You are on page 1of 2

Proyekto sa

Filipino IV
Ipinasa ni:
Judith M. Timbas
IV- Mabini

Ipinasa kay:
Gng. Irene R. Macabante
Adviser

Jesseca B. Barrameda
IV- Mabini

El Filibusterismo

Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun


sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa
kabutihan ng taumbayan Ang nobela ay nagsisimula sa isang
paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo. Doon ipinakilala ang
ilang tauhan ng nobela na si Simoun,Isagani , at Basilio. Si Crisostimo
Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, ay nagbalik sa Pilipinas at
nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang
Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria
Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin
at pahinain ang pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang
tauhan sa nobela, kabilang na si Basilio. Una, binalak niyang
manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang
magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang agawin si Maria
Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat namatay nang
hapong iyon Maria Clara. Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon si
Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan dadalo
ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni
Simoun ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis
granada na kasinlaki ng ulo ng tao.Lingid sa kaalaman ng lahat, ang
ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa
upang paliwanagin ay sasabog ito. Sa kasawiang palad at sa
pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun
sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis na
inihagis ang ilawan sa ilog.
Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang
mga alahas at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si
.Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason
upang hindi mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang
nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat at
umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng
taumbayan.

You might also like