You are on page 1of 1

Rekomendasyon

1. Dapat magsulong ang pamahalaan ng mga programa at mga pag-eendorso upang


tangkilikin ng mga Pilipino ang paggamit ng tren;
2. Sa ganitong paraan, mababawasan ang bigat ng trapiko na isang malaking suliranin ng
ating bansa sa kasalukiyan.
3. Dapat ay pag-aralan pa ng husto ng pamahalaan ang pag pepresyo sa mga tiket ng tren
dahil ito ay may malaking epekto sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa pagsakay ng tren.
4. Dapat ay pag-igtingin ng kinauukulan ang seguridad sa kanilang mga tren dahil isa sa
mga isinasaalang-alang ng mga komyuter ay ang kanilang kaligtasan sa tuwing sila ay
sasaky ng tren.
5. Dapat ay ugaliin ng marami ang pagsakay sa mga tren dahil ito ay nakakabawas sa
polusyong dulot ng ibang sasakyan gaya ng jeep, tricycle, taxi, bus atbp.
6. Ang pagtaas ng pamasahe ay katanggap-tanggap kung may nakikitang magandang
pagbabago sa serbisyo ibinibigay ng mga Train Companies na ito.
7. Dapat ay bigyan pa ng pansin ang Philippine National Railways o PNR dahil ayon sa
marami hindi daw ito kaaya-ayang sakyan.
8. Dapat ay dagdagan pa ang mga bagon sa PNR upang mabawasan ang densiti ng ng mga
taong sumasakay sa kada bagon.
9. Dapat ay bigyang pansin ang cooling system ng PNR dahil karamihan umano sa mga tren
nito ay may mga aircon na hindi gumagana o naglalabas ng mainit na hangin.
10. Dapat ay bigyang pansin ng kinauukulan ang madalas na pagkakaroon ng aberya sa PNR
na nagiging dahilan ng pagkahuli ng komyuter sa kanilang mga pupuntahan.
11. Dapat ay masolusyunan ng kinauukulan ang napakahabang pila sa mga istasyon ng LRT
at MRT sa karaniwang problema ng mga komyuter.
12. Dapat ay bigyang pansin din ng kinauukulan ang mga estudyanteng sumasakay ng tren.
13. Dapat ay magkaroon ng sariling bagon ang mga estudyante tuwing sasapit ang rush
hours upang mailayo sila sa mga disgrasya.
14. Dapat ay bigyan din ng karagdagang pansin ang mga matatanda, may mga kapansanan,
buntis, at yung mga mga dalang bata.
15.

You might also like