You are on page 1of 20

1

ANG MABUHAY SA PERA:ISANG KALIGAYAHAN O ISANG NAKAKATAKOT


NA REALIDAD?
(ISANG PAGTANAW SA MGA EMPLEYADO NG BANGKO)

Tesis
Na Iniharap kay Gng. Juliet Magtibay
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Lungsod ng Batangas

Inihanda
Bilang Bahagi ng mga
Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng kursong
BATSILYER NG AKAWNTING

nina

Elaine M. Aldovino
John Arvin G. Cruzat
Shaila Nerizza G. Dimaapi
Michael Angelo Suliva
Jessa Mae Tumambing

Marso,2013

TALAAN NG NILALAMAN
Nilalaman
Pamagat
Talaan ng Nilalaman
Talasanggunian
Apendiks
Liham Pahintulot
Talatanungan
Curriculum Vitae

Pahina

I.

Paksa
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa karansan ng mga empleyado ng

bangko sa likod ng mga transaksyon ng pera na madalas nating konotasyon sa


karerang nasabi. Itatalakay rito ang mga kwalipikasyon, mga kadalasang
suliranin at solusyon sa mga ito ng isang ordinaryong trabahador ng bangko.
Higit sa lahat ay ang mga dapat tandaan at isaalang- alang sa pagpasok sa
karerang madalas ay tinuturing na mabilis na paraan upang makaangat sa
buhay.

II.

Rasyonal/ Layunin
Mahalaga ang paksang ito upang mamulat sa tunay na kahalagahan ng

pera lalo na sa parte ng mga Manager at ordinaryong empleyado ng bangko na


silang responsibilidad sa lahat ng pumapasok at lumalabas na pera rito. Higit sa
lahat ay ang maunawaan ang ibat- ibang problemang kinahaharap nila na lingid
sa ating kaalaman na maaring magturo sa atin ng magandang aral.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:


a. Ilarawan ang inyong buhay bilang empleyado ng bangko.
- Ano ang kaibahan o pagkakilanlan ng trabahong ito sa ibang karera?
- Kailangan ba ng ubod na talino o may nakabaseng dami ng award na
nakuha sa pag-aaral nito?

Ano-anu po ang mga magagandang dulot nito sa inyong pamilya at ibang

maaring kahinatnan nito sa kanila? Maari nyo po bang ibahagi?


b. Paano po kayo napasok sa trabahong ito?
- Bakit nyo po ito napili? Sadya bang ito ang nais nyong trabaho o
c.
d.
e.
f.
g.

III.

aksidente lamang po iyo?


May karanasan po ba kayo na nagtulak upag pasukin ang trabahong ito?
Ano- anung mga serbisyo po ang inyong ibinibigay sa mga tao?
Isalaysay po ninyo ang mga naging karansan nyo sa trabahong ito.
Anu-ano po ang mga suliranin na naransan ninyo sa trabahong ito?
Paano po ninyo iyon nilulusan?
Mensahe nyo po sa mga nais na magtrabaho sa mga bangko.

Pamamaraan
Ang pananaliksik na ito ay bubuuin sa pamamagitan ng pangangalap ng

datos mula sa mga libro at mula sa internet.Samantala, sa pangangalap ng


datos, ang tatlong paraan nito na hanguang primary, sekondarya at elektroniko
ay pawang aming ginamit sa mas kapakipakinabang na impormasyon. Bukod pa
rito, nagsagawa rin kami ng interbyu sa ilang trabahador ng bangko (karaniway
mga Manager) kung saan lumalawak ang aming kaalaman na makakatulong sa
aming pag-aaral.

IV.

Panimula
Ayon sa Brittanica, ang bangko ay isang institusyon na tumatalakay sa

pera at nagbibigay ng serbisyong pampinansyal. Ang bangko ay tumatanggap ng


deposits at ng pautang at kumikita mula sa pagkakaiba ng interest rates paid at
charged. Ang primaryang tungkulin ng bangko ay ilagay at gamitin ang pera ng

isang account holder sa pamamagitan ng pagpapahiram nito sa iba na gagamitin


ito para bumili ng bahay, negosyo o kaya sa pagpapaaral ng mga bata.
Ang mga bank managers ang nangangasiwa at namamahala sa lahat ng
mga gawain ng sangay ng opisina para sa isang bangko. Kasama dito ang mga
pagkuha ng

tauhan, pag-aapruba ng mga pautang at pagtulong sa mga

kostumer na may mga problema sa kanilang mga account. Ang mga ito ay
sumusubok na magtatag ng kaugnayan sa mga komunidad upang makahikayat
ng mga bagong negosyo. Minsan, sila ay bumibisita sa iba pang mga lokal na
negosyo upang matulungan sila sa kanilang mga pangangailangan sa bangko.
V.

Pagtatalakay

Una sa lahat, bilang empleyado sa bangko, napagkikilanlan sila sa kanilang


pananamit, tindig at hindi maipaliwanag na kaayusan sa sarili, aniya ni Gng
Marife Borja, Assistant Manager ng Banco De Oro(BDO) Bauan, na naiiba ang
personalidad mo at natututong maging presentable sa ibang tao. Kailangang
maging konserbatibo ang mga empleyado sa kanilang pananamit kasama ang
tamang paggamit ng mga palamuti sa katawan upang maipamalas ang pagpakapropesyunal nito (http://www.ehow.com/how_2045214_dress-banking-job.html).
Ayon naman kay G. Edmer Borja, Banco De Oro(BDO) , Sa trabahong ito
hindi kelangan matalino ka, kelangan mo lang ay sipag,mag-aral ng mabuti.
Tinutukoy niya rito ang ilan sa mga batayan upang makapasok ka sa trabahong
ito. Ngunit sinalungatan ito ng Manager ng Luzon Development Bank Bauan na
si Gng. Maria Teresa Dimaapi at ipinaliwanag na hanggat maari ay may mataas

na naaatim sa pag-aaral upang tumaas agad ang level sa trabaho gaya ni G.


Edmund Comia, Manager ng PS Bank Bauan kung saan, napasok siya agad sa
Ikalimang lebel sa trabaho.
Samantala, pagdating sa kanilang personal na buhay, marami sa karerang
ito ay binata o dalaga o kaya namay pamilyadong tao na may isa hanggang
tatlong anak sa kadahilanang madaming responsiblidad at oras ang pinaglalanan
dito, ayon na rin ito sa obserbasyon ni Bb. Rosalie de Vera, isang Accountant
Manager sa Maynila. Dagdag pa rito ang sinabi ni G. Borja, Kaibahan ng isang
accountant sa ibang propesyon ay araw-araw silang may trabaho at madalas eh
may pasok padin kahit holidays. Sa karanasan naman

ni Gng. Borja,

kinalakihan na ng kanyang dalawang anak na madalas siyang naglalagi sa


bangko, na mukhang naipapaliwanag naman niya ng husto sa kanila.

Halos lahat sa kanila ay hindi naman nahirapan sa pagpasok sa


trabahong ito. Ayon pa kay G. Comia, Sa loob na mismo ng bangko natutunan
ang trabaho hindi sa eskwelehan unlike sa mga engineer o sa mga nurse na
kailangan talaga may knowledge o alam. Halos katulad ito ng pahayag ni G.
Ajay Joseph(2012) na guro sa Harvard Business School na ang pagkatuto ay na
sa buhay o sa iyong mga ginagawa hindi lamang ang mga bagay na nababasa at
nadidiskurbre mo sa libro.Ngunit hindi ibig sabihin na hindi na kinakailangan
pang mag-aral bagkus lalo pang pag-igihin ito bilang puhunan sa mas
magandang posisyon sa larangan ng pagbabangko. Isama pa rito ang sinalaysay

ni G. Borja, Kelangan mo ding maging mapagpasensya sapagkat kelangan


mong

magsimula

sa

ibaba

bilang

staff

sa

kompanyang

iyong

pinagtratrabahuhan bago mo makamit ang mataas na posisyon. Samantala,


diskarte naman ang pinakasekreto ni Gng. Borja upang maatim ang kanyang
posisyon.
Ang Bank manager ay isang tao na responsable para sa tamang
regulasyon ng iba't-ibang mga gawain ng ilang sangay ng bangko. Bagaman
hindi siya humaharap sa anumang partikular na gawain sa loob ng isang araw
ngunit ang kanyang araw ay mukhang umiikot na gulong ng tagumpay at
kabiguan. Bilang isang manager ng bangko, kailangan niyang maaayos ang sarisaring prolema rito gaya ng mga Kliyente, ang mga staffs, transaksyon, kita, ang
pag-unlad ng bangko. (http://careerasabanker.weebly.com/manager-life.html)
Ilan sa mga serbisyo na ibinibigay ng bangko, nangunguna sa lahat, ang
mga umiipon ng tao na tinatawag na deposito kung saan lumalaki ang interest
nila sa pagdami ng perang idinedeposito nila. Ang pinaka-karaniwang uri ng
pamumuhunan na karamihan sa mga bangko ay nag-aalok ng isang sertipiko ng
deposito, na kung saan ay katulad sa isang savings account, ngunit
nangangailangan huwag mong bawiin ang iyong pera para sa isang tiyak na
tagal ng panahon, tulad ng anim na buwan o isang taon. Ilang mga bangko ay
nag-aalok ng kanilang sariling mga magkaparehong pondo, at maraming mga
bangko ay nag-aalok ng pagreretiro pamumuhunan tulad ng mga indibidwal na
account pagreretiro.Sumunod ay ang tinatawag nilang loans kung saan
pinapautang nila ang mga kliyente upang matupad ang kanilang mga plano gaya

ng negosyo, magandang bahay o bagong kotseng magpapaunlad sa kanilang


buhay. At syempre, sikat na sikat ang tinatawag na credit card kung saan
madalas itong gamitin sa pagbili ng mga pangunahing pangagailangan kung
sakaling hindi sapat ang perang nakalaan para rito. Isama pa ang mga insurance
at retirement na nakakatulong sa mga kliyente para sa kanilang kinabukasan.(
http://www.ehow.com/list_5985350_list-services-bank.html)
Para naman kay G. Borja, Sa trabahong ito madami kang nakikilalang
tao, nakakausap at nakakasalamuha. Natutulungan mo din sila na mapaganda
ang kanilang buhay partikular ang kanilang negosyo. Nakakatulong din ang
bangkong pinagtatrabahuhan sa ating mga kapatid na OFW. Binagyang diin
naman ni G. Comia ang tamang pakikisalamuha sa kliyente, Lahat ng bangko
pare-parehas ng serbisyo- deposits, loans, transactions. Nagkakatalo lang sa
paano bibigyan ng serbisyo ang customer, approach sa clients, kung paano sila
iwelcome at pakikitunguhan.
Samantala, sa usaping karanasan, si G. Comia ay nagkuwento ukol sa
kanyang buhay teller noon kung saan nag - shoshort sila sa bawat labas at
pasok ng pera kaya naman mainam na pakaingatan at maging matiyaga sa
trabahong ito gaano man ito kadaling gawin. Sa kabilang dako naman, ibinahagi
ni Gng. Borja ang pagbibigay importansya sa People Management, Ang
pinakamahirap kasi ay paghahandle ng tao sa katayuan ko (bilang isang
Manager )syempre ilan ang taong hawak ko ibat ibang klase ng ugali; ibat ibang
pagtatrabaho(at) pakikitungo nila. Kailangan nating kausapin sila hikayatin na
nandito tayo para magtrabaho at lahat ng problema sa bangko kailangang pag-

usapan at ayusin mo. Ayon pa sa kanya, nagkataon na magkatabi lamang sa


desk ang nagkairingang magkatrabaho kaya naman, mainam na maging
malinaw rito na kung trabaho ang pag-uusapan, walang personalan.Hinggil
naman sa mga posisyon at pagpasok sa trabahong ito, inilarawan ni Bb. De Vera
bilang mapolitika sapagkat may mga pagakkataon na, may mga tinatawag na
Padrino o bucker ang mga nag nanais mag-apply kaya naman hindi na minsan
nasasala ng ayos ang mga nakukuhang empleyado.Datapwat sa lahat ng
karanasan, si G. Borja ay masuwerteng nakakuha ng malaking halaga ng
deposito ng isang kilalang tao. Ngunit sa kalaunan, dumami ang mga pabor at
hiling nito sa kanyang account kaya naman sa halagang humigit kumulang P120,
000, 000, pinasara kaagad ito. Mas pinatili ni G. Borja ang pagpaka-propesyunal
niya bilang isang empleyado sa mataas na posisyon sa isang bangko lalo pat
pangangalaga niya pati pangalan nito. Aniya nga ni Gng. Dimaapi, Ang (mga)
clients naniniwala na lagi silang tama at may rights. Kailangan malawak ang
(pang-)unawa at open dahil may mga clients na abusado.
Tulad ng ibang karera, mayroon din silang mga suliranin na kinakaharap
gaya ng faked money at text cams kung saan pinaniniwala kang nanalo sa isang
raffle at pilit hinihingi ang pin code ng account. Samantala, may naiulat sa Luzon
Development Bank kung saan Manager si Gng. Dimaapi na nakawang naganap
noon. Hindi man ito sadyang pinakabahagi nito, pinayuhan naman niya ang
sapat na seguridad na dapat makuha ng isang bangko. Ipinayo din nila na
hanggat maari ay iverify muna ang kung anumang transaksyon na may
kinalaman sa kanilang account. Sa usaping working relationship, may mga

10

pagkakataon na nagiging problema ng bawat isa ang namuong espesyal na


relasyon sa mga kapwa magkakatrabaho na nakakaapekto sa takbo ng mga
promosyon o paglilipat sa departamento ng isang empleyado sa bagong
departamento, ayon na rin it okay Bb. De Vera.
Sa isang pagtatala, si G. Bernard Madoff ay binansagang, The most
hated man in New York pagkatapos mawala ang humigit kumulang $65 bilyon
sa kanyang insitutyon na nagresulta sa pagkakakulong ng 150 taon at pagkitil sa
sarili ng kanyang anak na si Mark Madoff. (http://www.safety-securitycrazy.com/financial-crimes.html)
Sa tagal na nilang nagtratrabaho sa bangko, may isang bagay silang pilit
pinapahalagahan at yun ay ang propesyunalismo kung saan doon nasusukat ang
tunay na katapatan, kasipagan at katiyagan ng isang empleyado ng bangko.
Idagdag pa rito ang tinatawag na kredibilidad na dapat may maging natural sa
isang trabahador lalung lalo na ang mga Manager pagdating sa pakikipag-usap
sa mga kliyente. Isa pa, huwag katakutan ang responsibilidad na ipapataw sa iyo
maging ang mga problemang dumating ay harapin ng husto. Higit sa lahat,
pakatandaan na bukod sa sariling apelyidong dala mo bilang isang empleyado,
ang pangalan ng isang bangko ay mas kakikilanlan pa ng tao kaya maiging magingat sa lahat ng transaksyon, pakikitungo at pagdiskarte rito.

VI.

Lagom
Ang Bangko ay isang institusyon na nangangasiwa sa mga pera na
idinedeposito ng mga mamamayan at maging ang mga hinihiram nila

11

upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan. Kaya naman,


malaki ang parte ng mga Empleyado nito sa mas maaayos at
seguridad na transaksyon sa pagitan nila ng kliyente. Sa kabilang
banda, marapat na tandaan ng isang trabahador dito ang larawan ng
isang tunay na empleyado ng bangko gaya ng presentableng
pananamit sa sarili. Isaisip din ang importansya ng trabaho kung saan
hindi dapat ito maapektuhan ng mga suliranin sa kani-kaniyang
tahanan maging sa kapwa kasamahan niya rito. Panatilihin ang
pagiging propesyunal dahil ito ang siyang unang hakbang upang
tumagal sa karerang ito.
Madalas na suliranin nito ay ang pamemeke ng pera, text scams at
VII.

panganib na dala ng trabahong ito.


Konklusyon

VIII.

Rekomendasyon

Buong-pagpapakumbabang

iminumungkahi

ng

mananaliksik

ang

mga

sumusunod:
a. Kung nais mong maging isang empleyado sa bangko dapat ikaw ay may
magandang personalidad tulad ng pagiging magalang at tapat at dapat handa sa
anumang suliranin tulad ng pag-aabono sa kulang na pera.

12

b. Ang isang indibidwal ay nararapat na may sapat na kaalaman sa banking at


accounting at may kakayahang makitungo sa iba't-ibang uri ng tao, mayaman
man o mahirap, VIP man o low-class.
c. Maging matiyaga sa paghahanap ng trabaho, huwag basta susuko kung hindi
nakapasa sa interview, written exam o screening dahil sa pamamagitan din ng
sariling diskarte o technique nakukuha at natatanggap tayo sa trabaho.
d. Piliin ang kursong gustong kuhanin, dapat ito ay sariling kagustuhan at hindi
mula lamang sa opinyon ng kapamilya o dahil sa rason na ito ay in-demand.

IX. Talaan ng Mga Sanggunian


X.Apendiks

13

CURRICULUM VITAE
PANSARILING DATOS
Pangalan

: Elaine M. Aldovino

Tirahan

: Daite St, Pob. II, Bauan, Batangas

Petsa ngKapanganakan

:Hulyo 1, 1996

Lugar ng Kapanganakan

: Batangas City

Relihiyon

:Romano Katoliko

Katayuan

: Dalaga

Edad

: 16

Pangalan ng Ama

: Edison C. Aldovino

Pangalan ng Ina

: Roliza M. Aldovino

EDUKASYON NATAMO
Elementarya

Our Lady Of Rosary School


Sta. Teresa College

Sekundarya

Sta. Teresa College

Kolehiyo

Batangas State University

Kurso

Batsilyer ng Akawnting

14

Elaine M. Aldovino
BSAM 1201
Bachelor of Science Major in Accountancy
Nais ko pong matutunan ang tamang pagpapahalaga hindi lamang sa
kurso ko kundi maging sa perang hinahawakan ko. Malayo pa man ang aking
lalakbayin, naisisgurado kong sa pag-aaral na ito, sapat na malaman kong ang
kasipagan at katapatan sa sarili ay daan upang makarating sa tuktok ng
tagumpay.
Shaila Nerizza G. Dimaapi
17 years old
BSAM 1201
Una sa lahat mahalaga po para sa akin ang pananaliksik na ito dahil
nakatulong po ito upang mapalawak ang aking kaalaman tungkol sa trabahong
maaari kong pasukan kaugnay sa aking kursong kinukuha. Nalaman ko rin sa
pamamagitan nito, kung paano magtrabaho ang mga empleyado ng bangko at
kung ano ang mga suliraning kanilang hinaharap at paano nila ito nagagawang
solusyonan. Bilang isang estudyante, malaki ang naging papel nito sa
panghihikayat sa akin na mapabuti pa lalo ang aking pag-aaral upang balang
araw ay maging katulad din nila ako na masaya at matagumpay.

15

John Arvin G. Cruzat


BSAM-1201
Bachelor of Science Major in Accountancy
Sa pag-aaral naming ito madami akong natutunan. Naging mahalaga ito upang
mas lumawak pa ang aking mga nalalaman ukol sa kurso kong kinukuha. Napagalaman ko din na hindi isang biro ang pagkuha at pagtratrabaho sa isang
bangko. At sa kabuuan ay masaya at puno ng aral ang pakikipanayam naming.

Jessa Mae M. Tumambing


17 years old
BSAM-1201
Bachelor of Science Major in Accountancy
Para sa akin, naging napaka interesado ng paksang aming napili
sapagkat isa rin ako sa mga naghahangad na makapagtrabaho sa isang bangko.
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, marami akong natutuhang kaalaman
hinggil sa pagbabangko at napulot na aral sa mga empleyadong aming
nakapanayam. Sila ay nagsilbing inspirasyon para sa akin para pagbutihin ko
pang lalo ang aking pag-aaral, mapaunlad pa ang aking sarili at nawa ay
makapagtrabaho rin sa bangko balang araw.

16

Biodata,,,,tanong..fly leaf
Title page
Fly leaf
Table of contents
Contents-biblio
Fly leaf
Fly leaf
Upper right corner
Sketch..gamit..pictures 9pagtatalakay(nagiinterview) .caption,
Baby pin
Under Armours Founder on Learning to Leverage Celebrity Endorsements by
Kevin Plank
Harvard Business Review
May 2012 volume 90. Number 5printedin usa

17

CURRICULUM VITAE
PANSARILING DATOS
Pangalan

: Shaila Nerizza G. Dimaapi

Tirahan

: Mangobos St. Bauan Batangas

Petsa ngKapanganakan

:Nobyembre 30, 1995

Lugar ng Kapanganakan

: Quezon City

Relihiyon

:Romano Katoliko

Katayuan

: Dalaga

Edad

: 17

Pangalan ng Ama

: Ronald A. Dimaapi

Pangalan ng Ina

: Teodora G. Dimaapi

EDUKASYON NATAMO
Elementarya

Laguna College of Business and Arts

Sekundarya

Sta. Teresa College

Kolehiyo

Batangas State University

Kurso

Batsilyer ng Akawnting

18

CURRICULUM VITAE
PANSARILING DATOS
Pangalan

: Jessa Mae M. Tumambing

Tirahan

: Castillo Rd., Alangilan, Batangas City

Petsa ngKapanganakan

: Enero 1, 1996

Lugar ng Kapanganakan

: Paranaque, Manila

Relihiyon

:Romano Katoliko

Katayuan

: Dalaga

Edad

: 17

Pangalan ng Ama

: Ronald A. Tumambing

Pangalan ng Ina

: Elenita M. Tumambing

EDUKASYON NATAMO
Elementarya

Batangas Christian School

Sekundarya

Batangas State University Integrated School

Kolehiyo

Batangas State University

Kurso

Batsilyer ng Agham sa Akawntansi

19

PANSARILING DATOS
Pangalan

: John Arvin G. Cruzat

Tirahan

: Baguilawa Bauan Batangas

Petsa ngKapanganakan

: Agosto 15,1995

Lugar ng Kapanganakan

: Batangas City

Relihiyon

:Romano Katoliko

Katayuan

: Binata

Edad

: 17

Pangalan ng Ama

: Ferdie E. Cruzat

Pangalan ng Ina

: Ma. Marilyn G. Cruzat

EDUKASYON NATAMO
Elementarya

Sta. Teresa College

Sekundarya

Sta. Teresa College

Kolehiyo

Batangas State University

Kurso

Batsilyer ng Agham sa Akawntansi

20

PANSARILING DATOS
Pangalan

: Michael Angelo C. Suliva

Tirahan

: Rimas Ibaba Bolbok, Batangas City

Petsa ngKapanganakan

: Nobyembre 2,1995

Lugar ng Kapanganakan

: Batangas City

Relihiyon

:Romano Katoliko

Katayuan

: Binata

Edad

: 17

Pangalan ng Ama

: Manuel I. Suliva

Pangalan ng Ina

: Gloria C. Suliva

EDUKASYON NATAMO
Elementarya

Batangas City South Elementrary School

Sekundarya

Batangas State University Integrated School

Kolehiyo

Batangas State University

Kurso

Batsilyer ng Akawnting

You might also like