You are on page 1of 4

SOURCE: 0000000218.

RTF

THESIS ABSTRACT
Title
: MGA KAMALIAN SA MGA SULATING PORMAL SA
FILIPINO NG
IKALAWANG TAON PANSEKUNDARYA: BATAYAN
SA PAGPAPAUNLAD NG
PAGSULAT AT PAKIKIPAG
TALASTASAN
Author
: ICHIANO, EDWIN R.
Degree
: ?
Year
: 2004
Location
: LCC
Ang pakikipagtalastasan ay isang paraan para maunawaan ang nais ipahayag ng isang tao
sa simula pa ng pagkamulat ng ating isipan. Ito ay isang bahagi ng ating kultura na
nagpapalawak ng kaalaman upang lalong magkaunawaan ang bawat tao. Nagpapatunay
lamang ito sa pangangailangan ng isang wikang pambansa na magsisilbing instrumento sa
pagpapaunlad ng saloobin at sa paghabi ng mga likhaing kaisipan na may mabuting
patutunguhan sa ikagaganda ng wika.
Kaya ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matuklasan ang mga karaniwang kamalian
ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan lalo na sa pagsulat . Mula sa natuklasang kamalian
sa mga sulating - pormal sa Filipino ng mga ginagamit na batayan sa pagbuo ng isang
modelo sa pagwawasto ng mga sulatin.
Sinagutan ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na suliranin:
1. Gaano kahusay ang mga mag-aral sa pagsulat ng sulating- pormal batay sa pamantayan
ng isang komposisyon?
2. Anu-ano ang mga kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sulatin ayon sa
a. paggamit ng mga bahagi ng pananalita
b. pagbaybay ng mga salita
c. paghahati ng mga salita
d. paggamit ng mga bantas
3. Anu-anong mga kasanayan sa pagsulat ang kinakailangang tukuyin upang makagawa ng
isang sulating ---pormal batay sa
a. nilalaman ng sulatin
b. pagkakabuo at kaanyuan
c. pagkakasulat o kawastuhan (mekaniks)
4. Anu ang kaugnayan ng mga kamalian sa pagsulat ng sulating -pormal sa kahusayan ng
mga mag-aarla sa pagsulat nito ?
5. Anu-ano ang mga pamantayan sa pagwawasto ng kamalian sa pagsusulat ng sulating-pormal
at pakikipagtalastasan ?
Pamamaraan :
Ang may akda ay gumamit ng pamamaraang "Documentary Analysis" upang
maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Ang natamong datos ay inihanay sa angkop na
manghad . Ginamit ang Percentage, Mean, Standard Deviation at Pearson Product Moment
Correlation upang alamin ang ugnayan at persepsyon ng mga respondyente sa kanilang
kamalian sa pagsulat ng sulatin, batay sa pamantayan sa pagwawasto ng isang sining na
sulating-pormal.
Ang batayan sa pagpapaunlad ng isang sulatin ay nakasalalay sa mga natuklasang
kamalian ng mga sulatin . Mula sa mga kamaliang ito ay nabuo ang batayan na ginamit para

maging mabisa at masining ang paggawa ng isang sulatin.


Natuklasan
Natuklasan sa pag-aaral na:
1. Ang kasanayan na nangangailangan ng lubos na pagsasakatuparan sa paggawa ng isang
sualting -pormal ay :
a. nilalaman ng sulatin na may 41 bahagdan (4.66) dahil sa di-gaanong malinaw
ang pagkakabuo ng
sulatin sapagkat limitado lamang ang pagkakaugnay ng mga ideya kaya't
hindi kinakitaan ng isang
magandang kinalabasan.
b. pagkakabuo o organisasyon ng teksto ay may 31 bahadan (3.62) na ang ibig
sabihin ay di-gaanong
malinaw ang pagkakabuo ng sualtin dahil sa kakulangan ng malawak na
talasalitaang ginamit.Ang
ideya ay limitado sa pagpapalawak ng paksa .
c. pagkasulat o mekaniks ng isang sualtin ay may 28 bahagdan (3.17) na
nagpapatunay na di-gaanong
maayos ang pagkakasulat ng talataan at binaliwala ang paggamit ng palugit
sa pagsulat ng sulatin.,
palagiang nagkakaroon ng pagkakamali sa pagbabaybay at may mga
pagkakataong di wasto ang
bantas.
2. Ang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sulatin sa Filipino na ayon sa:
a. paggamit ng mga bahagi ng pananalita ay may 4.75 weighted mean na nagsasaad na dimalubha ang kamalian sa gramatika,
b. ang pagbabaybay ng mga salita ay may 33 bahagdan (2.56) na nangangahulugang
malubha ang mga kamalian,
c. paghahati ng salita ay may 36 bahagdan (2.78) na malubha rin ang pagkakamali ng mga
mag-aaral,
d. paggamit ng bantas ay may 31 bahagdan (2.46) na nagsasaad na may kalubhaan ang
pagkakamali ng mga mag-aaral , dahil ilan lamang sa mga bantas ang ginagamit ng mga
mag-aaral sa pagsualt ng sulating- pormal.
3. kaayusan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sulating pormal ayon sa pamantayan ng
isang komposisyon batay sa:
a. nilalaman ng isang sulatin ay may naitalang 41 na bahagdan (4.66) .Ito ay nagpapakita
na mga mag-aaral ay may kaalaman sa paksa at malinaw na pagpapahayag ngunit ang
ideya ay di-lubhang napalawak,
b. kaayusan ng sulatin o organisasyon ng teksto ay may 31 na bahagdan (3.62) dahil hindi
maayos ang pagkakaugnay ng mga ideya at kawalan ng istilo sa pagsulat na maaring dahil
sa kakulangan ng kaalaman sa iba't -ibang paraan ng paglalahad ng teksto ,
c. mekaniks o pagkakasulat ng sulatin ay may 28 na bahagdan (3.17) na nagpapahiwatig
ng palagiang pagkakamali sa pagbabaybay at pagbabantas, di- pagsisimula ng pangungusap
sa malaking titik , di- wastong pagtalata , di-maayos na palugit , at di-maayos na sulat
kamay.
Ang kabuuang paglalagom sa kahusayan ng mga mag-aaral sa paggawa ng sulating
pormal ay wt. Mean na nagsasabing may apat na kaalaman sa paksa ang mga mag-aaral
ngunit limitado sa paraan ng pagpapahayag sa pagtalakay ng paksa dahil kulang ang
oryentasyon sa pagsulat ng sulating -pormal .
4. Sa pagsusuri ng ugnayan ng mga kamalian sa pagsulat ng sulating -pormal sa
kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsulat , ay nakita sa pamamagitan ng Pearson r na ang
mga varyabol ay may modereyt na korelasyon sa nakuhang r-valyu na 0.99. Ito'y may .2540
tabular-r-valyu sa .01 at .1946 tabular -r-valyu sa .05 lebel ng signifikans. Dahil dito , ang

hipotesis ay ni-rejek .
5. Ang mga batayan sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat at pakikipagtalastasan na
kaakibat ang pamantayan ng mga guro sa pagwawasto ng kamalian ng isang sulatingpormal ay natuklasang ang paggamit ng mga bantas , malaking titik ,iba't-ibang bahagi ng
pananalita , wastong salita ,pagkilala sa karaniwan at di-karaniwan anyo ng pangungusap
,wastong baybay ng salita ,wastong talataan sa pagsulat ng talatang naglalarawan at
nagsasalaysay , pagsulat ng talatang may isang paksang diwa , at pagsulat ng isang
impormal na sulating ay amy 3.94 weighted mean. Natuklasang malimit na ipinagagawa
ng guro ang mga kasanayan sa pagsulat ng isang sulating-pormal.
Konklusyon:
Batay sa kinalabasan ng pag-aral at pagsusuri ng mga sulating-pormal na gawa ng mga
mag-aaral sa ikalawang antas pangsekundarya Daluhasang la Consolacion ay walang
panubaling inihahayag ang nga sumusunod na konklusyon:
1. malubha ang mga kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sulating pormal sa Filipino
(2.6 na weighted mean) dahil kulang ang kaalaman ng mag mag-aarl sa nilalaman ,
organisasyon at mekaniks ng pagsulat ng isang sulatin.
2. Mahusay nag mga mag-aaral sa paggawa ng sulating-pormal sapagkat may 3.82 na
weighted mean na nagsasabing may sapat na kaalaman sa paglikha ng sulatin ngunit digaanong malinaw ang pagkakabuo ng ideyang ipinahayag.
3. Walang kaugnayan ang mga kamalian sa pagsulat ng sulating pormal at ang kahusayan
ng mga mag-aaral sa pagsulat nito.
4. May mga kahinaan sa pagsulat ng sulating -pormal ang mga mag-aaral dahil may 3.82 na
weighted mean ayon sa batayan sa pagwawasto . Ang kahinaan ay sa mekaniks o
kawastuhan dahil ang talataan, palugit at maayos na pagkakasulat ng mga bantas ,bahagi
ng pananalita ay hindi gaanong binigyan ng halaga sa pagsulat ng sulating -pormal.
5. Ang mga batayan sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat o pakikipagtalastasan ay
may 3.94 na weighted mean . Ang limit na ipinagagawa ng guro ang mga pagsasanay sa
pagsisimula ng mga gawain sa pagsulat ng masining na sulating -pormal.
Rekomendasyon:
Dahil sa mga natuklasang ito ,ang mananaliksik ay naghahandog ng mga sumusunod
na tagubilin o rekomendasyon:
1. Sa pagtuturo, gawing pangganyak ang palabaybayan at pagbubuo ng pangungusap na
naglalarawan at nagsasalaysay na gumagamit ng wastong bahagi ng pananalita at wastong
bantas.
2. Kailangan na maging malinaw ang layunin at maayos ang pagpapasulat ng sulatin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pamantayan bago magpasulat ng isang masining na sulatin.
3. Sanayin ang mga mag-aaral na gumawa ng isang talataan ng paglalarawan o
pagsasalaysay sa pagbibigay ng pagsasanay o pagsusulit.
4. Sa mga paaralan , kinakailangang bigyan-pansin ang kakulangan ng mga mag-aaral sa
pagpapahayag. Ito ay mabibigyang pansin sa malimit na pagsasanay sa pakikipagtalastasan
sa pasalita at pasulat , at sa pamamagitan ng paglahok sa iba't-ibang dayalogo tungkol sa
napapanahong isyu ng lokal na pamayanan, ng bansa at ng global na kapaligiran .
Gamitin ang pamantayan ng mga guro sa pagsulat ng sulating-pormal.
Karagdagang Suhestyon :
Sa mga mananaliksik , ipagpatuloy pa ang pag-aaral tungkol sa mga gawaing
pangkumunikasyon / pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral na kaakibat ang gabay na
pagtuturo ng guro sa :

a. Pagwawasto sa maling pagbigkas ng salita ayon sa diin at lundo nito .


b. Mga motibasyon sa pagsulat ng mga mag-aaral ng malikhaing katha.

You might also like