You are on page 1of 11

SAMPLE NAT TEST QUESTIONS

GROUP VI

Competency #6
Napahahalagahan ang mga hangganan at ang
pagpapasya sa paggamit at pangangalaga ng likas na yaman.

matalinong

1. Paano mo mapapahalagahan ang hangganan ng ating teritoryo kung ikaw ay


naatasang maging bantay-dagat? (PROCESS)
a. Protektahan ang ating teritoryo ayon sa isinasaad ng saligang batas.
b. Hayaang makapasok ang mga dayuhan sa bansa kapalit ng salapi.
c. Ipagkibit balikat ang tungkulin.
d. Ipaubaya sa maga namumuno ng bansa.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.47
Sagot: A
2. Mayaman ang bansa sa mga likas na yaman. Ano ang maaaring ibubunga ng
wastong paggamit nito?(UNDERSTANDING)
a. Magkakaroon ng maraming paghahati-hatian.
b. Hindi tayo maging palaasa sa ibang bansa.
c. Magiging maunlad ang buhay ng mga mangangalakal.
d. Lalaki ang produksiyon ng pagkain.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.62
Sagot: D
3.

Mabilis ang pagkaubos ng mga punongkahoy sa gubat, at ang epekto nito ay


ang pagkakaroon ng baha sa lugar. Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong
gawin upang mapangalagaan ito? (UNDERSTANDING)
a. Kontrolin ang bilang ng mga namamaril ng ibon.
b. Tutulan ang walang pahintulot na pagtotroso.
c. Ipagpatuloy ang pagtatanim ng mga halamang namumulaklak sa gubat.
d. Pagpapahintulot sa mga nanghuhuli ng mga maiilap na hayop.

Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.63
Sagot: B
4. Hinikayat kayo ng inyong Kapitan na magtulong-tulong na linisin ang tabing
dagat ng inyong barangay, ngunit isa sa kapitbahay mo ay hindi lumabas ng
kanyang bakuran. Alin ang sasabihin mo sa kanya para hikayatin siya?
(PRODUCT)
a. Bakit di ka lumabas diyan?
b. Halika na, kailangan sundin natin ang ating kapitan.
c. Naku, palagi na lang ba tayo ang maglilinis?
d. Sige, magtago ka na lang diyan.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.63
Sagot: B

5. Ang mga pangisdaan sa bansa ay mahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga


sumusunod ay programa ng pamahalaan para sa pangangalaga ng pangisdaan
maliban sa isa. (UNDERSTANDING)
a. Pagsosona
b. Bantay-dagat
c. Paggamit ng dinamita
d. Paggamit ng katamtamang laki ng butas ng lambat
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.63
Sagot: C
6. Ayon sa doktrinang pangkapuluan ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay
binubuo ng mga sumusunod. Alin ang hindi kabilang dito? (PROCESS)
a. Kapuluan ng Pilipinas
b. Mga pulo at katubigan
c. Kabundukan
d. Yamang nasasakupan ng bansa
Sanggunian:
Pilipinong Makabayan sa Isip, sa Puso at sa Gawa
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p. 51
PELC IIA.2
Sagot: C
7. Maaring maubos ang yamang-tubig at pangisdaan ng bansa. Upang maiwasan
ito, ipinatupad ang Atas ng Pangulo Blg. 1058. Ano ang ipinagbabawal ng batas
na ito? (KNOWLEDGE)
a. Pagtatayo ng pangisdaan sa lawa
b. Paggamit ng dinamita at bangkang de motor
c. Paghuli ng isda sa mababaw na bahagi ng dagat
d. Pagtatapon ng dumi sa tubigan
Sanggunian:
Pilipinong Makabayan sa Isip, sa Puso at sa Gawa
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p. 90
PELC IIB.6
Sagot: B
8.

Namasyal kayo sa isang napakagandang bukal. Napansin mo ang ilan sa mga


kasama mo ay nag-iiwan ng kanilang mga basura. Alin ang angkop na gagawin
mo?
(UNDERSTANDING)
a. Sasabihin ko na huwag iiwan ang mga basura dahil hindi ito magandang
tingnan.
b. Ako na lamang ang pupulot ng mga basura.
c. Sasabihan na ihahagis sa malayo ang mga basura.
d. Hayaan na lamang ang mga basura na naiwan.

Sanggunian:
Pilipinong Makabayan sa Isip, sa Puso at sa Gawa
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p. 73
PELC IIB.5
Sagot: A
9. Bakit mahalaga ang lokasyon ng Pilipinas? (UNDERSTANDING)
a. Para sa pagkakakilanlan nito
b. Para malaman ang mga karatig-bansa nito
c. Dahil sa hangaring pangkultura, pangkabuhayan at pangkaligtasan nito

d. Upang malaman ang sakop nito


Sanggunian:
Pilipinong Makabayan sa Isip, sa Puso at sa Gawa
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p. 61
PELC IIA.3
Sagot: C
10. Ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang ay naatasang bumuo ng awit
patungkol sa lawak ng teritoryo ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang angkop
dito? (PERFORMANCE)
a. Akoy isang Pinoy
May sariling teritoryo
Malawak ang sakop at hangganan nito
Walang sinumang banyagang mag-aangkin nito
Pagkat tanging Pinoy lamang ang may karapatan dito.
b. Pilipinas kong mahal
Paraiso sa Silangan
Punong-puno ng ganda at kayamanan
Pagkat lahat ng bagay ay nasa iyo na.
c. Dagat, ilog, lawa, at sapa
At saka meron pang bukal at talon
Look, kipot, batis, at golpo
Anyong tubig ang tawag sa kanila.
d. Sa bukid, kapatagan
Ang Apo, bundok naman
Ang Mayon, isang bulkan
Sa Bohol, burol naman
Tawag dito ay anyong lupa
Ating kayamanan
Sanggunian:
Pilipinong Makabayan sa Isip, sa Puso, at sa Gawa
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p. 47
PELC IIB.7
Sagot: A
11. Ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman na matatagpuan sa ibat-ibang
bahagi nito. Isa sa dapat na mangalaga nito ay ang mga mamamayan ng
Pilipinas. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang pangalagaan
ito?
(PRODUCT)
a. Gumamit ng ipinagbabawal na gawain
b. Magbantay at tumulong sa pagpapaliwanag ng pangangalaga ng ating
likas na yaman.
c. Ipagwalang bahala na lamang ito.
d. Pabayaan ang pamahalaan ang gumawa nito.
Sanggunian:
Pilipinas Bansang Papaunlad VI
p.96; PELC IID
Sagot: B
12. Ang mga mamamayan na nakatira sa kabundukan ay namumutol ng mga puno
at ginagawang mga uling upang madagdagan ang kanilang pinagkakakitaan.
Ano ang hindi magandang resulta nito? (KNOWLEDGE)
a. Dadami ang punongkahoy
b. Magiging maganda ang kabundukan
c. Guguho ang lupa sa kabundukan
d. Yayaman sila

Sanggunian:
Pilipinas Bansang Papaunlad VI
p.40
Sagot: C
13. Isa sa suliranin ng bansa ay ang magkakahiwa-hiwalay na lugar sa ating bansa
kayat hindi maabot ng mga namumuno at ng kanilang paglilingkod ang mga
mamamayan. Kung ikaw ang namumuno, ano ang gagawin mo upang
makarating sa kanila ang iyong paglilingkod?
(UNDERSTANDING)
a. Magpadala ka ng maaasahang kawani upang malaman kung anong
paglilingkod ang kailangan nila.
b. Di nalang iisipin ang mga nasa malalayo.
c. Paglingkuran lamang ang nasa malapit na lugar.
d. Hayaan nalang silang magsumikap sa buhay.
Sanggunian:
Pilipinas Bansang Papaunlad VI
p.97;PELC IIA.4
Sagot: A
14. Sa ating kalagayan ngayon madalas ang pagbaha kahit mahina lamang ang
ulan. Isa na rito ang lugar ng Maynila. Bakit nagaganap ang mga pangyayaring
ito?
(PROCESS)
a. Dahil sa mga basurang nakakalat kahit saan lang
b. Madalang ang mga punongkahoy sa lugar
c. Walang magandang daluyan ng tubig sa lugar na iyon
d. Lahat ng nabanggit
Sanggunian:
Pilipinas Bansang Papaunlad VI
p.101;PELC IIC5.1
Sagot: D
15. May dalawang panahon sa Pilipinas, tag-init at tag-ulan. Alin sa panahong ito
ang angkop na makapagtanim ang mga magsasaka ng palay at gulay? Bakit?
(UNDERSTANDING)
I.
Tag-init, dahil kailangan ng tanim ang init ng araw
II.
Taglamig, dahil nabubuhay ang tanim kapag malamig
III.
Tag-ulan, dahil kailangan ng pananim ang tubig upang lumago at
lumaki.
IV.
Lahat, dahil tutubo ang mga pananim sa lahat ng panahon.
a.
b.
c.
d.

I at II
III at IV
I at III
II at IV

Sanggunian:
Pilipinas Bansang Papaunlad VI
p. 70; PELC IID.2
Sagot: C

16. Ang Pilipinas ay may nabuong mga paraan upang mapangalagaan ang sariling
teritoryo, sa mga sumusunod alin ang hindi nagpapakita ng pangangalaga ng
sariling teritoryo? (KNOWLEDGE)
a. Sandatahang lakas na itinalaga sa mga baybayin ng Pilipinas
b. Bantay himpapawid ( Airforce)
c. Forest Ranger o Bantay Gubat
d. Central Investigation and Detection Group

Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.70
Sagot: D
17. Napakaraming likas na yaman ang makikita sa Pilipinas .Matataba ang ating
mga lupang matatagpuan sa mga kapatagan at lambak. Biniyayaan ng
Panginoong Diyos ang Pilipinas ng mga lupaing matataba kaya angkop
_____________________. (KNOWLEDGE)
a. Sa pagsasaka
b. Na pagtayuan ng pabrika
c. Na gawing residensyal
d. Na gawing palaruan
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.62
Sagot: A
18. Biniyayaan ang ating bansa ng saganang yamang tubig. Nagmumula ang mga
pang- ibabaw na tubig sa mga ilog, batis, at look. Ang masaganang pang-ilalim
ng lupang tubig ang tumutustos sa pangangailangan sa tubig sa mga tahanan at
higit sa lahat sa mga pook rural. Paano mapapakinabangan ng isang bansa ang
mga likas na yaman na ito? (PROCESS)
a. Magtulungan ang mga mamamayan upang mapanatiling malinis ang mga ito.
b. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga pangisdaan at ang paggamit ng
dinamita sa pangingisda.
c. Pangalagaan ng pamahalaan at ng mga tao ang mga pinagkukunan ng tubig
ng ating bansa at siguraduhing wasto ang paggamit kabilang na ang mga
pook pangisdaan.
d. Isumbong sa may kapangyarihan ang mga naninira sa likas na yaman.

Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.63
Sagot: C
19. Batay sa Artikulo ng Saligang Batas 1987, ang teritoryo ng Pilipinas ay
tumutukoy sa arkipelago, lahat ng mga isla at karagatan na bumabalot dito, at
ang iba pang teritoryo kung saan may hurisdiksyon o kapangyarihan ang
Pilipinas. Ano ang kabutihan at kahinaan ng kapuluan at archipelago bilang uri
ng teritoryo ng isang bansa? (PROCESS)
a. Malaya at malayo sa ibat-ibang teritoryo at mahirap para sa hukbong
sandatahan para bantayan ang lahat ng isla.
b. Karagdagan ito sa teritoryo ng Pilipinas, hindi dahilan ito upang magiging
sanhi ng sigalot.
c. Nagiging maka-rehiyon ang mga tao at nagkakaroon ng kompetisyon.
d. Napagbubuti at napag-aaralan ang pagtugon sa mga pangangailangan ng
bawat archipelago.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp.45-47
Sagot: A

20. Isa sa mga epekto ng mga pagtitipon sa mga lugar malapit sa Manila Bay ay ang
pagdami ng mga basura dito. Kung ikaw ay nakatira malapit doon, paano mo
maiiwasan ang lalong pagdami ng mga basura? (PROCESS)
a. Pabayaan ang mga nakikitang mga taong nagtatapon ng basura.
b. Pagbawalan ang mga tao sa pagtatapon ng basura.
c. Itulak ang dumi papunta sa gitna ng dagat
d. Sunugin ang mga basura
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p. 66
Sagot: B
21. Ang pagtotroso ang pangunahing hanapbuhay ng mga magulang mo. Napagalaman mong mahigpit na ipinagbabawal ito ng DENR. Bilang anak, paano mo
ipaliliwanag sa iyong mga magulang na ito ay ipinagbabawal? (PROCESS)
a. Sabihan ang mga magulang na sa malayo magputol para hindi mahuli
b. Kausapin ang magulang at sabihin na humanap nalang ng ibang
mapagkakakitaan.
c. Hayaan ang magulang dahil iyon ang inyong ikinabubuhay.
d. Sumama sa magulang para makatulong sa hanapbuhay.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p. 71
Sagot: B
22. Ang inyong bahay ay nakatayo sa paanan ng bundok at pagkakaingin ang
tanging hanapbuhay ng buong pamayanan. Nagkataong walang tigil ang
pagbuhos ng ulan. Gumuho at natabunan ang inyong bahay. Ano ang dapat
mong gawin? (UNDERSTANDING)
a. Magpatayo ng bahay malayo sa bundok
b. Magpatayo ng bahay sa tuktok ng bundok mismo
c. Magpatayo ng bahay sa taas ng punongkahoy
d. Magpagawa ng pader na gawa sa bato na mas mataas pa sa bahay para
hindi matabunan.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p. 57
Sagot: A
23. Ayon kay Dr. Jose Rizal, Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Bilang isa
sa Kabataan, ano ang magagawa mo para mapangalagaan ang kalikasan?
(UNDERSTANDING)
a. Gumawa ng programa at hikayatin ang kabataan para sa pangangalaga
ng kalikasan.
b. Hayaan ang kalikasan na masira.
c. Huwag intindihin ang kalikasan sapagkat babalik din ito sa dati kung
masisira man.
d. Kalimutan ang kalikasan dahil hindi habang buhay ikaw ay bata.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp. 57-59
Sagot: A
24. Ang yamang mineral ng Pilipinas ay sadyang nauubos at di napapalitan. Alin sa
mga sumusunod ang pinakamainam na hakbang na dapat gawin ng ating
pamahalaan upang maiwasan ang pagkaubos nito? (PROCESS)

a. Pagpapatupad ng responsableng pagtotroso.


b. Pagtatakda sa lahat ng nagmamay-ari ng minahan ng pagsasagawa ng
pananaliksik sa makabagong paraan ng pagmimina.
c. Pagsasagawa ng ibat-ibang paraan ng pagtitipid sa paggamit ng yamang
mineral.
d. Pagpapasara ng mga minahan na nag-aaksaya ng yamang mineral ng
Pilipinas
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp. 54-55
Sagot: C
25. Bawat Pilipino ay may pananagutan sa paggamit at pangangalaga ng mga likas
na yaman ng bansa subalit maraming mga Pilipino ang umaabuso at
nagsasamantala sa paggamit ng likas na yamang ito. Alin sa mga sumusunod na
dahilan ang mas may higit na epekto sa pagkapinsala ng mga yamang tubig?
(UNDERSTANDING)
a. Maraming kaingero, illegal na nagtotroso at nangangahoy ang nagkalat sa
bansa
b. Ilang mga magsasaka ang gumagamit ng maling sistema ng pagtatanim.
c. Hindi maayos na pagmimina, tulad ng walang maayos na drainage system
ng minahan.
d. Pagtatapon ng basura sa lawa.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp. 66-67
Sagot: D
26. Isa sa mga likas na yaman ng Pilipinas ay ang Yamang Pansakahan, kabilang
dito ang mga produktong Agrikultural tulad ng saging, pinya at manga na
namumunga sa buong taon at nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng
Pilipinas. Alin sa sumusunod ang pinakamainam na gawin upang mapalago ang
industriyang ito? (PROCESS)
a. Pagpaparami ng saging,manga at pinya sa pamilihan.
b. Pag-aangkat ng saging, manga at pinya sa mga karatig bansa.
c. Pagpapalawak ng mga lupang sakahan ng saging, mangga at
pinya sa Pilipinas at pagtataguyod ng mabisang paraan ng
pagsasaka nito.
d. Laging bumili ng saging,manga at pinya sa pamilihan.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp. 58-60
Sagot: C
27. Binigyan ng Diyos ang Pilipinas ng magandang topograpiya at ibang likas na
yaman. Katunayan ang yamang pansakahan ng Pilipinas ay umabot sa higit 9 na
milyong ektarya. Paano ito magamit ng wasto? (UNDERSTANDING)
a. Itaguyod ang responsable at matalinong pagsasaka.
b. Pagkakaingin ng ilang bundok upang mas mapalawak pa ito.
c. Mag-angkat ng ibat ibang uri ng palay sa Vietnam.
d. Gumamit ng mga imported at mamahaling klase ng abono at pataba
upang mas mapalago ang ani.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6

pp. 57-64
Sagot: A
28. Ang Gitnang Luzon ang may pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas.
Katunayan tinagurian itong Rice Granary of the Philippines. Paano
mapapanatili ng mga mamamayan ng Gitnang Luzon ang bansag na ito?
(KNOWLEDGE)
a. Magtayo ng mga palengke na magbebenta ng mga bigas galing
dito.
b. Pagyamanin ang mga lupang sakahan sa pamamagitan ng
matalino at makabagong pagsasaka.
c. Mag-imbita ng mga dayuhan upang magsaka sa mga sakahan dito.
d. Wala sa nabanggit.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp. 57
Sagot: B
29. Isa si Mang Ruben sa mga mangingisda sa Sitio Sibucao na gumagamit ng
ilegal tulad ng lason at dinamita. Sa kadahilanang ito, anong batas ang kanyang
nilabag? (KNOWLEDGE)
a. Atas ng Pangulo bilang 1058
b. Atas ng Pangulo bilang 5810
c. Atas ng Pangulo bilang 1281
d. Atas ng Pangulo bilang 463
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp. 45-47
Sagot: A

30. Ang Sta. Monica Mining ay isa sa mga minahan na matatagpuan sa Palawan.
Maraming mga tao ang nabigyan ng trabaho, gumanda ang kanilang
pamumuhay at nakapag-aral ang kanilang mga anak. Ngunit nang lumaon, untiunti nilang napapansin na kumukonti ang mga nahuhuling isda ng mga
mangingisda. Ano ang maaaring maging bunga nito sa kanilang pamumuhay?
(UNDERSTANDING)
a. Gaganda ang kanilang pamumuhay.
b. Magkakaroon ng kakulangan sa isda
c. Marami sa kanilang mga anak ang makapagtatapos ng pag-aaral.
d. Marami ang mabibigyan ng trabaho.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
Pp63-73
Sagot: B
31. Ang pamilya ni Samuel ay nakatira malapit sa dagat, kaya naman ang
pangunahin
nilang
pinagkakakitaan
ay
pangingisda.
Paano
nila
mapapangalagaan ang ating yamang pangisdaan upang may mapagkakakitaan
pa sila sa hinaharap? (PROCESS)
a. Gumamit ng dinamita sa pangingisda.
b. Itapon sa dagat ang basura.
c. Gumamit ng tamang laki ng butas ng lambat upang hindi masama ang
maliliit na isda.
d. Wala sa nabanggit

Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp. 71-72
Sagot: C
32. Isa sa mga problema ng ating bansa ay ang pagtatapon at pagdami ng basura.
Upang malunasan ito nagpatupad ang ating pamahalaan ng proyekto nang
tamang pangangasiwa ng ating mga basura. Alin ito sa mga sumusunod?
(UNDERSTANDING)
a. Pagtapon ng basura sa bakuran ng kapitbahay.
b. Pagtapon ng basura sa ilog.
c. Pagtapon ng basura sa tabi ng daan
d. 3R- reduce, re-use, at recycle

Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp. 70-74
Sagot: D
33. Tuwing Sabado nakagawian na ng pamilya Saadvedra na pumunta sa bukid at
magtanim ng mga puno, halaman, at gulay, upang makatulong sa kanilang
pangangailangan. Sa paanong paraan sila nakakatulong sa pangangalaga ng
mga likas na yaman? (PRODUCT)
a. Matutugunan ang kanilang mga pangangailangan.
b. Maiiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa.
c. Gaganda ang kapaligiran.
d. Lahat ng nabanggit
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp. 70-74
Sagot: D
34. Ang Philippine Mahogany ay isang mahusay na uri ng kahoy na nabubuhay sa
ating kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa uring ito?
(KNOWLEDGE)
a. Apitong
b. Yakal
c. Guijo
d. Narra
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.58
Sagot: D
35. Naatasan kang gumawa ng placard tungkol sa pangangalaga sa ating
kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang maaaring resulta ng iyong ginawa?
(PERFORMANCE)
a. Panatilihing malinis ang mga ilog, lawa, at dagat.
b. Ang pag-aalaga sa kapaligiran ay pag-aalaga sa Kabataan
c. Gamitin ng tama at maayos ang mga kalikasan.
d. Sundin ang mga batas pangkalikasan.
Sanggunian:
Pilipinas: Bansang Papaunlad 6
p. 40
Sagot: A

36. Mahalaga ang yamang tubig sa bawat isa sa atin. Alin sa mga sumusunod ang
maituturing na matalinong paraan ng pangangalaga sa yamang tubig?
(UNDERSTANDING)
a. Kinokontrol ang paglalalayag ng mga sasakyang pandagat.
b. Gumagamit ng kuryente sa halip na dinamita sa pangingisda.
c. Ipinagbabawal ang pangunguha ng shells sa dagat.
d. Gumagamit ng lambat na may malaking butas ang mga mangingisda.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp.71-72
Sagot: D
37. Ang bawat Pilipino ay may tungkuling makiisa sa wastong paggamit ng mga likas
na yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paggamit nito?
(UNDERSTANDING)
a. Walang habas na pagputol ng mga puno sa kabundukan.
b. Pagpapanatili ng kalinisan ng paligid.
c. Pagkakaroon ng kasapatan ng pagkain.
d. Pagpapatupad ng batas hinggil sa mga ilegal na gawain.

Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp.62-64
Sagot: A
38. Nakasalalay sa mahusay at matalinong paggamit ng mga likas na yaman ang
pagsulong at pag-unlad ng isang bansa. Aling pahayag ang di makatutulong sa
wastong pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa? (UNDERSTANDING)
a. Magdaos ng pulong sa pamayanan tungkol sa kampanya laban sa
pag-aabuso sa kalikasan.
b. Mag-ambag ng kaalaman tungo sa wastong pagkakaisa ng
nakatira sa barangay.
c. Suportahan ang mga pansibikong organisasyon.
d. Magmungkahi tungkol sa pagkakaroon ng popular na barangay
lider.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.66-68
Sagot: D
39. Alin sa mga sumusnod na mga gawain ang maituturing na hindi matalinong
paraan ng paggamit ng mga likas na yaman? (KNOWLEDGE)
a. Paggamit ng compost sa lupang taniman.
b. Pagtatanim ng isang uri lang na pananim sa lupang sinasaka.
c. Pagtatanim ng salit-salit ng ibat-ibang uri ng halaman.
d. Pagpapalit ng uri ng pananim sa lupang taniman.
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
pp.62-64
Sagot: B
40. Ang Pilipinas ay biniyayaan ng Diyos ng magandang topograpiya at ng ibatibang likas na yaman. Anong likas na yaman ang nauubos at di-napapalitan
kayat dapat gamitin nang maayos at wasto?
a. Yamang mineral

b. Yamang pangisdaan
c. Yamang gubat
d. Yamang pansakahan
Sanggunian:
Yaman ng Pilipinas
Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6
p.64;PELC IIB
Sagot: B

You might also like