You are on page 1of 17

LA CONSOLACION UNIVERSITY PHILIPPINES

KONSEPTONG PAPEL SA FILIPINO 2

IPINASA NI:
Renz Monique A. Ramos

IPINASA KAY:
Gng. Ramona R. Evanglista

Marso, 2015

EPEKTO NG DEPRESYON AT STRESS SA MGA ESTUDYANTE MULA SA COLLEGE


OF ALLIED AND MEDICAL SCIENCES NG LACONSOLATION UNIVERSITY
PHILIPPINES S.Y. 2014-2015
Panimula
Ang pagpasok sa kolehiyo ay isa sa mga hakbang na pinaka-aabangan ng
maraming estudyante sa hayskul. Bagamat ang iba ay nakaranas ng masaya o
matagumpay na buhay sa kolehiyo. Nariyan na ang problema sa pamilya, pera at
relasyon na maaaring maka abala o maging sagabal sa pag-aaral ng mga estudyante.
Karaniwang problema naman sa eskwela ay ang grado, reports, projects, class
standing sa klase, atbp. Dahil sa mga ito, masasabi na ang mga estudyante sa
kolehiyo ay nakakaranas ng mataas na lebel ng pagkahapo o stress at depresyon.
May ibat ibang dahilan sa pagkaranas ng stress at depresyon. Maaaring hindi
komportable ang isang indibidwal para sa isang sitwasyon ngunit maaaring masaya
naman ito para sa iba. Nararapat lang na maging mapanuri at magkusang tuklasin ang
mga bagay na nakaaapekto sa mga estudyante upang makaranas ng stress o
pagkahapo at depresyon, dahil marami itong maaaring maapektuhan. Maaaring
makatuklas ng paraan ng pag-agapay dito upang maiwasan ang matinding problema na
maaaring maidulot nito at maging matagumpay ang pakikitungo sa mga problemang
makakaharap sa buhay kolehiyo. Sa pag-aaral na ito na pinamagatang Epekto ng
Depresyong at Stress sa mga Estudyante mula sa College of Allied and Medical
Sciences ng La Consolation Univesity Philippines S.Y. 2014-2015 tatalakayin ng
mananaliksik ang mga karaniwang sanhi ng pagkahapo at depresyon at ang magiging
epekto nito sa isang indibidwal. Ibabahagi din ng pag-aaral na ito ang ibig sabihin ng
depresyon at stress o pagkahapo. Ayon kay Finkelstein (2000), Ang kahulugan ng

stress ay nagbibigay diin sa dalawang bagay: Pressure o Tension na nararamdaman


ng isang tao at mga implikasyon na maaaring idulot nito. Pag ang indibidwal ay
sinasabing nakakaranas ng stress o pagkahapo, madalas na ito ay nagtutukoy sa mga
negatibong damdamin at pag-aagam-agam na nararanasan ng isang tao kapag
mayroon itong labis na gawain o gawaing dapat gawin na hindi nito ninanais. Ang stress
ay maaari ring tumukoy sa mga bagay o gawain na nangangailangan ng matinding
pagpupursigi na maaaring maging sanhi ng pagkabalisa ng isang tao. At sa kasong ito
ang stress ay ang bagay o kaganapan na nagiging sanhi ng pagkabalisa ng isang tao.
Dahil dito, ang stress o pagkahapo ay karaniwang naiisip na isang negatibong paksa,
bilang isang estado kung saan ang mga tao at masyadong abala. Karamihan sa atin ay
hindi matukoy ang stress o pagkahapo sa mas malalim na detalye. Ang stress ay
presyon; ang stress ay ang tension na nilikha ng presyon; ang stress ay hindi kalugodlugod o kanais-nais. Alinsunod naman kina Ciccavelle & White (2012), Ang stress ay
ginagamit upang ilarawan ang pisikal, emosyonal, cognitive at pang-asal na tugon sa
mga kaganapan ng humahamon sa isang indibidwal. Ang stress o pagkahapo ay
kayang ipahayag o ipakita sa maraming paraan. Isa na ang problemang pisikal, ito ay
maaaring tumukoy sa hindi pangkaraniwang karanasan sa pagod, kakulangan as tulog,
pati narin ang mga sakit na nararanasan ng isang taong nakakaranas ng stress o
pagkahapo. Ang mga taong nakakaranas ng stress ay maaaring kumilos ng kakaiba
tulad ng: pacing, pagkain ng marami, paglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng
pag iyak, paninigarilyo, at pag-inom ng alcohol beverages higit sa karaniwang
nakasanayan o pananakit ng ibang tao. Problema sa emosyon naman kung
nakakaranas ang isang indibidwal ng pagkabahala, depresyon, takot at pakiramdam ng

pagkairita pati narin ang pagkaramdam ng galit at pagkabigo sa isang bagat.


Nakakaapekto naman ang stress sa pag iisip kung naaapektuhan nito ang
concentration, memorya at pagbuo ng desisyon ng isang tao at kadalasan sa mga
taong nakakaranas ng pagkahapo ay nawawalan ng sense of humor. Ayon kay
Bronson (1990), may dalawang uri ng stress o pagkahapo. Ito ay ang positibong stress
at negatibong stress. Positibo ang stress o pagkahapo kung ito ay tumutulong sa iyo
upang makamit at maabot ang mga layunin. Kapag sa tingin ng isang indibidwal ay
nasasabik o hinahamon ang sarili sa pamamagitan ng isang aktibidad, maaaring
nakakaranas ito ng positibong stress. Ang positibong stress o pagkahapo ay
nagagawang alerto ang isang tao upang itoy gawing tutok sa isang aktibidad o Gawain.
Nakatutulong ito upang matapos ng isang indibidwal ang isang Gawain na nais nitong
tapusin. Samantalang ang negatibong stress o pagkahapo o pagkabalisa is a stress
that can hold you back. Kapag ang napag-uusapan ng isang grupo ay tungkol sa
pagkakaranas ng matinding pagkahapo, ito ay natutukoy sa negatibong stress. Ang
matinding karanasan nito ay maaaring makaapekto sa kalusugan. Hango sa
elektronikong

sangunian

http://www.childrenshealthnetwork.org/CRS/CRS/pa_

depressp_bhp_tgl.htm Retrieved date:December 8, 2014 ang depresyon ay isang


kundisyon kung saan ang mga bata ay teen ay nalulungkot, nawawalan ng pag-asa, at
hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Ang depresyon ay maaari silang pigilan
na gawin ang mga pang-araw-araw na aktibidad. Ang depresyon sa mga bata ay
maaaring minsanang problema o maaaring magpatuloy. Karamihan sa mga bata
mahihirapan nang ilang lingo o buwan. Kung walang paggagamot, maaaring bumalik
ang depresyon at lumala. Ang mga batang nagkaroon na ng depresyon ay mas malaki

ang peligro ng depresyon sa huling mga taon ng kanilang kabataan at nasa sapat ng
gulang. May isa pang kahulugan ang depresyon, ito naman ay hango sa elektronikong
sangunian

http://abs-cbnnews.com/current-affairs-programs/10/12/12/salamat-dok-

teenage-depression Retrieved date:December 8, 2014. Ang depresyon ay isang


karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang tao ng labis na
kalungkutan. Ito ay namamana o kayay sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones,
problema sa neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan
papunta sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Ito maaaring
pangmatagalan o pabalik-balik.
Napili ng mananaliksik ang konseptong papel na ito sapagkat nais ng
mananaliksik na mailahad ang ibat ibang uri ng stress at depresyon na kinakaharap
ng mga estudyente sa mga kolehiyo mula sa College of Allied and Medical Sciences
department at matukoy ang mga paraan upang pag silbing ka-agapay sa mga ganitong
klase ng problema. Ni-nanais rin ng mananaliksik na maitaas ang lebel ng awareness
ng mga mambabasa lalo na ang mga estudyante mula sa College of Allied and Medical
Sciences department upang makahanap ang bawat estudyante ng solusyon para sa
stress at depresyon na kanilang nararanasan. Isa pang dahilan ay ang kagustuhan ng
mananaliksik na makatulong upang mamulat ang bawat estudyanteng nag-aaral sa
kolehiyo sa reyalidad na hindi lang simple ang maaaring maging dulot ng deresyon at
stress sa mga estudyante sa mga estudyante dahil sa panahon ngayon maraming sakit
na ang maaating mai-ugnay sa depresyon at stress sa kadahilanang may mga oras na
sobra sobra na ang nararanasang hirap at pagod ng isang estudyante kung kayat pati
ang kalusugan nito ay naapektuhan narin. Kung kayat ang konseptong papel na ito ay

binuo dahil sa kagustuhang maipabatid ng mananaliksik na mga mga kaso kung saan
hindi lang pag iisip ng isang estudyante ang maaari nitong apektuhan pati narin ang
pisikal na pangangatawan. At ang huli sa lahat, binuo ng mananaliksik ang konseptong
papel na ito dahil hindi lamang ang mga estudyante na mula sa College of Allied and
Medical Sciences o CAMS department ang maaaring matulungan dahil maaaring may
mga kaso kung saan magkamuka o magkatulad ang depresyon at stress na
nararanasan ng isang estudyante na mula sa CAMS department sa isang ordinaryong
estudyante dahil alam naman ng nakararami na may maitutulong ito sa lahat o ilan
mang na mambabasa kahit hingi ito kabilang sa mga estudyante na mula sa College of
Allied ang Medical Sciences department.
Naniniwala ang mananaliksik na ang konseptong papel na ito ay
mapapakinabangan ng mga sumusunod:

Mga estudyante kabilang sa department ng College of Allied and Medical


Sciences sa kadahilanang ang konseptong papel na ito ay binuo upang malaman
ang karanasan ng mga estudyanteng nasa departamyentong ito upang makabuo
ng solusyon at maagapan ang ano mang maaaring maging maging negatibong

epekto nito sa pag-aaral ng mga ng mga nasabing estudyante


Mga mambabasa ng konseptong papel na ito, sapagkat maaaring nakakaranas o
nararasan ng mga ito ang depresyon at stress na pinagdadaanan ng mga

estudyanten mula as CAMS department.


Mga mag-aaral na balak kumuha ng kursong may kaugnayan sa kalusugan tulad
ng mga kursong nabibilang sa CAMS department, upang malaman ng mga ito
ang mga maaaring maranasan pag tung-tong ng kolehiyo

Mga magulang at guro na makakabasa ng konseptong papel na ito, upang

kanilang malaman ang mga pinagdadaanan ng mga estudyante at anak.


Mga future researchers o mananaliksik upang pag silbi itong gabay o reference
kung sakaling may kaugnayan sa konseptong papel na ito ang napili nilang topic
o paksa.

Layunin
Pangkalahatang Layunin:
Nilalayon ng konseptong papel na ito na malaman ang epekto ng depresyon at stress
sa mga estudyante mula sa College of Allied and Medical Sciences ng La Consolation
University Philippines S.Y. 2014-2015.
Mga Tiyak na Layunin:
1. Matukoy ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng stress at depresyon ng
mga estudyante ng La Consolation University Philippines na mula sa College of
Allied and Medical Sciences department.
2. Matalakay ang karaniwang senyales na makikita sa mga estudyante ng La
Consolation University Philippines na mula sa College of Allied and Medical
Sciences department tuwing ang mga itoy nakakaranas ng stress at depresyon.
3. Maisa-isa ang paraan ng mga naturang estudyante kung paano nila
malalampasan ang naturang stress at depresyon.

Pamamaraan sa Pananaliksik
Gagamit ang mananaliksik ng mga sumusunod na pamamaraan:

Pag sasagawa ng mga Survey Questionnaire o Talatanungan.


Interview o Pakikipanayam.
Gagawa ng talatanungan ang mananaliksik na binubuo ng 10 tanong at ito ay

pasasagutan sa mga estudyante na mula sa College of Allied and Medical Sciences


department na mga mag-aaral sa La Consolation University Philippines.
Makikipanayam ang mananaliksik sa mga estudyante ng La Consolation University
Philippine na mula sa CAMS department sapagkat interesado ang mananaliksik na
malaman ang epekto ng stress at depresyon sa mga napiling estudyante at ninanais rin
ng mananaliksik na masolusyunan ang problemang naidudulot ng stress at depresyon
sa mga naturang estudyante.
Inaasahang Bunga
Inaasahan ng konseptong papel na ito na malaman ang epekto ng stress at
depresyon sa tao particular na ang mga estudyante sa La Consolation University
Philippines na mula sa CAMS department. Nais rin nito na makatulong sa mga
mambabasa ang mga impormasyong nakalahad sa research na ito at makagawa ng
solusyon sa problemang kinakaharap ng mga estudyante pati narin ang iba pang
nakakaranas ng naturang stress at depresyon.

Pagtalakay:

Hango sa elektronikong sangunian http://health.wikipilipinas.org/index.php/Stress


Retrieved date: January 18, 2015 Ang stress ay nararanasan ng karaniwang tao sa
bawat araw. Ito ay maaaring pagdaanan sa ibat ibang paraan at grado. Sa maliit na
paraan, ang stress ay maaaring makatulong sa isang tao. Kapag ang stress ay naging
mabigat at nagsimulang maapektuhan ang pisikal o mental na tungkulin ng tao, ito ay
nagiging isa nang problema. Ang stress ay isang normal na pisikal na tugon sa mga
pangyayari na maaaring magbigay ng pakiramdam ng pagbabanta o pagkabahala.
Kapag naramdaman ng isang tao ang panganib, totoo man o kathang isip lang, ang
katawan ay mabilis na dumidipensa. Ang tawag dito ay stress response. Ang stress
response ay ang paraan ng katawan upang depensahan ang tao. Kapag ito ay normal
na gumagana, tinutulungan nito ang tao na maging alerto, masigla, at maagap. Sa
panahon ng emergency o mahigpit na pangangailangan, ang stress response ang
nagbibigay ng dagdag na lakas upang ipagtanggol ang sarili. Halimbawa, ang stress
response ang naguudyok sa isang tao upang tapakan agad ang preno ng sasakyan
upang makaiwas sa aksidente. Ang mga lugar sa katawan na maaaring maapektuhan
ng stress ay

ang utak, ugat, kalamnan, kasukasuan, puso, tiyan, lapay, bituka,

at

ang reproductive system.


Ayon kay Lilienfeld et. Al. (2009), May ibat ibang pinang-gagalingan ang
pagkahapo o stress. Una na rito ang Hassles, ay karaniwang nararanasan sa pang
araw-araw na buhay. Kabilang sa mga halimbawa nito an gang pag sagupa sa
matinding traffic, mga gawaing bahay, at pagbabalanse ng oras sa trabaho at mga
relasyon lipunan. Ngunit ang akumulasyon ng araw-araw na hassle ay maaaring
maging dahilan ng hindi pagkawala ng pagkahapo o stress sa ating buhay. Ang Chronic

stress ay estado ng paulit-ulit na hindi mabuting samahan o presyon na maaaring


humantong sa pagiging magagalitin, at pagiging malumbay. Ang pangalawang
maaaring pagmulan ng stress ay ang mga kaganapan na nangyayari sa buhay o Life
events. Ang stress ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa buhay ng isang tao.
Maaaring ito ay mga negatibong kaganapan, tulad ng pagkawala ng mahal sa buhay o
pagka demote sa

trabaho. Maaaring positibong mga kaganapan, tulad ng pag

papakasal, pag tanggap ng promotion sa trabaho, o pagkakaron o pagsilang sa anak.


Sa ibang salita, ang mga pagbabago sa buhay na ngangailangan na mag adjust ang
isang tao ay maaaring magdulot ng stress. Hindi tulad ng hassle, ang mga kaganapan
sa buhay ay ang mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay. Kahit lahat ng tao ay
nakakaranas ng hassle at mga pagbabago sa buhay, ang ilang mga tao ay mas mahina
laban sa mga ganitong uri ng stress kaysa sa iba. Maaaring mas kaya ng mga ito ang
pinagdadaanan na stress dahil nasanay na ang mga itong nararanasan ang ganitong
uri ng stress. Ang iba naman ay maaaring kulang sa kakayahan na mag adjust sa mga
pangayayari sa sakanilang buhay. Ang isa pang pangunahing pinagkukunan ng stress,
ay ang frustration o ang mga negatibong emosyonal na nararamdaman tuwing ang mga
pagsusumikap ng isang tao ay nababaliwala o nasasayang. Tulad ng nararamdaman ng
mga kabataan tuwing nag aasam ang mga ito na makapag maneho ng kotse, makipagdate, o uminom ng alak. Hindi pinapayagan ng mga magulang ang mga ito sapagkat
ang iniisip ng mga ito ay bata pa ang kanilang mga anak upang gawin ang mga
ganitong gawain. Ang pang huling maaaring pagmulan ng stress ay ang tinatawag na
conflict, Ang conflict ay isang estado kung saan nakakaranas ng matinding tension na
nag mula sa presensiya ng dalawa o higit pang pagtutunggali ng mga layunin na

humingi resolution. Habang tumatagal ang pagkakaranas ng isang tao sa mga conflicts
na ito, mas tumataas ang lebel ng stress na kanilang nararanasan.
Hango

sa

elektronikong

sangunian

http://www.akoaypilipino.eu/gabay/ang-

stress-o-tensiyon-at-ilang-paraan-na-maiwasan-ito Retrieved date: January 29,2015


Ang pangmatagalang stress ay lubhang makakaapekto sa isang tao sa kanyang
pampisikal at sa pagisip. Ito ay maaring humantong sa sakit na lubhang depresyon o
pagkalungkot, atake sa puso, matinding pagsakit ng ulo, atbp. Ang tuloy-tuloy na stress
ay nakakaapekto sa pangaraw-araw na gawain, nagpapababa ng pagpapahalaga sa
sarili, nakakapanira ng magandang relasyon sa tahanan at kaibigan, pagbabawas sa
gana at pagiging produktibo sa trabaho at humahantong sa matinding pagsisi sa sarili.
Ayon kay Lahey (2002), May ibat ibang salik ng stress na maaaring makaapekto
rito. Una na sa mga ito ang prior experience with stress Ang reaksyon sa stress sa
pangkalahatan ay mas malubha sa tuwing ang isang indibidwal ay may ilang mga
karanasan sa mga nangyayaring kaganapan. Halimbawa, ang isang sundalo na pang
apat na beses nang sasabak sagera ay mas mababa ang mararamdaman at
mararanasan na stress kung ikukumpara sa isang sundalong unang beses palang
sasabak sa isang gera. Sa isang katuturan, ang mga ganitong kaganatapan ay
nagtutulak satin upang maexpose sa ganitong uri ng stressor o pinagmumulan ng
stress.

Pangalawang

salik

naman

ay

ang

Predictability

and

Control.

Sa

pangkalahatan, ang mga kaganapan ay mas mababa ang naidudulot na lebel na stress
kung ang mga itoy kayang kontrolin ng isang tao. At mas maiiwasan ang stress kung
ang isang indibidwal ay hindi nag papaapekto sa stress na kanyang nararansan at may
abilidad itong kontrolin ang stress upang hindi nito magawang apektuhan ang

pamumuhay ng taong iyon. Ang huli sa mga salik na nakakaapekto ng stress ay ang
tinatawag na Social Support. Ang epekto ng stress ay masasabing mas mababa para
sa mga indibidwal na mayroong good social support na maaaring mang-galing sa mga
malalapit na kaibigan at pamilya kung ikukumpara sa taong hindi sapat ang social
support na nakukuha sa mga taong nasa palid nito. Hindi pa nalilinaw kung paano
nakakatulong ang social support upang maiwasan o mabawasan ang dulot ng stress.
Ang pagkakaroon ng kausap sa tuwing may pinag dadaanan ang isang indibidwal, kung
ang isang tao ay nakakatanggap ng mga payo at supporta sa mga taong nasa paligid
niya. Malaking tulong ito upang malagpasan at maiwasan ang stress na nararanasan.
Alinsunod kay Nevid (2006), may epekto sa Endocrine at Immune system ang
stress o pagkahapo. Ang Endicrine System ay ang system sa katawan ng tao na nag
papakawala o naglalabas ng hormones direkta sa daloy ng dugo. Sa ilalim ng stress,
ang hypothalamus (a small endocrine gland located in the midbrain, coordinates the
endocrine systems response to stress) ay naglalabas ng corticotrophin-releasing
hormone

(CRH),

na

nagdedevelop

sa

pituitary gland

na

mag

secrete

ng

adrenocorticotrophic hormone (ACTH). Ang ACTH na dumadaloy sa dugo na napupunta


sa adrenal glands, pares ng endocrine gland na matatagpunaan sa ibabaw ng bato o
kidneys. Ang ACTH ay dinedevelop ang adrenal cortex upang makapag pakawala ng
hormones na tinatawag na corticosteroids (o cortical steroids). Ang hormones na ito ay
nakakatulong upang labanan ang stress sa pamamagitan ng pag gawa o pag imbak ng
mga sustansya upang matugunan ang pangangailangan at enerhiyang kinakailangan
ng isang tao upang kanyang makayanan ang pinadaraanang stress o pagkahapo. Ang
Immune System ng isang tao ay nakakatulong upang maiwasan ang mga sakit na

maaaring dumapo dito. Ang mga hindi kadalasang kaaranasan sa stress ay maaaring
hindi gaanong nakakapag bigay ng masamang epekto, ngunit ang matinding pagdanas
dito ay maaaring maging sanhi ng paghina ng immune system ng isang indibidwal na
maaaring magresulta sa madalas na pagkakasakit ng isang tao.
Ayon kay Rathus (2012), may ibat ibang paraan upang ang stress ay maiwasan
o malagpasan ang stress na nararanasan. Ang unang paraan na maaaring gawin upang
maiwasan ang stress ay ang Social Support. Ang Social support sumasaklaw sa
interpersonal relasyon sa mga tao, at ang mas malaking komunidad. Ang social
support ay maaaring makapag bigay sa isang indibidwal ng emosyonal na ginhawa,
pinansiyal na tulong, at mga impormasyon o kaalaman na maaaring makatulong o
gawin upang maging libangan ng isang tao, na makakatunglong upang malutas ang
problema, at magawang labanan ang mga nakababahalang mga sitwasyon. Pangalawa
sa mga paraan na maaaring gawin upang maiwasan ang stress ay ang tinatawag na
Gaining Control O pagkontrol sa stress. May ibat ibang uri ng pagkontrol. Ang unang
uri nito ay ang Behavioral Control ay ang kakayahang gawin ang isang bagay upang
bawasan ang epekto ng mga nakababahalang sitwasyon o pigilan ang pag-ulit nito. Ang
uri ng ganitong active coping ay tinatawag na problem focused at mas epektibo ito sa
pag iwas sa stress kung ikukumpara sa avoidance-oriented coping (pag-iwas sa
aksyon upang malutas ang aming mga problema o pagsuko sa problema).
Pangalawang uri ng pagkontrol ay ang Cognitive Control. Ito ay ang kakayahang
magisip kung maikukumpara sa ibang tao at ang pagiisip na ito ay nakakatulong upang
makatugon sa pagiwas sa mga pangyayari o kaganapang nakakapag dulot ng stress.
Ang uri ng kontrol na ito ay emotion-focused coping, isang stratehiya na mabisa sa pag

aadjust ng isang tao sa mga sitwasyon na hindi basta basta kayang kontrolin ng isang
indibidwal. Decisional Control ay ang kakayahang makapili sa mga alternatibong
aksyon. Informational Control ay ang kakayahang makakuha ng impormasyon tungkol
sa isang nakababahalang kaganapan. Ang mga taong nakikipag-ugnayan sa maagap
na pagkaya o pag iwas ay may posibilidad na mas maiwasan ang stress at magkaroon
ng mas maraming oportunidad. Ang huling uri ng control ay ang Emotional Control ito
ay ang kakayahang sugpuin at ipahayag ang mga damdamin. Pagsusulat sa isang
diary, halimbawa, ay maaaring pangasiwaan ng emosyonal na kontrol at maariong
paglabasan ng saloobin. At ang huling paraan upang maiwasan ang stress ay ang
Flexible Coping ito ang kakayahang isaayos o pag buo ng mga diskarteng diskarte
bilang ang sitwasyon pangangailangan ay mahalaga upang contending na may
maraming mga nakababahalang mga sitwasyon.

TALASANGUNIAN
Hango sa Aklat:

Broson, M. (1990). Teen Health, United States of America: McGraw Hill


Companies Inc.
Ciccavelli, S. & White, N. (2012). Psychology, Philippines: Pearson Education
South Asia Pte. Ltd.
Finkelstein, J. (2000). Biobehavioral Health, United States of America: McGraw Hill
Companies Inc.
Lahey, B. (2002). Essentials of Psychology, United States of America: McGraw Hill
Companies Inc.
Lilienfeld, S. et.al. (2009). Psychology from Inquiry to Understanding, United State of
America: Pearson Education, Inc.
Nevid, J. (2006). Essentials of Psychology Concept and Applications, United States of
America: Houghton Mifflin Company.
Rathus, S. (2012). Psycology, Philippines: ESP Printers, Inc.

Hango sa Elektronikoong Sangunian:


http://www.childrenshealthnetwork.org/CRS/CRS/pa_depressp_bhp_tgl.htm
http://www.abs-cbnnews.com/current-affairs-programs/10/12/12/salamat-dok-teenagedepression
http://health.wikipilipinas.org/index.php/Stress
http://www.akoaypilipino.eu/gabay/ang-stress-o-tensiyon-at-ilang-paraan-na-maiwasanito

TALATANUNGAN
Pangalan: ______________________________________

Kasarian: _____________

Kurso/ Taon: ____________________________

Edad: _______

Panuto:
12345-

Walang stress o depresyon na naidudulot


Nakakaranas ng stress ngunit hindi nakakaapekto o hindi ini- inda
Minsanang dahilan ng stress at depresyon
Madalas na dahilan ng stress at depresyon
Laging dahilan ng stress at depresyon

I-rate ang bawat Pinagmulan ng Stress at Depresyon:


5

1.Pera
2. Grades / Class Standing
3.Pamilya
4.Test / Exams / Projects / Reports
5.Mga kaibigan / barkada
6.Relasyon (Boyfriend/ Girlfriend)
Lagyan ng tsek () ang mga sagot.
7. Ano ang iyong nadarama sa tuwing nakakaranas ng stress at depresyon?
___ Galit

___ Pagod

___ Natataranta

___ Kawalan ng ganang kumain

___ May pagkayamot

___ Cravings ( sa pagkain)

___ Balisa

___ Pananakit ng ulo / Head ache

___ Focused / Nakatuon sa Gawain

___ Insomnia

8. Komportable ka ba sa lebel ng stress at depresyon na iyong nararanasan?


___ Oo.

___ Hindi.
9. Nakakapag focus / nagagawa mo ba ng maayos ang iyong mga gawain sa tuwing
ikaw ay nakakaranas ng naturang stress at depresyon?
___ Oo.
___ Hindi.
10. Sa paanong paraan mo kinakaharap ang stress o depresyon na iyong
nararanasan?
___ Pag e-ehersisyo
___ Pagkikipag usap sa mga kaibigan
___ Pakikinig sa kanta
___ Pagtulog
___ Pag babasa ng mga libro
___ Pag da-deit
___ Hobby (Pagtugtog ng gitara, pag lilinis)
___ Illegal Drugs / Pinag babawal na gamot
___ Pag inom (Alcohol / Alak)
___ Paninigarilyo

You might also like