You are on page 1of 2

NARITO KANG NAKANGITI

Under the category: Philippine Poetry

ako lamang

Narito kang nakangiti,


Magandang tala sa gabi,
Namukod kang tumatangi,
Sa tumpok ng binibini.

Published October 22, 2014 by


/mercurial_stargazer.

Ang buhok mong may pantali


Ang pandugtong ko sa pisi,
Ng buhay kong umiiksi
Na pigtas ding dumadali.
Ang matang may pagkalipi
Walang muwang ng aglahi
Ang tulay kong tinatangi
Tinawid kong mabusisi.

paggawa ng tulay hindi na makayanan,


tigib ang pusot bakante ang isipan.
pag-ibig kong sayo lamang inilaan,
ako nga bay iyong tuluyan nang iniwan?
sa panaginip koy hindi na nagpapakita,
pinipilit na lamang gunitain sa alalaa.
ano nga bang nangyari sa ating dalawa?
ikaw na pag-ibig, wala na. wala na.

Ang pula ng mga pisngi,


Ginagawa kong pansindi
Sa ilawang nangapundi
Sa anag-ag nitong gabi.

ngunit kung sa isip akoy iyong dalawin,


daig pa ang buhawing akoy kinikitil.
kahit alam kong akoy hindi mo iibigin,
ikaw pa rin ba ang habambuhay kong
mamahalin?

Ang ilong mo ang panghabi


Sa pangarap at lunggati,
Na tila nga bumubuti
Sa tamlay ng mga huni.

kahit wala ako, nabubuhay kang masaya,


habang ako naman, hindi kaya ang wala ka.
takbo ng pag-ibig, ganito nga bang talaga?
palaging talunan, sawit umaasa.

Tainga naman ang susi,


Sa saradong mga muni
Binubuksan mo ang saksi,
Na makita ang sarili.

dapat na nga bang kitay pakawalan,


kahit pa kailanman, walang pag-ibig na
kinapitan?
sa ating dalaway, umiibig ay ako lamang,
hindi ikaw, ngunit ako, ang palaging luhaan.

Ang labi mo ang kiliti,


Sa luha ko at pighati,
Halakhak din sa humikbi
Na galak na bumabati.
Sa dungis kot mga dumi
Ang balat mo ang pangwaksi
At saka nagpapaputi
Sa kutim nitong pusali.
Ang puso mo ang panlapi
Sa hinga ko ay kasapi,
Na lagi nang pumipiksi,
Sa iglap na lumiliksi!

kaya naman hindi na ako aasa,


na darating ang araw na akoy iibigin pa.
maraming salamat at ikay nakilala.
hanggang dito na lamang, sayoy paalam
na.
Dusay nauubos
Natatapos ang unos
walang sukat
Published November 11, 2014 by
/mercurial_stargazer.

wala itong sukat,


ni tugma ay wala;
ang ditoy mayroon lamang,
ay pag-ibig sayo, hirang.
kahit pa hindi mo alam,
ikaw lamang ang minahal.
sa dami ng aking nakilala,
ikaw pa rin, aking sinta.
naririto ako,
naghihintay ng pag-ibig mo.
pusong uhaw sa iyong paglingap,
pagsinta moy kailan ba sa akin ibubuhos?
bakit ba kahit ngayon,
ikaw pa rin aking mamahalin?
sakit bay hindi pa ba sapat,
sa pag-ibig kong walang sukling katapat?
nalalaman mo bang,
ilang taong minamahal ka?

ang tanging alam mo lang,


akoy isang taong sa buhay mo ay nagdaan.
nasaan nga ba ako,
diyan sa puso mo?
ako ba sayoy may puwang?
o puso moy may iba nang nakalaan.
nahihirapan akong,
limutin ang pag-ibig na ito.
sanay aking makayanan,
sakit na nakaukit na saking puso.
mga ngiting iyong nakikita,
laan sayo, walang iba.
ngunit ang mga luhang pilit kong itinago,
itangis man sayoy walang magbabago.
kaya naman ano na,
bakit pa ba mahal kita.
sagot riy hindi alam,
parang tulang may sukat at tugma man, wala pa ring
laman

You might also like