sa Diyos ay ang simula ng karunungan Ang takot na
ito ay hindi dapat maging sagabal datapwat ito ang magpapausad sa atin na
hanapin at panindigan ang kabutihan. Na ito ay hindi rebolusyon kontra sa ating
kapwa kundi para sa sarili. Ang patunloy na luminang at umunlad mamuhay na
isnag mortal ngunit tayo ay mag-iiwan n panghabang-buhay na legasiya.
Ang kulay pula ay tunay na matapang. Ito ang tamang kulay nang pagiging
magiting. At ito ang mga pagpapahalaga na kailangan natin upang tayo ay
magtagumpay. Na kahit anong hirap nang nahaharap, hindi tayo susuko kalian man,
patutunayan na tayo ay mananalo dahil pagkatapos ng hirap tiyak ay may
tagumpay. Katulad tayo ng isang agila at ang himpapawid ay walang katapusan.
Mga binibinit ginoo, tingnan lamang natin ang ating kulay. Pula, na nagtuuro sa atin
upang maging matapang at ang ginto na nagpapaalala na maging mapag-aruga.
Huwag tayong aatras at susuko. Huwag papatalo. Mainam na isipin natin na maging

positibo s alahat ng bagay dahil tiyak may naghihintay na gantimpala ang


tagumpay.

You might also like