You are on page 1of 3

Mindanao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Mindanao
Mindanao is located in Pilipinas
Mindanao (Pilipinas)
Heograpiya
Lokasyon
Timog Silangang Asya
Kapuluan
Pilipinas
Bilang ng pulo
7,107
Mga Pangunahing pulo Mindanao, Sulu
Lawak104,530 km2 (40,359 sq mi)
Area rank
Ika-19
Pinakamataas na elebasyon
3,412 m (11,194 ft)
Pinakamataas na bahagi Bundok Apo
Bansa
Flag of the Philippines Pilipinas
Rehiyon
Caraga, Hilagang Mindanao, Tangway ng Zamboanga, Rehiyon ng Davao,
Nagsasariling Rehiyon ng Muslim na Mindanao (ARMM), SOCCSKSARGEN
Lalawigan
Agusan del Norte, Agusan del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-tawi, Surigao del Norte,
Surigao del Sur, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley, Misamis
Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, North Cotabato, South
Cotabato, Saranggani, Sultan Kudarat, Maguindanao, Zamboanga del Norte, Zamboanga del
Sur, Zamboanga Sibugay
Kabiserang lungsod
Lungsod ng Davao (pop. 1,449,296)
Demographics
Populasyon 21,968,174 (as of 2010)
Densidad
232 /km2 (601 /sq mi)
Mga pangkat etniko
Bajao, Bisaya, Subanon, Hiligaynon, Cebuano, Waray, Karay-a,
Butuanon, Surigaonon, Sangirese, Lumad Kamayo, Manobo, Tasaday, T'boli, Moro,
Maguindanao, Maranao, Latino Zamboangueo
Ang Mindanao o Kamindanawan ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito rin ang
tawag sa isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas (ang dalawa ay ang
Luzon at ang Kabisayaan), na binubuo ng pulo ng Mindanao at ng mga nakapalibot na mga
maliliit na pulo. Pinakamalaking lungsod sa Mindanao ang Lungsod ng Davao. Sa 21,968,174
populasyon ng Mindanao, (ayon sa senso noong 2010) 10 bahagdan ay mga Moro o Muslim.[1]
Ang Mindanao ang bukod tanging pook heograpikal sa Pilipinas na may malaking bilang ng
mga Muslim. Ang pinakatimog na bahagi ng Mindanao, partikular ang lalawigan ng
Maguindanao Lanao del Sur, Sulu, at Tawi-tawi (na bahagi ng Nagsasariling Rehiyon ng Muslim
na Mindanao (ARMM)), ay tahanan ng nakararaming Pilipinong Muslim. Dahil sa malawakang
kahirapan, pagkakaiba-iba ng relihiyon, ang pulo ay kinakitaan ng paghihimagsik ng mga
komunista, pati na rin ng mga kilusang armadong separatistang Muslim.
Mga nilalaman [itago]
1 Kasaysayan
2 Heograpiya
3 Pangkat ng mga pulo ng Mindanao
4 Mga kawing na panlabas
5 Mga Sanggunian
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]
Isang lumang mapang Kastila ng pulo ng Mindanao.

Isinunod ang pangalan ng Mindanao sa mga Maguindanaon na bumubuo sa pinakamalaking


Kasultanan ayon sa kasaysayan, at makikita sa mga mapa na ginawa noong ika-17 at ika-18
dantaon na nagmumungkahi na ang pangalan ay ginamit upang tukuyin ang pulo ng mga
makapangyarihang katutubo ng panahong iyon.
Unang lumaganap ang Islam sa rehiyon noong ika-13 dantaon sa pamamagitan ng mga
mangangalakal na Arabe mula sa kasalukuyang Malaysia at Indonesia. Bago pa man maganap
ito, ang mga katutubo ay pangunahing mga animista na naninirahan sa mga maliliit na
pamayanan.[2] Karamihan sa mga taal na populasyon ng mga Tausug, Maranao at
Maguindanaon ay agad na lumipat sa pananampalatayang Islam maliban sa mga mailap na
Subanon, Talaandig, Higaonon at ilang maliliit na mga tribo na tumangging makipag-ugnayan
sa mga Arabeng misyonero ng Islam.
Itinayo ang pinakaunang moske sa Pilipinas noong kalagitnaan ng ika-14 na dantaon sa bayan
ng Simunul.[2] Sumunod ang mga kasultanan ng Sulu at Maguindanao noong ika-15 at ika-16
na dantaon. Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon hanggang unang bahagi ng ika-17
dantaon, naganap ang unang pagtatagpo sa mga Kastila. Sa panahong ito, maayos nang
nakatatag ang Islam sa Mindanao at nagsisimula nang manghikayat sa mga pangkat sa
malalaking kapuluan ng Kabisayaan tulad ng Cebu at Bohol, gayundin sa dulong hilagang
bahagi, tulad ng Maynila sa Kalusunan.[2]
Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, labis silang nabagabag nang matagpuan nilang
matibay ang katayuan ng Islam sa pulo ng Mindanao, bilang katatapos lang mapaalis ang mga
Moors mula sa Espanya pagkatapos nang dantaong labanan sa ilalim ng Reconquista. Sa
katunayan, ang pangalang Moro ay wikang Kastila para sa "Moors", na ibinigay sa mga Muslim
na naninirahan sa Mindanao.[2] Pinangalanan ni Villalobos na Caesarea Caroli ang pulo ng
Mindanao nang maabot niya ang dalampasigan nito. Isinunod ito kay Carlos V ng Banal na
Emperyong Romano (at I ng Espanya).
Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Mindanao na may sukat na 104,630 kilometro
kwadrado, at ikawalang pinakamataong pulo sa buong daigdig. Higit na malaki ang pulo ng
Mindanao kaysa sa 125 mga bansa sa daigdig, kabilang ang Netherlands, Austria, Portugal,
Czech Republic, Hungary, at Ireland. Ang pulo ay bulubundukin, at kung saan matatagpuan
ang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Napalilibutan ng 4 na karagatan
ang Mindanao: ang Dagat ng Sulu sa kanluran,[3] Dagat Pilipinas sa silangan, Dagat Celebes
sa timog, at Dagat Mindanao sa hilaga. Sa lahat ng mga pulo sa Pilipinas, Mindanao ang may
pinakamalawig ang pagkakaiba-iba ng pisyograpikong katangian.

Ang pangkat ng pulo ng Mindanao ay sinasaklaw ang pulo ng Mindanao kasama ang Kapuluan ng
Sulu sa timog kanluran. Ang pangkat ng mga pulo ay nahahati sa anim na rehiyon, na hinati pa
sa 26 na lalawigan.
Pangkat ng mga pulo ng Mindanao[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang grupong ito ng Mindanao ay isang arbitraryong lupon ng mga pulo sa timogang bahagi ng
Pilipinas na kinabibilangan ng anim na rehiyong administratibo. Ang mga rehiyong ito ay
nahahati sa 25 mga lalawigan, kung saan apat lamang sa mga ito ay wala sa mismong isla ng
Mindanao. Kasama sa grupo ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran, kinabibilangan ng mga
pangunahing isla ng Basilan, Jolo, at Tawi-Tawi, pati ng mga nakaratag na mga isla sa kalapit
nito tulad ng Camiguin, Dinagat, Siargao, Samal, at Mga Isla ng Sarangani.
Ang anim na rehiyon ay ang mga sumusunod:
Peninsula ng Zamboanga (Rehiyon IX)

Hilagang Mindanao (Rehiyon X)


Davao (Rehiyon XI)
SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII)
Caraga (Rehiyon XIII)
Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
Peninsula ng Zamboanga (Rehiyon IX), dating Kanlurang Mindanao, ay matatagpuan sa
tangway ng mismong pangalan. Ito ay binubuo ng mga probinsiya ng Zamboanga del Norte,
Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at ng dalawang lungsodSyudad ng Zamboanga at
Syudad ng Isabelana hindi sakop ng alinmang lalawigan. Ang Syudad Isabela ang tanging
teritoryong wala sa mismong isla ng Mindanao, ito ay nasa Basilan. Ang administratibong
kabisera ng rehiyon ay ang Lungsod ng Pagadian. Ang buong rehiyon ay iisang probinsiya dati
na tinawag na Zamboanga.

Hilagang Mindanao (Rehiyon X) ay binubuo ng mga probinsiya ng


Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Misamis
Oriental. Ang lalawigan ng Camiguin ay isa ring pulo sa may hilagang
baybayin. Ang sentrong administratibo ng rehiyon ay Cagayan de Oro.
Davao (Rehiyon XI), dating Timog Mindanao, ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng
Mindanao. Ang rehiyon ay nahahati sa mga lalawigan ng Davao Oriental, Davao, Davao del Sur,
at Lambak Compostela; kasama pati ang Lungsod ng Davao. Ang Golpo ng Davao ay nasa
timog at ang isla ng Samal sa golpo ay kabilang din sa rehiyon, pati ang Mga Isla ng
Sarangani. Ang Lungsod ng Davao ang sentrong administratibo.
SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII), dating Gitnang Mindanao, ay matatagpuan sa timog-gitnang
bahagi ng isla. Binubuo ito ng mga probinsiya ng Cotabato, Sarangani, Timog Cotabato, at
Sultan Kudarat, kasama ang Lungsod ng Cotabato. Ang pangalan ng rehiyon ay isang acronym
ng mga pangalan ng mga probinsiya nito kasama ang Lungsod General Santos. Ang Lungsod
ng Cotabato, na matatagpuan sa loob ng lalawigan ng Maguindanao ngunit hindi kabilang sa
nasabing probinsiya, ay ang sentro administratibo ng rehiyon.
Caraga (Rehiyon XII) ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang parte ng Mindanao. Ang kanyang
mga probinsiya ay Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
Ang sentro administratibo ay ang Lungsod ng Butuan sa Agusan del Norte. Kabilang sa
rehiyong ito ang mga nakaratag na isla ng Surigao del Norte tulad ng Isla ng Dinagat, Isla ng
Siargao, at Bucas Grande.
Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay isang espesyal na rehiyon na
kinabibilangan ng mga teritoryo kung saan ang mayoriya ng populasyon ay moro. Kasama dito
ang halos buong Kapuluang Sulu (ang Syudad ng Isabela ng Basilan ay bahagi ng rehiyong
Peninsula ng Zamboanga) at dalawang probinsiya sa isla ng Mindanao. Ang mga lalawigang
bumubuo sa Kapuluang Sulu ay Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Ang Basilan at Tawi-Tawi ang mga
pangunahing isla ng kanilang mga lalawigan, Isla ng Jolo naman ang sa Sulu. Ang mga
probinsiya sa mismong isla ng Mindanao ay ang Lanao del Sur at Maguindanao. Ang sentro
administratibo ng rehiyon ay ang Lungsod ng Cotabato, na hindi parte ng ARMM.

You might also like