Mgatauhanngnolimetangere 120114032500 Phpapp02

You might also like

You are on page 1of 15

Mga Tauhan ng Noli Me

Tangere
Ulat ni: Angelee Bianca D. Calanog 1-7

Mga Tauhan:

Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang
mga suliranin nito.

Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng
matagal na panahon sa San Diego.

Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria
Clara.

Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng
kanyang ina na si Doa Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit.

Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng
San Diego.

Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa
mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaa


Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Iday, Sinang, Victoria,at Andeng


Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon
si Ibarra.

Don Rafael Ibarra


Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman
kung kaya nataguriang erehe.

Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Ang Mga Taong Nagimpluwensya Kay Jose Rizal


Ang mga pangyayari na isinulat ko sa nobela
ay pawang katotohanan lamang
Mapatutunayan ko iyan.
- Jose Rizal

Jose Rizal
Ang kumakatawan kay Rizal ay si Crisostomo
Ibarra. Si Ibarra ay tipo ng isang Pilipinong nagaral sa ibang bansa. Ang kaniyang ugali ay
mapagkumbabang taong humihingi ng
pagbabago. Kadalasan ang kaniyang mga kilos,
ugali at pagbabago at ang mga bagay-bagay na
makasarili ay tulad ng kay Rizal.

Leonor Rivera
Si Leonor Rivera ang inspirasyon ni Rizal sa
karakter na Maria Clara na mahinhin at malapit
sa Diyos. Pero salungat ng karakter ni Maria
Clara sa nobela, si Leonor Rivera ay naglilo at
nagpakasal sa isang Ingles.

Paciano Mercado
Si Pilosopo Tasio naman ay si Paciano na
nakakatandang kapatid ni Rizal. Kung inyong
babalik- aralan, kay Pilosopong Tasyo humihingi
si Crisostomo ng mga payo. Maraming
pagkakaparehas ang buhay nilang dalawa.

Padre Antonio Piernavieja


Ayon sa mga Rizalista, si Padre Bernardo Salvi
si Padre Antonio Piernavieja, ang kinapopootang
paring Agustino sa Kabite na napatay ng mga
rebolusyunaryo noong panahon ng himagsikan.

Kapitan Hilario Sunico


Si Kapitan Tiago, gaya ni Kapitan Hilario Sunico
ng San Nicolas, ay isang Pilipinong
nagpapasakop noon sa mga Espanyol at walang
siyang sariling desisyon.

Donya Agustina Medel de Coca


Si Donya Agustina Medel de Coca, isang
mayamang nag-mamay-ari ng Teatro Zorilla at
iba pang mga lupain na ayaw tanggapin ang
kanyang pagka-Pilipina kayat siya ay
nagpapanggap na Espanyol sa paggaya ng mga
kilos at salita nila. Siya ay kumakatawan kay
Donya Victorina.

Crispin at Basilio Crisostomo


Ang magkapatid na Crisostomo ng Hagonoy ay
sina Crispin at Basilio sa nobela.

Mga Paring Pransiskano


Si Padre Damaso ay lumalabas na siyay
kumakatawan sa mga prayle noong
kapanahunan ni Rizal. Mapanghamak at
laging malupit lalo sa mga Pilipino.

Mga Tauhan at Ang Kanilang


Simbolismo sa Nobela
Juan Crisostomo Ibarra idealismo ng mga kabataang
nakapag-aral
Maria Clara ideal na babae ni Rizal
Sisa larawan ng kawalan ng katarungan sa bansa at kung
paano ito inabuso ng mga Espanyol
Doa Pia Alba sumisimbolo sa Pilipinas na walang tigil na
nagpapasakop sa ibang bansa
Kapitan Tiago papet na indio ng istruktura ng lipunang
binuo ng mga Kastila sa Pilipinas
Doa Victorina at Doa Consolacion - larawan ng mga
indiong may kaisipang kolonya

You might also like