You are on page 1of 1

Pagiging kolonya ng Espanya

Pagdating ni Magellan
Noong 1519, nagsimulang maglakbay si Ferdinand Magellan (Fernando Magallanes) mula
sa Espanya upang isagawa ang unang paglalayag sa paligid ng mundo. Ang panggagalugad ni
Magellan ay binubuo ng limang mga barko na mayroong 264 mga tauhang mandaragat.[2] Si
Magellan ay isang Portuges na naglilingkod sa ilalim ng watawat at Hari ng Espanya.[1] Noong
Marso 16, 1521, narating ng kaniyang ekspedisyon ang pulo ng Samar sa Cebu,[3] kung saan
tinanggap siya nina Raha Kolambu at Raha Siagu. Ang mga pulo ay pinangalanan ni Magellan
bilang Kapuluan ni San Lazaro, at inangkin ang mga lupain para sa Kaharian ng Espanya,[2]sa
ilalim ng pangalan ni Haring Charles I ng Espanya (Carlos I).[3] Si Magellan at ang kaniyang mga
kasama ang sinasabing unang mga Europeong nakarating sa Pilipinas, bagaman mayroong mga
aklat na nailathala sa Kanlurang Europa na nagsasabing hindi sila ang una. [4] Nagpatayo si
Magellan ng isang krus sa nasabing mga lupain. Pagkaraang ipakilala nina Raha Kolambu at
Raha Siagu si Magellan kay Raha Humabon ng Cebu. Kasama ng humigit-kumulang sa 800 mga
Cebuano, nabinyagan si Raha Humabon sa ngalan ng Kristiyanismo. Tinulungan ni Magellan si
Raha Humabon na labanan si Datu Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan. Namatay si Magellan sa
labanang ito noong Abril 27, 1521. Ang natira pang mga Kastila sa kapuluan ay nagkaroon ng
alitan, kabilang na ang pagtatalo ni Raha Humabon at ng mga Kastila hinggil sa kababaihan. Sa
isang pag-aaway, napaslang ng mga Cebuano ang 27 mga Kastila. Nilisan ng mga Kastila ang
Cebu upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Nakabalik sa Espanya ang
barkong Victoria(isang barko lamang na may nalalabing 18 mga tauhan) pagkaraan ng tatlong
mga taon
Pagwawakas ng pamumunong Kastila]
Natapos ang pamumuno ng Espanya sa Pilipinas bilang resulta ng nakisangkot ang Estados
Unidos sa Cuba, isa pang pangunahing kolonya ng Espanya. Nais nang Estados Unidos na
masugpo ang panghihimagsik na naganap sa Cuba noong Pebrero 1895 dahil sa mga layunin ng
Estados Unidos hinggil sa pagnenegosyo. Noong magpahayag ang Estados Unidos ng digmaan
laban sa Espanya noong Abril 25, 1898, inatasan ni Theodore Roosevelt (na noon ay gumaganap
bilang pansamantalang Sekretaryo ng Hukbong-Dagat ng Estados Unidos) na maglayag papunta
sa Pilipinas upang gapiin ang hukbong-dagat ng Espanyang nasa Look ng Maynila. Natalo ng
hukbong-dagat ng Estados Unidos ang hukbong-dagat ng Espanya na nasa Pilipinas noong Abril
25, 1898. Bago matapos ang 1897, nagpatuloy ang paglalaban ng Espanya at ng Estados Unidos
hinggil sa kung sino ang aangkin sa Cuba. Samantala, naganap ang negosasyon sa pagitan
ni Emilio Aguinaldo at ng mga opisyal ng Estados Unidos habang nasa Hong Kong at pagdaka
sa Singapore. Nahikayat ni Dewey si Aguinaldo na magbalik sa Pilipinas. Noong Mayo 19, 1897,
dumating si Aguinaldo sa Maynila upang pamunuan ang mga puwersa ng mga Pilipinong
nanghihimagsik.

You might also like