You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

University of Rizal System


Pililli, Rizal
KOLEHIYO NG EDUKASYON

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 1


(Kasaysayan ng Pilipinas) Gamit ang Inquiry Approach.

I. LAYUNIN:
Sa Pagtatapos ng aralin, ang mga magaaral ay inaasahang makatatamo ng kasanayan
na;
A. Natutukoy at naiisa-isa ang mga Bayani ng Pilipinas sa Panahon ng Kastila.
B. Napahahalagahan ang mga nagawa ng mga Bayani para sa bansang Pilipinas.
C. Naipapakita ang kabayanihan sa pamamagitan ng Pagsasadula.

II. PAKSANG ARALIN: Ang mga Bayani ng Pilipinas sa Panahon ng mga Kastila.
SANGGUNIAN: Kasaysayan ng Pilipinas at Konstitusyon pp. 43-58
MGA KAGAMITAN: Mga Larawan, Ilustration Board, Tsart, at yeso.
PAGPAPAHALAGA: Pagka-Nasyonalismo, at Patriotismo.
III. PAMAMARAAN:
GAWAIN NG GURO
A. Panalangin
Bago tayo magsimula ninaanyayahan ko
kayong tumayo para sa isang maikling
panalangin..
Panginoong Dios,
Buong kababaang loob na kami po ay
nmagpapasalamat sa iyo, sa lahat po ng
mga kabutihang ipinagkakaloob mo sa
amin. Nawa ay pakipatnubayan mo po ang
gagawin naming talakayan at
makapagdulot kami ng kapurihan sa iyo.
Amen!
B. Pagbati
MAGANDANG UMAGA CLASS! :)

GAWAIN NG MAGAARAL

MAGANDANG UMAGA DIN PO

Sige, maaari na kayong maupo.

C. Pagtatala ng Pagpasok/Liban
Andres, bilang Pangulo ng Klase maaari
mo bang iulat kung sino ang liban sa klase
ngayon?
Magaling !
D. Pagwawasto ng Takdang Aralin:
Kahapon ay nagbigay ako ng takdang
aralin sa inyo tama ba?
Ginawa ba ninyo ito?
E. Pagbabalita:
Class, lahat ba kayo ay nanood ng balita
kagabi,? Sige nga sino ang maaring
magulat ng kanyang napanood na balita
kagabi?
F. Pagbabalik Aral:
Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa
Deklarasyon ng Kalayaan ng pilipinas
mula sa mga kastila, tama ba?
Kalian nga ito ideneklara?
Saan?
Sino ang nanguna ditto?
Magaling ! kumbinsido ako na natutunan
nga ninyo an gating nakalipas na aralin :)
G. Pagganyak:
Ngayon naman bago natin buksan ang
panibagong yugto ng ating talakayan,
mayron akong inihandang maikling
patimpalak na tiyak kong gigising sa mga
natutulog ninyong interes at kahusayan sa
pagaaral.
Ito ang Larong, "4 IN 1"
Ibig sabihin sa apat na larawan na
ipakikita ko sa inyo, ay iisipin ninyo ang
isang ideya na syang magbubuklod sa
mga ito.
Handa naba kayo?
Una MAGALING!
Ikalawa.. MAHUSAY!
At Ikatlo.. MAGALING!
Ngayon sa mga salitang naisagot ninyo,
sino ang maaaring magbuo nito para sa
isang pangungusap?
TUMPAK!!!
Palakpakan niyo ang inyong kaklase..
B. PAGLALAHAD:
Class, Nagkaroon nga ba ng masasabi

G.MORANO, MABUHAY !
Nagagalak po akong iulat na wala pong
lumiban sa klase natin ngayon.

Opo sir.
Opo sir.

Sir. ( current news)

Opo sir.
Sa kawit, Cavite po
Si Heneral Emilio Aguinaldo po..

Sir. Alam kopo yan ! :)

Handa napo sir.


PILIPINAS?
MGA BAYANI?
PANAHON NG KASTILA?
Sir, hmmm.. MGA BAYANI NG PILIPINAS
SA PANAHON NG KASTILA?

Meron po sir.

nating mga Dakilang Filipino sa Panahon


ng Mga kastila?
Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ni ilan?

Lahat ng nabanggit ninyo ay tama! Pero


para bigyan ng hustisya ang inyong mga
naisagot ay iisa-isahin natin ang mga
iyan..
Mayroon akong inihandang mga Larawan,
una nais kong tingnan at nkilalanin ninyo
kung sino ang nasa larawan..
Unang larawan,
Sino ang nasa larawan?
Ano ang kumpletong pangalan ni Dr. jose
Rizal?
Kalian sya ipinanganak?
Siya ba ay tinaguriang?
Ano nga pala yung Pen name nya?
Ano ba ang mga nagawa nya para sa
bayan?
Anong kilusan ba ang kanyang naaniban?

Kalian sya namatay?


Anong dahilan?

Ikalawang larawan..
Kalian sya ipinanganak?
Sya ay tinaguriang?
Ano nga pala ang pen name nya?
Ano ba ang nagawa nya para sa bayan?

Anong kilusan ang sinalihan niya?


Kalian sya namatay?
Anong dahilan?

Sir, sina..
Dr. jose rizal
Marcelo H. Del pilar
Graciano Lopez Jaena
Andres bonifacio
Emilio jacinto
Emilio Aguinaldo
At Apolinaryo Mabini

Sir, yan po si Dr. Jose Rizal


Jose Protasio Mercado Rizal y
Realonda
Hunyo 19, 1861
Pambansang bayani ng pilipinas
Dimasalang at laong laan
Sir. Dahil pos a kanyang mga akdang tulad
ng Noli me tangere at El filibusterismo ay
gumising ang diwa ng mga Filipino para
ipaglaban ang ating kalayaan para sa
Bayan.
Noong Disyembre 30, 1896
Sya po ay nahatulan ng Kamatayan dahil
sa mga akda niya na syang uminsulto sa
mga kastila dahil sa pagsisiwalat nito ng
mga karumihan nila.
Graciano Lopez Jaena!
Disyembre 18, 1856
Prinsipe ng Dakilang Mananalumpating
Filipino.
Siya ay isang Pilipinong Manunulat at
Rebolusyonaryo na nakilala sa kanyang
pahayagang La solidaridad, at binuo ang
Triumvirate ng kilusang Propaganda
kasama sina rizal at Del Pilar.

La Liga Filipina
Noong enero 20, 1896
Sa sakit na tuberkulosis

Ikatlong Larawan..
Kalian sya ipinanganak?
Sya ay tinaguriang?
Ano nga pala ang pen name nya?
Ano ba ang nagawa nya para sa bayan?

Anong kilusan ba ang kanyang naaniban?


Kalian sya namatay?
Anong dahilan?

Ikaapat na Larawan..
Kalian sya ipinanganak?
Sya ay tinaguriang?
Ano nga pala ang pen name nya?
Ano ba ang nagawa nya para sa bayan?

Kalian sya namatay?


Anong dahilan?
Ikalimang Larawan..
Kalian sya ipinanganak?
Sya ay tinaguriang?
Ano nga pala ang pen name nya?
Ano ba ang nagawa nya para sa bayan?

Anong kilusan ba ang kanyang naaniban?

Marcelo Hilario Del Pilar y. Gatmaitan!


Agosto 30, 1850
Dakilang Propagandista
Plaridel!
Naging Patnugot po siya ng La Solidaridad
kasama ni Dr. Jose Rizal. Ditto niya
isinulat ang mga dakila niyang likha na
siyang nagsilbing tinig ng mga
propagandista at nagssiwalat sa mga
kasamaan na ginagawa ng mga prayle sa
mga Filipino.
La Liga Filipina
Hulyo 4, 1896
Dahil po sa sakit na tuberkulosis

Andres Bonifacio Y. De Castro


Nobyembre 30, 1863
Supremo ng Katipunan at Ama ng
Rebolusyon
Agapito Bagumbayan
Siya ang namuno sa rebolusyon
ng Pilipinas laban sa Espanya, ang
unang rebolusyon sa Asya na lumaban
sa pananakop ng mga bansang
imperyalista sa Europa. Itinatag niya ang
KKK o Kataas taasan, Kagalang galang
na Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Para ipaglaban ang kanyang Adhikain na
makamit ng lahat ng mga Pilipino ang
kalayaan mula sa mga kastila.
Mayo 10, 1897
Ipinabaril sya ni Aguinaldo sa Bundok
Magpatong, maragondon Cavite
Emilio Jacinto y. Dizon
Disyembre 15, 1875
Utak ng katipunan

Sa edad na 19, siya ay naging isa sa


mga pinuno ng Katipunan at naging
tagapayo, kalihim at piskal ni Andres
Bonifacio. Nang mamatay si Bonifacio,
ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa
mga Kastila bagamat hindi siya sumali
sa puwersa ni Emilio Aguinaldo. Sa
isang sagupaan sa Majayjay, Laguna
KATIPUNAN!

Kalian sya namatay?


Anong dahilan?

ika-16 ng Abril, 1899


Sakit na Malaria.

Ikaanim na Larawan?
Kalian sya ipinanganak?
Sya ay tinaguriang?
Ano nga pala ang pen name nya?
Ano ba ang nagawa nya para sa bayan?

Emilio Aguinaldo y. famy


Marso 22, 1869
Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas
Miyong

Anong kilusan ba ang kanyang naaniban?

Kalian sya namatay?


Ikapitong Larawan?
Kalian sya ipinanganak?
Sya ay tinaguriang?
Ano ba ang nagawa nya para sa bayan?

Kilusan?
Kalian sya namatay?
C. PAGHAHAMBING AT PAGHAHALAW:
Sa mga Dakilang Pilipino na kinilala natin
bilang mga bayani n gating bansang
Pilipinas, ano kaya sa tingin ninyo ang
damdaming nagbuklod sa kanila para
magkaisa at ipaglaban ang ating
kalayaan?
Tumpak! Diman sila pareho ng naging
paraan sa pakikipaglaban iisa naman ang
kanilang damdamin para sa bayan.
Kaya kung kayo ang nasa kalagayan nila
gagayahin ba ninyo ang ating mga
pambansang bayani?
D. PAGLALAHAT:

Isa siyang bayaning nakibaka para


sa kasarinlan ng Pilipinas.
Pinamunuan niya ang isang pagaalsa laban sa Espanya noong 1896.
Isa siyang matapang at Magiting na
pinuno na lumaban sa mga kastila sa
maraming labanan.
Ang Katipunan at Pamahalaang
Rebolusyonaryo.
Pebrero 6, 1964. Sa sakit na Coronary
Thrombosis (sakit sa Puso)
Apolinaryo Mabini Y. Maranan
Hulyo 23, 1864
Ang Dakilang lumpo o Paralitiko,

Isang Matalino at mahusay na


Pilipino na nagsulat ng konstitusyon
ng Unang Republika ng Pilipinas
noong 1899-1901, at naglingkod
bilang ang kauna-unahang punong
ministro noong 1899
isang lubos na edukadong binata,
nagsilbing tagapayo ni Aguinaldo sa
pagsisilbi sa bayan.
Pamahalaang Rebolusyonaryo.
Mayo 13, 1903 sa sakit na kolera.

Sir. Pagkanasyonalismo po
Sir. Patriotismo!

Sir. Opo!

Muli, sino-sino nga ang mga bayani ng


bansang pilipinas sa panahon ng mga
kastila?

E. PAGLALAPAT:
Meron akong inihandang maikling Gawain,
pero bago ito ay hahatiin ko muna kayo sa
Apat na Pangkat at bawat isa ay
tatanggap ng kani-kaniyang Gawain.

Dr. jose rizal


Marcelo H. Del pilar
Graciano Lopez Jaena
Andres bonifacio
Emilio jacinto
Emilio Aguinaldo
At Apolinaryo Mabini
Unang pangkat
Gumawa ng isang dula kung paano mo
maipapakita ang kabayanihan sa iyong
kapwa sa kasalukuyang Panahon.
Ikalawang Pangkat
Gumawa ng isang dula kung paano mo
maipapakita ang kabayanihan sa iyong
kapwa sa kasalukuyang Panahon.
Ikatlong Pangkat
Gumawa ng isang dula kung paano mo
maipapakita ang kabayanihan sa iyong
kapwa sa kasalukuyang Panahon.
Ikaapat na Pangkat
Gumawa ng isang dula kung paano mo
maipapakita ang kabayanihan sa iyong
kapwa sa kasalukuyang Panahon.

VI. PAGTATAYA:
Class, kumuha nkayo ng ikaapat na bahagi ng inyong papel at sagutin ang mga
katanungan.
Panuto: piliin sa kahon ang aytem sa ibaba. Isulat ang sagot sa sariling papel.
Graciano Lopez Jaena
Pamahalaang Rebolusyonaryo
Katipunan
Emilio Jacinto
Jose P. Rizal
Marcelo H. Del Pilar
Andres Bonifacio
Apolinaryo Mabini
___________1. Siya ang tinaguriang Utak ng Katipunan.
___________2. Siya ang tinaguriang Prinsipe ng Mananalumpating Filipino.
___________3. Ang Kilusang Pinangunahan ni Heneral Emilio Aguinaldo.
___________4.Hinirang na kalihim tagapayo ni Aguinaldo at hinalal bilang Punong
Ministro ng Unang Republika ng Pilipinas.
___________5. Kinilala siya bilang Supremo ng Katipunan at Ama ng Himagsikan.
___________6. Tinaguriang Pambansang Bayani ng Pilipinas dahil sa Pakikipaglaban
at Masidhing damdamin para sa Bansa.

___________7. Siya ang pumalit kay Graciano Lopez Jaena na nagging patnugot ng La
Solidaridad.
Panuto 2: Paghambingin ang mga Sagisag-Panulat na nasa kolum A, sa mga Orihinal
na Pangalan na nasa kolum B.
A

____1. Magdalo

a. Jose P. Rizal

____2. Pingkian

b. Andres Bonifacio

____3. Plaridel

c. Emilio Jacinto

____4. Agapito Bagumbayan

d. Marcelo H. Del Pilar

____5. Laong Laan

e. Emilio Aguinaldo

WASTONG SAGOT:
1.Emilio Jacinto

8. E

2 .Graciano Lopez

9. C

3. Pamahalaang Rebolusyonaryo

10. D

4. Apolinaryo Mabini

11. B

5. Andres Bonfacio

12. A

6. Jose P. Rizal
7. Marcelo H. Del Pilar

TAKDANG ARALIN:
1.Sino si Wiliam Mckinley at ano ang Unang komisyon ng amerika na Pang- Pilipinas?
2. Anu-ano ang mga kadahilanan ng Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas?

Inihanda ni:
JERICHO B. MORANO
(BSE Social Studies III)

Ipinasa kay:
PROF. JONATHAN A. BELARMINO, MAED
(Subject Teacher)

You might also like