Speech

You might also like

You are on page 1of 2

Grand MOA Signing & Public Consultation

August 16, 2014; SB Park, Kingpoint Subdivision, Brgy.Bagbag Nova QC


Magandang umaga po sa inyong lahat! [Greetings to officials present]
Ako po ay nagagalak sa pagdalo ng bawat isa po sa inyo ngayon sa ating Grand MOA
Signing & Public Consultation.
Ang mga kalayaan at karapatan na nakasaad sa ating konstitusyon ay hindi dapat b
inabale-wala. Maraming mga tao sa ibang panig ng mundo na hindi tumatamasa ng mg
a parehong karapatan, kung saan ipinagbabawal ang malayang talastasan o ang paki
kipag-ugnayan. Sa maraming dahilan, maswerte po tayo na may gobyerno tayong hand
ang tumugon po sa ating mga daing at pangangailangan sa abot ng ating makakaya.
Gayon din po, mapalad din tayo na ang ating sistema ng pamahalaan ay hindi tinit
ibag ang mga asosasyon, kundi mas lalong pinagtitibay ito at binibigyan ng mas h
igit pang kapangyarihan sa ilalim ng batas.
Bilang Chairman po ng Committee on Public Affairs, Mass Media Information, and P
eople's Participation ng ating Sangguniang Panlungsod, napag-aralan po ng inyong
lingkod ang mga proseso na ito at nakita po natin ang napaka-laking potensiyal
ng mga Civil Society Organizations na makatulong sa pamamagitan ng mga local spe
cial bodies.
Natutuwa po akong ireport sa inyo na ang 19th City Council po ay nakapagpasa na
ng DALAWANG ACCREDITATION ORDINANCES, kung saan pormal na ikinilala ang total na
923 na Non-Governmental and People's Organizations. Record-breaking po ang bil
ang na ito at bilang Chairman po ng Komite na naatasang suriin ang mga organisas
yon at samahang nag-aapply, nakakataba po ng puso ang pinapakitang sigla ng mga
taga-Lungsod Quezon na makialam at makilahok.
Ang 828 sa 923 organizations na ito na umabot sa ating unang Accreditation Ordin
ance natin, ay nagbotohan po nung nakaraang taon, at sa kasalukuyan, 50 sa kanil
a ay nakaupo sa ating City Development Council, sa pamumuno ng walang iba kung h
indi ang ating mahal na Mayor Herbert Bautista. Gusto ko rin po ulit magpasalama
t kay Vice Mayor Joy Belmonte sa kanyang pamumuno at pag-gabay sa aking Komite s
a prosesong ito.
Nag-botohan na rin po ang iilan sa mga ibang local special bodies at may mga sus
unod pa. Hindi ko na po iisa-isahin- Ang mahalaga po rito ay nagkakaisa po tayo
sa ating layunin na mas umunlad pa ang ating Lungsod.
Alam ninyo, buong-puso po akong naniniwala na mas mabilis po natin makakamtan an
g ating mga pangarap kapag malakas po o solid
ang PEOPLE S PARTICIPATION sa lokal na
alaan. Kapag mas mataas po ang lebel ng partisipasyon ng iba t ibang sektor, at ang
bawat isa sa atin, mas magiging transparent at efficient po ang ating pamahalaan
.
Dahil po rito, humahanga ako sa mga kababayan nating katulad ninyo, na talaga na
mang nakikilahok sa ating mga istruktura ng people s participation sa pamamahala ng
ating gobyerno.
Hindi po ba na yon ang dahilan kung bakit tayo nandirito ngayong umaga? Nandito po
tayo upang makilahok at makialam. Isang magandang venue po para rito ang gaganap
in po mamaya na public consultation.
Muli, nagpapasalamat po ako sa inyong lahat. Sana po ay tuloy-tuloy ang ating pa
kikilahok at pagsuporta natin sa ating lokal na pamahalaan at sa ating mga pinun
o: magmula kay Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, Congressman Alfr
ed Vargas, sa amin po sa City Council, at sa ating barangay.

Inaasahan ko po na patuloy ang ating pagiging magkabalikat para sa patuloy na ik


auunlad ng ating siyudad.
Mabuhay ang Lungsod Quezon!

You might also like