You are on page 1of 12
Ad Veritatem Vol. 6, No. 2 (March 2007) Jovino G. Miroy, Ph.D. Abstract This paper extends Quentin Lauer's dialectical view of | belief, which ‘means that religious faith is not a static substance, but, as a spiritual act, itnecessarily undergoes a process of negation by which it attains a higher level of synthesis. Belief in God never reaches its object not only because it is differentiated from certain knowledge but because of the very transcendence of its terminus ad quem. Belief encounters an atheistic moment proper to itself, which when confronted in sincerity and honesty, can lead to a stronger belief, one purer because it is no longer a belief in imulacrum of God that can be known or reduced to one easily acceptable ‘10 the believer. The negation of belief in a non-God deters the believer from using religion for his own sake. The paper discusses the so-called “hermeneutics of lent,” the method by which belief is purified through latchfulness against the totalizing tendency of belief as a subjective act inus a quo). It is for this reason that belief must confront its other, heism, not as an adversary but as a helpful partner in the progress of ing faith. The paper ends with a discussion of Freudian atheism, and low the exposition of belief as childish illusion leads to a mature confidence in God. J. G. MIROY ni Quentin Lauer, S.J. ang mga tulong na ibinibigay ng ateismo sa naniniwala. Sa kanya namang sanaysay na “Taking Suspicion Seriously: The Religious Uses of Modern Atheism,” kinasangkapan ni Merold Westphal ang ateismo upang paigtingin ang pag-unawa sa paniniwala. Sa gayong paraan din nais tingnan ng sulating ito ang Ateismo. Pagtutuunan dito ang di-paniniwalang nagmula sa pagtanggi sa Diyos upang lalong mapagtibay ang tao o sa madaling salita, ang ateismong nakasalig sa Humanismo, S a kanyang artikulong “The Problem of Unbelief,”’ ipinakita Hindi lamang sa pagpapabula maaaring harapin ang Ateismo kundi sa pag-alam. din sa puwang nito sa paniniwala Tinatalakay ni Lauer ang Ateismo upang maipakita ang di-paniniwala ng mga naniniwala. Ang pagharap ng naniniwala sa ateista ay hindi sa Pagpapakita ng kanyang mga kamalian kundi sa pamamagitan ng “diyalogo at aksyon” (Lauer, 1). Sa kanyang artikulo, hindi ipinagpaliban ni Lauer ang pagsasagawa sa kanyang mungkahi; nilinaw niya roon ang mga “tulong” na ibinibigay sa paniniwala ng kawalan ng paniniwala. Testimonya ng isang malalim na pakikipaglaban ng isang Kristiyano sa di-naniniwala ang kanyang artikulo, Ayon naman kay Westphal, sa kasaysayan ng pag-aaral sa di- paniniwala, dalawang uri ng intelektwal na ateismo ang hinaharap ng naniniwalang pilosopo. Una ang tinatawag na evidential atheism, at ikalawa ang tinatawag na atheism of suspicion. Tinutukoy ng una ang uri ng Ateismo na mula sa pagsasabing walang sapat na patibay o ebidensiya na may Diyos. Tinutukoy naman ng ikalawa ang uri ng Ateismo na mula sa paghihinala sa mismong kilos ng paniniwala, isang paghihinala na nagmumula sa pagpapalagay na maaring magkamali ang kamalayan (Westphal, 1). Maisasagawa ang Pagpapabula ukol sa una yayamang ang di-naniniwala ang kinakausap sa talakayang ito. Ukol ito sa katibayan kaya maaaring ipakita ang kalakasan at kahinaan ng mga argumento para o Jaban sa pag-iral ng isang Walang Hanggan. Ngunit ukol sa ikalawa, hindi sapat ang pagpapabula sapagkat hindi laging nakatuon sa di- ' Quentin Lauer, SJ, “The Problem of Unbelief,” sa The Lauer Reader, ed. Rainier Ibana, Ph.D., (Quezon City: Office of Research and Publications, 1990), 91-102 * Merold Westphal, “Taking Suspicion Seriously: ‘The Religious Uses of Modern Atheism,” Faith and Philosophy 4 (January 1987): 26-42 [522] ATEISMO AT PANINIWALA naniniwala ang talakayan. Ito’y sapagkat tama ang paglalarawan sa paraan ng pag-iral ng sumasampalataya. Samakatuwid, nakapagbigay ang mga ateistang tulad nina Nietzche, Marx, at Freud ng liwanag ukol sa paniniwala na hindi nangangailangan ng pagpapabula dahil totoo. Hindi kaya naiipit sa isang kontradiksyon ang dalawang pilosopong ito? Kahit na sumasang-ayon sila sa sinasabi ng mga atheista ukol sa paniniwala ay naniniwala pa rin sila Mabuting tingnan ang tanong na ito. May kontradiksyon dahil sumasang- ayon ang naniniwala sa isang di-naniniwala. Tila sinasabi na ukol sa dalawa (paniniwala at di-paniniwala) kailangang pumili ng isa lamang. Ang naniniwala ay hindi di-naniniwala, at lalo na ang atheista ay hindi naniniwala. Ngunit ganito nga ba ang katotohanan? Mapaghihiwalay ba ang dalawa sa isa’t isa? Maipagpipitagan si Lauer sa kanyang pagsasabi na may di- paniniwala na natatagpuan sa “lahat” ng naniniwala. May ilang ipinahayag si Lauer sa kanyang artikulo: una) ipinahayag niya na may tulong ang di-paniniwala sa paniniwala; ikalawa) ipinahayag niya na may paniniwalang tagong di-paniniwala, at ikatlo) may di- paniniwala sa loob ng paniniwala. Sa kabila ng kalinawan ng Pagtalakay ni Lauer, hindi matatawaran ang lalim ng kanyang kaisipan ukol sa paniniwala dahil mahigpit itong inuugnay sa kabaligtaran nito. Ang pagtinging ito sa paniniwala ang nilalayong talakayin ng sulating ito. Masasabing ang pangunahing tanong ng artikulong ito ay: Ano ang paniniwala kung kaakibat nito ang di- paniniwala? Nagsalita si Lauer ng iba’t ibang uri ng di-paniniwala. Naroon ang unang pangkalahatang paghahati sa Di-paniniwala ng Di- naniniwala at Di-paniniwala ng Naniniwala, Nahahati ang una sa dalawa pa: ang Kawalan ng Paniniwala at ang Paglaban sa Theismo. Kawalan ng positibong dahilan para maniwala sa isang nakahihigit ang una at pagkakaroon naman ng negatibong dahilan para huwag maniwala sa Diyos ang ikalawa. May tatlong uri ng Di-paniniwala ng Naniniwala. Una, iyong paniniwalang walang pagtataya; ikalawa, lyong paniniwala sa isang hindi-Diyos; ikatlo, iyong di-paniniwala na negatibong sandali sa buhay na pananampalataya. Sa wakas ng Kanyang artikulo, ninais ni Lauer na malaman kung ano ang tunay Na pananampalataya. Ang tunay na paniniwala ay buhay, iyong lumalago at isang proseso (Lauer, 5). Mahalaga ang gawain ng di- Paniniwala sa paglagong iyon. Kung gayon, ang bawat pagtalakay ni Lauer sa di-paniniwala ay isang pahaging na pagpapakita kung ano talaga ang maniwala. Kung di-paniniwala ang hindi magtaya 84 tao at sa lipunan (sapagkat “ang luwalhati ng Diyos ay ang taong ganap na buhay”) ang maniwala kung gayon ay ang magtaya. Magagamit ang Ateismo sa pagpapalalim ng pag-unawa sa paniniwala. (Maaaring lumikha ng isang buong kurso sa pilosopiya ng relihiyon na ang mga atheista lamang ang kukunin ngunit ukol sa paniniwala ang kurso.) Minumungkahi ang isang atitud sa Atheismo hindi bilang kaaway kundi bilang kapanalig. Sa pagtalakay ni Lauer, binigyang- diin niya ang katunayan ng ang mga santo ng isang panahon ay itinuring ng ibang panahon bilang “ateista." Isa niyang halimbawa si Socrates na pinatay dahil sa kanyang di-paniniwala sa mga Diyos ng Athenas. At isa rin niyang halimbawa si Jesus. Katwa na ganito rin ang ginawa ni Westphal. Bilang Pagpapatunay sa kanyang mungkahing seryosohin ang paghihinala, sinabi niya na matatagpuan sa loob ng Bibliya ang tinawag na Pagpuna sa Relihiyon.” Liban sa mga Propeta ng Lumang Tipan, si Jesus ay pinatay rin dahil pinuna niya ang palakad ng mga Pariseo. Hindi ba't sinabi niyang mag-ingat sa lebadura ng mga ito? Kung gayon, hindi bago sa kasaysayan ng mga relihiyon na bansagang di- naniniwala ang isang pumupunta sa kanila. Tiyak na wala sa mga tinig na ito ang nagsabing atheista sila, hindi tulad nina Freud at Marx. Gayunpaman, nagdulot ng paglago sa relihiyong pinuna nila ang kanilang pagpuna. Minumungkahi ng artikulong ito ang isang personal na pagmumuni-muni (examen) upang tingnan ng mga mapag-isip na naniniwala kung paano lalago ang kanilang paniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga Ateista. Paghihinala Tinataya ni Westphal na si David Hume (1711-1776) ang nagpasimula ng metodo ng Paghihinala sa Relihiyon. Sa kanyang, The Natural History of Religion, lumikha siya ng panibagong anggulo sa pagtatanong ukol sa relihiyon. Liban sa nakaga ad pagpapatunay o pagpapabula ng relihiyon sa katwiran, siniyasa' din niya ang “ugat ng relihiyon sa kalikasan ng tao’ (Westphal, 2). Samakatuwid, hindi obhektibo ang mga dahilan ng paniniwala kundi mula sa kalikasan ng tao. Bunga ng mga “motibo” (motive) ang relihiyon, at may pansariling gamit (function) ito para sa tao. 1524) Narito ang isang listahan ng mga motibong ito: “ang maligalig na paghahanap sa kaligayahan, ang panghihilakbot sa kamatayan, ang uhaw sa paghihiganti, ang pagnanasa sa pagkain at ibang pangangailangan” (Westphal, 2). May dalawang pangkalahatang tanong ang paghihinala, ukol sa relihiyon: una) Ano ang pinanggalingan ng pananampalataya? ikalawa) Ano ang kalikasan nito? Ihambing natin ang mga tanong ni Hume sa tanong ng naniniwala sa kanyang sarili at sa Diyos: “Saan ako nanggaling at ano ang aking kalikasan? Ano ang dahilan ng aking pag-iral? May Diyos ba at ano ang Kanyang mga katangian? Paano ako makararating sa Kanya?” Makikita na may paralelismo ang mga tanong ni Hume sa mga tanong ng naniniwala. Sa isang paningin, hindi orihinal ang mga tanong ni Hume. Binaligtad lamang niya ang pagtatanong ng naniniwala. Subalit may sinasabi ang kanyang pagbabaligtad. Bilang ateista, tiyak na tinataya niya na walang obhektibong pag-iral ang Diyos at kung may naniniwala man, bunga ito ng mga suhektibong pangangailangan at damdamin. Ang pagtuklas sa mga pangangailangan at damdaming iyon ang nais tuklasin ng paghihinala. Higit sa mga rasyonal na dahilan, may mga di-namamalayang motibo ang paniniwala Ngunit para sa naniniwalang nagnanais na lumago mula sa Ateismo, ano talaga ang binabaligtad ng atheismo? Sa wakas, sa isang naniniwala, hindi nababaligtad ang Diyos — kahit iyon ang ipinagpapalagay ng atheista (na isang kathang-isip lamang ng tao ang Diyos bunga ng kanyang mga takot at inaasahan). Sa puntong ito, tatalakayin natin ang palagay ng mammulat ukol sa pagsilang ng paniniwala sa Puso ng tao. Alinsunod sa tradisyon nina Kierkegaard o William James, ang pagtawid ng isang tao mula sa kawalan ng paniniwala o mula sa iskeptisismo patungo, Sa paniniwala ay maipapaliwanag lamang ng indibidwal na kasaysayan. Gayunpaman, sa loob din ng tradisyong ito, may dalawang katangian ang pag-amin na may Diyos. Una ang elemento Ng pasya. Ipinapaliwanag ni James sa kanyang klasikong sanaysay na The Will to Believe na tama si Pascal na isa ngang pusta ang Maniwala, isang pusta na nilalampasan ang mga dahilan o ang kawalan ng mga ito. Sapagkat higit na kabaliwan ang manatili sa Pag-aalinlangan dahil sa takot na magkamali at maloko. Ngunit sa Pagbibigay-diin ni James sa kalooban, nalalagay ang pilosopiya niya Sa bingit ng Fideismo. Kung gayon, kailangang isusog ang kaisipan * 4... MIROY ni Paul Tillich’ na nagsasabing Sukdol na Malasakit ang . pananampalataya. Bilang gayon, kilos ito hindi lamang ng kalooban kundi ng kabuuan ng sarili — pati ng isip. Sa wakas, ayon kay Tillich, dahil sukdol na pagmamalasakit ang kilos na ito, maaari lamang magmula sa sukdol mismo yayamang kailanman ay hindi naranasan ng tao ang anumang sukdol. Isang “tanda” ng sukdol sa tao ang isang pagnanais na mag-alay ng sukdol na pag-ibig. Ang pananampalataya ay pakikipag-isa ng suhektibong kilos ng sarili na pinangungunahan ng kalooban at ng Sukdol na obhektibo nito (Diyos). O sa bokabularyo ng teolohiya, biyaya ng Diyos ang pakikipag-isa sa Kanya sa bawat kilos ng pananampalataya. Sa pilosopiya ng paniniwalang iyon, tinataya na may obhektibong pag- jral ang Diyos bilang sukdol. Hindi ginagawa ng paniniwala na may Diyos kundi nararanasan lamang Siya sa loob ng paniniwalang iyon. Bilang sukdol, lagpas Siya sa isip at kalooban; kaya’t kung nakararating man ako sa Kanya, iyon ay dulot ng Kanyang paglapit sa akin, Subalit anumang biyaya ay hinihingi at tinatanggap nang malaya, kaya kahit obhektibo ang paniniwala bilang biyaya, suhektibo rin ito bilang kilos na ginagawa ng sarili. Samakatuwid, ang paniniwala ay ang kaugnayan ng suhektibong kalooban at obhektibong Sukdol na Meron. Sa wakas, kung para sa naniniwalang humaharap sa atheismo, hindi ang obhektibong umiiral na Diyos ang binabaligtad, ang binabaligtad ay ang suhektibong elemento. Ipinamumukha ng Atheismo sa sumasampalataya ang suhektibong elemento ng pananampalataya. Paano ito ipinamumukha? Sa paraang pinaaalalahanan siya na baka nawawalan ng obhektibong katangian ang Diyos dahil sa mga suhektibo niyang dahilan sa paniniwala. Ipinamumukha, ng paghihinala ni Hume ang posibilidad na hindi Diyos ang pinaniniwalaan bunga ng takot at pagnanais ng tao. Ayon kay Lauer, inihaharap tayo ng Ateismo sa katotohanan na laging may larawan tayo ng Diyos sa kaugnayan natin sa Kanya. “Ngunit ang katotohanan, ang pinaniniwalaan ng taong Diyos ay sa malawak na paraan man lamang, ang Diyos na siyang nililikha ng tao sa kanyang larawan — hindi mananatiling tao ang tao kung ganap na makatatakas sa anthropornorphismo. Sa anumang > paul Tillich, “Kung Ano ang Pananampalataya," sa lang Babasahin sa Pilosopiya 9S Relihiyon, ed. Jovino Miroy, (Quezon City: Office of Research and Publications, 1993), 74 8. 1596] ATEISMO AT PANINTWALA Patahon, sa anumang kultura, ang mga katangian na pinamamalas aaa tae prodyeksyon ng mga ideyal ng panahon o a, auer, 2). Maraming magsasabi na d ; , s ulot ng m, Bene Ba langan ng isang tao ang paglapit niya sa Diyos Kaya hindi nararating ang Diyos sa kanyan, ili ij aD r g & sarili (Deu s Ipinapaliwanag ito ng ilang atheista sa ganitong oat abil are ine fae at pagnanais lumilikha tayo ng Diyos natin. Sa ‘a ang katunayang ito ay nangangah ; 90 heis un , angahulugang walang D: fan hea Paniniwala ang idolatriya. Ngunit ang Dosibilidad dalek BB Ea ng es ay nagbubunsod naman sa naniniwala I ig tunay na larawan ng Diyos. Kay ihi i | . Kaya ang paghihinalay Hone Ateismo, ay ang laging pagtatanong sa Fanicinals toe Diyos 6a Da ang pinaniniwalaan niya o baka isang prodyeksyon la: ng isang ideyal. " ms Kasabay ng paghihinalang i sal ; ig ito ang pagtanggi sa piibesariling dahilan para maniwala. At bunga ng mmakasariligg ty eres na ito ang paggamit sa relihiyon para sa sariling jagakanane 4 F an nates ni Westphal na relihiyong instrumental (Westphal, - Mula sa tanong ukol sa bukal ng ini ; Mu Paniniwala, napunta an; Pagsisiyasat sa tanong ukol sa silbi nito ili. “ 4 is ; ; Para sa sarili. “Anong m; — (us ng porate institusyon) ang pinagtitibay nealing wala? estphal, 3). Ang tinataw i relihiyong instrumental ka’ telomametbence hi r ya ang tinatawag ni Laue: ee a di-paniniwala? Tinatalakay i Westphal ang ng Utos (“Huwag mong babanggiti Barge Woe iggitin ang pangalan ng ; g walang kabuluhan”). Higit tinutukoy ng utos ang it sa“ ng kapanaganraen Paggamit sa “banal na kapangyarih: Matamo ang mga pansariling mali ithiin” (Westphal ae E 1 g maling mithiin” (Westphal, 4). pp ava letng gayon, Ang paniniwala sa isang huwad na diyos a 4 ala. Marahil, nagmula ang pagtatanon, ito ni Sa pagsasabi ng mga Kristyano, ibi eae RP yano, na pag-ibig sa kapwa ang kanilan; Be ia Neen kung may gamit ang relihiyon, hindi ba’t nilalabag é ang pangunahing utos ng kanilz i ibi Pinaghihinalaan din i Pauline ioe 1 ng Atheista ang posibilidad na kali : muta peg fans ganap kung suhektibo ang paniniwala. Samakanuwide A Hey ng Paghihinala kung may Diyos nga ba talaga ang pa inala sa posibilidad na mabuhay ayon sa mga utos he a iyon. Kung gayon, dinadala rin ng paghihinala ang talakat : augnayan ng paniniwala at etika. ae 527) J.G. MIROY Hermenyutika ng Kwaresma Para sa naniniwalang nag-iisip ukol sa kanyang Panini hindi kailangang magdulot ng Ee eer cea te ae i a ng Ateismo. Sa proposi mal ek nea “posible kaya ito? Hindi ba’t magiudilor gente Pa aalinlangan?” At maaaring humantong ang pag-aalin! ne a pagtanggi? Hindi ko itatatwa na maaari nga Itong ones see iba’t ibang conversio sa buhay ng tao. Maaati siyang maghago mia sa paniniwala patungo sa kawalan nito. Ngunit meat) aa na mula sa pag-aalinlangan at kawalan ng paniniwal 2 ay i ane masidhi siyang tagapagtanggol ng Babin 2 8 1 } nabubuhay tayo sa kulturang naniniwala, kaya binaba' ay aalinlangan ang kanyang alinlangan sa ean Se ee ihiyoso. May mga tao nama’ k eee ininanganak silang di-naniniwala sa Diyos ree 34). Iba ang pagharap sa Ateismo sa lipunang sekyular sa EA natin dito dahil naliligiran tayo ng mga tanda ng Saat a Gayunpaman, naliligiran din tayo ng mga tan ae La ale Diyos — ng kahirapan o kawalan ng kaayusan at katwit a me guro ng Pilosopiya ng Relihiyon, hinihintay ko pa ang : ca na absolutong atheista. Samantala, napasigla na ng napaka: eee agnostiko (mga hindi alam kung may Diyos 0 wala) ang ee ko, Naroon ang takot ng ilang tagapagtanggol ng Pananampa\ na baka magdulot ng agnostisismo ang mga pilosopiyang i ; Marahil kailangan nating linawin na lumalampas rh ee hermenyutika ng paghihinala kung nais nating makatul one ae ang Atheismo sa ating paniniwala. Banging na Peet a ang paghihinala. Bilang gayon, napakalaking tu ore Saal taong lumaki sa isang kulturang oe ae mang ng kanilang kasaysayan ang ka: Pat a. | eaniean mo ang aieecens {a ae pa eco in ka niya ng ganoon kasi siya lw “A ; na ORS Samantale: aiig di-naniniwala ay laging may ae dahilan kung bakit hindi siya naniniwala. Dahil mas ae oan Eee siya sa kanyang papieing tao a eo co tah oat ae i i a mga karamihan, ai n ea seta i buhay tulad ng kasangkapan sa kanilang tahanan. [528] ATEISMO AT PANINIWALA. Malaking tulong ang paghihinala sa Paniniwala, subalit bilang intelektwal na pagtatanong, humahanap ito ng malinaw na dahilan at paliwanag, kaya maaring makaligtaan ang isang katunayan ukol sa pag-iisip sa Diyos: na lagi itong kulang sapagkat laging higit ang Diyos. Sa wakas kung katiyakan ang hinahanap ukol sa Diyos, mabibigo ang naghahanap dahil kulang ang kakayahan ng isip na tiyakin ang isang Hiwaga. Bilang sukdol, nakatago ang Diyos o kadalasan Siya'y animo’y tahimik. Maraming ateistang tinuturing ang katahimikang iyon bilang pagkawala. Sa naniniwala, tanda ang katahimikan ng pagkakaroroon ng Diyos, sapagkat tanda na naroon ang Hiwaga. Si comprehendis non est Deus. Maaari ting sabihin kung gayon, Si non comprehendis, (in fide) Deus est. Kung hindi mauunawaan, sa pananampalataya, naroon ang Diyos. Ika nga ni Basil Mitchell,” hindi hinahayaan ng taong naniniwala na madaig ng anumang patunay na walang Diyos (ang panahon ng Kanyang katahimikan) ang kanyang paniniwala. May katangian ang paniniwala na huwag itong itakwil anuman ang mangyari. Talos ito ng pinaka-karaniwang tao, tulad ng simpleng martir. Kung gayon, hindi kailanman nabubuhay ang taong naniniwala nang ayon sa isip lamang, kundi nabubuhay nang ayon sa puso rin. Ang paghihinala, kung makatutulong ito sa paniniwala, ay hindi maaaring maging isang intelektwal na kilos lamang. Kaya tinawag din ito ni Westphal na Hermenyutika ng Kwaresma. Sinabi ni Westphal na: “Maari itong maging makapangyarihang kasangkapan sa pansarili at pangkalahatang pagninilay kung ibubukas ang sarili nang tapat at mapagpakumbaba” (Westphal, 7). Dito natin nakikita na lumalampas sa metodo ni Hume ang minumungkahing metodo. Sapagkat una, ginagawa iyon ng isang naniniwala; at ikalawa, ginagawa iyon sa harap ng kaaway nang may katapatan at pagpapakumbaba. Hindi marahil sinasabi ni Westphal na iisa lamang ang pagsusuring ginagawa sa Kwaresma at ang Pagsusuring ginagawa sa paghihinala. Sinasabi niyang magkatulad and dalawa. Ngunit hindi maipagpapalit ang isa para 8a isa. Kaya nga kung makatutulong ang Ateismo, makatutulong lamang ito sa may buhay na paniniwala, siyang paniniwala ay hindi * Anthony Flew, RM. Hare, Basil Mitchell, “Theolohiya at Pagpapalsipika,” sa Ilang Babasahin sa Pilosopiya ng Relihiyon, ed, Jovino Miroy, (Quezon City: Office of Research and Publications, 1993), 6-8. Jaa] J./G. MIROY hinahayaang madaig ng anumang kontradiksyon — intelektwal man o real. [big Sabihin, siya na may kaugnayan sa Diyos, isang katignayang ayoM sa katotohanan at pag-ibig. Ikalawa, bilang may buhay na paniniwala, alam niyang lumalago ang kanyang paniniwala. At ltumalago ito dahil nga pananampalataya. Ito ang tesis ni Lauer, na ang “paniniwala ay isang proseso, isang kalkulus, laging lumalapit, ngunit hindi nakararating sa ganap na pagkapit” (Lauer, 5). Bilang paniniwala hindi ito tiyak, o ang katiyakan nito ay sa mismong di-pagkatiyak. Iba ang paniniwala sa kaalaman, Iba hindi dahil mayroon itong sariling katiyakan. Ang Katiyakan nito ay sa pagsuko sa Misteryo. Kung gayon, bilang paniniwala, lagi itong may elemento ng paghihinala ng kawalan ng paniniwala. Dito nagsisimula ang buong pilosopiya ng paniniwala ni Lauer. Kung sinasabi man niya na kaakibat ng paniniwala ang atheismo, ito ay sapagkat bilang paniniwala, isang pagkalkula ang paniniwala. Alalahanin natin na ang anumang mabuting depinisyon ay iyong, tapat sa karanasan. Ibig sabihin, ang tunay na naniniwala ay umiigpaw sa tukso na iwaksi ang Diyos. At totoo ito sa bawat kilos ng paglapit sa Kanya. Ang paglapit sa Diyos ay pagsasagwan laban sa mga alon ng paghihinala sa pagkakaroon ng Diyos. Ngunit sa ganitong dahilan din nangangailangan ang paniniwala ng paghihinala. Dahil laging hindi tiyak, hindi lang ito naghihinala kundi kailangang maghinala. Huwad na paniniwala iyong tiyak na — at ang maging tiyak dahil napapako lamang sa suhektibo nitong elemento. Ang paniniwala bilang kilos ng kalooban ay may kahilingang umikot sa kanyang sarili. “N aniniwala ako, basta!” Ngunit huwad ang ganitong paniniwala kahit na matibay at gumagana. Kung gayon, kailangang pag-ingatan ng paniniwala na huwag umikot sa kanyang sarili. Hindi sa mayroon itong malinaw na dahilan, kundi may malinaw itong obheto at ang obhetong iyon ay ang Diyos. Narito rin ang kahirapan sa paniniwala: ang pinaniniwalaan ay Di-Nakikita kapwa ng mata at ng isip. Ang pinaniniwalaan ay isang Diyos na lagi lamang dumaraan at nag-iiwan ng mga bakas. Isa siyang mailap na usa na hinahanap ng isang mahinang lente ng inaantok na kaluluwa. Dahil mahirap ang paniniwala, may kahiligan itong pababain ang uri na mamahinga sa katiyakan — ibig sabihin, iuwi ang Diyos sa kalinawan, sa mga pormula ng relihiyon, sa sistema ng pagsamba, sa batas moral, sa aksyon, sa damdaming debosyunal, sa mga relihiyosong pagbabasa. Ngunit kapag namahinga na, lumalayo na ATEISMO AT PANINIWALA rin sa Diyos ang paniniwala. Sa hermenyutika ng kwaresma, nag- aalisto akong hindi ko niloloko ang sarili na naniniwala ako samantalang hindi pala. Hindi dahil wala talagang Diyos (paghihinala lamang ito); kundi dahil wala na ang Diyos sa harap ko. Ako na lamang ang naroon sa paniniwala. Ang hermenyutikang ito ay pagbabalik sa bukal ng paniniwala, na walang iba kundi ang Diyos. Makikita natin na bilang may kahilingang maging suhektibo lamang, kailangan ng paniniwala ng Tanod. At makapagbibigay tayo ng apat na Tanod. Ayon sa uri ng tagatanod ay may iba’t ibang uri ng pagtatanod. Naroon unang-una ang Diyos; kasunod ang kapwa tao. Naroon din ang relihiyon at ang atheismo. Ang tanod laban sa suhektibismo ng paniniwala ay ang IBA. Hindi maaaring tanuran ng sarili ang kanyang sarili sapagkat laging naroroon ang posibilidad ng Panloloko sa Sarili. Ngunit iba rin kung ang Diyos ang mismong tanod sapagkat siya ay Ganap na Iba. Tinatawag ang Ppagtatanod na ito na Pagdadalisay sa Pananampalataya. Sa puntong ito, upang luminaw ang ginawa sa Hermenyutika ng Kwaresma kasama ang Ateista, titingnan natin kung paano ito natutulad at naiiba sa Pagdadalisay ng Pananampalataya. Pagdadalisay at Paghihinala Ang panahon ng pagdadalisay ay isang panahong humihingi ng higit na kilos ng paniniwala. Sa isang paningin katulad ito ng tinatawag ni Gabriel Marcel na panahon ng hidwa. Sa Puntong ito, nakararanas ang sarili ng pagwawalay sa dating sitwasyon; at ngayon, napapadpad siya sa isang kalagayang kakaiba at mahirap. Ganito kadalasan ang kamatayan at pagkakasakit. Nilalarawan ni Basil Mitchell ang panahon ng pagdurusa bilang panahon kung kailan parang walang Diyos. Ano ang nakasangkot sa depinisyong iyon? Nakasangkot ang isang pagpapakitang nagsasabing iba ito noon nang malinaw pa na may Diyos. Pinahihiwatig nito na kadalasan Mayroon tayong larawan ng buhay na nagpapatunay na may Diyos, isang larawan marahil ng buhay na masagana at madali ang lahat. Kaya nga kung nakakarating sa isang punto na nawawala ang kaginhawahan, parang nawawala ang Diyos. Tulad ng sinabi natin Sa itaas, ang pagkakataong ito ay isang pagkakataon na nawawala ang Diyos, pagkakataong sinasabi nating “Adonde esta escondiste?” (Cantico Espiritual) 4. G. MIROY Sa paanong paraan ito humahantong sa pagdadalisay at hindi sa pagtanggi sa Diyos? Sa wakas makikita natin na ang pagkakaroroon ng Diyos ay hindi batay sa isang larawan, at lalong hindi sa isang larawang tayo ang lumikha ayon sa ating kapakinabangan. Pagdadalisay ito sapagkat sa puntong ito sinasabi ng Diyos na Diyos nga Siya. Ibig sabihin, higit Siya sa ating larawan sa Kanya. Ito ang tinatawag na Karanasang ‘Akala ko! lyon ay karanasang ipinamumukha sa atin na nagkamali tayo ng pakiwari sa Diyos. Akala natin ito at ganito ang Diyos; hindi pala. Kung tunay na may kaugnayan tayo sa Diyos, dumarating sa atin ang isang damdamin na hindi tayo naging makatarungan sa Kanya. Tinuring nating Diyos ang hindi Siya. “Akala ko Santa Claus ka.” “Akala ko pera ka.” Sa wakas, ang pagwasak sa larawan natin ng Diyos ay pag- amin na hindi tayo ang Diyos. Nilarawan ni Lauer ang karanasang ito bilang pagkakataon kung kailan nababago ang isang larawan ng Diyos at napapalitan, ng isang larawang higit na matunog, higit na kapani-paniwala, Ngunit lumalabas na tayo lamang ang lumikha sa Diyos ayon sa ating pangangailangan. Kaya ang tunay na pagdadalisay ay ang paglampas hindi lamang sa iisang larawan kundi sa lahat ng Jarawan. Makikita natin na mahirap ito. Makikita rin natin ang pagkahigit sa atin ng Diyos. Pumapasok din dito ang pagnanais natin sa isang tunay na larawan, iyong hindi lamang batay sa kasalukuyang interes. “May suliranin akong sikolohikal kaya para sa akin, sikologo ang Diyos.” Sa pagdadalisay ng paniniwala, ninanais ko na makarating sa Diyos mismo. Nabanaagan ito ni San Agustin nang hinahanap niya ang katotohanang higit sa sinasabi ng pilosopiyang ito o ng lapiang iyon — nais niya ang Katotohanan mismo (Confessiones III, 4). Dito nakikita na sa puntong ito, ang kaluluwa na lamang at ang Diyos ang nakasangkot. Ito’'y paglisan sa lahat patungo sa pag-iisa, isang paglalakbay na ang tanging kasama ay ang Diyos. Kasabay ng Diyos mismo ay ang Diyos lamang. Makikita natin na sa panahon ng pagdadalisay, humihingi ng mas tunay na pakikiisa sa Diyos, ng mas mahabang pakikinig sa kanya, kung kailangan, ng mas matibay na pagsuko sa Kanya. Ngunit makikita rin natin na pumapasok tayo sa isang teritoryo na nasa labas lamang ang nag-iisip. Ibig sabihin, teritoryo na iyon ng kaluluwang umiibig at ng Diyos. Dito magkaharap ang Kaluluwa at Diyos. Ang kaugnayang ito ang mahalaga sa lahat sapagkat isang kaugnayang bukal ng kaugnayan sa kapwa. 1532) ATEISMO AT PANINIWALA Ang mga salitang ito ni San Agustin ay isang pagbigkas ng pagdadalisay ng Diyos: Ngunit ikaw, Panginoon, habang nagsasalita siya, pinipihit mo ako upang Makita ko ang aking sarili, binaligtad mo ako, sapagkat tumalikod ako upang huwag mapagmasdan ang sarili, at ipinaharap ako sa akin upang matanto kung gaano ako kadukha... Kung nanaising ilayo ang tingin, pinatatayo, mo ako sa harap ko, Pinipilit na humarap sa sarili, nang makita ko ang aking kasalanan at kamuhian ito. Alam ko ito ngunit nagkunwaring hindi ko alam. Iwinawaksi ko iyon sa malayo at sinusubukang kalimutan (Confessiones Vill, 7). Ito'y ilang sandali bago maganap ang kanyang pagbabalik- loob sa isang hardin sa Milan. At ang tanda ng pagbabalik-loob na iyon ay ang pagkatanto sa kanyang sarili. Ang pagbabalik-loob na ito ay pagkakilala ng sarili sa kanyang sarili, sa tulong ng pagharap sa Diyos. Pinaamin si Agustin na alam nga niya ang kasalanan ngunit nagpapanggap siya na hindi niya ito alam. Diyos lamang ang tanging makapagpapakita sa atin ng ating pagkamalayo sa Kanya. Sa iba’t ibang paraan, pinadadalisay tayo ng Diyos, ngunit sa bawat pagkakataon, ibayong pakikipag-isa sa Kanya ang bunga. Masakit ang pagdadalisay. Ipinamumukha sa atin ang dating kahibangan at panloloko sa sarili. Ngunit sa harap ng Walang Hanggang Diyos at sa pag-alala sa ating mahinang isip at pag-ibig, magtataka pa ba tayo na ukol sa Diyos lagi tayong nagkakamali? Ang mga salitang iyon ni Agustin ang ginamit ni Westphal upang ipaliwanag ang pagdadalisay na dulot naman ng Atheismo. Bahagi ng kahinaan ng tao ang laging mabingit sa panloloko sa sarili; tanod sa ganoon ang Paghihinala. Sa pamamagitan ng Pagmamasid nina Freud at Marx, maaring mapilitan tayong umamin Sa ating pagpapanggap. Laging napakadaling ituring ang isang ideya ng Diyos na pinakikinabangan ko bilang Diyos na ika nga ni Tillich, kahit ano sa ilalim ng araw, maaaring maging Diyos. Kadalasan, tinuturing nating Diyos ang mga ito dahil nabibigyang-katwiran ng mga ito ang kabaliwan ng kasalanan. Ipinaliwanag ni Westphal Na naging gayon ang Manicheismo kay Agustin. Pinahintulutan siya ng materyalismo at dualismo nito na magpatuloy ng kanyang Pagnanais sa katanyagan at ligaya. Pinatatalos sa atin ng paghihinala na kadalasan, hindi Diyos ang hanap natin kundi ang ating sarili. Lagi tayong humahanap ng Ste J. G. MIROY i ara sa ating sarili, Kaya nga nauuwi sa mga maginhawang pocanee ang ralilnyor Ika nga ni Hume, “kadalasan, Katugma ng mapamahiing banal-banalan at debosyon ang pinakamal ul hang krimen” (Wesphal, 3). Dahil may kakayahan ang taong wa si at kalimutan” ang mabuti at tama, maaari niyang gamitin ang kanyang, paniniwala para sa talagang masama at mapang-ap!. Sa paglampas sa paggamit sa relihiyon sa pagpapatibay sa mga mali, nakikita natin ang Diyos mismo. Ang paglampas sa pagbaling sa sec upang gawing mabuti ang buhay ko ay pagharap talaga sa yes. pagharap sa Diyos na totoo. Sapagkat ang pagharap sa i ay pag-angat ng sarili sa isang Walang Hanggan, sa isang Sumasail le Ang paniniwala sa Diyos kung gayon ay hindi lamang para sasar is kaligtasan. Mayroon itong mga kahingian (exigencies). ya 1 kasabay ng pagdadalisay ng Diyos ay ang pagdadalisay ng mukha ng kapwa. 7 Sa isang paningin, ipinamumukha sa atin ng paghihinala na hindi natin mailalagay ang Diyos sa loob ng ating sistema ng paniniwala kahit na napakadaling gawin nito. Dahil may suhektibong elemento ang paniniwala, maari kong iuwi ang sa loob ng aking personal na debosyon at pananampaltaya,& ayon din ang kapwa — maaari ko siyang makita bilang isang bal ss “4 aking kaligtasan, na kinakailangan siya sa pag-akyat ko sa ae ' Ngunit ipinapakita sa atin ni Emmanuel Levinas na kailanman hin ako tumatayo sa harap ng Iba (Diyos man 0 kapwa) ayon sa ee sistema ng totalité. Sapagkat ang Walang Hanggan ay laging lal sa kabuuan ng sarili ko. Kaya nga sa isang pang, nator kahilingang angkinin ng Diyos (at tawagin ang, pag-aangkin ee ee : na personal na kaugnayan) at sa kabilang panig ay ang pane ng Diyos sa pag-aangking iyon sa pamamagitan ng pana} on pagdadalisay. Katwa na sa pagbibigay sa atin ng kalayaan, ae 4 ng Diyos na hindi Niya gustong angkinin tayo; ngane : pamamagitan ng mismong kalayaang iyon ay inaangkin natin a Laban sa kahiligang ito ang bunga ng paghihinala ng mga Ateista. Psychogenesis ng Relihyon Bilang halimbawa ng minungkahing metodo, eee ze ikalawang bahagi ang pagtingin ni Sigmund Freud (erate A relihiyon. Makikita natin na katulad ng kanyang BN a proyekto ni Hume. Ayon kay Hans Kung sa pag-aaral niya sa kaisip: [534] ATEISMO AT PANINIWALA ni Freud sa relihiyon sa Freud and the Problem of God,” napakahalagang paksa ng relihiyon para kay Freud. Ang buo niyang karera sa sikolohiya ay dito lamang mula sa kanyang interes sa relihiyon: “Ang aking interes, pagkatapos ng buong-buhay na dito sa mga likas na agham, medisina, at psychotherapy, ay bumalik sa mga suliraning pagkulturang bumighani sa akin noong bata paako at halos hindi pa nakapag-iisip” (Kung, 41). Sinasabing may apat na mahalagang akda si Freud sa relihiyon: ang Totem and Taboo, Future of an Illusion, Question of a Weltanschauung, at ang Moses and Monotheism. Masasabi na ang ugat ng relihiyon ang pinaka-interes, ni Freud. May dalawang paliwanag siya rito. Ang una ay mula sa inspirasyon ni Darwin at ng teorya ng ebolusyon. Bilang Ppagpapatuloy sa mga panimula ng mga ethnolohista at anthropologo tulad ni W. Robertson, ninais ni Freud na malaman ang pinakaunang anyo ng relihiyon. Tinanggap niya ang panukala ni Robertson na may mas matanda pang anyo ng relihiyon kaysa sa mga katutubong pagsamba sa mga espiritu at mga diyos. Ito ay ang totemismo 0 ang pagsamba ng angkan sa mga hayop. “Inaakala ng angkan na kaangkan nila ang partikular na totem, isang hayop o halaman o likas na kaganapan; inaakala nilang tubo sila mula roon (totem, ibig sabihin ay pagiging kamag-anak)” (Kung, 34). Ayon sa kanilang paniniwala, ipinagtatanggol sila ng totem laban sa kapahamakan at kamatayan. Kaakibat naman ng totemismo ang pagbabawal na magtalik ang kaanib ng iisang angkan (exogamy). Ipinagbabawal din ang pagpatay sa isa’tisa, Kahit na bawal ang kainin ang totem na hayop, pinapatay ito minsan sa isang taon upang panibaguhin ang lakas ng angkan. Lahat ay nakikibahagi sa pagkain sa hayop na iyon. Ayon kay Robertson, dito nag-uugat ang pagsamba sa mga banal na umiiral at ang pag-aalay sa mga ito sa animismo (Kung, 34-35). Kaakibat ng anthropolohikal na paliwanag na ito sa telihiyong ang pagtuklas ni Freud sa psychogenesis ng relihiyon — ibig sabihin, ang ugat nito sa sikolohiya ng tao. Para sa kanya, ang Ppagpatay sa totem na hayop, ang pagluluksa at pagdiriwang dito ay tanda ng sikolohikal na ugat ng relihiyon. Ito ay walang iba kundi ang Pagpatay ng anak sa ama. Ang pagnanais na patayin ang ama ay pees cn * Hans Kung, Freud and the Problem of God, trans, Edward Quinn, (New Haven: Yale University Press, 1979). [535] J. G. MIROY kaakibat naman ng Oedipus Complex, o ang pagnanais ng anak sa ina at pagturing sa ama bilang karibal. Alinsunod sa ideya ni Darwin na nabuhay noong una ang mga tao sa mga kawan at sumasailalim sa pinakamalakas at mabangis na lalaki ang lahat ng babae, ipinapaliwanag ni Freud ang unang kilos ng pagpatay sa ama. Sinasabi niya na dahil inangkin ng Ama ang lahat ng babae sa kawan, napalayo sa kanya ang mga Anak at nagalit ang mga ito. Pinatay nila kung gayon ang ama at kinain siya. Nang mamatay ang ama, walang nakapalit sa kanya dahil nagnais ang lahat na maging ama. Dahil sa pagkabigo, nagdalamhati sila sa ginawa nila (nagkaroon sila ng damdaming guilt). Dahil dito, nagbuo sila ng isang uibu na may mga pagbabawal upang hindi na kailanman maulit ang pagpatay sa pinuno o ang pag-aangkin sa lahat ng babae. Ipinagbawal ang pagpatay sa katribu at ang incest. Ang identipikasyon ng tribo sa totem na hayop ayon kay Freud ay dulot ng pagkabagabag (guilt) sa pagpatay sa ama. Ang totem na hayop ay ama dahil sabay kaaway at ideyal ito sa pagsamba at pagpatay rito. Bagaman walang anthropolohikal na patunay para sa panukala ni Freud, hindi maikakaila ang pagkakahawig ng kwentong ito sa mito ng Judaismo at Kristyanismo. Maaalala, halimbawa ang isang talinghaga ni Jesus na nagsasabing may Panginoon na may-ari ng mga lupain at nagsugo sa kanyang mga tauhan (Mk. 12: 1-12) Pinatay ng mga tauhan ang mga sinugo, hanggang ipinadala ng Ama ang kanyang Anak na kanilang pinatay rin. Ang pagpatay sa mga sinugo ng Ama ay simbolo ng pagpatay ng tao sa Diyos Ama; ngunit ang pagpatay naman sa Anak ay simbolo ng kaligtasan, na kinababahaginan ng lahat sa sakramento ng Eukaristiya kung kailan kinakain mismo ang Diyos. Naroon ang lahat ng elemento ng totemismo — ang totem na hayop o halaman (tupa 0 trigo), ang pagpatay sa Ama, ang pakikibahagi sa alay. Mula rin dito nagmumula ang mga pagbabawal ng relihyon. Higit sa antropolohikal na pinanggalingan ay ang kahulugan nito sa indibidwal na naniniwala sa Diyos. Para kay Freud katulad ng “neurotikong obsesibong mga kilos” ang rito ng relihiyon (Kung, 36). Ang paglikha sa totem ay nakikita sa pag-unlad ng pobya 84 mga bata. Para kay Freud, ang pobya sa mga hayop ay nagmumula sa takot sa kanilang ama. Ang paglilipat ng takot sa ama sa isang, pobya sa hayop ay dulot ng isang ambivalence sa ama, sapagkat sa kabila ng paggalang at pag-ibig sa ama, natatakot din ang bata sa [536] ATEISMO AT PANINIWALA kanya. Nababaon (repressed) naman ang takot na iyon sa ama, ngunit hindi ganap na nababaon kaya nananatili sa kamalayan sa pamamagitan ng paghahalili sa ama ng hayop. Kaya maaaring sa simula, gustung-gusto ng bata ang isang hayop ngunit nagiging takot ito kinalaunan. Nakikita ang ambivalence sa turing ng totem na hayop na sa kabila ng pagsamba rito (at pagbabawal na patayin) ay pinapatay rin at kinakain minsan isang taon. Para kay Freud, ang ambivalence na ito ng anak sa ama ang sikolohikal na ugat ng relihiyon. Ama ang Diyos bilang primogenitor o lumikha, Napagmasdan ni- Freud na maraming kabataan ang nawawalan ng paniniwala sa Diyos kapag natatamo na nila ang kalayaan mula sa awtoridad ng kanilang ama. Liban kay Freud, sinasabi rin ng ibang theologo na ang panahon ng adolescence ang kadalasang panahon ng atheismo, isang phenomenon na maaaring pag-aralan kapwa sa pilosopiya at sikolohiya ng relihyon. Sa Future of an Illusion, ipinapaliwanag nang husto ni Freud ang psychogenesis ng relihiyon. Ipinapaliwanag ni Kung na iba ang rasyonal na dahilan ng ateismo ni Freud at ang sikolohikal na paliwanag niya sa relihyon — kahit na magkaakibat ang dalawa (Kung, 42-43). Ang kawalan ng katanggap-tanggap na patunay o demonstrasyon ang pinanggalingan ng kanyang ateismo. Ang mga kaisipan niya sa Future of an Illusion ay paliwanag naman sa impluwensya ng relihyon sa tao sa kabila ng kawalan ng ebidensya. Dito pumapasok ang pagtuklas sa gamit sa relihyon ng sarili at ng lipunan. Para kay Freud, modelo ang relihyon ng wish-fulfillment na natatagpuan sa mga panaginip at mga neurotikong sintomas. Sa ganitong paraan maaaring unawain ang kahulugan kay Freud ng ilusyon: “Hindi kaisipan ng mga relihyosong ideya o mga kabuuan ng ating karanasan kundi ilusyon,” (Kung 44) ibig sabihin, Pagnanais na magkatotoo ang pinakamatanda at pinakamalakas at pinakamatinding pangangailangan ng tao. Dahil matindi ang Pangangailangan, matindi rin ang impluwensya. Ano ang mga Pagnanais na ito? a) ang pagnanais na maipagtanggol sa mga Panganib ng buhay; b) ang pagkakaroon ng katarungan sa lipunan; ©) pagnanais sa pinanggalingan ng mundo; d) ang kaugnayan ng materyal at espiritwal na mga umiiral. Inilalarawan ni Freud ang Pagkabuo ng ganitong Prodyeksyon: ang pagkamalabo ng mga nangyari sa kalooban (kubling-malay) ay naghahanap ng Pagkamalinaw at nagpapalabas ng isang prodyeksyon na sa hinaharap ang katuparan o sa isang darating pang langit (Kung, [537] JG. MIROY 44). Ipinahahayag kung gayon ng paglalarawan sa langit ang masasalimuot na pagnanais ng kalooban. . Ang pagnanais ng taong maipagsanggalang sa kalikasan_ atsa kamatayan ay pagnanais sa isang Ama. Subalit bilang nakahihigit sa kanya, mayroon din itong kapangyarihan sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit humahantong ang pag-asam sa pagnanais na patayin ito. Kaya may lumilitaw na ambivalence. Mapapansin halimbawa sa mito ng paglikha na kasabay ng larawan ng Diyos bilang mabuting lumikha at nagbibigay ng lahat sa tao ay ang Diyos na nagbawal na kumain ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama (Gen. 1-3). Ang pagnanais ng taong kainin ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama ang nagdala sa kanya na suwayin ang Diyos (pagpatay sa Ama). Makikita rin na ang kahirapang dulot ng pagkakatapon mula sa Eden (ang pagtatrabaho, ang mapait na panganganak, ang sakit at kamatayan) ay naglagay sa tao sa sitwasyong kailangan niya ang isang Diyos, at dala ng guilt sa kanyang ginawa, ninanais niyang bumalik sa Diyos. Dito ang simula ng pagtingin sa Diyos bilang kailangang palubagin ang loob sa pamamagitan ng mga alay. Sa paghahandog ng mga alay (na hayop), mananatili Siyang tagapagtanggol. Ngunit naroon sa mismong pagpatay sa hayop ang pagnanais na patayin ang Diyos. Nakikita rin ang simula ng sistema ng pagsunod sa batas at kaparusahan. Kasama sa ideya ng Diyos bilang Ama ang sumusunod sa Kanya at ang takot na parurusahan kapag hindi. Para kay Freud, ang ugat ng relihiyon ay ang ambivalence ng anak sa ama. Makikita na dala ng ambivalence na ito, ninanais ng taong maging Diyos na taglayin ang lahat ng katangian ng ama. Subalit sa pagiging Diyos niya, nawawala na ang ama. Ang relihiyon kung gayon, bilang ilusyon ay hindi kasinungalingan kundi mga produkto ng buhay ng kubling-malay na may mga “senswal at instinktibong pangangailangan” (Kung, 46). Kadalasan, ipinangangaral na may malalim na pangangailangan ang tao sa absolutong kaugnayan at Diyos ang tanging nakatutugon sa ganoong pangangailangan. Ang Diyos ay ilusyon sa paraang siya ang katuparan ng ninanais ng tao. Kung ang Diyos ay Ama, ang sinumang nasa relihiyon ay nananatiling anak o bata. Kung gayon, hindi pa siya ganap na tao. Ito ang ninanais na magawa ni Freud sa pagtanggi sa relihiyon, ang pagtubo ng tao sa kanyang kaganapan. Sa pagtuklas sa kaugnayan ng relihiyon at moralidad, hindi itinatanggi ni Freud ang moralidad. [538] ATEISMO AT PANINIWALA Kung walang Diyos, may katungkulan ngayon ang taong itayo ang moralidad sa matibay na tuntungan ng katwiran at hindi ng relihiyon. Sinasabi niya na pagiging moral ang piliin, ang mabuti, hindi lamang dahil takot sa Diyos 0 sa kaparusahan kundi dahil sa katwiran. Ang pagturing sa mga damdamin at katutubong ugali ng seks at kapangyarihan ay hindi dapat bunga ng mga prohibisyon ng relihiyon kundi pinaninindigan sa pamamagitan ng kaisipan at kalayaan. Kung mabubuhay man ang tao nang hindi nagbibigay- hilig sa kanyang katutubong-ugali, iyon ay dahil may hawak siya sa kanyang sarili at hindi dahil hawak siya ng Diyos (na hindi talaga umiiral). Ang pananatili ng Diyos ay pananatili ng tao sa pagiging bata, sa hindi pamumuhay ayon sa katwiran at kalayaan. Pamumuhay sa hinaharap o sa darating at hindi rito sa lupa ngayon. Samakatuwid, ang pagbatikos ni Freud sa relihiyon ay hindi pagtanggi sa malalalim na pangangailangan ng tao sa pagsasanggalang 0 sa absolutong kaugnayan kundi pagtanggi sa pagpapaubaya sa Diyos sa pagtugon sa mga pangangailangang iyon. Ang pagbatikos na ito sa relihiyon ay upang matanto ng tao na hindi nga kuna ang mundo (Kung, 51). Meditasyon Kasama si Sigmund Freud Marami tayong naiisip na punto ng pagbatikos kay Freud sa kanyang pagbatikos sa relihiyon natin. Mabuting magsagawa ng pagpapanaklong (epoche) sa ganitong pagnanais at manatiling bukas sa sinasabi ni Freud upang makatulong siya sa paniniwala. Ang buod ng sinasabi ni Freud ay bunga ng isang ambivalence sa ama ang paglikha sa isang Diyos. Ninanais ng tao ang isang Ama dahil sa takot sa paghihirap at kamatayan. At dahil nabubuhay tayo sa panahong natugunan na ang mga pangangailangang materyal, bunga ang Diyos ng pagnanais sa kahulugan. Para kay Freud, katanggap-tanggap ang pagnanais na ito sa kaligtasan. Hindi ang pagkakaroon ng pagnanais ang punto ng kanyang pagbatikos; kundi ang paraan ng pagtugon. Dahil para sa kanya, kung ang Diyos ang tutugon mananatiling bata ang tao. Sa hermenyutika ng Kwaresma kung saan kasama ang Ateista, tinitingnan ang katumpakan ng paglalarawang iyon. Ituring nating tama ang panukalang iyon ukol sa paniniwala sa Diyos at makikita nating gayon nga minsan ang tunay na nangyari. Ang pangunahing pangalan ng Diyos sa Judaeo-Kristyanong tradisyon ay Ama. At bata [539] J. G. MIROY ang deboto dahil hinihingan siya ng pagpapakumbaba: “Ang sinumang tumatanggap sa ganitong bata ay tumatanggap sa Akin” (Mt. 18: 5). Tandaan na hindi niya sinasabing mali ito. Hindi ang kawastuan ng mga proposisyon ng relihiyosong ideya ang punto ni Freud kundi ang gamit nito sa tao (Kung, 46). Kaya nga sa hermenyutika ng kwaresma, ang proposisyon ng atheista ay hindi nangangailangan ng pagbabago ng doktrina. Sapagkat hindi ang katunayan nito ang pinaghihinalaan kundi ang motibo sa paniniwala rito. Sa hermenyutika ng kwaresma, hindi kailangang humintong maniwala sa katotohanan ng relihiyon, kundi hinihinging tingnan ang doktrina. Ngunit sa paanong paraan? Hindi sa paraang nagnanais na patunayan na tama ito. Ang katotohanan ng Banal na Kasulatan ay nasa loob ng lohika ng pananampalataya — ito nga ay mula sa awtoridad. Ang pagtingin sa relihiyosong ideya ay sa pagtingin kung totoo ito sa kaugnayan ko sa Diyos o hindi. Gaano ba katama ang doktrina sa karanasan ko at gaano kalapit ang karanasan ko sa hinihingi ng doktrinang pinaniniwalaan kong totoo? Ang pagtatanong nang ganito sa sarili ay nagagawa lamang ng siyang nagnanais lumago sa kaugnayan niya sa Diyos. Ibig sabihin, nasa loob ng espiritu ng dasal ang pagtatanong. Sa pilosopiya ng relihiyon ng isang naniniwala, hindi naihihiwalay ang pag-iisip sa Diyos sa kaugnayan sa Kanya (dasal). Yayamang iyon ang bukal at paksa ng kanyang pagmumuni. Sa puntong ito tingnan natin ang ilang bunga ng hermenyutika ng kwaresma na isinagawa ni Hans Kung. Sumasang-ayon si Kung kay Freud na kailangang maging pananampalataya ng matanda ang Kristiyanismo at hindi lamang ng bata. Maaaring maging “hiwalay na mapanuring awtoridad ang psychoanalysis” upang mahikayat ang theolohiya na laging tumingin sa realidad. Ano ba ang ibig sabihin ng realidad dito? Para kay Freud, ang realidad ay ang pamumuhay ng tao “bilang malaya, matanda, realistiko, at sigurado, iyong tinatanggap ang mga katunayan ng nakaraan, hinahanap ang sanhi ng kanyang kabiguan at dinaraig ang mga iyon” (Kung, 101). Nagiging tunay na tao ang tao kapag responsible na siya sa kanyang mga kilos at hinaharap. Upang lumago ang naniniwala, kailangan niyang makita paano nagiging hadlang sa pagtubo ang isang uring pagsamba sa [540] ATEISMO AT PANINIWALA. Diyos. Narito ang ilang pagmamasid ni Kung: Kapag nakatingin lamang ang relihiyon sa ganap na iba, nawawala ang pagdanas sa realidad. Madaling nagiging panloloko sa sarili at pagtakas, mababaw na pagtataya na walang pagtingin sa realidad ang mga relihiyosong tanong. Kapag nakabatay lamang sa pagtupad-sa-pagnanais ang relihiyon at hindi sa katotohanan, pagbibigay-kasiyahan lamang ito sa sariling pangangailangan. Kapag ipinahahayag ang relihiyon sa mahigpit na katapatan sa titik, sa isang legalistikong budhi, sa obsesibo, pedantiko, at walang-halagang pag-uulit ng ilang kapangyarihan, pormula, at ritwal, ang mga relihiyosong ideya ay nagiging luku-lukong pag-iimbento, ang mga relihiyosong gawain ay kapalit na kaligayahang mula sa obsesibong pag-uulit ng mga kulto. Binanggit din ni Kung ang mga puna ni Freud sa maling paggamit ng kapangyarihan ng simbahan: Kay raming halimbawa ng kayabangan at pang-aabuso sa kapangyarihan sa kasaysayan ng simbahan: kalupitan sa kakaibang mag-isip, mga krusada, inquisisyon, pagpatay sa mga erehe, obsesyon sa mga mangkukulam, pakikibaka laban sa teolohikal na pananaliksik, paniniil sa sariling mga teologo — hanggang sa kasalukuyang panahon. Kung paano kumilos ang mga simbahan bilang isang super- ego: pinangingibabawan ang mga kaluluwa sa ngalan ng Diyos, ginagamit ang kahinaan at katangahan ng pobreng makasalanan, hinihingi ang pagsuko sa mga pagbabawal ng hindi pa nasusubukang awtoridad, patuloy na binabaon ang sekswalidad at nagpapakita ng pagkamuhi sa kababaihan (sa batas sa di-pag-aasawa ng kaparian, di- pagsali sa babae sa mga ministeryo ng simbahan) (Kung, 97-98). Inaanyayahan ko ang mambabasang basahin nang mapagnilay ang mga konklusyong iyon ni Kung at tingnan kung naging ganoon nga ang kanyang buhay-paniniwala at kung paano siya tumutulong sa pagkakagayon ng kanyang simbahan. Sa ilalim ng lahat ng mga tanong na ito ay ang mahalagang tanong kung paano maipagkakasundo ang agham at ang relihiyon. year) “JG. MIROY Ika nga ni Kung: “kailangan ba nating humintong maging pilosopo at pantas upang tunay na maniwala sa Diyos?” (Kung, 94). Naalala Ko ang isa kong pakikipag-usap sa isang makatang babae ukol kay San Juan de la Cruz. Kapistahan noon ng Doktor ng Pananampalataya at bilang pag-alala sa mga Awa sa kanya ng Diyos, nagbasa kami ng ilang tula niya at nag-usap. “Doktor siya, wika ko, “iyon ay sapagkat hawak niya ang doktrina ng simbahan. Ngunit mas malalim ang makata kong kaibigan na mas may alam sa kadiliman at liwanag ng puso at kubling-malay. Wika niya, “Doktor siya sa tamang kahulugan ng salita dahil tagapaggamot siya.” Doktor din si Freud, at hindi man sumasang-ayon ang napakaraming sikologo sa kanyang mga ideya at pamamaraan, tinangka rin niyang gumamot ng kaluluwa. At ginamot niya ang isang bahagi nito na talagang kasangkot sa buhay ng tao: ang kubling-malay. Kasama si Freud, maaaring sabihin na hindi talaga magagamot ng isang San Juan de la Cruz ang tao kung hindi nagagamot ang kubling-malay niya. Kung tama si Freud, nasasangkot sa relihiyon ang ating mga tagong pagnanais at Ppagnanasa. Kung gayon, maaaring pagkasunduin ang agham ng psychoanalysis at paniniwala. Gayunpaman, ano ba talaga ang nakasangkot sa tanong na maaari bang maging pilosopo at mananampalataya ang taong naniniwala? Sa aking palagay, nakasangkot dito ang doktrina ng espiritwal na pagpapakabata na nagmula sa espiritwalidad ni San Juan de la Cruz at pinalaganap sa ating panahon ni Sta. Teresita.’ Pinatatanong tayo ni Freud kung ano ba ang tunay na ibig sabihin ng pagiging bata sa harap ng Diyos. Maari ba akong maging sikologo na ginagamit ang malinaw at tumpak na metodo ng agham at tinitingnan ang tao tulad ng paraan. ng pagtingin sa mga hayop at manatiling nakatitig sa hiwaga ng buhay at Diyos? a Si Thérése mismo ay hindi nakaabot ng kolehiyo. Hindi niya ginamit ang metodo ng agham at nagnasang Jampasan ang kalinawan, kubling-malay, at kaisipan upang makarating sa Diyos. Ngunit hindi ba’t si Thérése ay pinagaling sa isang neurosis na dulot ng pagkamatay ng kanyang ina at paglisan ng kanyang ate? Maaring © Théreése ng Lisieux, Stony of a Soul the Autobiography of St. Therese of Lisieux, trans) John Clarke, OCD, (Washington D.C.: ICS Publications, 1972). ys42) ATEISMO AT PANINIWALA sabihing dahil sa mga pangyayaring ito, Ina ang Diyos para kay Thérése. Ngunit ang Inang ito na hinanap niya ay hindi iyong nagpalubag lamang ng kanyang loob, kahit napakatindi ng pagnanais niya roon. Maraming nagsasabi na napakasensitibo ni ‘Thérése, ngunit ang paghihirap na binata niya nang magkasakit siya ng tuberculosis at ang tinatawag na pagsubok sa pananampalataya ay hindi matatagalan ng isang sensitibo lamang at naghahanap lamang ng pampalubag-loob. Maipaliliwanag ng pagnanais sa isang Ina ang pagpasok sa Carmel, ngunit hindi nito maipaliliwanag kung bakit niya ninais na maging santo at kung bakit Naging santo nga siya. Sa palagay ko, sa tulong ni Freud, nakikita nating kailangan ngang umangat sa isang maling depinisyon ng pagpapakabata at pagpapakumbaba sa harap ng Diyos Ama. Ngunit nananatiling bukal ng buhay-espiritwal ang pagpapakabata at pagpapakumbaba at pag-ibig. Si Kristo na siyang maaaring ituring na Anak ng mga Anak (Anak ng Tao) ay anak hindi dahil sa Pagsasanggalang sa kanya ng Ama (“Ama bakit mo ako pinabayaan?”). Anak siya dahil sinunod niya ang kalooban ng Ama. Ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay kasangkot sa tunay na espiritwal na pagpapakabata. Ito ng pagsunod na ito ay hindi pagwawaksi sa aking kalooban kundi ang Pagtalima sa pagsasaibayo na laging hinihingi ng Diyos. Hinihingi nga ng Ama na lumago ang kanyang mga anak (“Magpakaganap kayo tulad ng pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit"). Sa tulong ni Freud, nakikita natin na ang hamon sa naniniwala ay ang maging ganap na tao. Ngunit sa loob ng paniniwala ang hamon ay ang maging ganap na tao at manatiling anak ng Ama. Kontradiksyon nga ang pananampalataya. Hindi ba’t ang hamon ni Camus ay ang maging santo nang walang Diyos? (Lauer, 100). Maaaring sabihing tinatawag din tayong maging atheista sa loob ng paniniwala sa Diyos. Kung tatanggapin natin na Atheista si Jesus dahil sa pagpuna niya sa relihiyon, ang ateismo ang Pinakamabuting pagtulad sa Kanya [sa3)

You might also like