You are on page 1of 2

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG AARAL AT LITERATURA


Ang kaibahan ng natural na shampoo sa mga artipisyal na shampoo ay nagdudulot ng
mga argumento kung kayat madami din ang mga nagbibigay ng opinyon tungkol dito. Ayon kay
harryr,isang blogger sa squidoo.com, ang tradisyonal at mga shampooing kemikal ay nagging
popular sa mahabang panahon sa ibat-ibang dahilan. Unang-una, nakilala ang produktong ito sa
mga maliliit na tindahan at ibinibenta sa murang halaga, kaysa sa organikong produkto na kauri
nito. Subalit ito ay kung papaano nila inaayos ang buhok ng gumagamit. Ayon sa mga
mananaliksik. kakaunti lamang ang benepisyo nito kumpara sa organikong shampoo.maliban sa
mura ito, ang hindi oraganikong shampoo ay nakakasama sa iyong buhok. Bago mo gamitin ang
tradisyunal na shampoo, gugustuhin o hahanapin mo muna ang benepisyog dulot nito sa buhok
mo. Ang organikong shampoo at conditioner ay mayaman sa bitamina at mineral, natural na
langis at herbal. Makikita mo sa telebisyon ang mga patalastas tungkol sa tradisyunal na
produktong pang-buhok na mayroong natural na sangkap tulad ng coconut oil at aloe vera.
Subalit, kung titignan mo ang lebel o antas ng produkto makikita mo na mayroon lamang itong
kaunting natural na sangkap at marami ang sintetik na material o sangkap. Tandaan na pag
maraming sintetik na materyal ang ating ginagamit ay masama ang naidudulot nito sa katawan.
Sa isang banda, ang organikong shampoo ay mayroong natural na materyal at konti lamang ang
sintetik na materyal nito.
Ayon sa ilang pag-aaral ng organic benefits, may 90% sodium laurel sulfate ang mga
hindi organikong komersyal na shampoo na nagdudulot ng iritasyon sa mata ng mga kabataan na
nagreresulta sa katarata. Sa parehong sangkap, naniniwala ang mga siyentipiko na maaaring ang
mga ganitong produkto ay magdulot ng pagkalagas ng buhok, mapababae man o lalaki. Ang
organikong shampoo ay walang halong pesticides at sintetikong sangkap. Ang tunay na organic
na shampoo ay nagmula sa botanika at prutas. Itoy walang toxicm nabubulok at mayaman sa
bitamina. Walang parabens, petrochemicals at sodium laurel sulfate. Ang organikong shampoo
ay hindi nakakasama sa halip, ito ay benipisyal sa anit at buhok. Nakakatulong din ito sa ating
skin cells at hair follicles na may natural na langis. Nakakatulong itong palaguin ang buhok at
maging kaaya-aya, malambot at makintab. Sa susunod na pipili ka ng isang shampoo, pakatatandaan na ang gamit nito ay hindi nakabatay sa itsura nito.
Ayon sa Health and Beauty website, sa ibang normal na shampoo, mayroong artipisyal na
sangkap na sadyang masama sa ating kalusugan. Pamilyar ditto ang SLS o Sodium Laurel
Sulfate. Ang gawain nito ang nagdudulot ng foam na nararanasan natin sa normal na shampoos.
Ganun pa man, may mga pagsusuri na lumabas na pumapasok ito sa ating katawan at iniiwan sa
mga internal na bahagi ng organ. May dalawang aspeto ng organiko laban sa hindi organikong
shampoo sa debate. Una nga, ang pag-alis ng SLS kapag walang foam. Ginagamit ang foam
kapag ang tao ay nagpalit, hindi na muling tatalab kaya ang tanging paraan na kailangan ay
bumili ayon sa itinakdang araw bataw sa inyong nakasanayang gawi.
Ayon din sa spesipikong paglatag ng shampoo ng website na
EffectivePapers.blogspot.com, fruity (Clairol) o flowery (bath and body work) ngunit mas
kadalasan ay (TRESemme, Avon, Pantene, Nexxus, Redken, Salon selectives, Paul Mitchel)
gumagamit ng ibat- ibang kulay ng bote at maliit na letra sa kanilang lagayan.

Pang huli, ayon sa website na myonlinefair, maraming mga kemikal at sangkap na dapat
tignan sa pagbili ng shampoo at conditioner dahil ilan sa mga ito ay nakakabuti sa ating buhok at
ang ilan naman ay nakakasama. Ilan sa mga mabuting sangkap na dapat taglayin ng shampoo na
ating bibilhin ay ang Laureth Sulphates , Fruits Sugar , Rosemary , Juniper , Cedarwood , Tea
Tree , Chamomile , Lemongrass , Almond , Aloe Vera , Comfrey , Lavender , Nettle , Ginger Root
, Coconut , Macassar , at Safflower. Ang mga sangkap na ito ay nagdudulot ng paglago,
pagkintab, pagbibigay ng volume at pagpapanatiling malinis ng ating buhok. Ang mga masamang
sangkap naman ay ang Sodium Laurel Sulfate and Sodium Laureth Sulfate, Lauramide DEA, at
Propylene Glycol. Ang mga sangkap na ito ay hindi maganda sa ating buhok sapagkat
nakakapagdulot ito ng pagkasira at pagkatanggal ng natural na ganda ng ating mga buhok.

You might also like