You are on page 1of 13

KONSTITUSYON NG PANDAYAN NG ARTE, NASYUNALISTANG UGNAYAN AT

LUNDUYAN NG AKDANG TOMASINO


PANIMULA
Kami, mga kasapi ng Pandayan ng Arte, Nasyunalistang Ugnayan at Lunduyan ng
Akdang Tomasino ng Unibersidad ng Santo Tomas, ay may pananagutan at batid ang mga
karapatan at tungkulin bilang mga anak ng Diyos at kasapi ng Lipunan, ay nangangakong
magkakaisa bilang isang kinatawan ng konseho upang buhayin ang makabansang diwa ng
kapatiran, karunungan, at paglilingkod, para payabungin ang kapakanan ng mga nakararami at
pagtibayin ang aming kolektibong pagkakaisa sa paglinang ng aming talento at dunong sa
Filipino para sa pagtanto at pagsasabuhay ng mga prinsipyong maka-Pilipino na makapagbahagi
sa makatao at maka-Diyos na lipunan, magsisilbi para sa kapakanan ng bansa, sa tulong nang
gabay ng Maykapal, ay nakalagda at naghahayag ng konstitusyong ito.
ARTIKULO 1
PANGKALAHATANG PROBISYON
SEKSYON 1 KATAWAGAN
Ang organisasyon ng mga tomasinong nagmamahal sa bayan sa aspekto ng paghubog ng
paninindigan, kagalingan, at pagkakakilanlan ay kikilalaning Pandayan ng Arte, Nasyunalistang
Ugnayan at Lunduyan ng Akdang Tomasino at maaari ring banggiting PANULAT.
SEKSYON 2 SAGISAG
Kinakailangan ng Konseho ng opisyal na selyo o sagisag na kumakatawan sa layunin ng
organisasyon.
Ang selyo ng PANULAT ay may hugis ng titik T at may kulay na dilaw
na nagpapakita ng identidad o pagkakakilanlang mga Tomasino. Nahahati
ito sa dalawang bahagi. Ang kanang bahagi ay makabagong panulat na
nagpapakita ng paraan ng pagpapalawig ng Pilipino sa pamamagitan ng
paglikha at ang kaliwa naman ay talim na nagpapakita ng kapangyarihan
at lahid ng kamalayang Pilipino sa adhikain ng wika, panitikan at lipunan.

SEKSYON 3 TANGGAPAN
Ang Konseho ng PANULAT ay magtatrabaho sa tampulan ng mga estudyante sa gusali
ng TAN YAN KEE tulad ng iba pang pangkalahatang organisasyon sa Unibersidad ng Santo
Tomas.
SEKSYON 4 SALIGAN
Ang Konseho at mga kasapi ng PANULAT ay inaasahang:
A. Maging katuwang ng Departamento ng Filipino sa pagpapasidhi ng kamalayan ng mga
Tomasino sa kahalagahan ng Filipino.
B. Ang tuon ay sa akademikong larangan tungo sa pagpapahusay sa talento at dunong sa
mga aspekto ng wika, panitikan at lipunan.
C. Sumalamin sa pagpupunyagi at kapakanan ng mga nasasakupan at pinamumunuan
nito.
D. Ipagtatanggol at itataguyod ang mga karapatan ng mga nasasakupang kasapi ng
organisasyon.
E. Magpakita ng likhang iskolarli at malikhain na nagpapakita nang kahusayan at
pagkadalubhasa sa larangang kanyang kinabilangan.
F. Humingi ng suporta sa mga kasapi, katuwang na organisasyon, departamento ng
Filipino, at iba pang institusyong makatutulong sa pagsasakatuparan ng mga proyekto at
gawain.
SEKSYON 5 PATAKARAN
Ang Konseho at mga kasapi ng PANULAT ay kinakailangang tumupad sa:
A. Ang PANULAT bilang isang konseho na naniniwala sa prinsipyo ng pagkakapantapantay, kapatiran, kalayaan, at dapat pagyamanin ang mga kakayahan ng mga kasapi
upang magkaroon ng magandang kapaligiran at palitan ng paggalang.
B. Ang PANULAT bilang isang konseho ay dapat igalang at tanggapin ang desisyon ng
nakararami at pangalagaan ang kanilang kapakanan at mapagtibay ang tiwala ng
nasasakupan nito.
C. Ang PANULAT bilang isang konseho ay dapat itaguyod, paunlarin, at pabantugin ang
Filipino bilang pangunahing wika, ang kahalagahan at kabuluhan nito bilang mahalagang
salik ng panlipunang pagkakakilanlan.

D. Ang PANULAT bilang isang konseho ay dapat magtatag ng matibay na ugnayan sa


ibat ibang tanggapan o kilalang organisasyon, sa loob at labas ng unibersidad.
E. Ang PANULAT bilang isang konseho ay dapat kilalanin at makipag-anib sa iba pang
mga akademikong institusyong lokal at internasyunal, upang pataasin ang antas ng
kamalayan sa kultura, sining, kasaysayan, at pagpapahalagang Pilipino.
F. Ang PANULAT bilang isang konseho ay dapat buhayin at payabungin ang kaalaman
at kamalayan ng mga Pilipino sa kanilang pinagmulan na tumutukoy sa kanilang wika,
kasaysayan, kultura, at pambansang kamalayan.
ARTIKULO 2
KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN
SEKSYON 1
Ang bawat kasapi ay may karapatang makatanggap at kumuha ng kopya ng
konstitusyong ito para malaman ang mga layunin, patakaran at dinamiko ng konseho ng
PANULAT.
SEKSYON 2
Ang bawat kasapi ay may karapatan at kalayaang ipahayag ang kanyang palagay, ideya,
at paniniwala para sa ikauunlad ng organisasyon, ngunit dapat ito ay naayon at hindi labag sa
konstitusyon.
SEKYON 3
Ang bawat kasapi ay may karapatang malaman ang mga proyektong gagawin,
pinaglalaanan ng salapi, at mga mahahalagang napag-usapan ng buong organisasyon na
kailangan ng kanilang pakikiisa at paglahok.
ARTIKULO 3
TUNGKULIN AT PANANAGUTAN
SEKSYON 1
Tungkulin ng bawat kasapi na igalang ang Konseho ng PANULAT at mga patakaran at
alituntuning nakasaad sa konstitusyon.
SEKSYON 2
Tungkulin ng bawat kasapi na mag-ambag ng kanyang talento, dunong, at pakikiisa
hanggang sa abot ng kanyang makakaya upang makamit ang layunin ng organisasyon.

SEKSYON 3
Tungkulin ng bawat kasapi na gamitin at isakatuparan ang kanyang mga karapatan ng
may paggalang sa karapatan ng kapwa.
SEKSYON 4
Tungkulin ng bawat kasapi na dumalo sa mga pagpupulong, pagtitipon at sa lahat ng
aktibidad at gawain na binuo ng Konseho ng PANULAT at Departamento ng Filipino.
SEKSYON 5
Tungkulin ng bawat kasapi na magbayad ng salapi para sa pagsapi o pagkakabilang sa
kapisanan at paghahandog ng salapi para sa mga proyektong kinakailangan ng pinansyal na
tulong.
SEKSYON 6
Tungkulin ng bawat kasapi na sumali at maging aktibo sa mga gawain ng komite na
kanilang kinabibilangan at sa pangkalahatang gawain ng organisasyon.
ARTIKULO 4
PAGLABAG AT PARUSA
SEKSYON 1
Mabibigat na Paglabag ang:
A. Manira ng kahit na anong pagmamay-ari ng organisasyon.
B. Alitan at kawalan nang pakikiisa sa organisasyon at sa ibang organisasyon.
C. Palsipikasyon at pandaraya sa / ng mga dokumento.
D. Pagnanakaw at pangungupit sa pondo at salapi ng organisasyon.
E. Paninira sa mga kasapi at bahagi ng organisasyon.
Ang mga mabibigat na paglabag ay aaksyunan sa pamamagitan ng paglilitis at masususing
paglilimi ng konseho ng PANULAT upang maipataw ang karapat-dapat na parusa.
SEKSYON 2
Magaang Paglabag ang:
A. Pagkabigo na maisa-ayos ang mga tungkulin sa tanggapan at iba pang mga bagay ukol
sa mga proyekto at mga gawaing nakatakda.

B. Ang madalas na pagliban sa mga pagpupulong at pagtitipon ng walang pahintulot at


makabuluhang dahilan. Ang paglabis sa tatlo ay may karampatang parusa na ipapataw.
Ang mga magaang paglabag ay aaksyunan sa pamamagitan ng paglilitis at masususing paglilimi
ng Konseho ng PANULAT upang maipataw ang karapat-dapat na parusa.
SEKSYON 3
Ang mga pagkakasalang hindi natukoy ng partikular ay aaksyunan sa pamamagitan ng
paglilitis at masususing paglilimi ng konseho ng PANULAT upang maipataw ang karapat-dapat
na parusa, isasama at tutukuyin kung sa mabigat o magaan na paglabag ito napapabilang.
SEKYON 4
Ang parusa ay maaaring maipataw sa pamamagitan ng:
A. Pagbabayad bilang multa
B. Pagsuspinde sa kasapian
C. Pagtanggal sa organisasyon
SEKSYON 5
Kung patuloy na lilikha ng gulo at lalabag sa konstitusyon ang kasapi ng organisasyon siya ay
isasangguni na sa OSA na may awtoridad sa mga estudyante.
ARTIKULO 5
ANG PANULAT
SEKSYON 1 PAGSAPI
Lahat ng estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas na nagnanais sumali ay sasailalim
sa proseso ng aplikasyon tulad ng palihan at kailangan makapasa sa mga itinakdang pamantayan
ng konseho. Ang mga espesyal na pagsapi tulad ng direktang pagkuha ng konsehal sa kanyang
magiging panghalili ay tinatanggap at sinasang-ayunan ng konstitusyon.
SEKSYON 2 KINATAWAN
Ang PANULAT ay isang Lupon o Konseho na binubuo ng:
A. Ehekutibong konseho na binubuo ng Pangulo, Pangalawang Pangulo,
Sekretaryo-Heneral, Ingat-Yaman, at Tagasuri.
B. Apat na komite na pinamumunuan ng mga Direktor.

C. Mga kasapi na magiging bahagi ng komite na pagbubukurin ayon sa linya


kanilang talento at dunong sa Filipino. Ito ay matutukoy sa pamamagitan ng mga
pagsusulit at pagsasanay na itatakda ng mga komite.

ARTIKULO 6
ANG EHEKUTIBONG KONSEHO
SEKSYON 1
Ang ehekutibong konseho ay may buong ehekutibo, lehislatibo, at hudikaturang
kapangyarihan sa kapisanan ng PANULAT.
SEKSYON 2
Ang Konseho ay dapat binubuo ng:
A. Pangulo
B. Pangalawang Pangulo
C. Sekretaryo-Heneral
D. Ingat-Yaman
E. Tagasuri
SEKSYON 3
Ang mga lupon ay magsisisilbing isang katawan ng konseho at nagkakahiwalay at
nagkakaiba lamang sa mga tungkulin at pananagutan. Ang desisyon ng mga bawat bahagi ng
ehekutibong konseho ay kailangan pagkaisahang lubos.
SEKSYON 4
Ang konseho ay may karapatang pumili ng kanilang magiging tagapayo batay sa
pagpapasiya ng kasapian at rekumendasyon ng tagapangulo ng departamento ng Filipino.
SEKSYON 5
Ang Konseho ay dapat ipaliwanag ang posisyon at magtakda ng katumbas na posisyon
kung kinakailangan para sa mga pagpupulong.
SEKSYON 6

Ang Konseho ay may karapatang patawan ng kaparusahan ang kasapi na lumabag sa mga
itinakdang alituntunin na nakasaad sa konstitusyon.
SEKSYON 7
Ang Konseho ay may karapatang bumuo ng espesyal na komite para sa mga espesyal na
pagdiriwang, mga paligsahan at patimpalak, o mga natatanging aktibidad ng Unibersidad.
SEKSYON 8
Ang Konseho lamang ang may karapatan na bigyang-pakahulugan at paliwanag ang
konstitusyon na ito.
ARTIKULO 8
ANG TAGAPAYO
SEKSYON 1
Ang Tagapayo ay dapat gumamit ng kapangyarihan na sumasaklaw sa konseho kung
kinakailangan kapag siya ay ipinatawag.
SEKSYON 2
Ang Tagapayo ay dapat magbigay ng mungkahi at rekomendasyon sa mga opisyal na
gawain at mga aktibidad ng konseho.
SEKSYON 3
Ang Tagapayo ay dapat nagtuturo ng kursong Filipino, may digri sa Filipino, at kasapi ng
Departamento ng Filipino.
SEKSYON 4
Ang Tagapayo ay may karapatang gamitin ang kapangyarihang Veto sa anumang
desisyon ng konseho na palagay niya ay makakasira sa organisasyon.
ARTIKULO 8
TUNGKULIN AT KAPANGYARIHAN NG MGA EHEKUTIBONG KONSEHO
SEKSYON 1 PANGULO
Bilang Pangulo tungkulin niya na:
A. Tumayong pinuno ng PANULAT.

B. Pagtipun-tipunin ang mga ehekutibong konseho at mga direktor ng komite upang


pangunahan ang mga pagpupulong.
C. Magpatawag ng pangkalahatang pagpupulong kasama ang lahat ng kasapi ng
organisasyon.
D. Magsuri ng mga akademiko,pinansyal, at iba pang dokumento sa operasyon ng
konsehot komite.
E. Magsuri at magpatibay sa lahat ng dokumento ng konseho.
F.Makipag-ugnayan sa Departamento ng Filipino, mga akademikong opisyal, at sa iba
pang opisyal ng mga institusyon sa labas ng unibersidad.
G. Pagtibayin, Pangalagaan, at Isakatuparan ang Saligang Batas na nakasaad sa
Konstitusyon ng PANULAT.
SEKSYON 2 PANGALAWANG PANGULO
Bilang Pangalawang pangulo tungkulin niya na:
A. Tumayong pinuno ng PANULAT kahalili ng Pangulo.
B. Makipag-ugnayan sa ibat ibang pinuno ng organisasyon sa loob ng unibersidad para
umunlad ang organisasyon.
C. Ang iba pang tungkulin ng Pangalawang Pangulo ay maging katuwang sa gawain ng
Pangulo sa mga usaping pagsusuri ng mga pinansyal, at iba pang dokumento sa
operasyon ng konsehot komite.
SEKSYON 3 PANGKALAHATANG KALIHIM
Bilang Pangakalahatang Kalihim tungkulin niya na:
A. Itala ang mga napag-usapan at katitikan ng mga pagpupulong at mga pagtitipon ng
konseho at komite.
B. Ipunin at itago ang mga opisyal at hindi opisyal na dokumento ng PANULAT.
C. Kaagapay ng Pangulo sa mga oryentasyon at mga gawaing nagpapakilala sa
organisasyon sa loob at labas ng unibersidad.
D. Makipag-ugnayan sa mga komite at punong abala sa pagpapatawag ng mga pulong
SEKSYON 4 INGAT - YAMAN
Bilang Ingat Yaman tungkulin niya na:

A. Maghanda ng pananalapi para sa konseho para sa mga proyektong ilulunsad,


mangolekta ng pondo at tumugon sa iba pang usaping pinansyal.
B. Bumuo ng mga proyektong tutulong makalikom ng pondo para matugunan ang mga
pangangailangan at gawain ng organisasyon.
C. Makipag ugnayan sa mga isponsor at OSA para sa badyet na gugulin ng konseho.
SEKSYON 5 - TAGASURI
Bilang Tagasuri tungkulin niya na:
A. Suriin ang mga dokumentong ipapadala sa ibat ibang organisasyon, sa loob man o
labas ng unibersidad.
B. Suriin ang mga pinansyal na dokumento, maghain ng ulat ukol sa kakayahang
pinansyal ng PANULAT para sa posibilidad ng mga ilulunsad na proyekto at gawain.
C. Magkaroon ng kopya ng mga dokumentong opisyal at hindi opisyal.
D. Punong abala sa pagpapatupad ng konstitusyon ng PANULAT.
ARTIKULO 9
MGA KOMITE AT MGA DIREKTOR
SEKSYON 1
Ang mga komite ay kinakailangangan pamunuan ng mga direktor at ang kanyang mga
piniling kasapi.
SEKSYON 2
Ang mga direktor ay may karapatang mamimili ng kasapi sa kanyang komite.
SEKSYON 3
Ang ehekutibong konseho ay may karapatang pumili sa mga direktor.
SEKSYON 4
May apat na komite na pamumunuan ng mga direktor.
A. Komite sa pananaliksik at akademikong pagsulat
-

Ito ang komiteng tutugon sa siyentipikong pagsusuri sa pag-unlad ng wika,


panitikan, sining, o kasaysayang kaugnay ng lipunang Pilipino.

Inaasahan ang mga bahagi o miyembro ng komiteng ito na maglathala ng mga


saliksik sa larangan ng Filipino.

Kinakailangan din silang maglathala ng kanilang pinakabagong saliksik sa


pormang journal.

Maglunsad ng mga akademikong gawain at pagsasanay sa pagpapatalas ng


kanilang mga kaaalaman at kasanayan sa pagsasaliksik.

Makipag-ugnayan sa mga dalubhasa sa pananaliksik sa Filipino.

B. Komite sa panitikan at malikhaing pagsulat


-

Ito ang komiteng tutugon sa masining at mayabong na pag-unlad panitikang


bayan.

Inaasahan ang mga bahagi o miyembro ng komiteng ito na maglathala ay


magtanghal ng ibat ibang panitikang Filipino.

Magsagawa ng mga pag-aaral at palihan sa pagpapalalim ng kasanayang


malikhain at pagsasabuhay ng panitikang naglilingkod sa bayan.

Makipag-ugnayan sa mga manunulat ng bansa.

C. Komite sa sining biswal at paglathala


-

Ito ang komiteng tutugon sa mga masining na pag-aanunsyo ng mga


programang ilulunsad ng PANULAT.

Inaasahan ang mga bahagi o miyembro ng komiteng ito na lumikha ng mga


pampropaganda, at iba pang mga gamit pang-anunsyo.

Inaasahan silang mag-ambag ng mga larawan sa mga folio at mga produksyon


ng PANULAT.

Makipag-ugnayan sa mga pintor, direktor at iba pang artista ng multimedia


arts sa Pilipinas.

D. Komite sa komunidad at gawaing pakikipamuhay


-

Ito ang komiteng tutugon sa pakikipag-ugnayan sa ibat ibang komunidad para


sa pagpapalaganap ng kultura, sining at kasaysayan sa lipunang Pilipino.

Inaasahan ang mga bahagi o miyembro ng komiteng ito na suportahan at


makiisa sa mga aktibidad ng UST Community Development.

Kinakailangan din nilang gumawa ng mga programang magbibigay diin sa


kahalagahan ng asignaturang Filipino at pakikisangkot sa mga sosyo-sibik na
gawain.

Makipag-ugnayan sa mga dalubhasa sa mga pamabansang samahan at


organisasyon na may kaugnay na adbokasiya sa pagsusuong ng Filipino..

SEKSYON 6
Ang bawat komite ay may direktor na siyang magiging kinatawan sa mga ehekutibong
pagpupulong.
ARTIKULO 10
BALANGKAS NG PAMIMILI
SEKSYON 1
Ang lahat ng magiging bahagi ehekutibong konseho at direktor ng mga komite ay
kinakailangang manggaling sa mga miyembro ng PANULAT.
SEKSYON 2
Ang bahagi ng ehekutibong konseho na maaaring mapili sa posisyon para mamuno ay
kinakailangang nasa ikaapat o ikatlong taong taon ng pag-aaral sa unibersidad. Kung sakaling
walang nasa ikaapat taon ang napili at kasali sa partikular na posisyon saka lamang tatanggapin
ang nasa ikatlo o ikalawang taon ng pag-aaral.
SEKSYON 3
Bilang organisasyon, na may akademikong layunin tungo sa pagpapataas ng kamalayan
sa mga aspektong Filipino ang bawat miyembro ay inaasahang mag ambag ng kanilang dunong
na naayon sa kanilang mga posisyon.
SEKSYON 4
Magkakaroon ng mga palihan upang madagdagan ang mga kasapi ng PANULAT.
Maglulunsad ng mga gawain para sa pagpapasa ng mga akda at lathala na magiging basehan ng
pagpili na susundan ng pagsasanay hanggang sa maging ganap na kasapi.
ARTIKULO 11
PANAHON NG PANUNUNGKULAN
SEKSYON 1

Kung ang Konsehal ay naluklok noong nasa ikatlong taon ng kanyang pag-aaral ay
maaari itong manungkulan ng dalawang taon hanggang sa magkaroon na ito ng panghalili at ang
bahagi ng konseho na naluklok noong nasa ikaapat na taon ng kanyang pag-aaral ay isang taon
lamang mamumuno sapagkat inaasahang sila ay magsisipagtapos na sa kanilang mga programa
at kurso sa unibersidad.
SEKSYON 2
Kung sakaling mabakante ang mga posisyon sa konseho kinakailangan ng agarang
pagpupulong para humanap ng hahalili at pansamantalang gaganap sa mga tungkuling naiwan ng
bahagi ng konsehong lumisan o napalitan.
ARTIKULO 12
MGA OPISYAL NA AKTIBIDAD AT GAWAIN
SEKSYON 1
Araw ng Pangkalahatang Pagpupulong ito ay naglalayong magkaroon ng malugod
na pagtanggap sa mga bagong kasapi ng organisasyon ng Pandayan ng Arte, Nasyunalistang
Ugnayan at Lunduyan ng Akdang Tomasino at paglalathala ng mga proyekto na gagawin sa
buong akademikong taon sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ito ay gaganapin sa unang linggo ng
Hulyo.
SEKSYON 2
Mga Pantas-aral at Kumperensya kinakailangan magkaroon nito isa man lang sa
isang semestre, na lalahukan ng mga kasapi ng organisasyon, mga estudyanteng kasalukuyang
may kursong Filipino at ng mga mag-aaral o sino mang nagnanais dumalo sa nasabing aktibidad.
SEKSYON 3
Ang buwan ng Wika ito ang pinakamahalagang aktibidad ng organisasyon.
Inaasahang magtatakda ng mga kompetisyon at magiging kawani ng Departamento ng Filipino
sa pagsusulong ng mga proyektong gaganapin sa buwan ng Wika. Sa buwan na ito makikipagugnayan ang konseho sa mga pakultad at kolehiyo na may mga aktibidad para isabuhay ang
buwan ng wika. Inaasahan ang aktibong pakikilahok ng lahat ng kasapi ng PANULAT. Ito ay
ginaganap tuwing buwan ng Agosto.
SEKSYON 4
Lakbay-Aral tuwing bakasyon o tapos ng akademikong taon ang konseho at mga
nagnanais na kasapi ng PANULAT ay magkakaroon ng Lakbay-Aral sa lupain ng mga katutubo
upang makipamuhay at magkaroon ng dunong sa Pilipinong pagkakakilanlan. Ito ay gaganapin
tuwing buwan ng Abril.

SEKSYON 5
Pagtulong sa Komunidad ito ay naglalayong tumulong sa mga kalapit baranggay at
pampublikong paaralan ng unibersidad para ipakita ang kahalagan ng ating pagka-Pilipino. Sa
pamamagitan nito inaasahang makapagmumulat ang mga Kasapi ng PANULAT sa mga
kabataang Pilipino na mahalin ang ating bayan. Ito ay gaganapin sa buwan ng Oktubre sa pagitan
ng una at ikalawang semestre.
SEKSYON 6
Mga Palihan ito ay naglalayong pahusayin ang mga kasapi at paraan ng pagpili sa mga
nais maging bahagi ng PANULAT. Magkakaroon nito sa loob ng unibersidad at sa labas sa
pakikipag-ugnayan ng iba pang pangkat ng manunulat.
ARTIKULO 13
PAGPAPALIT AT PAGBABAGO SA MGA PROBISYON
SEKSYON 1
Ang pagpapalit at pagbabago sa mga probisyon ay maaari lamang gawin pagkatapos ng
isang taon mula ng huli itong pinalitan o binago.
SEKSYON 2
Ang kasalukuyang konseho ang may kapangyarihang baguhin ito kung kinakailangan.
Magkakaroon ng pagsusuri at pagsisiyasat kung ano ang mga probisyon ang babaguhin o
papalitan.
SEKSYON 3
Para maisakatuparan ang pagbabago o pagpapalit ng mga probisyon kinakailangang
mahingi ang pagpayag ng higit sa ng ehekutibong konseho at mga direktor. Kung hindi ito
matutupad ito ang mga susunod na mangyayari:
a. Magkaroon muli ng pagpupulong para masuri ang mga probisyon sa dulo ng
akademikong taon.
b. Ang konstitusyon ay muling ipagpapatuloy at maaari lamang palitan pagkatapos ng
isang taon mula sa huling pagpupulong tungkol sa rebisyon ng konstitusyon.
SEKSYON 4
Ang tagapayo ng PANULAT ay kailangang lagdaan ang bagong konstitusyon.

You might also like