Malayo na ang narating ng tao sa lahat ng larangan at
aspekto. Ang teknolohiya, siyensiya, moda, pelikula,
medisina at iba pa ay malayong-malayo na kumpara sa ngayon. Ganundin ang pananampalataya, kaugalian, paniniwala, kasabihan at iba pang lumang nakagawian nang mga tao ay iba na rin sa kasalukuyan. Kung hindi man ito tuluyang nabago ng modernong panahon karamihan naman ay lubusang nag-iba siguroy nakatakda talaga ito dahil ang tao noon at ngayon ay malaki ang pagkakaiba. Ano-ano ito? Halika, liripin natin ang ilang pagkakaiba at pagbabago ng noon at ngayon. Mula sa may kababawan hanggang sa may kalaliman. Noon. Hindi lahat ng babae ay maganda. Ngayon. Hindi lahat ng maganda ay babae. Noon. Ang virginity sa kababaihan ay isang malaking isyu. Ngayon. Pangkaraniwan na lamang sa magkasintahan ang premarital sex.
Noon. Karamihan sa kababaihan ay tipong Maria Clara.
Ngayon. Karamihan sa kababaihan ay liberated na.
Noon. Ang tattoo sa
katawan ay iniuugnay lamang sa mga preso at exconvict. Ngayon. Ang tattoo kahit anong itsura ay itinuturing naform of art. Noon. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga naka-shorts at nakatsinelas sa mga establisimiyento. Ngayon. Cool nang maituturing kung ikawy naka-shorts ng ubod ng igsi at nakatsinelas lamang kahit saan ka man magtungo. Noon. (Halos)Libre ang inuming tubig at ligtas kahit galing sa gripo. Ngayon. Debote na ang tubig at mineral ang tawag kahit hindi naman. Noon. Ang pagmamano, pag-gamit ng po at opo ay pangkaraniwan lang sa kabataan.
Ngayon. Ang pagmamano, pagsasabi ng po
at opo ay bihira na lang at tila di komportable ang kabataan sa pag-gamit nito .
Noon. Kuntento at nakangiti na
ang masang Pinoy sa matamis na kamote at kapeng barako. Ngayon. French Fries at kape sa Starbucks ang paborito nang naghihirap daw na Pinoy. Noon. Ang singko, mamera lalot ang piso ay malaki ang halaga at marami ang mabibili. Ngayon. Halos wala ng halaga ang sampung pisong nasa bulsa mo. Noon. Tuwing Huwebes ay may mga bagong pinapalabas na pelikulang Pilipino.
Ngayon. Tuwing ikalawang buwan na lang
halos magpalabas ng pelikulang Pinoy. Noon. May sense ang karamihan sa mga mga programa sa telebisyon, kanta at pelikula. Ngayon. Kahit walang kwentang kanta ay bumebenta, kahit paulit-ulit na teleserye ay mataas ang rating at kahit na walang kwenta ang istorya ay pwede ng pelikula. Noon. Malaki ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang na isang sutsot pa lang ay agad na tumatalima ang anak. Ngayon. Halos wala ng galang ang mga anak sa magulang. Kahit lawit na ang dila ng magulang sa kakasaway ay hindi pa rin sumusunod ang anak. Noon. Halos isang tao lang ang kinasusulakman at kinaiinisan ng mga Pinoy sa pulitika. Ngayon. Halos lahat ng pulitiko ay kinaiiritahan at kinaiinisan ng mga Pinoy. Noon. Malaki ang pag-galang ng mga tao sa mga Pulis at Militar. Ngayon. Itinuturing na ng maraming Pinoy na notoryus ang Pulis at militar at tipong di
ka ligtas sa kanila dahil sa ibat-ibang
kontrobersiyang kanilang kinasasangkutan.
Noon. Isang sagrado at pinahahalagahan ng husto ang
privacy ng mga tao. Ngayon. Halos lahat na ng mga tao ay isinisigaw at isinahihimpapawid pa ang bawat kilos, galaw at lugar na pupuntahan sa pamamagitan ng facebook, twitter, blog at online journal. Noon. Itinuturing na luho ang pagkain ng mansanas at iba pang angkat na prutas dahil sa kamahalan ng halaga nito. Ngayon. Bagamat hindi na luho at mahal ang halaga ng mansanas marami pa rin naman ang hindi makakain nito dahil sa kawalan ng pera.
Noon. Library, Recto at
hard to find encyclopaedia ang sources ng research at term papers. Ngayon. Google, Wikipedia at iba pang search engine sa Internet ang katapat ng anumang impormasyon kailangan mong malaman. Noon. Napakamahal at aabuting ng mahabang panahon bago ka magka-telepono.Simbolo rin ito noon ng karangyaan. Ngayon. Minuto lang ang iyong kailangan para ikawy magkatelepono at ito ay sa murang halaga. Noon. Pilit na ikinukubli nang kalalakihan ang kanilang pagkabading. Ngayon. As early as 10 years old ay lantarang ipinapakita na ang kabadingan. Noon. Proud ang bawat Pilipino sa likas at taglay na kulay kayumanggi.
Ngayon. Marami sa mga Pilipino ay nais
pumuti kaya malakas ang benta ngGlutathione kahit itoy mahal. Noon. Halos bawat kanto ay may pabasa o pasyon sa panahon ng Semana Santa. Ngayon. Halos wala ka nang nakikita o naririnig na pabasa o pasyon sa panahon ng Semana Santa. Noon. Napakahalaga ng buhay at isusugal at isasakripisyon ng ina ang mismong sarili niyang buhay para lamang sa anak. Ngayon. Walang pakundangan at walang respeto sa buhay ang marami sanang ina dahil ayon sa pag-aaral higit sa kalahating milyong sanggol ang intensyonal na pinalalaglag taon-taon. Noon. Ang anumang uri ng panlalait sa kapwa ay itinuturing na masamang gawain. Ngayon. Ang panlalait ay isa na lang pangkaraniwang ugali ng marami at marami-rami na rin na pinagkakakitaan ang gawaing ito.
Noon. Banal at Sagrado ang pag-gunita ng mga Pilipino
sa Semana Santa. Walang radyo, walang telebisyon at walang maingay. Ngayon. Marami ang sinasamantala ang panahong ito para magliwaliw at magbakasyon sa ibat-ibang beaches at pool, may mga bukas na bar, sinehan at iba pa maging sa araw ng Biyernes Santo lalo na ang Sabado de Gloria. Noon. Hinahangaan tayo ng bansang South Korea dahil sa ganda ng ating ekonomiya. Ngayon. Pilipinas na ang humahanga sa bansang South Korea sa ganda ng kanilang ekonomiya. Noon. Muntik ng maging mayaman ang bansang Pilipinas. Ngayon. Ang Pilipinas ay kabilang na sa pinakamahihirap na bansa sa mundo. Hindi na nga maikakaila na napakalaki na nang pagbabagot pagkakaiba ng noon at ngayon. At sa darating pang mga panahon ay marami pa ang magaganap na pagbabago. Kung kailangan nating sumabay sa pagbabago at agos ng panahon ay hindi ko
alam dahil maraming pagbabago ang hindi angkop sa
nais nating mangyari datapwat tutol man tayo dito ay wala tayong magawa. Madalas kung ano pa ang ayaw mong magbago yun pa ang may malaking pagbabago. Sabi nga eh, walang permanenteng bagay dito sa mundo kundi ang pagbabago (bukod siyempre sa buwis).
IBA NATO ANDREW
Diba ba kapag kumakain, ang buong pamilya ay dapat sabay-sabay nagdadasal ?Ngayon napapansin ko na di na magkakasama ang buong pamilya sa hapag kainan at kung minsan ay nalilimutan magpasalamat sa Panginoon. Ito pa,ang paggalang sa matatanda .Syempre alam natin yan.Perokailangan ba talagang kalimutan natin ang asal na ito?Dahil ba busy sa eskwelahan ,o kaya naman nahihiya,NAKAKALIMUTAN,O baka naman WALA TALAGANG GALANG MAGSALITA !Gusto nyo bang bastosin din kayo ng anak nyo,apo nyo,apo sa tuhod,apo sa talampakan(kung buhay pa naman kayo sa panahong iyon ). Isa pa sa kulturang Pinoy ay pagsasalita ng po at opo.Ngayon kasi parang magkasing edad ang mas nakakatanda sa atin.Titingnan natin ito ng masama kapag dinidisiplina ang masasama natin asal,hindi ba ito ang ginagawa natin? Sa pananamit naman natin ,di ba barong tagalog at barot saya ang suot noong una. Bakit sinusuot lang ito pag may okasyon at dun sa hindi ko nabanggit ,panay ko nalang nababanggit at iba pa kapag wala na akong maisip.
KAYA DAPAT LAGING TANDAAN:
Ang paglimot ng kultura ay paglimot sa ating sariling pagkatao.
Ang paglingon sa pinanggalingan ay labis na pinahahalagahan sa
kulturang Filipino. Hindi tayo maaaring lumimot, lalung-lalo na sa mga nagawa at nakamit ng ating mga magigiting na ninuno. Hindi kailanman tayo makakalimot lalo na kung ang galos ng nakaraan ay siya pa ring kumikirot at sanhi ng hindi pag-unlad ng bayan. Sa ating pagkilala at pagtanggap sa pinagmulan, pinatitibay din natin ang ating pagkatao. Pinaalalahanan natin ang sarili na ang ating nakaraan ay hindi naging madali, at ang siyang nagbibigay ng kabuluhan sa ating kasalukuyan. Ngunit maaari rin kaya na ang kasalukuyan at ang kaniyang patutunguhan ang siya namang magbigay ng kabuluhan sa ating nakaraan? Maaari kaya tayong lumingon nang paharap, matapos matuto sa nakaraan, at piliing sumulong sa halip na magpabalikbalik sa mga panahong nakalipas na? Ang ating kasaysayan ay napupuno ng ibatibang Pilipinong pumili sa direksiyong ito. Mga kahanga-hangang Pilipinong nanguna sa kanilang mga larangan at kapanahunan sapagkat ninais nilang abutin ang mga pangako ng hinaharap. Walang takot, walang pag-aatubili, na nangarap at kumilos upang tulungang maiangat ang kanilang kapwa tao. Walang tigil silang nagmasid sa higit pang malayo upang mas mainam na maihanda ang kasalukuyang landas patungo sa isang maginhawang bukas. Ang mga PIONEERS, o ang mga nanguna, kung sila ay tawagin, ang mga karapat-dapat na halimbawa sa patuloy nating pagsulong, at siyang makapagbibigay ng kahulugan sa lahat ng ating napagdaanan. Ang isyung ito ay isang pagkilala sa lahat ng
mga Pilipinong matapang na nauna at nangunguna sa pagtahak
sa hindi tiyak na hinaharap
Ano nga ba ang kulturang Pinoy? Ano nga ba ang pinagkaiba
nito noon at ngayon? Kulturang Pinoy, ito daw ang mga nakasanayan na nating Pinoy na gawin. Malaki na nga ang pinagkaiba noon at ngayon lalo na sa kultura. Gaya ng wika, ang kulturang Pinoy ay dinamiko, nagbabago. (1) Panliligaw ng lalaki sa babae. Noon, ang mga lalaki ay nagsisilbi sa magulangng babae; nandiyan ang pagsisibak ng kahoy, pag-iigib ng tubig o samakatuwid, pagpapaalila sa magulang ng babae. Kasama pa diyan ang panghaharana ni lalaki kay babae. Mahaba din ang panahon ng panliligaw at malas si lalaki kung hindi siya sagutin ni babae. Ngayon, hindi na kailangan dumaan kay nanay o kay tatay, kahit walang basbas nila ay maaari ng manligaw. Nandiyan na kasi ang text, facebook, chat, at love match sa mga radyo. Meron namang ilan na nakikilala lang sa pagdiriwang, maya-maya ay magsyota na (magkasintahan). Ika nga ng matatanda, noon, dadaan ka sa butas ng karayom bago ka sagutin ng babae. Ngayon, para nalang itong isang laro, madaling umpisahan at tapusin. (2) Kasal. Noon, may sayawan pa sa gabi bago ang kasal, may bigayan pa ng pera ang mga ninong at ninang pagkakatapos ng kasal, hindi maaaring magsama ang lalaki at babae bago ang kasal o kahit magkita ay bawal, at higit sa lahat, ang mga ito ay ikinakasal sa simbahan. Ngayon, ikakasal ang magkasintahan kahit hindi pa nila gusto kundi dahil buntis na ang babae. Maaari na rin kahit hindi sila sa simbahan ikasal. Nauso din noon ang fix marriage o ikakasal ang hindi magkakilalang Eva at Adan dahil sa kagustuhan ng kanilang angkan. Ngayon ay bihira nalang ang gumagawa ng ganyan. Ika nga ng matatanda, ang pag-aasawa ay hindi parang isang mainit na kanin na kapag isinubot napaso ay iluluwa, matutong magtiis kahit napapaso ang dila. (3) Po at Opo. Noon, kapag tinawag ka ni nanay o noi tatay at sumagot ka ng walang po o opo, siguradong dudugo ang bibig mo dahil sa sampal. Kailangan din ang po at opo kapag sumagot
ka sa nakatatanda sayo. Ngayon, kapag tinawag ka ni nanay o ni
tatay kahit hindi ka sumagot ng po o opo ay ayos lang. ika nga ng matatanda, iba na talaga ngayon ang kabataan kaysa noon, mga BASTOS na. (4) Kasuotan ng kababaihan. Noon, ang sinusuot lamang nila ay mga damit na mahahaba ang manggas, palda na mahaba, at abaka. Ngayon, ang makikita mong suot nila ay sando o sleeveless, short na maiksi, at mga matataas na takong o sandals na makulay, pula, itim, dilaw atbp. Ika nga ng matatanda, ang mga kababaihan ngayon ay wala ng tinatago. (5) Pagkain. Noon, sapat na sa mga Pinoy ang kamote, saging na saba, gulay o anumang tanim na galing sa bakuran basta sabaysabay kumakain ang pamilya. Ngayon, ang kinakain na ay pasta, matatamis na pagkain, karne atbp. Kahit hindi na rin kumain ng sabay-sabay dahil ang iba ay sa mga fast food na kumakain. Ika nga ng matatanda hindi masaya ang mga Pinoy noon kung walang mga gulay. Ngayon, ayos lang sa mga Pinoy kung may gulay man o wala. Hindi masamang magkaroon ng bagong kultura basta hindi ito makasasama sa ating bansa.