You are on page 1of 2

Mary Jessica A.

de Dios
IV-Amorsolo (2014-2015)
Kabanata 16
Mga Kapighatian ng Isang Intsik

Sabado ng gabi, naghanda ng hapunan si Quiroga. Ito ay ginanap sa itaas ng


kanyang basar sa Escolta. Marami ang nagsidalo. Ang mga ito ay kanyang mga suki
dahil sa tindahan niya lahat nakukuha ang mga kailangan sa kumbento. Nagpapautang
din siya. Pasulyap-sulyap ang intsik na tila sinisiyasat kung walang nagmamalikot ng
kamay sa kanyang mga bisita at kumuha ng anuman. Naroon din ang mga taong
mabuting makiharap sa kanya ngunit kalaban naman pag nakatalikod. Kabilang dito si
G.Gonzales, isang matabang lalaki na lumalagda ng pitili kung tinutuligsa sa mga
pahayagan ang pagpunta ng mga Intsika sa Pilipinas ngunit pinupuri naman si Quiroga
kung nakaharap ito. Isa rin si Don Timoteo Palaez, na laging tumututol sa pagiging
kaagaw niya sa negosyo ang Intsik.
Halos matatapos na ang hapunan at pawang papuri kay Quiroga ang naririnig.
Hindi kumakain si Quiroga ng pagkaing Europeo kaya umiinom-inom na lang siya ng
alak paminsan minsan. Panauhin din noon si Simoun. Siya ay nakikipag-usap sa mga
mangangalakal na daing ng daing tungkol sa pangit na lakad ng negosyo. Ngiti lamang
ang isinagot ni Simoun at sinasabing matuto kayong mag-aral kung bakit umuunlad ang
ibang bansa at tularan ninyo ang kanilang ginagawa. Pagkaraay umalis na ito at
sinalubong si Quiroga. Malaki ang paggalang ni Quiroga kay Simoun dahil na rin sa
malapit ito sa Kap.Heneral sumang-ayon si Simoun sa sinabi ng Intsik na magkaroon ng
konsul ng Tsina kayat binatikos siya sa mga pahayagang tumutuligsa sa mga Intsik.
Ngunit pumayag din ang Heneral dahil malaki rin naman daw ang ibinabayad ng mga
Intsik kaya may karapatan silang magpilit ng batas.
Agad pinutol ni simoun ang pagsasalita ng Intsik at itinanong kung naibigan baa
ng mga pulseras. Sinabi naman nito na nalugi raw siya. Ngunit tinanong uli ni simoun
ang Intsik kung bakit napakaraming champagne at pagkain. Pumikit lamang si Quiroga
at ngumiwi. Napangiti si Simoun dahil alam niyang kapag nagdaraing ang isang
mangangalakal ay maganda ang lakd ng negosyo at kung hindi, kabaliktaran naman ito.
Ibinigay ni Quiroga ang tatlo pulseras sa magandang babaeng anak ng isang
makapangyarihang-ginoo na makatulong sa Intsik na makatubo ng anim libong piso.
Sinabi ni Quiroga na pumili lamang ito ng magugustuhan ngunit sa halip na pumili ay
sinabing ibig lahat iyong tatlong pulseras ng binibini. Dumaingding si Quiroga kay
Simoun ukol sa maraming nangutang sa kanya na di na nagbayad. Sinabi ni Simoun na
siya na lamang ang maniningil ngunit walang resibo kaya sinabi na lamang ni Simoun na
siya ang ituro kung may mangungutang dito. Nagpasalamat si Quiroga ngunit inulit-ulit
kay Simoun ang pagkalugi niya sa tatlong pulseras.

Sinabi ni Simoun na nangangailangan pa naman siya ng salapi ngunit di pala


siya mababayaran ni Quiroga kaya ang siyam na libong utang nito ay ginawa niya na
lang niyang pitong libo. Sinabi rin niyang maaari siya magpasok ng produkto ni Quiroga
sa Aduana. Sinabi rin niyang di bat nagbibigay rin ng mga armas sa mga kumbento ang
Intsik. Tumango ang ito ngunit sinabi ring marami siyang sinusuhulan. Ipapatago na lang
daw ni Simoun sa tindahan ang mga kaha ng pusil. Nagdadalawang isip si Quiroga dahil
sa takot sa armas ngunit pumayag din dahil kung di raw siya papayag ay kailangan na
niyang bayaran ang siyam na libo.
Bumalik na sa salas si Quiroga at si Simoun. Nadatnan nilang masiglang naguusap ang mga naroroon. Lalong mainit naman ang usapan sa isang pulutong usapin
doon ang magretismo, mahiya, atbp.
Napag-usapan nilang noong taong ding iyon ay pinagkaguluhan sa perya sa
Quiapo ang ulong di naman tumpak na tawaging esfingi na tinatanghal ni Mr. Leeds.
Iminungkahi ni Simoun na puntahan nila ang ulong iyon upang malaman kung
may dimonyo o espiritu ba doon. Tinaggap naman iyon ng mga panauhin liban kila Pari
Salvi at Don Custodio.
Nagtungo na sila sa perya.

You might also like