You are on page 1of 3

Ang Sapatos ni Jimmy

ULAT UKOL SA BABASAHING PAMBAHAY


I. Pamagat: Ang Sapatos ni Jimmy
II. May Akda: Hershey San Juan
III. Tagpuan: Bahay nila Jimmy at Simbahan
IV. Mga Tauhan:
Juan at Pilar magulang ni
Jimmy
Jimmy
Bata
V. Buod:
Si Jimmy ay isang batang mahilig sa mga
materyal na bagay lalo na sa sapatos. Siya ay nagiisang anak

nina Juan at

Pilar na mga

negosyante. Sunod sa layaw si Jimmy. Isang araw


ay

nalugi

ang

negosyo

ng

kanyang mga

magulang. Nagtipid sila. Ang mga pangyayaring


ito ay hindi maintindihan ni Jimmy. Sumapit ang
kanyang

kaarawan at hindi sila nakapaghanda.

Sumama ang kanyang loob, lalot wala ang

inaasahan niyang sapatos.

Nagtampo siya at

hindi pumasok sa paaralan, ni makipaglaro. Ang


tanging magagawa ng kanyang ina ay ang
magsimba at magpasalamat sa Panginoon. Ayaw
man ni Jimmy ay pinagpaliwanagan siya ng
kanyang ina na wala man silang maraming pera ay
sama-sama naman silang mag- anak at malulusog,
sipag at tiyaga lang ay manunumbalik din ang
nawala sa kanila. Masama man ang loob ay
napapayag siya. Sa simbahan ay nakita niya ang
isang batang putol ang paa at nagtitinda ng
bulaklak. Hindi na maiwasan ni Jimmy ang
mahabag sa bata. Nalaman niya na napakapalad
niya sa pagkakaroon ng paang nakakalakad.
Naisip niya na lubha siyang naging makasarili.
Ang kaunting pera niya ay ibinili niya ng bulaklak
at inialay sa simbahan. Nagbago si Jimmy,
pumasok na siya sa paaralan. Tumutulong na rin

siya sa mga magulang. Hindi nagtagal ang swerte


ay muling bumalik sa pamilya ni Jimmy.
VI. Natutuhang Aral:
Dapat nating tanggapin ng maluwag ang
mga bagay na kaloob sa atin ng Diyos. Dapat
tayong

magpasalamat sa pinagkaloob sa atin

ng Maykapal.

Credits to : http://assignmentshomeworksetc.blogspot.com/2011/02/ang-sapatosni-jimmy.html

You might also like