You are on page 1of 37

Tularan Mo Ako

Tungo sa Paglagong Espiritual


Ikalawang Aklat
Pambungad
Ika-11 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang
Matagumpay (Pakikitungo sa Laman)
Ika-12 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang
Matagumpay (Paglaban sa Sulsol ng Sanglibutan)
Ika-13 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang
Matagumpay (Pananagumpay sa Paraan ng Diablo)
Ika-14 Aralin: Ano ang Iglesya? Bakit Ako Dapat
Umanib Dito?
Ika-15 Aralin: Ano ang mga Katungkulan Ko Bilang
Kaanib ng Iglesya?
Ika-16 Aralin: Ano ang Bautismo at Comunion
Karagdagan

Tularan Mo Ako
1

3
5
10
14
20
26
32

Tularan Mo Ako
2

Pambungad
Nang araw na umakyat sa langit ang Panginoong Cristo
Jesus, isinugo Niya ang mga alagad at inutusang gawing
alagad ang lahat ng mga bansa (Mateo 28:19). Ito ang
hakbang na Kanyang ginamit upang sanayin ang Kanyang
mga alagad; ang Kanyang pamamaraan upang magligtas ng
mga kaluluwa; at ang susi sa paglago ng sinaunang iglesya.
Makalipas ang 2000 taon, ang pangangailangan na humayo
at gawing alagad ang mga bansa ay higit na maigting sa
ngayon.
Ano ang paggawa ng alagad o disciple-making?
Isinalarawan ni apostol Pablo ang kanyang pamamaraan sa
paggawa ng alagad sa pagsasabing: Tularan ninyo ako,
gaya ng pagtulad ko kay Cristo (I Corinto 11:1, TPV). Sa
payak na salita, ito ay nangangahulugan ng pangunguna sa
paghakbang upang sundan ng iba tungo sa kaganapang
tulad ng kay Cristo. Ang mga itinuturo ng Biblia, kung
matapat na ipinamumuhay at ipinamamahagi ng isang
Cristiano, ay nagsisilbing makapangyarihang kasangkapan
ng Dios upang baguhin ang pamumuhay ng mga tao tungo
sa lubos na paglagong Espiritual.
Layunin ng material na ito na gabayan ang mga
mananampalataya sa isang progresibong pag-aaral ng mga
pangunahing katuruan ng Biblia. Bagamat maaari itong
gamitin bilang pangsariling gabay, una nitong mithiin na
Tularan Mo Ako
3

magamit sa disciple-making o sa pagitan ng isang ganap na


mananampalataya at ng kanyang tinuturuan.
Inaasahan kong ang sinumang gagamit ng material na ito
upang turuan ang iba ay nagdaan na rin sa isang
discipleship program at patuloy na namumuhay ayon sa
Kasulatan.
Ang inyong masugid na pagtuturo at maka-Dios na
halimbawa ay makatutulong upang buhayin and salita ng
Dios sa buhay ng mga tao at sila mismo ay mamuhay tulad
ng kay Cristo sa kaluwalhatian ng Dios.

Nicky Joya

Copyright (c) 1995 NICKY JOYA


ELI Asia, Manila
Philippines
Isinalin gamit ang Tagalog Bible at Tagalog Popular Version (TPV).

Tularan Mo Ako
4

Ika-11 Aralin: Paano Ako Mamumuhay


Nang Matagumpay
(Pakikitungo sa Laman)
Datapuwat salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng
pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Cristo
Jesus.
Corinto15:57
Sa ating pakikiisa kay Cristo Jesus, tinanggap natin ang
malaking kayamanang espiritual upang tayoy mamuhay sa
ating bagong kalikasan. Nais ng Dios na gamitin natin ang
mga pagpapalang ito upang mamuhay nang kalugod-lugod
sa Kanya.
Subalit dapat nating paghandaan ang puwersa ng kaaway
na susubukang pumigil sa pamumuhay natin nang
matagumpay. Kinilala ng Biblia ang mga kaaway na ito: ang
laman, ang sanglibutan at si Satanas.
Sa araling ito, matututunan natin kung paano labanan ang
laman.
Ang Pagtira ng Kasalanan sa Ating Laman
Ang laman ay masasabing siyang ating pagiging tao. Ito ay
tumutukoy sa lahat ng bagay ukol sa tao ang ating
binabalak at ninanasa.

Tularan Mo Ako
5

Ipinahayag ni apostol Pablo sa Roma 7 na kahit mismo sa


mga Cristiano, ang kasalanan ay namamahay pa rin sa ating
mga laman.
Kahit na lubos na pinanghina, ang namamahay na
kasalanan ay patuloy pa ring nanunubok na gapiin tayo.
v. 17 kasalanang nakatira sa akin
v. 18 sa aking laman ay hindi tumitira ang anomang bagay
na mabuti
v. 20 kasalanang nakatira sa akin
v. 23 kasalanang kumikilos sa mga bahagi (ng aking
katawan)
v. 24 katawan ng kamatayan (aking laman) isang bihag sa
ilalim ng kautusan ng kasalanan
Sa mga talatang 22 at 23, nakita natin na ang ating bagong
kalikasan ay may pagnanasa sa mabuti at makatuwiran,
subalit kinakalaban ito ng pagtira ng kasalanan. Kapang
nangyari ito, may pagpupunyaging nagaganap sa ating
kalooban.
Isalarawan ang matapat na pag-amin ni Pablo sa Roma
7:15-25.

Tularan Mo Ako
6

Nakikita mo ba ang iyong sarili sa katulad na pakikipagtuos?


Anong bagay ang nagpapaluwag sa loob mo mula sa
pahayag ni Pablo?

Ang pangloob na pakikipagtuos na ito ito ay habambuhay at


magwawakas lamang sa pagdating ni Cristo Jesus na
magdadamit sa atin ng bagong katawan.
Ayon sa 1 Corinto 15:51-57, ano ang mangyayari sa ating
katawang lupa sa pagdating ng Panginoon?

Habang tayo ay nasa laman pa rin sa ngayon, ano ang


dapat nating pigilan na gagawin ng laman?

Ayon sa Galacia 5:19-21, ano ang nabubuo kung


pinapayagan nating ang laman na manulsol sa ating buhay?

Tularan Mo Ako
7

Paano Talunin ang Laman


1. Kilalanin ang iyong kataasang espiritual
Nagtataglay ka ng isang bago at mas makapangyarihang
kalikasan (2 Corinto 5:17; Ezekiel 36:26,27).

Makatitiyak ka ng proteksyon ng Dios (1 Cor. 10:13).

Nasa iyo ang makapangyarihan sa lahat na Espiritu Santo


na nananahan sa iyong katawan (Roma 8:9; 1 Corinto 6:19).

2. Kayo ay mangapuspos ng Espirtu Santo (Efeso. 5:18;


Galacia 5:16-18). Tingnan ang ika-6 aralin tungkol sa
Paggamit ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo.
3. Sanayin ang iyong katawan para sa kabanalan (1 Corinto
9:25-27; Filipos 3:12-14; Hebreo 5:14). Ang sariling
kabanalan ay samahan sa pagitan ng Dios at ng
mananampalataya. Tiyak na tutuparin ng Dios ang Kanyang
bahagi, at tayo man ay dapat gumanap sa ating bahagi.
Tularan Mo Ako
8

Sanayin ang iyong katawan sa pag-iwas sa kasalanan (2


Timoteo 2:22).

Sanayin ang iyong katawan upang labanan ang tukso


(Santiago 1:12-15).

Sanayin ang iyong katawan upang sumunod sa Dios (1


Timoteo 4:6-8).

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin


1. Sagutan ang ika-12 aralin.
2. Isaulo ang Filipos 3:13,14.

Tularan Mo Ako
9

Ika-12 Aralin: Paano Ako Mamumuhay


Nang Matagumpay
(Paglaban sa Sulsol ng Sanglibutan)
Ang sanglibutan ay isa pang kaaway na dapat labanan ng
Cristiano upang siya ay mamuhay nang matagumpay.
Binabalaan ng Biblia ang mga Cristiano: Huwag ninyong
ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa
sanglibutanSapagkat ang lahat na nangasa sanglibutan,
ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga
pata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama,
kundi sa sanglibutan (1 Juan 2:15,16).
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang kuwento ni Daniel at
kung paano niya napagtagumpayan ang paglaban sa
sanglibutan. Tiyak na makikita natin ang ating mga sarili sa
parehong bigat ng sanglibutan, at mula ritoy magtatamo
tayo ng mga pamamaraan na magagamit sa ating panahon.
Ang Pamamaraan ng Daigdig
Sa salitang daigdig, ang Kasulatan ay hindi tumutukoy sa
nakikitang daigdig.
Sa halip, ito ay tumutukoy sa
pamamaraan ng daigdig at sa mga katangian na
pinanghahawakan nito.
Ayon sa 1 Juan 2:16, anong tatlong bagay ang mataas na
pinahahalagahan ng sanglibutan?
1.
2.
Tularan Mo Ako
10

3.
Ayon sa mga sumusunod na talata, sino na namumuno sa
sanglibutan at paano siya tinukoy ng mga ito?
Juan 12:31
2 Corinto 4:4
Efeso 2:2
Ayon sa Santiago 4:4, nagiging ano tayo kung ating
kakaibiganin ang sanglibutan? Bakit ganoon?

Mag-ala Daniel
Basahin ang Daniel 1:1-21.
Bilang mananampalataya na nakatira sa isang paganong
lipunan, si Daniel at ang kanyang tatlong kaibigan ay pinilit
na pinasusunod sa paganong buhay at paraan na salungat
sa ipinag-uutos ng Dios. Isulat ang ilan sa mga paghihirap
na kanilang dinaanan.

Ano sa palagay mo ang nangyari kung sila ay nagpahinuhod


sa mga pahirap na ito?

Tularan Mo Ako
11

Gumawa ng isang listahan ng mga hindi maka-Dios na


bagay na pilit na ipinasusunod sa mga tao ng sanglibutan?
Paano pinipilit ng sanglibutan na sumunod ang mga tao sa
pamantayan nito?

Ano ang mga dulot ng pagsunod sa sulsol ng sanglibutan?

Mula sa iyong sariling karanasan, magbanggit ng isang


pakikipagtuos sa sulsol ng sanglibutan. Paano ka tumugon
dito? Ano ang naging dulot?

Napagtagumpayan ni Daniel ang sulsol ng sanglibutan sa


pamamagitan ng
1. Pag-alam ng kalooban ng Dios. Si Daniel ay matibay na
nakatayo sa pundasyon ng Salita ng Dios. Siya ay lubos na
naniniwala sa katotohanan ng Biblia.
2. Taos-pusong pagsunod sa mga utos ng Dios. Si Daniel ay
hindi nagdalawang isip sa pagsunod.

Tularan Mo Ako
12

3. Pagtayo ng may buong pagpapasya. Ayon sa Biblia,


ipinasya ni Daniel na hindi siya susunod sa sulsol ng
sanglibutan.
4. Pagtanggap sa anomang dulot ng kanyang pagsunod sa
Dios. Batid ni Daniel kung ano ang maaaring mangyari sa
kanya dahil sa kanyang pasya. Gayonman, ang higit niyang
pinahalagahan ay kung ano ang nais ng Dios.

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin


1. Anong mga sulsol ng daigdig ang iyong nararanasan sa
sanglibutan sa ngayon?
2. Anong mga pamamaraan ang iyong gagawin upang
mapagtagumpayan ang mga ito?
3. Sagutan ang ika-13 aralin.
4. Isaulo ang 1 Juan 2:16.

Tularan Mo Ako
13

Ika-13 Aralin: Paano Ako Mamumuhay


Nang Matagumpay
(Pananagumpay sa Paraan ng Diablo)
Isuot ninyo ang baluting kaloob ng Dios, upang
mapaglabanan ninyo ang mga lalang ng Diablo (Efeso 6:11;
TPV). Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa
laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa
mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng
kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu
ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan (Efeso 6:12;
Tagalog Bible).
Tinatawag tayo ng Biblia upang mamuhay nang matalino, at
may kamalayan sa mga pamamaraan ng kaaway nang hindi
tayo masumpungang walang laban sa pag-atake nito. May
nakapagbigkas ng ganito: Kung kilala mo ang iyong
kaaway, nanalo ka na ng kalahati sa laban.
Marami ang bumabagsak sa patibong ng diablo dahil
tinantanggi nila na mayroong diablo at silay walang alam sa
mga paraan nito.
Sa araling ito, pagsisikapan nating magtaglay ng kaalaman
sa Biblia tungkol kay Satanas at ang kanyang gawain.

Ang Pagbagsak ni Satanas


Tularan Mo Ako
14

Basahin ang Ezekiel 28:12-15. Ano ang mga katotohanan na


maaaring mong banggitin tungkol sa persona ni Satanas
bago siya bumagsak sa lupa?

Basahin ang Ezekiel 28:15-17; Isaias 14:12-15.


Ano ang posibleng sanhi ng pagbagsak ni Satanas?

Ano ang nangyari kay Satanas matapos siyang bumagsak?

Ayon sa 1 Timoteo 3:6, bakit di na natin dapat ilagay ang


isang bagong mananampalataya bilang lider?

Tularan Mo Ako
15

Ayon sa Pahayag 20:10, ano ang sukdulang kahahantungan


ni Satanas?

Ang Persona ni Satanas


Paano tinitingnan ng mga tao si Satanas? Magbanggit ng
ilang maling ideya tungkol sa persona ni Satanas.

Basahin ang Efeso 6:11, 12. Ano ang mga katotohanang


matututunan natin ukol kay Satanas? Paano ito nagkakaiba
sa mga karaniwang ideya tungkol kay Satanas?

Palatandaan:
Satanas - kaaway
pamamaraan - (Griego methodias) pinag-aralang balakin.
pamunuan, kapangyarihan, namamahala, mga ukol sa
espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan tumutukoy
sa mabisang at organisadong sistema ng kasamaan
Tularan Mo Ako
16

Ang Layunin ni Satanas


Ayon sa 2 Corinto 4:4, ano ang sukdulang layunin ni
Satanas?

Basahin ang mga sumusunod na talata at sagutin kung


paano sinusubukan ni Satanas na maisakatuparan ang
kanyang balak.
Juan 8:44
Pahayag 12:9
2 Corinto 11:14
Marcos 4:3, 4, 14, 15
Paano Labanan si Satanas
Basahin ang Efeso 6:10. Ano ang ibig sabihin ng mga
katagang magpakalakas kayo sa Panginoon?

Ayon sa Santiago 4:7, ano ang dalawang paraan kung


paano madadaig ang diablo?

Tularan Mo Ako
17

Basahin ang Efeso 6:14-17. Kilalanin ang mga baluti na


ibinibigay ng Dios sa isang Cristiano at isulat ang
kahalagahan ng bawat isa.
1.

2.

3.

4.

5.

6.

Ayon sa Efeso 6:18, ano pa ang isang kasangkapan na


iginagawad ng Dios sa bawat Cristiano upang madaig ang
diablo?

Tularan Mo Ako
18

Magbanggit ng isang paraan ng panalangin, ayon sa


talatang ito.

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin


1. Sagutan ang ika- 14 na aralin.
2. Isaulo ang Efeso 6:12.

Tularan Mo Ako
19

Ika-14 Aralin: Ano ang Iglesya?


Bakit Ako Dapat Umanib Dito?
Sa ating pagtanggap kay Cristo Jesus bilang ating sariling
Panginoon at Tagapagligtas, pumapasok tayo sa pakikipagugnayan hindi lamang sa Dios, kundi pati sa ating kapwa
mananampalataya.
Isinasaad ng Bilia na bilang mga Cristiano, tayo ay
magkakapatid sa pamilya ng Dios (Juan 1:12; Hebreo 2:11).
Tayo rin ay pawang mga mamamayan ng banal na bayan ng
Dios (Filipos 3:20; 1 Pedro 2:9, 10) at mga bahagi ng
Katawan ni Cristo (Roma 12:4, 5; 1 Corinto 12:12).
Tayo ay inuutusan sa Kasulatan na makipag-isa sa mga
kapwa mananampalataya kay Cristo at isagawa ang ating
pakikipag-ugnayan sa kanila (Efeso 4:3,4; Filipos 1:27).
Tinatawag ng Biblia ang nagkakaisang samahan ng mga
Cristiano bilang Iglesya.
Ang Paliwanag ng Biblia Ukol sa Iglesya
Ang katagang iglesya ay nangangahulugan ng mga
tinawag mga taong tinawag mula sa kasalanan upang
magkaisa bilang isang bayan at ihayag ang kadakilaan ng
Dios (1 Pedro 2:9,10). Ang katagang ito ay pangunahing
tumutukoy sa mga tao, at hindi sa anumang gusali o
organisasyon.

Tularan Mo Ako
20

Ang Iglesya ay kapwa pangkalahatan (universal) at lokal.


Ang Iglesyang Universal Ang pinag-isang Katawan ng
lahat ng mga mananampalataya sa langit at sa lupa.
Anoman ang kanilang pinanggalingan o kinaaaniban, ang
lahat ng mga mananampalataya ay nabibilang sa iglesyang
ito.
Ang Iglesyang Lokal Isang nakikitang samahan ng mga
taong nagpapahayag ng kanilang pananampalataya kay
Cristo Jesus at binibigkis ng iisang katuruan at karanasan at
sama-samang namamahagi ng Evangelio ni Cristo Jesus.
Ang lahat ng mga mananampalataya ay inuutusang maging
bahagi ng iglesyang ito.
Ayon sa mga sumusunod na talata, ano ang kahalagahan ng
lokal na iglesya at ano ang mga ginagawa dito na mahalaga
sa paglagong espiritual ng mga mananampalataya?
Roma 12:4-8

Hebreo 10:24, 25

Efeso 4:11-13

Tularan Mo Ako
21

Sinaunang Kalakaran sa Bagong Tipan


Basahin ang Gawa 2:40-47.
Sa pagkarinig at pagtanggap sa mensahe ng Evangelio,
anong apat na bagay ang ipinasyang gawin ng mga
mananampalataya?
1.
2.
3.
4.

Paano mo ilalarawan ang samahan ng mga Cristiano sa


sinaunang iglesya? Bakit mo nasabi?

Ayon sa iyong binasa, ano ang


kasalukuyang iglesya ni Cristo Jesus?

Tularan Mo Ako
22

dapat

makita

sa

Ang Katuruan ng Iglesya


Binigyan ng Dios ang iglesya ng mga taong may ibat ibang
kagalingan upang sanayin ang mga Cristiano sa Salita ng
Dios (Efeso 4:11, 12). Bilang mga Cristiano, dapat nating
ilaan ang ating mga sarili upang matutunan ang mga ito.
Subalit dapat din nating tiyakin na ang itinuturo ng mga
pinuno ng iglesya ay ang Salita ng Dios. Binabalaan tayo ng
Biblia na iwasan ang mga gurong mas tumatangkilik sa
kanilang sariling kaalaman kaysa Kasulatan (2 Timoteo
2:16-18).
Maghanap ng mga talata sa Biblia na tumutukoy sa mga
sumusunod na paksa. Ayon sa mga talata, alamin kung ano
ang mga katuruang dapat panghawakan ng isang iglesya.
Ang Biblia

Dios

Cristo Jesus

Tularan Mo Ako
23

Kaligtasan

Ang Layunin ng Iglesya


Ang iglesya ay hindi nananatili para lamang sa sarili nito. Ito
ay di dapat maging abala sa pangsarili nito, bagkus ay para
sa mga nasa kasalanan pa.
Samantalang ang
pakikipagkapatiran o fellowship, pagsamba at pagtuturo ay
pawang mahahalagang salik ng buhay iglesya, ang mga ito
ay para sa mas mabuting mithiin.
Pinayagan tayo ng Dios na manatili sa lupa para sa isang
dakilang layunin, at ito ay ang gawing alagad ang mga
bansa (Mateo 28:19).
Tayo ay nagpapalakas at
nagsasanay sa loob ng iglesya upang maging mabisang
saksi para kay Cristo Jesus sa labas.
Ayon sa Mateo 28:19, 20, ano ang itinagubilin ni Cristo na
gawin ng iglesya?

Ano ang pangakong ibinigay ng Panginoon sa hulihan ng


Kanyang utos? Paano nito pinasisigla ang ating pagsunod?

Tularan Mo Ako
24

Ayon sa Gawa 1:8, ano ang iginawad ng Dios sa bawat


mananampalataya upang maging mabisang saksi?

Ano dapat ang ating makita sa isang iglesya kaugnay nito?

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin


1. Ako ba ay kaanib ng isang lokal na iglesya? Bakit o bakit
hindi? Anong mga bagay ang dapat na Makita ko sa isang
iglesya bago ako umanib dito?
Tandaan: Dapat nating maunawaan na walang sakdal na
lokal na iglesya.
Maaari tayong makakita ng mga
kakulangan kahit sa mabubuting iglesya. Sa halip na
kasakdalan, ang dapat nating hanapin sa isang iglesya ay
ang paglalaan nito sa sarili upang tupdin ang nilalaman ng
Biblia.
2. Sagutan ang ika-15 aralin.
3. Isaulo ang Hebre0 10:24, 25.

Tularan Mo Ako
25

Ika-15 Aralin: Ano ang mga Katungkulan


Ko Bilang Kaanib ng Iglesya?
Ang Iglesya, sa pagkakatakda ng Diyos, ay isang samahan
na labis na kakaiba. Dahil ito ay pinalakas ng buhay at
Espiritu ni Cristo, ang mga taong kabilang sa iglesya sampu
ng paraan ng kanilang pamumuhay ay dapat magpatotoo sa
kung ano ang kayang gawin ng kapangyarihan ng Dios.
Sa nakalipas na aralin, nakita natin ang patotoong ito sa
buhay ng sinaunang iglesya sa Bagong Tipan (Gawa 2:4247).
Wala silang magagarbong gusali, pormal na
organisasyon at anumang mabusising programa, palabas o
gimik. Isang bagay lamang: ang Espiritu ng Dios ay kumilos
at nagpalakas sa kanila habang silay naging masunurin sa
Panginoon sa pamamagitan ng pagkalinga sa isat isa.
Ganito din ang dapat gawin ng makabagong iglesya!
Sa ating aralin, matututunan natin ang ating
katungkulan bilang mga kaanib ng lokal na iglesya.

mga

Ang Gawain ng Pagpapatibay


1. Pag-udyok sa Iba na Sundin ang Kalooban ng Dios
Ang lahat ng mga Cristiano ay binigyan ng katungkulang
ipahayag ang katotohanan sa pag-ibig upang tayo ay
magsilaki (Efeso 4:15, 16).
Tularan Mo Ako
26

Ayon sa Hebreo 10:24, 25, ano ang tungkulin natin sa mga


mananampalataya?

Ano ang ibig sabihin ng katagang udyok? Paano natin ito


maisasabuhay?

2. Magdamayan sa Oras ng Pighati


Ang pighati ay isang katotohanan ng buhay lalo na sa mga
Cristiano. Ang tungkulin ng Katawan ni Cristo ay makiramay
o magpalubag loob ng mga nagdaramdam.
Ayon sa 1 Corinto 12:26, ano ang dapat maging totoo sa
iglesya? Paano natin ito dapat makita sa araw-araw na
buhay?

1 Tesalonica 4:18; 5:11

Tularan Mo Ako
27

1 Pedro 3:8

3. Magbigay Upang Maabot Ang Mga Pangangailangan


Sa
katunayan,
ang
katagang
fellowship
ay
nangangahulugan ng pagbibigay. Ito ay hinango mula sa
katagang Griego na koinonia, na ang ibig sabihin, kapag
isinalin, ay magkaroon ng pare-pareho.
1 Juan 3:16-18

Gawa 4:32-37

Ang Gawain ng Pagpapagaling


Tungkulin natin na pagalingin ang mga bahagi ng katawan
na nanghihina at may kapansanan. Ang may akda ng
Hebreo ay nagsabing: Kayat palakasin ninyo ang inyong
lupaypay na katawan at tipunin ang nalalabi pang lakas.
Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi tuluyang
Tularan Mo Ako
28

mapilay, kundi gumaling ang paang nalinsad (Hebreo


12:12, 13; TPV).
Mayroon tayong dalawang tungkulin kaugnay ng gawaing
ito.
4. Mangaral Upang Manggising sa Katotohanan ng
Suliranin
Ito ang unang hakbang tungo sa kagalingan ang
pagpapakita sa isa na siya ay may suliranin. Ang taong ito
ay hindi hahanap ng lunas hanggat hindi niya natutuklasan
na may kasalanang sumasagabal sa kanyang paglakad sa
Dios.
Sa Mateo 18:15-17, si Cristo Jesus ay nagbigay ng ilang
mga patnubay ukol sa pakikitungo sa nagkakasalang
mananampalataya.

5. Ipanumbalik sa Pagpapakita ng Daan Tungo sa


Kagalingan
Ang pagpapanumbalik ay ang ikalawang hakbang tungo sa
kagalingan. Ito ay kinasasangkutan ng pagtulong sa tao
upang madaig niya ang kasalanan matapos niyang kilalanin
ang suliraning ito.
Tularan Mo Ako
29

Galacia 6:1

Ang Gawain ng Pagsupil


6. Ipagtanggol
Theological

Laban

sa

Karumihang

Moral

at

Minsan, ang corruption o karumihan ay nagmumula sa labas


(mga udyok na panglabas) tulad ng media o mga taong nasa
labas ng iglesya. Sa ilang pagkakataon, ang corruption ay
nagmumula sa loob (bagay sa loob ng iglesya) tulad ng
isang kaanib na nagpapakita ng maling ehemplo.
Anuman ang suliranin, tayo ay may tungkuling ipagtanggol
ang kawan mula sa karumihang moral o theological. Ang
pagpayag na magakaroon ito ng inpluwensiya sa iglesya ay
magdudulot ng malaking pinsala.
Hebreo 12:15, 16

Tularan Mo Ako
30

Basahin ang Pahayag 2:12-17.


Ano ang malubhang kasanalanan na ginawa ng iglesya sa
Pergamo? Ano ang mga hakbang na itinakda upang
mabaligtad ito?

Huwag Kalilimutan.
7. Ang mga tungkuling ito ay isasakatuparan kalakip ng
masigasig na pananalangin.
Efeso 6:18

Higit sa anupaman, ang pamilya ng iglesya ay


nangangailangan ng paglalaan ng bawat kaanib sa
panalangin para sa mga gawain nito. Ito ay makatitiyak ng
paglago ng iglesya at tagumpay ng ibat ibang gawain nito.
Paghahanda Para sa Susunod na Aralin
1. Sagutan ang ika-16 na aralin.
2. Isaulo ang Galacia 6:1.

Tularan Mo Ako
31

Ika-16 Aralin: Ano ang Bautismo


at Comunion
Inutusan ng Panginoong Cristo Jesus ang Kanyang Iglesya
na tupdin ang dalawang ordinansa o utos: ang Bautismo sa
Tubig at Comunion o ang Hapunan ng Panginoon. Ang
mga ito ay hindi lamang mga ritual, kundi mga gawain na
may kahalagahang espiritual.
Maraming mga tanong tungkol sa dalawang ordinansang ito.
Isasaalang-alang natin ang mga ito sa araling ito gamit ang
liwanag ng Kasulatan.
Ang Ordinansa ng Bautismo
1. Ang bautismo ba ay isang sacramento?
Ang sacramento ay nangangahulugan, sa simula, na isang
panglabas at nakikitang tanda ng isang pangloob na
biyayang espirtual. Sa pakahulugang ito, ang sagot natin
sa tanong ay oo.
Subalit may mga grupo ng relihiyon na nagpapakahulugan
dito ng iba. Ayon sa kanila, ang sacramento ay paraan ng
biyaya".
Sa ibang salita, ang bautismo ay hindi lamang sumasalamin
sa pangloob na biyaya ng kaligtasan, kundi siya mismong
nakapagliligtas ang paraan ng nakapagliligtas na biyaya.
Sinasabi nila na ito ay isang mahalagang bahagi ng
kaligtasan.
Tularan Mo Ako
32

Sa pakahulugang ito, ang sagot natin sa tanong ay hindi.


Ito ay hindi sacramento.
Ayon sa 1 Pedro 3:21, nakapagliligtas ba ang bautismo sa
tubig? Bakit o bakit hindi?

Ayon sa Roma 3:28, paano inaaring ganap ang isang tao sa


Dios?

Ang bautismo sa tubiG ay hindi nakapaglilinis ng kasalanan


ng tao. Sa katunayan, itinuturo ng Biblia na ang tao ay
dapat munang maligtas bago siya mabautismuhan (Gawa
8:36, 37).
2. Kung gayon, mahalaga ba ang bautismo sa tubig?
Lubos na mahalaga! Inutusan ni Cristo Jesus ang lahat
Niyang nagpapahayag na tagasunod na gawin ito. Ito ay
isang mahalagang bahagi ng pagiging isang alagad ni
Cristo. Ayon sa Mateo 28:18-20, ano ang tatlong bagay na
kinakailangan sa paggawa ng alagad?
a.
b.
k.
Tularan Mo Ako
33

Tingnan kung ang mga bagay na ito ay nahahayag din sa


gawain ni Pedro (Gawa 2:40-42).
3. Ano ang kahalagahan ng bautismo sa tubig?
Una, ito ay kumakatawan sa ating bautismo o
pagkakakilanlan sa kamatayan, libing at pagkabuhay na
maguli ni Cristo Jesus. Ang hindi nakikitang gawain ng Dios
sa ating buhay ay itinatanghal sa bautismo sa tubig.
Rom. 6:3-6

Pangalawa, sa bautismo sa tubig natin naitatanghal ang


ating pagkakakilanlan kay Cristo Jesus. Hindi tayo dapat
mahiya na ihayag na si Cristo Jesus ang ating Panginoon!
Pangatlo, isinasagisag nito ang bautismo sa Espiritu, na
nagdala sa atin tungo sa Katawan ni Cristo - universal na
iglesya (1 Corinto 12:13). Binibigyan din tayo nito ng
karapatan na maging kaanib ng lokal na iglesya.
4. Paano isasagawa ang bautismo sa tubig sa isang
mananampalataya?
Ang katagang bautismo ay hango sa katagang Griego na
baptidzo, na ang kahulugan ay ilubog. May mga grupo ng
relihiyon na nagpipilit sa ibang anyo ng bautismo tulad ng
buhos, wisik o pahid. Subalit ang wikang Griego ay may
Tularan Mo Ako
34

ibang kataga para sa mga ito, at hindi sila katulad ng


bautismo.
Comunion o Hapunan ng Panginoon
1. Ang Hapunan ng Panginoon ba ay isang sacramento?
Para sa ibang grupo ng relihiyon, ang comunion ay isang
sacramento (paraan ng kaligtasan). Halimbawa, itinuturing
ng mga Romano Katoliko na ang Comunion (Banal na
Hapunan) ay hindi lamang sumasagisag sa kamatayan ni
Cristo Jesus kundi muling itinatanghal ang Kanyang
paghihirap sa Calvario.
Madalas ding tawaging walang dugong sakripisyo (misa),
ang tinapay ay sinasabing nagiging katawan ni Jesus
samantalang ang alak ay nagiging dugo ni Jesus. Ang
himalang ito ay tinatawag na transubstantiation.
Basahin ang Hebreo 9:24-26; 10:10-12, 18.
Ayon sa mga talatang ito, ano ang masasabi mo tungkol sa
pagkahandog ng katawan ni Cristo Jesus? Dapat ba itong
ulitin? Bakit o bakit hindi?

Tularan Mo Ako
35

Nang sinabi ni Jesus (1 Corinto 11:24), Ito ay Aking


Katawan, ang ibig sabihin ba Niya ay naging Katawan Niya
ang tinapay? Bakit o bakit hindi? Iugnay ito sa Kanyang
pangungusap na, "Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin."

2. Ano ang kahalagahan ng Hapunan ng Panginoon?


Ang Hapunan ng Panginoon ay sumasagisag sa
paghahandog ng Panginoong Cristo Jesus. Ang tinapay ay
nagsisilbing nakikitang representasyon ng Kanyang
Katawan, na nagdanas ng hirap para sa ating kaligtasan
(Isaias 53:4,5).
Sa kabilang banda, ang saro ay
sumasagisag sa Kanyang dugo na tumulo para sa ating
katubusan (1 Pedro 1:18, 19).
Pagbabalik Tanaw: Isang pagkakataon para sa mga
mananampalataya na alalahanin ang paghahandog ng
Panginoong Cristo Jesus; na sa pamamagitan lamang ng
Kanyang nagawa tayo naligtas, at hindi sa pamamagitan ng
ating sariling pagpupunyagi.
1 Corinto 11:24, 25

Tularan Mo Ako
36

Pagsiyasat sa Sarili: Ito rin ay pagkakataon upang


siyasatin natin ang ating espiritual na buhay at muli tayong
maglaan ng ating mga sarili bilang mga tagasunod ng
Panginoong Cristo Jesus.
1 Corinto 11:28

Pagtingin sa Hinaharap:
Sa ating pagsali, tayo ay
masigasig na umaasa sa Ikalawang Pagdating ng ating
Panginoong Cristo Jesus.
1 Corinto 11:26

Paghahanda sa Susunod na Aralin


1. Maghanda para sa evangelismo at ikalawang
pagsasanay. Ang mga manual ay ibibigay ng inyong
mga group leaders.
2. Isaulo ang Gawa 2:42.

Tularan Mo Ako
37

You might also like