You are on page 1of 4

Ang Pulitika ng Wikang Panturo ni Patricia M.

Melendez-Cruz
Sa isang multi-linggwal na bansa katulad ng Pilipinas, nagkakaroon ng pagtatalo ukol
sa wikang mas mainam gamitin sa pagtuturo. Ano ba ang dapat nating gamitin?
Ingles o Pilipino? Wikang bernakular o Wikang Opisyal?
Teorya ng Wika at Edukasyon

Ang wika ay kapahayagang kultural ng isang sambayanang may katakdang


panlipunan at pangkasaysayan
Wika + Kognisyon = Edukasyon
Ang wika ang siyang kaisipan ng sambayanan. Jose Rizal
Ayon naman kay Plato, Ang wika ang siyang pangunahing kaparaanan ng tao
sa pag-iisip.
Ang wika ng pagtuturo ay hindi lamang isang isyung pedagogikal kundi isang
isyung pulitikal

Patakarang Pangwika sa Edukasyon: Kasaysayan


Bilang Asignatura

Mahigit sa isang daan ang katutubong wika


- Walo ang pangunahin
- Napadagdag pa ang Arabe, Kastilat Ingles dala ng ating kasaysayan
Ang isyung wikang pambansa at isyu ng wikang panturo ay dalawang salik ng
usaping pangwika
Konstitusyon ng Biak-na-Bato ng Unang Republika ng Pilipinas (Mayo 31, 1897)
- isinasaad na ang Tagalog ang opisyal na wika ng Republika
Programang Constitucional de la Republica Filipino ni Mabini
- nakatakdang dapat ituro sa primary ang pagbasa, pagsalita at pagsulat sa
Tagalog na siyang wikang opisyal
42 taon bago tuluyang nakapasok sa mga paaralan ang wikang pambansa
Kautusang Pangkagawarang Bilang 1, serye 1940: itinakdang simula Hunyo 19,
1940, ang wikang pambasa sa lahat ng paaralan bilang asignatura sa 4 th year
high school at sa mga kolehiyong pangguro
Kautusang Pangkagawarang Bilang 22, serye 1978: ipinapatupad na magkaroon
ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng programang kurikular ng mga kolehiyo
(public and private)

Bilang Wilang Panturo

Primary instruction should be given in the first instance in every part of the
island in the language of the people. (Mckinley, 1900)
Rekomendasyon ng UNESCO noong 1951, pupils should begin their schooling
through the medium of the mother tongue, because they understand it best and
because to begin their school life in the mother tongue will make the break
between home and school as small as possible.

Departamento ng Pilipino at Panitikan ng Pilipinas sa Kolehiyo ng Agham at


Sining ng Unibersidad ng Pilipinas nuong 1966
Nuong 1971, pinagpatibay ng UP ang patakarang pagkakapantay ng wikang
Ingles at Pilipino
Resolusyon Bilang 45, serye 1969 paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo
sa grade 1-4 sa buong kapuluan
Presidential Commission to Survey Philippine Education
Patakarang Bilingwal 1974
-Pilipino: Social studies/social sciences, character education, music and arts
-English: Sciences, mathematics, and technology.

WIKANG PANTURO: ISYUNG PULITIKAL


Instrumento ng Kolonisasyon ng Isipan
PILIPINO BILANG ASIGNATURA

MInistri ng Edukasyon, Kultura, at Isports


- Programa ng Masaklaw na Edukasyon: 3 yunit para sa Pilipino, 9 na yunit
para sa Ingles
- Tanging ang Unibersidad ng Pilipinas ang mayroong 6 na yunit sa Pilipino at
6 na yunit sa Ingles

PILIPINO BILANG WIKANG PANTURO

Mahigpit na tinututulan ng mga makakapangyarihan at mga edukador


- Sa kabila ng kaalaman na ito ay hindi mabuti sa mga aspektong
pedagogical, sikolohikal, at pulitikal
Edukasyon
Mahalaga sa pagpapanatili ng umiiral na kaayusang sosyo-ekonomiko
Kailanman ay hindi naging neutral
Panahon ng mga Kastila

Hindi itinuro ng mga prayle ang wikang Kastila sa mga Pilipino sa kabila ng
isang dekretong royal na nagtatagubili na ito ay ituro sa mga kolonya
hatiin at paghatian (divide and conquer)
Binuksan lamang ang mga unibersidad at kolehiyo sa mga katutubo noong 1863
Tinawag ni Rizal na mapang-ayop, mapang-abat di maka-tao

Panahon ng mga Amerikano

Mahalaga ang papel sa benevolent assimilation


Tinanggal ang ugat ng nasyonalismo
Ilusyon ng demokrasya, indibidwalismo, at liberalismo

INGLES BILANG WIKANG PANTURO

Hindi lamang bilang asignatura kundi tanging wikang panturo


Paggamit ng retorikang altruistiko
Sinuportahan ng clase ilustrada y rica
Patuloy na mis-edukasyon ng mga Pilipino
Kurikulum sa pagtuturo
- Repleksyon ng kultura at ideolohiyang Amerikano
Monroe Survey Commission
- Filipino Grade 4 = American Grade 2
- Filipino High School Graduate = American Grade 5
Mababang kaildad ng edukasyon para sa mga Pilipino
1980: Ikawalong National College Entrance Examination
- Bumabagsak ang mga mag-aaral sa Ingles
Bumaba ang kalidad ng pagtuturo ng Ingles
Dumadanas ang Pilipinas ng language handicap

EPEKTO NG INGLES BILANG WIKANG PANTURO

Sa mga mag-aaral
- Bumagal ang pagkatuto
- Naging palatanggap sa halip na maging palatanong at mapanuri
Sa mga edukador at iskolar
- Nakadepende, kundiman nakabilanggo sa mga kanluraning teorya at
metodolohiya
- Inuulit lamang o sinasang-ayunan ang mga pag-aaral sa kanluran
Sa pangkalahatan
- Pinapanatili ang sosyo-ekonomikong di pagkapantay-pantay sa halip na
ilaganap ang demokrasya
- Para sa mga mayayaman o may-kaya
- Monroe Survey Commission: the rank-and-file of Filipino students do not
learn the English language well enough to guarantee facility in its use in
adult life
- Third largest English-speaking country?
Maliit na grupo na bihasa sa Ingles, isang malaking grupo na
marunong magbasa at magsalita sa Ingles, at isang mas malaking
grupo na hindi kayang maihayag ang sarili sa Ingles

Instrumento ng Pagpapalaya ng Isipan

Isang
-

makabayang edukasyon:
Para kanino ang edukasyon?
Kapasiyahan hinggil sa usapin ng wikang panturo?
Ang wika ng makabayang edukasyon ay ang wikang Pilipino
Mahirap makamit ang pantay na bilingwalismo (coordinate bilingualism)
Ang mga batang tinuruan sa Pilipino ay kasing husay na nakakabasa at
nakakasulat sa kanilang wikang bernakular kahit hindi pormal na tinuruan
Pilipino bilang wikang panturo maging sa asignatura sa siyensya,
matematika at teknolohiya

Mas maraming pagkakamali sa Ingles ang mga bata bilang wikang pansulit
kaysa Pilipino
Ang panimulang kahirapan [na dinadanas sa paggamit ng Pilipino bilang
wikang panturo] ay bunga ng paninibago ng guro at estudyante sa Pilipino
dahil hindi ito nakasanayan
Kung sa Pilipino ituturo ang siyensya at matematika sa lahat ng antas, hindi
ito magiging napakahirap para sa mga estyudante
Hindi wika ang sahol kundi ang gumagamit
Makikinabang ang sambayanan sa mga pag-aaral sa lipunan at kultura
yamang kanilang magaganap dahil nasusulat sa wikang pambansa
Hindi matatamo ang tunay na kaunlaran at kasarinlan hanggat hindi
nakalaya sa kamangmangan at karalitaan ang masa

KONKLUSYON

Pilipino ang itinataguyod nating wikang panturo sa lahat ng antas

Gawing asignatura lamang ang Ingles mula sa unang baitang hangang sa kolehiyo

Maging bahagi ng pambansang identidad ang mga grupong etniko

Wikang Pilipino ang patuloy na gagamitin sa tahanan, pamayanan, rehiyon at


bilang katulong na wikang panturo sa lahat ng antas

Ang pananaig ng Ingles sa ating pambansang buhay ay naka-ugat sa mala-kolonyal


at maka-uring balangkas sa ating lipunan
-

"For as long as these elites continue to run the country, then English will be
favored."

Upang hindi magamit sa pagpapalaya, ang gamit nito [wikang Pilipino] ay


hinahanggahan sa pamilihan at sa mga kaparaan ng walang muwang na
aliwan at hanggat mapipigilan ay ayaw papasukin sa akademya

You might also like