You are on page 1of 2

1. Bahay ni ka huli, haligi'y balibali, ang bubong ay kawali.

(alimango)
2. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (aso)
3. Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak mo. (baka)
4. Dala mo't sunong, ikaw rin ang baon. (kuto)
5. Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo, tiyak mangangati ang balat mo. (higad)
6. Ibon kong kay daldal-daldal, ginagaya lang ang inuusal. (loro)
7. Hakot dito hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon. (langgam)

8. Munting tumataginting kung saan nanggagaling.


Sagot: Telepono
9. Dalawang batong maitim,malayo ang nararating.
Sagot: Mata
10. Kalamay ng hari, hindi mahati-hati.
Sagot: Tubig
11. Kinain ko ang isa,itinapon ko ang dalawa.
Sagot: Tulya
12. Naligo si Adan,hindi nabasa ang tiyan.
Sagot: Sahig
13. Kung tawagin nilay santo hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
14. Bahay ni Ka Gomez, punung-puno ng perdigones.
Sagot: Papaya
15. Tubig sa ining-ining,di mahipan ng hangin.
Sagot: Niyog
16. Nakakalakad ako sa lupa, nakakalangoy din ako sa sapa, nakakalipad din ako ng kusa. (gansa)
17. Naghain na si Lolo, unang dumulog ay tukso. (langaw)

18.Bahay ni Kaka, hindi matingala.


Sagot: Noo
19.Pitong bundok, pitong lubak, tigpitong anak.
Sagot: Sungkahan

20. Heto, na ang magkakapatid, nag-uunahang pumanhik.


Sagot: Paa
21. Maliit at malaki, iisa ang sinabi.
sagot: Orasan O Relo
22. Nakakulubong ay walang ulo, kinatatakutan ng gago.
Saot: Multo
23. Dalawang magkaibigan, habulan nang habulan.
Sagot: Paa

You might also like