You are on page 1of 3

ALIBUGHA

SHEREEN T. CUETO

12/13/14

BS PHARMACY 1-M
I. Paguuri- uri ng mga ideya/detalye
A. Pangunahing ideya
Ang magulang ay mananatili sa tabi ng kanilang mga anak pagbalibaliktarin man
ag mundo. Ang isang anak maging sinuman at gaano man kasama ay mananatiling
mabuti sa mata ng kanilang mga magulang. Sila ay mananatili sa pusot isipan ng
kanilang mga magulang. Ito man ay nakagawa ng kasamaan o kabutihan mananatili pa
rin ang pagmamahal sa kanilang mga puso at isipan. Sa oras ng pangangailangan o
kagiptan kahit pagbalibaliktarin man ang sitwasyon ang mga magulang ang unang
nabibigay ng kamay sa kanilang anak at patuloy itong nagbibigay pag-asa tungo sa
tamang landas nang magkaroon ng magandang kinabukasan. Kahit na madalas natin
tiisin ang ating mga magulang pinipilit nila tayong unawain at suportahan pa rin sa abot
ng kanilang makakaya upang maipadama lamang ang kanilang pagmamahal sa atin.
Dahil kahit kailan man walang magulang ang nakakatiis sa kanilang mga anak. Walang
magulang ang naghangad ng kapahamakan para sa kanilang mga anak.
B. Sumusuportang ideya
Sa pagsasadula ng mga nagsipag-ganap ang pangunahing tauhan na si Eddy na
kinuha ang kanyang mana at pilit na nakipaggsapalaran sa Maynila dahil sa pangarap
nitong makapagtrabaho rito at sa pagaakalang mapapalago nito ang kanyang pera.
Kahit na alam nyang lubos na dinamdam iyon ng kanyang ama. Maraming nagawa si
Eddy pagkakamali ngunit pilit itong inintindi ng kanyang ama dahil sa alam nito na mas
kinakailangan ngayon ng kanyang anak ng sapat na pangunawa dahil sa di inaasahang
pagkakadapa. Kahit na napuno ng pagkamuhi at selos ang bunsong kapatid ni Eddy.
Ipinapaliwanag ng kanyang ama na muling magbabalik at mabubuhay ng may
pagkatuto si Eddy dahil naniniwala ang kanyang ama na isa iyong aral para sa kanyang
anak na ipakitang hindi madali ang buhay at pagsasarili. Ang kanyang panganay na
kapatid ay nagsilbing isang halimbawa ng isang mapait na karanasan na hindi
nararapat na tularan. At sa araw ng kasiyahan maraming nagulat sa pagbabalik ni Eddy
at maraming nakasaksi sa pagsisi ni Eddy sa paglabag sa kanyang ama at taos pusong
tinanggap si Eddy ng kanyang ama na tila parang wala lang nangyari. Parang bagong
simula sa isang araw na kay gandang pagsumikapan.

ALIBUGHA
II.
Bakit dapat panoorin/pag-aralan ang paksa?
Nararapat na pag-aralan ang paksa upang malaman ng bawat indibidwal kung
gaano ang paghihirap ng mga magulang upang mabuhay at matustosan lamang ang
kanilang anak sa pang araw-araw na pangangailangan upang mabuhay. Dahil din sa
kwentong alibugha magkakaroon ng pagtatanto ang mga anak ukol sa kanilang
tungkulin sa kanilang magulang.
May bago bang kaisipan/impormasyon ang tinalakay? Kung mayroon, anu-ano ang
mga ito at papaano ito magagamit sa inyong kurso o kalagayang bilang estudyante?
Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo dapat alam nating gamitin ang mga perang
pinadala ng ating mga magulang dahil dugo't pawis nilang pinaghihirapan ang mga ito
upang tayo ay makapag-aral at magkaroon ng maayos na pamumuhay dahil ito ay
paghahanda para sa ating mga kinabukasan

III. Ano ang tono/damdamin at pananaw sa dula? Anu-ano ang suliranin, solusyon at
mga rekomendasyon sa pananaliksik?
Sa unang senaryo ng dula ay may pagalit, may malumanay, may kasiyahan na
tono at damdamin na nangyari. Magaling at maganda ang kanilang pag-dudula
damang- dama nila ang kanilang pag-ganap sa sitwasyon sa mga eksena.
Kahit nagkaroon sila ng mga problema tulad sa pera, komunikasyon at relasyon
sa isa't isa, sa huli ay naisaayos nila ang di pagkakaintindihan at nagawan pa nila ng
solusyunan ang lahat ng problema at nagkapatawaran. Ang lahat ng problema ay may
solusyon kung ang lahat at magkakaisa at marunong umunawa. Maaring hindi
maidadaan sa medaling usapan ang mga bagay-bagay ngunit mayroong sapat at
tamang oras para maisagawa ang lahat ng bagay ng tama. Sa bandang huli ng dula o
pananaliksik natauhan rin si Eddy sa kanyang nagawa at buong puso naman siayang
pinatawad ng kanyang tatay at kanyang kapatid.

IV. Opinyon VS Katotohanan


Anong tiyak na isyu ang mayroon at pumili ng isang argumentong papanigan na
bibigayan na ebidensya upang mapatunayan ang pagiging totoo nito?
Ang isang isyu sa dula ay ang kahalagaan ng pera. Ang pera ay pwedeng
magdulot ng kabutihan o kasamaan. Depende sa paraan ng paggamit at pananaw ukol

ALIBUGHA
ditto. Sa aking opinyon maraming pamilya ang namomroblema dahil sa pera. Dahil sap
era sila ay maaring magkahiwa-hiwalay upang mabigyan lamang ng magandang
kabuhayan ang bawat isa. Sa kabilang banda naman maaring sila ay magagawan ng
mana mula sa kanilang mga magulang dahil dito sila ay maaring magkaroon ng inggit
sa bawat isa. May mga tao na gusting magsariling buhay at kukunin ang kanyang parte
na kayamanan at siya na ang bahala na magpalago ng pera. Ngunit sa di inaasahang
pangyayari ito ay maaring mawala rin sa iisang iglap lamang.

V. Anu-anong tiyak na maling kaisipan/pahayag ang nabanggit sa dula? (Ano ang


batayang Konseptual o Teoretikal ang ginamit sa pananalik?)
Isa sa maling kaisipan na nabanggit sa dula ay pilit niyang iniisip na kaya ang
isang bagay pero ang totoo naman ay hindi niya kaya. Siya ay napipilitan lamang dahil
sa udyok ng pagkakataon na kailangan niyang panindigan kung ano ang kaniyang
nasimulan.

You might also like