You are on page 1of 8

AMOR D.

ERANES II-BEED

Buod ng Florante at Laura

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may


dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito
naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya
ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at
kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.
gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig
niya tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa
lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at
inalagaan
si
Florante
hanggang
sa
muling
lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo
na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng
kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang
kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga
taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap
si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay
niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa
labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na
umagaw sa Albanya nang siyay nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong
hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa
kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siyay si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano
at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng
kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo
ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Fleriday tumakas sa
Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan
niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
si

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip
Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay


pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina
Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari
sa Persya

AMOR D.ERANES II-BEED


Florante at Laura Buod ng bawat kabanata
Araling 1: Kay Selia
Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan
niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila
habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayoy di mapigilan ng makata
ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa
kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang
ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.
Aralin 2: Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang
akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam.
Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna
ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang
tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon.
Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na
mapabuti ay baka sumama pa ang akda.
Aralin 3: Pambungad na Tagpuan
Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos
mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at
sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang
punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang
guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang
mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
Aralin 4: Ang Reynong Albanya
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa
kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan.
Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang
kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng
nakagapos.
Aralin 5: Pighati ng Nagmamahal
Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito
at parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng
lahat kayat nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala
siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang
pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang
labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang
karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.

Aralin 6: Magandang Alaala

AMOR D.ERANES II-BEED


Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw
niya sa buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni
Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang
binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at
mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata ay
huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang
aliwin ni Laura. Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating
pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so
Laura. Kayat nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya
nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki
hanggang sa siyay mapayukayok.

Aralin 7:Kapangyarihan ng Pag-ibig


Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa
pananamit ay masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang
puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa
pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng
gererong Moro na sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit magaamay nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.
Aralin 8: Duke Briseo: Amang Mapagmahal
Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na
buntung hininga ng lalaking nakagapos. Mooy ginugunita ng nakagapos ang amang
mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga
kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na itoy ilibing. Ngunit hanggang
sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.
Aralin 9: Amang Di Dapat Pamarisan
Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking
nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong
masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal.
Maagang naulila sa ina ang gerero kayat di siya nakatikim ng pagmamahal ng
magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing
man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.
Aralin 10: Panganib na nakaamba
Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang
napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa
pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan
ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap
ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di
angkin ang pag-ibig ni Laura.

Aralin 11: Ang Tagapagligtas

AMOR D.ERANES II-BEED


Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kayat hinanap niya ang
pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang
marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang
binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang
dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang
binata.
Aralin 12: Atas ng Langit
Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa
ito nang mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro.
Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat
magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang
pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na
magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng
hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.
Aralin 13: Mga Mapagpalang Kamay
Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng
gerero ang binata sa isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro
ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na
binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang
magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng
Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
Aralin 14: Bugtong na Anak
Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siyay si Florante, nag-iisang anak
ni Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya
lumaki at nagkaisip. Ang kanyang amay tanungan o sanggunian ni Haring Linseo
at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at
mapagmahal na ama si Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol
pay muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si
Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit
ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siyay siyam na taon na,
pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pay natuto na siyang
mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.
Aralin 15: Laki sa Layaw
Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin
sa layaw ang bata sapagkat sa mundong itoy higit ang hirap kaysa sarap. Ang
batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap. Alam ito ni
Duke Briseo. Kayat tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na
mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.

Aralin 16: Nahubdan ng Balatkayo

AMOR D.ERANES II-BEED


Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang
mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang
kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari
lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng
panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Aralin 17: Nalulumbay na Puso
Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo.
Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni
Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong
patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan
din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang
araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay
ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi
nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga
kamag-aral.
Aralin 18: Paalam, Bayan ng Atenas
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante
dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo
sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan
ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag pang huwag
padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na
maghanda nang hindi nagpapahalata.
Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan
ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.
Aralin 19: Sa Bayan ng Crotona
Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama,
napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng
ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Crotona na
humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya.
Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa
balitay kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing
bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na.

Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob,


pumayag din ang ama ni Florante nang itoy hirangin ng hari na heneral ng hukbo.

Aralin 20: Kagandahang Walang Kawangis

AMOR D.ERANES II-BEED


Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni
Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil.
Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si
Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.

Aralin 21: Pangarap na Pagibig


Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay
di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad,
isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma, nakausap nito ang dalaga
at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng oo ang dalaga ngunit lumuha siya
nang umalis si Florante patungong digmaan.
Aralin 22: Tagumpay at Pighati
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga
ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina
Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na
nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik
si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang
sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang
malamang itoy apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang
kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng
ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si
Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog
ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
Aralin 23: Pag-ibig na Pilit
Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang
bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng
bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dalidaling lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng
iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang
pag-ibig ng emir at itoy sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang sintang Florante.
Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang
bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi
lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni
Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.

Aralin 24: Patibong ng Taksil


Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni
Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay
ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya.

AMOR D.ERANES II-BEED


Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating
ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro.
Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon diy
ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang
kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura namay nakatakdang ikasal kay Adolfo.
Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na
kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
Aralin 25: Ang Hinagpis ng Gerero
Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin
mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila
sawi ni Florante, mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni
Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili
niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang
na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang
mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya
sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din. Bagamat nakaligtas sa kamatayan,
higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni
Flerida.

Aralin 26: Mga Tinig ng Pag-ibig


Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing naguusap. Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang
minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang
nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae
kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila
nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamitgerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa
mailigtas niya ang kausap.
Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang
pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.
Aralin 27: Sa Bingit ng Kamatayan
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na
gugutumin ng hari ang taong-bayan kayat nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng
pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw
ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata
ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit
upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang-palad, nahulog si
Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura
nang dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante.
Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon.
Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
Aralin 28: Masayang Wakas

AMOR D.ERANES II-BEED


Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may
kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante.
Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa
Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal
sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at
Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga
mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura.
The moral lesson in that story by francisco balagtas is that love conquers all. it
could give you the courage to move on and fight your way just to see your loved
one and aside from that... it teaches the students about the great faith of the
characters in God and in their principles. Hope i was of help.

You might also like