You are on page 1of 5

“NATATANDAAN KO NA!


(BUOD)

Ang paksa ng modyul na ito ay tungkol


sa pagbibigay-kahulugan sa mapa.
Mahalaga ito sa lahat, bata man o
matanda. Kailangan natin ang
kasanayang ito upang hindi maligaw kahit
saan tayo pumunta.

Ang modyul na ito ay binubuo ng teksto


o babasahin, mga larawan at mga mapa.
Ang mapang ginagamit dito ay mga mapa
ng ibang rehiyon ngunit mahalagang
magkaroon ng mapa ng pook na
pinagtuturuan ng tagapatnubay upang
maging mabisa ang kanyang pagtuturo.
Mahalaga ang mga larawan sa
pagpapahiwatig ng nilalaman ng teksto.
Dapat masuring mabuti ang inilalahad na
paksa at matalakay nang malinaw upang
maisaloob at maisabuhay ang mga
layunin ng modyul.

Maraming layuning dapat makamit sa


modyul na ito. Ang mga kasanayan sa
pakikinig, pagsasalita, pagsulat,
pagkukuwenta at pagbasa ay makaka-
ugnay. Kasama rin ang pagpapahalaga o
pakikipag-kapwa na nahahalaw sa
nilalaman ng modyul na ito.

Bagamat hindi lahat ng mga layunin ay


naipapakita sa pagtataya, dapat tiyakin
ng tagapatnubay na ang mga ito ay
nalilinang sa pamamagitan ng masiglang
paglalahad sa talakayan at gawain.

Republic of the Philippines


Southern Philippines Agri-business and Marine
and Aquatic School of Technology
Malita, Davao del Sur

BANGHAY ARALIN
AT
BUOD NG PAKSANG

“NATATANDAAN
KO NA!”

Ipinasa kay:

Dra. Elizabeth Benedicto


Ipinasa ni:

Richard Deo Caballes


BSED – 1a

( Enero 20, 2010 )

I. Layunin: Nabasa at nagbibigay kahulugan ang


mapa.

II. Paksa: “NATATANDAAN KO NA!”

Kagamitan: Modyul, larawan, mapa, plaskard.

III. A. Pagsasanay:

Pagsasanay sa mga salitang nakasulat sa


plaskard.

B. Balik – Aral:

Anu-ano ang mga pangunahing direksiyon.


C. 1. Pangganyak:

Saan kayo nakatira? Anong pangalan ng


inyong Barangay? Saan ito matatagpuan?

2. Paglalahad:

a. Pabuksan ang modyul.

b. Ipabasa ang mga ito. Pag-aralan ang mapa.

c. Magtatalakayan tungkol dito.

D. Paglalahat: Ipabuo ang kaisipan.

E. Paglalapat: Gawin ang pagsasanay sa pahina 4


sa modyul.

IV. Pagtataya:

Tingnan ang mapa. Isulat sa puwang ang daan at


direksiyon ng mga gusali.

1. Ang simbahan ay nasa gawing _______.

2. Ang botika ay nasa _______.


V. Takdang – Aralin:

Gawan ng mapa ang inyong paaralan. Tukuyin


kung saang direksiyon matatagpuan ang inyong
silid-aralan.

You might also like