You are on page 1of 3

Name: Miguel Zacharias S.

Ibero
Date: 12/03/14
BB. Angelie Narciso

Halimbawa ng Pormal na Sanaysay


Tamang Pangangalaga ng Kabayo

Ang sanaysay na ito ay magbabahagi sa inyo ng ilan sa mahahalagang


impormasyon tungkol sa tamang pangangalaga ng kabayo. Mahalagang
malaman ang mga panuntunan sa pangangalaga ng kabayo upang hindi
magkaroon ng problema sa kasalukuyan at hinaharap. Makakaiwas rin ang
kabayo sa anumang panganib na maaaring magdulot sa kanya ng
kapahamakan. Basahing mabuti ang sanaysay na ito upang makapulot ng
kaunting kaalaman sa tamang pangangalaga ng kabayo o (proper horse
care).

Mahalaga na mabigyan ang iyong alagang kabayo ng sapat na tubig lalo na


sa panahon ng tag-init upang maiwasan ang dehydration. Ang dehydration
ay makakasama sa kalusugan ng iyong kabayo kayat nararapat lamang na
isaalang-alang ito upang maiwasan ang mga problema. Maaari siyang ilagay
sa isang lugar kung saan makakakuha siya ng tubig sa lahat ng oras. Isang
magandang ideya rin na paliguan siya ng regular upang makasiguro na hindi
siya tatamaan ng heat stroke, Maraming kabayo ang namamatay sa
ganitong panahon dahil sa ganitong kalagayan. Laging tandaan, mapanganib
ang heat stroke.

Ilagay sa tamang lalagyan ang tubig na ipaiinom sa iyong alagang hayop.


Kinakailangan na naaabot ng kanyang bibig ang anumang lalim ng timbang
pinaglagyan ng tubig. Kailangan din na malinis ang tubig at walang anumang
bagay na kasama nito. Sanaysay sa Filipino.

Gumamit ng mataas na kalidad ng joint supplements. Gusto mong


siguraduhin na nabibigyan mo ng mataas na kalidad ng joint supplements at
mga bitamina ang iyong kabayo. Ang kanilang mga activities ay maaaring
nakakapinsala na sa mga bahagi ng kanilang katawan lalo na sa kanilang
mga kasu-kasuan. Ito ay maaaring magdulot ng joint injuries. Kailangan na
pangalagaan natin at maiwasan ang mga pilay sa kanilang mga joints.
Ugaliing kumunsuta sa isang beterinaryo upang masiguro ang kalusugan ng
mga kabayo.

Ang mga doctor ng hayop ay maari ring hingan ng payo tungkol sa pag-iwas
na bumigat ang timbang ng iyong alagang kabayo. Kapag bumigat ang
timbang nila, maaari silang mahirapan sa kanilang araw-araw na activities.
Bunga nito, ang kanilang mga joints ay maaaring mapinsala bunga ng
kanilang mabigat na timbang .

Ang pagmamay-ari ng isang kabayo ay isang malaking responsibilidad. Tulad


ng pagmamay-ari ng anumang mga alagang hayop, dapat mong ilagay ang

iyong sarili sa isang mahusay na desisyon at pag-isipang mabuti bago ka


magpasyang bumili ng isang kabayo. Dahil ang karamihan sa mga tao ay
may kagustuhang magkaroon ng kabayo bilang alaga, dapat mong unang
isaalang-alang ang paghahanap ng isang angkop na kabayo na nababagay
sa iyong lugar. Gayundin, isaalang-alang din ang iyong nais at
pangangailangan. Kung ikaw o ang iyong lugar ay limitado, huwag mo nang
pangarapin pa ang ganitong uri ng alaga.

Halimbawa ng Di Pormal na Sanaysay

Istorya ng Pinto
Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng
bulaklak, tindahan ng kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos
ang kinita ng mga sinehan, restawran at mga motel maging ang mga pabrika
ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng Valentines Day ay binalot
sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit kaunting
saya ang pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pagaalala ng nagbigay sa binigyan. At ang kilig na naramdaman sa piling ng
iyong pinakamamahal ay nakamit sa pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa
simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang mahalagay tumitibok ang puso ng
bawat isa. And love is in the air.
Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga
manok sa kapitbahay. Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan
paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at siguro ay ako pa lamang ang
gising sa hanay ng mga bahay sa lugar na ito.
Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar
na kung saan ko hinasa ang aking tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko,
hindi natutulog ang oras. Laging maingay. Laging magulo. Libangan ng tao
ang makipag-away sa kapitbahay.
Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong
mahalin ang lugar na iyon kasama ng pagyakap ko sa mga taong
nakakasalamuha ko sa araw-araw. Naroon nga ang ingay at gulo ngunit
naroon din ang sayat ligaya na dulot ng pagsasamahan. Laging masigla ang
buhay. Gigising kang masaya at matutulog na may ngiti sa mga labi habang
sinasanay ang sarili sa pagtanggap sa mga aberya.
Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit
sandali. Tangay sa paligid ang katahimikan at sa umagay gigising kang
kapiling ang halumigmig ng simoy ng hangin. Okay na rin kahit paano. Dito
ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng ingay ng Maynila.
Narito ako ngayon sa isang lugar na payapang namumuhay ang mga tao.
Wala sa pusod ng laging nagmamadaling lungsod.
Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang
marahil. Hindi dahil sa wala akong pagpipilian kundi dahil siguro karapatdapat lamang siyang mahalin. Matamis mamuhay sa isang lugar na ang
musika sa katanghalian ay huni ng mga ibon sa kalapit na punongkahoy.

Masarap sa pakiramdam na ang kaniig mo sa gabi ay ang ilaw ng mga


alitaptap at liwanag ng buwan sa kabukiran. Ang anag-ag ng kumukititap na
mga bituin sa langit ay parang bonus na lamang sa buong magdamag.
Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa
buhay na maraming pangarap. Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libolibong tukso sa pagkatao. Okay na rin kahit paano. Masasanay din ako
Nasasanay na rin ako
Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin.
Tumatayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Pinihit ko ang seradura ng
pinto ngunit sa laki ng aking pagkamangha ay hindi siya sumang-ayon.
Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina, nakapindot sa loob ng
hatakin ko pasara. Laking katangahan!
Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong ina.

You might also like