You are on page 1of 14

Ang Buhay sa Espanya

Buhay sa Espanya
Layunin ng pagpunta sa Espanya:
- Para magmasid sa buhay, kultura,
lengwahe at kaugalian, industriya,
at pamahalaan at batas ng Europa
- Ito ay makatutulong sa paghahanda
niya sa mas mabigat na layuning
mapalaya niya sa kuko ng Espanya
ang kanyang mga kababayan

Buhay sa Madrid
Nob. 3, 1882 nag enrol siya sa
Universidad Central de Madrid ng 2
kurso: Medisina at Pilosopiya at Letra.
Nag-aral din siya ng pagpipinta at eskultura
sa Academy of Fine Arts ng San Fernando
at nag-aral ng French, German, at English
sa mga pribadong tutors.
Binisita niya ang mga art galleries at museo
at nagbasa ng marami at ibat-ibang
libro.

Buhay sa Madrid
Naging istrikto siya sa paggamit ng pera at
paggugol ng oras. Ginugol nya lang ang pera
para sa pagkain, damit, renta sa bahay, at
libro.
Ang bakanteng oras niya ay ginugol sa
pagbabasa at pagsulat sa boarding house, at
pagdalo sa pagtitpon ng mga estudyante sa
bahay ng mga Paterno at sa sport na fencing
at shooting.
Nakihalubilo din siya sa mga estudyante na
galing sa Cuba, Mexico, Argentina, atbp.

Buhay sa Madrid
Kung Sabado ng gabi, bumibisita siya sa bahy ni Don
Pablo Ortiga y Rey at ang anak nitong sina Rafael at
Consuelo.
Si Don Pablo ang dating mayor ng Maynila nang si
Gob. De La Torre and gobernador heneral.
Dahil sa kanyang karisma, naging madaling maakit
ang mga dalaga sa kanya, gaya ni Consuelo Ortiga.
Subalit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil
nang panahong iyon, kasintahan pa niya si Leonor
Rivera at ang kaibigan niyang si Eduardo de Lete ay
malaki rin ang pagtingin sa dalaga; ayaw niyang
masira ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Buhay sa Madrid
Sumapi si Rizal sa Circulo Hispano
Filipino, isang samahan ng mga
Kastila at Pilipino.
Sumulat siya ng isang tulang may
pamagat na Me Piden Versos dahil
na rin sa kahilingan ng mga kasapi
nito. Ito ay kanyang binigkas noong
Dec. 31, 1882 para sa mga
Pilipinong nasa Madrid.

Buhay sa Madrid
Pagmamahal sa Pagbasa
Ang perang naiimpok niya ay ipinambibili
niya ng mga libro. Ang kanyang koleksyon
ay binubuo ng mga sumusunod:
Hebrew Grammar, Lives of Presidents of the U.S.,
Complete Works of Voltaire (9 vols.) Complete Works of
Horace (3 vols.) Complete Works of C. Bernard (16
vols.) History of the French Revolution, the Wandering
Jew, Ancient Poetry, Works of Thucidydes, The
Byzantine Empire, The Characters by La Bruyere, The
Renaissance, Uncle Toms Cabin, Works of Alexander
Dumas, Louis XIV and his court, at madaming iba pang
libro sa Medisina, Pilosopiya, Wika, Kasaysayan,
Heograpiya, Sining at Agham

Buhay sa Madrid
Unang Pagbisita sa Paris (1883)
Naglakbay siya tungong Paris noong Hunyo 17
hanggang Agosto 20.
Labis siyang naakit sa magagandang tanawin sa
Paris, mga boulevards, Opera House, Place de
Concorde, Arch of Triumph, Magnificent Park,
Madelaine Church, Cathedral of Notre Dame,
Column of Vendome, Invalides (naroon ang libing
ni Napoleon the Great) at ang Versailes.
Matamang nagmasid si Rizal sa kultura ng mga
Pranses, pumunta sa mga museo, sa botanical
gardens, aklatan at galleries, hospitals, atbp.

Buhay sa Madrid
Si Rizal bilang Mason
Nakasama niya sa masonry sina Miguel Morayta,
statesman at propesor, Francisco Pi y Margal,
manunulat, Manuel Becerra, Minister ng Ultramar,
Emilio Junoy, manunulat at kasapi ng Spanish
Cortes, at Juan Ruiz Zorilla, pinuno ng Republican
Progressive Party sa Madrid.
Hinangaan niya ang malayang pagpuna ng mga
mason sa patakaran ng gobyerno at ng mga
prayle, na di puwedeng gawin sa Pilipinas.
Acacia ang pangalan ng masonic lodge na
sinalihan niya. Nais niyang humingi ng suporta sa
mga ito sa kanyang pakikipaglaban sa mga prayle
sa Pilipinas.

Buhay sa Madrid
Mga Alalahaning Pinansiyal
Lumala ang sitwasyon sa Kalamba, bumagsak ang ani
ng palay at tubo.
Tinaasan ng namamahala ng hasyendang Dominiko
ang upa sa lupang sinasaka ng mga Rizal.
Nagkaroon ng peste ang mga pabo (turkey)
Gumanti ang tagapamahal ng lupa nang minsang
humiling sila ng pabo at di napagbigyan pinatawan
niya ng mas mataas na renta ang lupang sinasaka ni
Don Francisco.
Madalas nahuhuli ng dating ng padalang pera kay Rizal
at minsan, walang dumarating.

Buhay sa Madrid

June 25, 1884: walang kapera pera si Rizal,


gutom na pumasok sa klase, sumala sa
paligsahan sa wikang Griyego, at nagwagi ng
gintong medalya. Nang gabing iyon lang siya
nakakain dahil siya ang panauhing tagapagsalita
sa isang bangketeng inihandog para kina Juan
Luna at Felix Resurreccion Hidalgo.
Pagsaludo kina Luna at Hidalgo: Spoliarium ni
Luna (1st prize) at Christian Virgins Exposed to
the Populace (2nd prize). Binigkas niya ang
pagbati sa dalawa bilang tagumpay ng Espanya at
Pilipinas.

Buhay sa Madrid

Ang pagiging henyo ay walang pinipiling bansa,


sumisibol kahit saan, tulad rin ng liwanag, hangin,
ang patrimonyo ng lahat, kosmopolitan kagaya ng
kalawakan, ng buhay, ng Diyos. Rizal
Nakilahok din si Rizal sa demonstrasyon ng mga
estudyante sa UCM. Dahilan: ang talumpati ni Dr.
Morayta na history professor kung saan ipnihayag
niya ang kalayaan ng agham at ng guro. Ang
ganitong liberal na pananaw ay kinondena ng
mga obispo ng Espanya, na mabilis nagpahayag
ng excommunication dito at ang mga nagbunyi sa
kanyang talumpati.

Buhay sa Madrid
Nagkaroon ng rally ang mga estudyante;
halos lahat ay nakilahok.
Naging madugo ito.
Maraming propesor ang nagpakita ng
lantarang suporta para sa mga rallyista.
Nagbitiw sa posisyon ang Rector; pinalitan
siya ng bagong rektor na lalo lamang
ikinagalit ng mga estudyante.

Buhay sa Madrid
Nagkamit ng degree o titulo na
Licentiate in Medicine mula sa UCM
noong Hunyo 21, 1884.
1885 nag-aral siyang muli at natapos ang
lahat ng kurso na degree na Doctor of
Medicine. Di siya nabigyan kaagad ng
diploma dahil di pa natapos ang thesis at
di pa nabayaran ang kanyang Tuition
Fees.

You might also like