Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga basahin,
sadula, awit, at iba pang mga kaalaman tungkol sa mga magigiting na bayani.
Ang salitang “MAGITING” ay isang salitang napakaganda
para sa mga taong buong pusong lumalaban upang magkaroon ng katarungan at parangal ang ating sariling bayan, ang Pilipinas.
Tulad halimbawa ni Gat. Jose Rizal, isinasaad rito ang
detalye ng kanyang buhay. At ang iba pang mga kilalang magigiting na tao sa Pilipinas.
Ang pagpaparada, pagmimisa, at pagselebra sa kanilang
buwan ay isang pagbibigay pugay sa kanilang galing at kakayahang maging isang magiting para sa ating bayan. Dahil sa kanila tayo ay naging malaya sa mga mananakop at naging matapang sa sarili.
Sa pamamagitan ng leksyong ito mapupulutan ito ng
maraming aral at magbibigay rin ito ng pagkakataong masubaybayan ang unti-unting pag-unlad ng iyong kaalaman at kasanayan.