EL FILIBUSTERISMO Analysis

You might also like

You are on page 1of 8

KABANATA I

SA IBABAW NG KUBYERTA
Ipinakilala ni Rizal ang mga tauhan
sakay ng Bapor Tabo patungo sa
Laguna. Inihalintulad ang sasakyang
bapor tabo sa isang tabo. Hindi
matuligsa ang nagpapanggap na
maputi, maharlika, pormal, at maunlad
sa likod ng pinturang puti bagaman
hindi maituturing na isang bapor dahil
ito ay may mga kakulangan.
Malinaw na inihambing ni Rizal ang
bapor tabo sa ating pamahalaan. Ang
mga nasa ibabaw ng kubyerta ay ang
mga kastila, prayle, mga mayayaman,
mga may katungkulan sa pamahalaan
at mga pilipinong nag-aakalang
dugong bughaw. Sa ilalim naman ng
kubyerta ay ang mga indiyo, mga
instik at mahihirap na mestiso. Katulad
ng pamahalaan, ang bapor tabo ay
mabagal ang usad sapagkat hindi
halos umunlad ang pilipinas sa loob ng
300 taong pamamahala. Ang bilog
naman na anyo ay katumbas ng
walang malinaw na plano sa
pamamalakad ng gobyerno sapagkat
hindi alam kung nasaan ang
unahan,tagiliran at hulihan na
nagpapalito kung saan patungo at
saan ang pabalik.
Ipinakita ang pagtrato ng mga kastila
sa mga indiyo. Pinagtatrabaho ng
walang bayad at pagkain na walang
reklamo at pag-aalsa sapagkat likas sa
kanila ang matiisin at masunurin.
Inilantad ni rizal ang pang-iinsulto sa
mga Pilipino sa mahabang panahong
pananahimik at pagsunod sa mga
kastila.
Muling lumikha sa Rizal ng isang
mestisong pangunahing tauhan, si
Simoun (inakusahang mulatong na
amerikano, pinagkamalang taga-india)
na walang pakundangan lalo na sa
mga indiyo. Lumutang ang
pagkamarahas ni simoun
(napakamayamang magaalaha/negosyante) na taga payo ng
kapitan heneral na may
makapangyarihang tinig. Kakikitaan
ng katauhan si simoun ng Kapitan
Heneral sa mga salitang tila batas at
mahigpit na utos. Nakamit ni Simoun
ang ganoong kapangyarihan dahil siya

ang nagging daan upang matamasa


ng kapitan heneral ang kanyang
posisyon at lalong pagyaman.
Nailarawan din ni Rizal ang iba pang
makapangyarihang tauhan tulad nila
Padre Salvi, Padre Camorra (mukha
raw artilyero), Padre Irene, Ben Zayb
(mamamahayag), Don Custodio
(pilipinong mataas ang posisyon sa
gobyerno)
KABANATA II
SA ILALIM NG KUBYERTA
Ipinakilala ni Rizal ang katauhan ng
mga nagtitiis sa ilalim ng pamumuno
ng may kapangyarihan- mga
karaniwang tao na nasa ilalim ng
kubyerta.
Sama-sama ang mga indiyo at tsino sa
mainit at masikip na ibaba ng
kubyerta, ipinagmamalaki ni rizal ang
dalawang Pilipino, isang magtatapos
ng medisina at isang nagtatapos sa
ateneo. Ipinagtatanggol nila ang
kanilang mga kababayan na
hinahamak. Ang makatang si Isagani
ay ginamit ang tubig para simbolohan
ang Pilipino na maaaring makapatay
kung pagsasamasamahin ang mga
mumunting singaw o pulo-pulong
himagsikan.
Tinutukoy rito ang pangangailangan sa
mga paring Pilipino upang
makapagsilbi sa kababayan na
nakakaunawa sa kanilang
pangangailangan , saloobin at
pangarap. Nagsakripisyo ang mga
paring ito upang makami ang
propesyon dahil silay biktima ng mga
kabataan na maipantay ang
karunungan na tinatamasa sa mga
espanyol sa pilipinas sa pamamagitan
ng pagpapahintulot ng paaralan o
akademya ng wikang kastila. Nakita
ng mga kabataang ito ang
pangangailangan ng unawaan at
komunikasyon na inihahatid ng waking
kastila.
Inihayag din ni Rizal ang problema sa
pagkagumon ng opyo (droga).
Nahulaan din ang paglaganap at
magdudulot ng kapinsalaan ang
bisyong ito. Si kapitan tiyago ay isa sa
biktima nito.

KABANATA IV
KABANATA III

KABESANG TALES

MGA ALAMAT

Tinalakay ni Rizal ang hirap na


pinagdaraanan ng mga masisipag na
magsasakang Pilipino. Tinukoy din ang
dahilan ng pagiging tamad ng mga
magsasakay at karaniwang mga
Pilipino sa dahilang napupunta saw ala
o sa mga kastila ang kanilang
pinagpaguran. Isa na rito ang
magsasakang si Kabesang Tales na
nagsikap pagyamanin ang isang
tiwangwang na lupain na malayo sa sa
bayan ngunit pilit inangkin ng mga
prayle at pinabuwisan. Ipinakita ni
Rizal ang pagiging maunawain at
mahinahon ng mga Pilipino ngunit
dumating ang oras ng pagkapuno
kaya kinakailangan nang kumilos,
humarap sa husgado at lumaban kahit
buhay ang kabayaran. Kapag buhay at
lakas ang pinuhunan, ito rin ang dapat
na maging kabayaran.

Binuhay ni Rizal ang paglikha ng mga


alamat na salin-bibig n gating mga
ninuno as ibat-ibang henerasyon,
napapaloob dito ang mga kwento na
pinagmumulan ng ibat-ibang bagay.
Ang mga alamat ay naglalarawan at
nagsasalaysayng mga kaugalian at
paniniwala ng mga Pilipino na punongpuno ng mga simbolismo. Malapad na
bato ang sumisimbolo sa baying
Pilipinas, na dating sagrado at pugad
ng mga tulisang indiyo na
nagrerebelde at nag-aaklas laban sa
mga mapaniil at mapambusabos na
mga kastila na isinaysay ng kapitan ng
bapor.
Ang alamat ni Pedro Florentino ay
isang alusyon (allusion) sapagkat ang
naganap kay donya geronima ay nagudyok ng isang palaisip o talinghaga
na hindi marangal manirahan sa liblib
ng binigongpag-asa,hindi rin
kabanalan ang maging pain sa
panganib na makipaglaro sa yungib ng
mga tiyanak at dewende sa pampang.
Si Donya Geronima kumakatawan ki
Maria Clara na bigo ang pag-asa at
ang liblib na yungib sa pampang ng
ilog ay tumutukoy sa beateryo ng Sta.
Clara, ang mga tiyanak at dewende
naman ay sumisimbolo sa mga
prayleng kastila.
Ang alamat na kinuwento ni Padre
Salvi ay nagtataas ng katolisismo sa
bisa, kapangyarihan at pagiging
kristiyano. Itinuro nila na ang mga
santo ay makapagliligtas mula sa mga
panganib kayat marapat na sambitin
ang kanilang mga pangalan at
humingi ng tulong.
Ang alamat ay naging daan upang
mabuhay muli ang pagkamatay ni
Ibarra at ama nito na hindi nabigyan
ng marangal na libing. Samakatuwid
tinukol ni riazal ang kinasasapitan ng
mga pilibustero. Ipinadarama rin sa
mga mambabasa ang pagiging
apektado ni Simoun sa usaping iyon.

Katulad ng iba pang indiyo, si


kabesang tales ay patuloy na
nagllingkod at nagpapasakop sa
kautusan ng espanya sa pamamagitan
ng salapi at pagpapaalipin, kapalit nito
ay pagdusta at kawalan ng
katarungan. Ang kanyang paglaban sa
pamahalaan ay sumisimbolo sa unang
hakbang ng pag-aaklas laban sa
mapaniil na sistema ng mananakop.

KABANATA V
ANG NOCHE BUENA NG
KUTSERO
Mahusay ang paglalarawan ni Rizal sa
kabanatang ito. Ginnamit niya ang
prusisyon ng mga santo upang
tuligsain ang pagbabantay ng mga
guwardiya sibil sa prusisyon. Ipakikita
ni Rizal kung paano nananakot, nang
aabuso at nagsasamantala ang mga
karaniwang mamamayan.
Pinagsalita ng awtor ang isang kutsero
na biktima ng gayong kapangahasan
kayat tanging inaasahan ay ang
kanyang tagapagligtas na si bernardo
carpio na itinuturing na isang alamat.
Subalit ang kanyang bayaning
tagapagligtas ay nakagapos ang mga
paa at naiipit pa sa dalawang nag-

uumpugang mga bato at maaaring


hindi niya maabutan ang panahong
makawala ito sa sitwasyon.
Ang paniniwalang ito ukol kay
bernardo carpio ay nilikha ng mga
Pilipino na hango sa isang alamat na
hiram sa Mexico at pinabayaan ng
mga kastilang yumabong sa isipan ng
mga Pilipino sa pamamagitan ng mga
aral na pagtitiis at pagpapakasakit ay
may natatamong kaluwalhatian sa
langit. Dahil sa mga kwentong tulad
nito, nawawala o nababawasan ang
paghahangad ng mga Pilipino na
ihanap ng lunas ang kanilang
kaapihan. Hihintayin na lamang nila
ang paglaya ni Bernardo Carpio, na
kanilang hari at saka na sila
babangon.

KABANATA VI
SI BASILIO
Ikalawang pagkakataon ito na
binigyan ng espasyo ni Rizal si Basilio
sa kanyang akda espesyal ang turing
ng awtor kay Basilio, katunayan
inihalintulad niya ito sa kanyang sarili
bilang manggagamot. Idinaan din niya
ang tauhang ito sa proseso ng pagtitiis
at pagsisikap upang makamit ang mga
pangarap. Ipakikita ng awtor na
kailanmanay hindi hadlang ang
kahirapan, ang iresponsableng
pamilya (lalo na ang kanyang ama),
ang pinagmulan ang paghamak ng tao
at kawalan ng pag-asa upano abutin
ang ambisyon.
Inihayag din ni Rizal sa kabanatang ito
ang di-maayos na sistema ng
pagtuturo o edukasyon. Katulad ng
dati nang problema (suliranin ang
lumang sistema ng pagtuturo)pawang
pagmememorya at one way (guro ang
magtatanong-sasagot ang mag-aaral)
ang sistema ng pagtuturo. Kaya
walang aktibong partipasyon ang mga
mag-aaral sa mga talakayan.
Tulad ng obserbasyon ni Rizal, ang
mga gurang heswita pa rin ang may
pinakamaunlad na pagtingin at
pamamaraan sa pagtuturo. Kaya sa
pamamagitan ni basilio, hahangaan
niya ang pagtuturo sa Ateneo

municipal kaysa sa unibersidad ng Sto.


Tomas at San Juan de Letran.

KABANATA VII
SI SIMOUN
Sa yugtong ito ng nobela, pinagharap
ni Rizal sina Basilio at Simoun.
Ipakikita niya ang dalawang karakter
na nagtataglay ng magkaibang
pananaw at pilosopiya sa buhay. Sina
simoun at basilio ang mga
naglalabang puwersa sa nobela.
Inilalarawan ni Rizal si Basilio bilang
mahina o walang lakas ng loob,
walang pangarap para sa higit na
nakararami sapagkat ang pangarap
niya ay pansarili lamang. Ang kanyang
masaklap na kahapon ay pilit na
ipinaaalalang muli ni simoun upang
pasiklabin ang poot na dati ay
namamayani sa puso ni Basilio. Sa
kabila nito, hindi siya pinatay ni
Simoun si Basilio na gamitin ang lakas
nito sa mga kasamahan upang
malabanan ang kanilang makakastilang layunin.
Kinakatawan ni Basilio ang kabataang
Pilipino. Pinangangamba siya ni
Simoun na itatag ang bayang pilipino
at ang pag-aaral ng sariling wika.
Ipinamulat ni Simoun kay Basilio kung
ano na ang nagawa niya sa bayang
kumupkop, nagbigay ng nalalaman at
pinagkakautangan niya ng buhay.
Si Basilio ang kinasasangkapan ni
Rizal upang katawanin ang isang
himagsikang mapayapa. Matutugunan
ito sa pamamagitan ng karunungan o
edukasyon sapagkat ito ay walang
wakas at pagkaubos at ito ang
magiging susi ng pagkakaroon ng
katarungan.

KABANATA VIII
MALIGAYANG PASKO
Ang kabanatang ito ay naglalarawan
ng isang okasyong labis na
pinahahalagahan ng mga Pilipino
ang pasko. Ang pasko katulad ng
popular na kabatiran ay araw ng

pagsilang ng ating Panginoong Jesukristo kung kayat ang lahat ng


kristiyano ay dapat na magdiwang
subalit iba ang ipakikita ni Rizal, tila sa
araw na ito lubhang malungkot ang
tao, punong-puno ng problema na
halos nakikiayon sa pinagdaanan nina
Maria at Jose bago pa man isinilang sa
Jesus.
Ibibigay na halimbawa ng may akda
ang kaso ng pamilya ni Huli. Sa araw
na itoy dapat sana ay Masaya ang
mag-anak subalit puspos ng sama ng
loob ang namamayani sa kanilang
puso. Ang kanyang pamilya ay biltima
ng pagsasamantala at kawalang
katarungan sa mga kamay ng
tagahasik ng kristiyanismo na
sinasagisag ng krus, ang mga
prayleng ito na nagturo kay Huli upang
magdasal, magrosaryo at humingi ng
milagro sa mga santo at santa ang
nagging dahilan ng kanilang kahirapan
at pagkaapi.

ito marunong magdasal at mali-mali


ang pariralang ginagamit sa dasal.

KABANATA X
KAYAMANAN AT KARALITAAN
Sa kabanatang ito ipinasulyap ni Rizal
kung paano inaagawan ang mahirap
na mayayaman. Tulad ni Kabesang
Tales biktima sila ng pang-aagaw ng
lipain ng korporasyon ng mga pari.
Itinala rito ang mga listahan ng mga
taong humingi ng katarungan na halos
ay kanyang pamilya at mga
kababayan. Nakita ni Rizal kay
Kabesang Tales ang dapat gawin ng
Pilipino ang radikal na pagkilos.
Buhay ang kanyang pinuhunan sa
lupang pinagyaman kayat buhay din
ang kapalit.

KABANATA XI
LOS BANOS

KABANATA IX
SI PILATO
Sa kabanatang ito gagamitin ni Rizal
ang kanyang talino upang tukuyin ang
mga huwaran na karakter na
matatagpuan sa bibliya. Isa na si
Pontio Pilato, isang gobernador ng
lalawigan ng Judea na may
kapangyarihang magbigay ng utos.
Subalit upang hindi masisi sa kanyang
mga desisyon, mas minabuti niyang
ibigay sa madla ang paghusga.
Sa kabanatang ito, ang mga prayle ay
sumasagisag sa mga pinuno ng mga
Judio na nagparatang ng rebelyon at
sedisyon kay Hesus. Tulad ni Jesus si
Kabesang Tales, kasama na ang
pamilya nito ay pinaratangang
makasalanan. Nagsa Pilato ang
tenyente ng mga guwardiya sibil dahil
ayon sa kanya ay tumutupad lamang
siya tungkulin. Ayon sa uldog na
kinalaman sa kinasapitan ni Kabesang
Tales.
Samantala, si Hermana Penchang ay
maaari ring ihalintulad sa mga pinuno
ng Judio sapagkat pinaratangan nito si
Huli na makasalanan dahil hindi raw

Ipinakita rito kung paano ginagawa


ang mga desisyon habang nagsusugal.
Sa mga pasaring ni simoun sa maaring
itaya ng mga kalaroay itinanghal ang
mga tunay na nangyayari nang mga
panahong iyon: na maaaring ibayad sa
sugal ang kabaitan at dasal; ang mga
prayle ang unang hindi sumunod sa
kanilang pinangangaral;
makapangyarihan ang mga ito dahil
maimpluwensiya sila sa desisyong
ginagawa ng Kapitan Heneral.
Ipinababatid ng may-akda na ang
simbahan at estado ay magkasanib sa
pagpapatakbo ng gawaing
pampamahalaan dahil interes nilang
alipinin ang mga Pilipino.

KABANATA XII
PLACIDO PENITENTE
Ipinahayag rito sa katauhan ni Placido
Penitente ang pagkadismaya sa
sistema ng edukasyon. Suliranin ang
mga tamad at pilosopong guro pati na
ang kurikulum na dapat baguhin.
Pinaghimagsik si palcido ngunit
nakulong ito sa sistemang hindi agad
mabubuwag. Ipinakita na inaasam ng

mga kabataang Pilipino na matuto at


makapantay ang mga dayuhang
mananakop ngunit bigo sila.
Inilarawan na apektado ang kilos at
pagpapahalaga ni placid dikta ng pari
at unibersidad na sanay kapupulutan
ng malawak na kaalaman subalit
taliwas ang nangyari.

KABANATA XIII
KLASE SA PISIKA
Inilarawan dito ang kalakaran ng
edukasyon. Ang klase sa pisika ay
walang panggayak sa interes ng mga
mag-aaral. Limot ng mga guro na
iugnay ang natutuhan sa pang-arawaraw na buhay. May mga gamit ukol sa
eksperimento pero itoy nakaesparate
lang para sa mga bumibisita mula sa
europa para masabing mahusay ang
pagtuturo ng mg dominikano sa
siyensya.
Ang mga simulain sa pagtuturo ni
Rizal ay angkop hanggang ngayon
tulad ng katamtamang bilang ng mga
estudyante sa isang klase, mali ang
panghihiya sa mga ito, ang mga guro
ay dapat may malasakit at kuluguran
sa pagtuturo, at ang maraming
bakasyon ay nakahihiyakayat sa
pagliban ng mga mag-aaral.

KABANATA XIV
SA BAHAY NG MGA ESTUDYANTE
Ipinakita rito na mulat na ang mga
kabataansa kanilang karapatan,
kalayaan at katarungan bunga ng
kaisipang liberal mula sa europa at
amerika. Upang itaguyod ang
kapakanan ng mga Pilipino, nagkaroon
sila ng lakas ng loob na humingi ng
pagbabago sa pamahalaang kastila.
Ang mga estudyante ay sumasagisag
sa mga mamamayang nasa gitnanguri ng panahong iyon. Ninais nilang
magtatag ng akademya ng wikang
kastila upang magkaisa ang mga
Pilipino at maunawaan ang mga
pagaganap sa lipunan. Inisip ng mga
paring kastila na makasasama ito dahil

bawas na ang pagkontrol sa isip at


ugali nito.

KABANATA XVII
PERYA SA QUIAPO
Sa kabanatang ito ginamit ni Rizal ang
Perya sa Quiapo upang ilantad ang
kabulukan na nangyayari sa Pilipinas.
Ang Perya ay isang fair mga kubol ng
sirko, mahika, mga tindahan ng laruan
at ibat-ibang paninda.Sa ganitong
sitwasyon o pagkakataon lamang
maaaring makapagpakita ng mga
larawang nakaukit at panooring
tumuligsa sa paraang hindi
maunawaan ng walang kinalaman.
Ang tanging aakalain ng mga
manonood na ang mga palabas at
panindang ipinakikita rito ay may
layuning makapagpasaya at
makapagpalibang.
Isa sa mga pinuri ni Rizal sa
kabanatang ito ang mga larawang
nililok. Ipamamalas ni Rizal na
pagtawanan ng mga taong
makatutunghay sa larawang lilok kung
hindi nila susuriin at pag-iisipan ang
nais ipahiwatig nito. Tulad halimbawa
ng larawang La Prensa Filipina. Ito ay
larawan ng isang matandang babaing
bulag ang isang mata, sabog-sabog
ang buhok at nakalupasay sa lupa.
Nagpahiwatig ito ng kalagayan ng
pamahayag sa Pilipinas matanda
(makaluma); pisak ang isang mata (di
makatotohanan ang pagbabalita at
yung gusting paksa lamang ang pinaguukulan ng talakay). Ipamukha ni Rizal
na ultimo sa Ben Zayb
(mamamahayag) ay hindi makaunawa
sa larawan. Pagtatawanan pa niya ito
at walang kamalay-malay na sila pala
ang inaatake.
Malinaw din ang ginawang
panunuligsa ni rizal sa ikalawang
larawan Ang Bayan ng Abaka.
Inilalarawan dito na ang Pilipinas ay
bayan ng abaka na ginagamit na
panggapos sa mga Pilipino hinuhuli ng
mga gwardiya sibil.
Nangangahulugang dinudusta,
inaalipin at itinuturing na parang mga
hayop ang mga Pilipino sa sarili nilang
bayan.

Malaking kabalintunaan o kabaliktaran


din ang paglalarawan sa mga pari na
nasa Pilipinas kaysa sa Europa.
Inilalarawan sila bilang mga prayleng
laging may aklat-dasalan, krusipiho at
palaspas na sagisag ng pagkamartir.
Ang kanilang mga mukha ay payapa,
kagalang- galang na tila walang
ipinag-iba sa larawan ng santo.
Kaalinsabay ng paglalarawan ito sa
mga prayle ay ipakikilalanaman sa
atin ni Rizal si Padre Camorra na
mahihilig sa mga magagandang
babae.
Sa kabuuan ipakikita ni Rizal na sa
lugar na ito (Perya) ay malayang
masasalamin natin ang ating mga
sarili sa praang hindi nasasaktan o
nahi-hirapan.

KABANATA XVIII
MGA KADAYAAN
Nagbalik-tanaw sa mga pinagdaanan
ni Ibarra (simoun). Mula sa isang
palabas ay muling isasalaysay ng
awtor ang buhay ni Ibarra sa katauhan
ni Imuthis. Katulad ni Simoun, si
Imuthis ay nag-aaral sa ibang bansa.
Pareho silang umibig sa anak ng pari,
nakulong ngunit nakatakas, ngunit
napatay sa lawa.
Mahusay ang archetypal na pagdulog
na ginamit ni Rizal sa kabanata.
Katulad ng pananakop ng Persya sa
kwento ni Imuthis na sumasagisag sa
Espanya; ang mga paring tagaEhiptoay kumakatawan sa mga
prayleng kastila na nagging sagwil sa
pagkatuto ng mga Pilipino; sinisimbolo
naman ni Maria Clara ang dalagang
anak ng saserdote; ang papiro ay
kumakatawan sa sulat na ibinigay ni
Ibarra sa dalaga; ang lawa ng Moeris
ay sumisimbolo sa lawang
kinatamayan ni Ibarra; ang mga pari
ng Abydos ay sinasagisag ni Padre
salvi, at katulad ni Imuthis si
Simounay nagbalik para usigin ang
mga dahilanng kanyang mga
kasawian. Ang kapaligiran na binuo ng
awtor ay nagpabaya ng malagim na
pangyayari na magbunsod ng
kamatayan.

KABANATA XIX
ANG MITSA
Makikita sa kabanatang ito ang
hambingan na ginawa ng mayakdaukol sa mitsa. Isang nag-aalab na
damdamin ang nararanasan ni Placido
Penintente na tulad ng mitsay maaari
nang sumabog. Masamang-masama
ang kanyang loob s mga prayle, na
kulang na lamang ay pumatay o
makapatay. Samantala, inihahanda
naman ni Simoun ang mga paputok o
mga pasabog na gagamitin niya sa
kanyang paghihimagsik. Kulang na
lamang na sindihan ang mitsa ng
pulbura na maghuhudyat ng
kaguluhan at simula ng himagsikan.
Subalit sa likod ng pangingitngit ng
kaloobanat paghahanda sa
himagsikan, napakapersonal ang
layunin ni Simoun. Lilitaw na gusto
niyang ipaghigganti ang kanyang mga
mahal sa buhay na nakaranas ng
panggigipit. Ninais rin niyang
ipaghiganti si Elias na sumuporta at
nag-alay ng buhay upang siyay
mailigtas at higit sa lahat, gagawin
niya ang paghihiganti para kay Maria
Clara na nakakulong sa kumbento.
Uhaw na uhaw siya sa paghihimagsik
at naniniwala siyang ito ang mabisang
paraan upang masugpo ang kasamaan
at pang-aalipin ng pamahalaan.
Ngunit sa bandang huliy ipahihiwatig
ni Rizal ang pag-aalinlangan sa
kanyang pamamaraan kahit naihanda
na niya ang mga taong tutulong at
makikiisa sa kanya. Pilit niyang
papaniwalain ang sarili na tapos na
ang ideyalismo, ang mga bungang-isip
at mga pangarap. Panahon na upang
pag-alabin at sindihanang mitsa na
papatay sa kanserng lipunan at mula
ritoy sisikapin niya ang pagbabagongbuhay ng kanyang bayan.
Tulad ni Placido hindi niya na
pinapansin kung siya may maging
isang pilibusterosapagkat nanaig ang
isang hangarin na mabuhay ng
Malaya.

Kabanata XX
ANG TAGAPAGMUNGKAHI

Sa kabanatang ito ilalarawan ni Rizal


ang isang Kastilang humahawak ng
ibat ibang tungkulin sa Pilipinas na
walang sapat na karanasan at
kakayahan. Siya si Don Custodiona
tinitingala at pinagkakapuri-puri ng
mga Pilipino subalit wina walanghalaga naman sa Espanya.
Ang mga katulad ni Don Custodio ang
nahihirating manirahan sa Pilipinas.
Bagamat may likas na katangian ng
pagiging masipag nahilig naman siya
sa image building. Gugustuhin niyang
makapagpanukala ng mga
mungkahing hahangaan ng lahat at
magugustuhan ng higit na nakakarami
kahit na itoy katawa-tawa. Si Don
Custodio ay isang patibay lamang na
kapos ang mga kastila noon sa mga
makapagtitiwalaang hahawak ng mga
tungkulin.
Ipakikita ni Rizal ang pagpapanggap
ng ilang kastila noon na maka-Pilipino
na may maka-amang pagtingin.
Subalit palilitawin din ng awtor na ang
ipinagkakaloob nilay pagtingin ng
isang mangmang na ama sapagkat
ayw nilang lumago o umunlad ang
kanilang anak. Lagi nitong pagaalinlanganan ang pangangailangan
ng kanyang anak at aakalaing
mananatiling musmos habang
panahon. Lubhang mababa ang
pagtingin niya sa mga Pilipino, ni ayaw
niya itong napupuri sapagkat maaari
daw magmalaki, walang kakayahan
daw sa siyensya at sa ibang larangan
pang-akademya.
Sa bandang huliy patatawanin tayo ni
Rizal kung paano bumuo ng payo si
Don Custodio kukonsultahin niya ang
isang adogado at ang isang
mananayaw at maglalaan ng
mahabang panahon ng pag-iisip, pagaaral at pagtimbang upang makabuo
ng isang planong walang halaga.

Kabanata XXI
MGA AYOS-MAYNILA
Ipakikita ni Rizal sa kabanatang ito
ang ibat ibang mukha ng mg atagamaynila. Tatlong uri ng tao ang
mapupunang nagiging dominante o
nangingibabaw sa lungsod. Sila ang

mag ataong sumusunod sa patakaran


at ipinag-uutusan ng mga walang
pakialam katulad ni Camaroncocido.
Itong huli ay isang kastilana
ikinahihiya ng kapwa kastila dahil
hindi nag-aayos ng sarili, lagging
madumi at mabaho.
Sa gitna ng kaguluhan sa lungsod ng
maynila, hindi mapupuna ang tunay
na pangangailangan ng lungsod dahil
marami pa ring mga taong walang
pakialam hanggang hindi sila ang
napipinsala. Isa ito sa sakit ng lipunan
na pinuna ni Rizal sa nobela-ang
pagwawalang bahala sa mga
pangyayari o maaaring mangyari.
Katunayan maraming kabulukan at
krimen angnasasaksihan sa lungsod
na hindi isinusumbong sa mga
maykapangyarihan sapagkat ayaw
nang masangkot pa sa gulo. Subalit
ang mga pagpapabayang ito ang
simula ng mas laganap na krimen at
katiwalian.
Ipakikilala ni Rizal si Camaroncocido
bilng isang kastilang basura o walng
halaga na nagsasamantalasa kanyang
pagiging kastilaupang maging
mayaman at makapangyarihan.
Katulad niya si Tadeo na isang
Pilipinong palaging gumagawa ng
kasinungalingan at ibat ibang istorya,
makapagpasakit lamang sa mga
kababayan.

KABANATA XXII
ANG PALABAS
Ang pagkamaibigin nng mg Pilipino sa
dulaan o teatro ang ipapamalas sa
kabanatang ito. Ang larawan ng loob
ng teatro Variedades ang ginaya ni
Rizal upang maging tagpuan sa
kabanata. Sa dulaan nagkakatrabaho,
magkakaaway at magkakakilala. Sa
lugar ding ito natatapos ang ilang
transaksiyon, mga balak/panukala at
kalutasan sa mg aisyu o kayay mag
suliranin.
Pinuna ni Rizal ang ibat ibang uri ng
mga manonoob. May mga manonood
na mahilig mamintas at walang
nakikita kundi kasiraan ng
pinanonood. May mga manonood
naming pasaway katulad ni Don

Primitivo na pilit nang-aagaw ng


upuan sa dulaan.
Mapapansin din na mabisang daluyan
ang teatro ng mga usapin at mga
pangarap. Layunin ng mga kastila na
tayoy aliwin, pasayahin upang kahit
papaanoy makalimutan nating tayoy
hinahamak o kayay inaalipin.
Mapupuna rin na halos imported ang
mga nagtatanghal upang umubos sa
pera ng tao na ang may
pinakamalaking komisyon ay mga
pari/prayle.
Malakas din ang diskriminasyong
ipikikita sa kabanatang ito. Hindi
maaaring makapagsimula kung wala
pa ang mga pangunahing panauhin
katulad ng Kapitan Heneral na
nakalaan para sa unang hanay ng mga
upuan.

KABANATA XXIII
ISANG BANGKAY
Ang pagkabigo sa layuning
makapaghimagsik ay ipinkita rito. Isaisang nawala ang aalayan ni Simoun
ng tagumpay nito. Sa katauhan niya
ipinakita na buhay niya si Maria Clara
kaya ang kamatayan nito ay nagdulot
ng labis na kalungkutan sa kanya at
nagbunga ng pagkabigo. Mapapansing
kaakibat ng ideyalismo ni Simoun ay
ang pagmamahalniya sa tinubuang
bayan at pagsamba niya kay Maria
Clara. Sa Kapitan Tiyago ay malapit na
rin mamatay na inihalintulad sa
Pilipinas na nakagupo sa
karamdaman. Ang kabanatang ito ay
punong puno ng matulaing panwagan
sa mga Pilipino na kumilos na. kung
hindi malulunasan ito ay mas nanaisin
pa ni Rizal na humimlay ang kanyang
bayan ng mapayapa. Para sa kanya
dapat ipamana ang kahihiyanat
kaalipinan sa mga anak, mabuti pang
huwag na silang isilang.

Kabanata XXIV

MGA PANGARAP
Malalaman sa kabanatang ito ang mga
pangarap ni Rizal para sa kanyang
bayan sa pamamagitan ng katauhan
ni Isagani.
Ipagmamalaki ng binta ang
napakagandang mga lugar at mga
kahali-halinang tanawin. Ang kulang
na lamang ay tamasahin nang buong
laya ang mga biyaya ng kapaligiran
kasama ang mahal sa buhay.
Mula sa magandang kinaroroonan ay
nangarap din si Isagani ng pag-unlad.
Nakikini-kinita niya ang pagdami ng
mga gusali at mga pagawaan.
Magkakaroon din ng mga mabibilis na
sasakyan na gumagalaw sa
sementadong mga daan. Lalago ang
ekonomiya, ang mga kalakal, ang mag
industriya, ang pagsasaka at ang
karunungan.
Na nganagrap din siayng makapantay
ng ibang bansa tulad ng Inglatera na
may kalayaan at walang-kinikilalang
batas. Mangyayari raw ang lahat ng
ito dahil sa pagsisikap ng ilang
kababayan na nasa Madrid na
nagsusulong ng reporma, gumagawa
araw at gabi at nag-uukol ng
katalinuhan para sa kanyang bayan.
Darating daw ang panahon na
kilalanin ang ating karapatan, an
gating kakayahan at ang ating
katwiran sa magandang kinabukasan.
Kung si Isagani ay punong puno ng
mga pangarap, lilikhain naman ni Rizal
si Paulita na nag-aalinlangan at
walang tiwala sa kakayahan ng mga
kababayan. Walang nakikitang
maganda si Paulita sa kahihintutan o
kinabukasan ng Pilipinas. Subali sa
bandang huli ay hihikayatin siya ni
Isagani na magtiwala at magkaroon ng
matibay na paniniwala sa pagsulong
ng bansa. Nananalig si Isagani na
malalagay sa ayos ang lahat,
magiging malingap ang Espanya,
mawawala ang kabulukan at
mapapalitan ito ng pagtutulungan,
paggalang sa bawat karapatan at
pagkakaisa.

You might also like