You are on page 1of 3

2.5.3.

4
Sinong mag aakala, na lahat ng tao ay pwedeng mabigyan ng pangalawang pagkakataon. Pagkakataong
makapag aral muli sa isa sa pinakamagandang eskwelahan, at makatagpo ng babaeng iibigin ng walang
hanggan.
Weslie, o mas madalas na tawaging "Lie". Isa sa mga taong nagpapatibay ng loob ko, taong karamay ko
sa oras ng problema. Siya ang taong palaging nakangiti, tinitignan ang lahat ng bagay na positibo at
maganda! Tatlo silang magkakapatid na lalaki, at siya ang panganay. Bilang kuya, isa sa pinakamahirap
na gampanin ng panganay ay ang unawain ang lahat ng bagay. Magmula sa mga kapatid mo hanggang
sa mga magulang mo. Ngunit, lagi nating tatandaan. Na lahat ng pagod at hirap nati'y may katugunan. At
ito ang mga halimbawa ng katugunan ng kanyang pagsisikap.
Siya ay kasalukuyang nag aaral sa- De La Salle-College of Saint Benilde, nasa ikatlong baitang o third
year. Kumukuha ng kursong Business Administration.
Nagkamit ng karangalan bilang isang magaling at masipag na estudyante ng nasabing paaralan- Dean's
lister!
Ginagamit ang kanyang talento sa husay sa paggamit ng kompyuter sa simbahan kanyang
kinabibilangan- Multi-media
Humahanga, at hinahangaan ko siya. Namin! At ang nakakatuwa sa taong to, ay ang taglay niyang
kabutihan. Kabutihang isa sa pinakaminamahal ko. At personalidad na sinasaluduhan ko!

2. Restituto Biglangadapa!?
Siya si Jeffrey T. Ignacio, guro sa Filipino sa Mataas na paaralan ng Doa Teodora Alonzo high school.
Sa eskwelahang ito, siya ang BOSS. Kinakatakutan, kinaaasaran, kinaiinisan at iniiwasan. Pero, hindi ka
makakatungtong ng Ikaapat na baitang o 4th Year kung walang ganitong guro kang mapagdadaanan.
Sabi nila, "Sir Ignacio, nako! Pahirap yan. Mahihirapan kang makalusot diyan. Gooowd lak na lang."
Kapag naaalala ko ang mga linyang yan, napapangiti ako. Marahil ay totoo, dahil minsan niya na kong
naging estudyante! At itong gurong to, ang nagpaalala saken. Na ang buhay at pag aaral ay iisa lang.
"Kailangan mong mag ingat upang di ka masaktan at di mamatay. Kailangan mong mag aral ng mabuti ng
di ka bumagsak at di masira ang buhay na naghihintay sayo sa kinabukasan!" Napaka-ironic ng lahat ng
bagay. Dahil, siya bilang naging guro oo ay malapit ko na ulit makadaupang-palad. Isang taon mahigit na
lang ang bibilangin at makikita ko ulit Siya. Ang guro'ng kinaiinisan, kinaayawan, kinatatakutan ay
makakaharap nang muli ang dati niyang estudyanye. Na ngayo'y....
Guro na din katulad nyo. Oo, pareho kami ng propesyong tinahamak. Maaaring iniisip ng iba na ginaya ko
siya. Oo, marahil? Datapwat. Ngunit, ang lahat ng tao'y di pare-pareho. Magkapareho man ang aming
piniling prosesyon, ang kaibahan nito'y kung paano nating pangangatawanan at isasabuhay ang ating
kinahantungan!

Ang araw nang muli nating pagkikita Ginoo, ay nalalapit na. Ang dating "boyish" na si Quennie. ay si Bb.
Reyes na mula ngayon! Nakakamanghang adbokasiya, ngunit nakakatakot na kapalaran ang naghihintay
sa bawat guro. Kaya naman, sa muli nating pagkikita. Hihigitan ko, at mas pagbubutihan ko pa ang mga
bagay-bagay na nagawa mo sa amin na ngayo'y magagamit ko sa magiging mga estudyante ko.
Tulad ng lagi niyang sinasabi, "Kita kita sa mata." -Asahan mong sa bawat pagkikita nyo'y panibagong
kwela, nakakatakot na recitation at pagsusulit ang kakaharapin mo sa subject niya!
3. "LABAN LANG!"
"Para sayo, ang laban na to. Para sayo ang laban na to! Hindi ako susuko, isisigaw ko sa mundo! Para
sayo, ang laban na to." -Manny Pacman Pacquio Song
Ano nga ba ang "Life Group"? (Living In Fellowship and Evangelism)
Ang Life Group ay binubuo ng grupo ng mga kapwa babae o lalaki, matanda man o bata. Na ang iisang
layunin ay mag ayusan ng buhay! Dito sa grupong to. Ay may tinatawag na Cell Group Leader, kung saan
siya ang namumuno at nagbibigay ng aral o leksyon sa mga kagrupo niya. Patungkol sa salita ng Diyos.
Bawat isa sa amin ay nagnanais na maging lider. Nagnanais na matawag na magaling na manlilingkod ng
Panginoon. Ngunit, dapat tandaan na, "In every responsibility, there's always an obligation",
responsibilidad at obligasyon nating alagaan, mahalin, gabayan at itama ang mga maling ginagawa ng
mga kagrupo natin.
Ang lider ng isang cell group ay maaaring tawaging; Ate, kuya, ma, pa, ina o itay. Kahit ano basta't alam
nating ito'y mas ikakalapit natin sa kanila. Ang atensyong nakukuha natin sa kanila ay isang patunay na
tayo ay mahalaga. Na tayo ay kanilang mahal.
Ang life group ay ginaganap isang beses sa isang linggo. Nag aayusan ng buhay, nagpapalalim sa
Panginoon, at higit sa lahat bumubuo ng relasyon na hindi man sa pagiging magkadugo ang koneksyon.
Ay naglalayon na bumuo ng pamilya na ang Diyos ang pinaka-sentro!
4. Balloon Festival 2015!
"Sabi nila, hindi daw naririnig ng Diyos ang mga panalangin natin. Kaya naman gumawa kami ng paraan.
Sa pamamagitang lobo, idinikita namin dito ang aming mga panalangin. Ngayon, madadala kaya ng lobo
ang aming panalangin sa Panginoon o ang Diyos mismo ang maghahatid sa mga lobo patungo sa
kasagutan ng aming panalangin."
Enero 10, 2015 nagkaisa ang aming simbahan at kabarangay na dumalo sa aming natatanging gawain.
At ito ay ang Balloon Festival! Marami ang nakilahok. At lahat ay nagnanais ng katugunan at pananalig sa
Diyos. Lahat ay mag hawak ng puting lobo. Lobong hinahangad nila'y makarating sa Diyos. Lahat ng tao'y
nakangiti, umaasa ng maganda at positibo sa Diyos! Kaya naman, sa pagbilang sampu. Lahat ng tao'y
nakahanda na. Nakahandang iaalay at iparating sa Diyos na buhay ang bawat naisin ng kanilang puso.
Sa pagbitiw ng mga kamay sa lobo patungo sa kalangitan, ang nais nati'y mapangiti ang Panginoon.
Ipadama sa kanya na siyang buhay at walang katulad. Sa bawat taong walang sawang nagtitiwala at

nagmamahal sa kanya, alalahanin natin sa oras ng kanyang pagbabalik. Isa ka, isa tayo. Sa mga
isasama Niya sa kanyang kaharian.
"Liparin man ng hangin ang mga panalangin natin, asahan nating ang katagumpayan ay paparating na.
Dahil ang Diyos ay nilikha ang hangin upang maging mabisang daluyan ng pagpapala mula sa kanya,
patungo sa atin!"

You might also like