You are on page 1of 4

Bilar, Allen E.

7:30
BSCS-2

FIL-2|Wed|5:3011/19/14

Akdang Aralin 1
Iliad ni Homer(Gresya)
Nakatanim ang tulang ito ni Homer sa Digmaang Trohano sa pagitan ng mga Griyego
at ng mga Trohano. Nagumpisa ang Digmaang Trohano nang tangayin ni Prinsipe Paris
ng Troya ang reyna ng Sparta, si Helen. Hindi nilahad ni Homer ang lahat ng mga
pangyayari sa digmaang ito, pinili lamang niya ang mga ilang mga linggo sa ikasampu
at huling taon nito, na ginamitan ni Homer ng pamamaraang pagbabalik-sulyap kaya't
maraming makikitang mga naunang mga kaganapan sa tulang pasalaysay na ito.
Nagbibigay rin si Homer ng mga pahiwatig sa kung ang susunod na
mangyayari. Isinasalaysay ng Iliada ang hinggil sa "galit ni Achilles" - si Achilles ang
pangunahing bayani sa kuwento - magpahanggang sa kamatayan at paglibing kay
Hector, at sa paglusob sa Troya. Kabilang sa mga mahahalagang tauhan ng Iliada sina
Achilles, Odiseo (ng Odisea), Agamemnon, Menelaus, Priam, Hector, Paris, atHelen.
Makikita rin sa mga tagpuan ng Iliada ang Griyegong si Diomedes at ang Trohanong
si Glaucus (na nagkasundong huwag maglaban sapagkat magkaibigan ang kanilang
mga lolo), si Andromache (asawa ni Hector), si Astyanax (anak na lalaki ni Hector), ang
diyosang si Thetis na ina ni Achilles, ang diyos na si Zeus, ang diyosang si Aprhodite,
si Aeneas (ng Aeneis ni Vergilius) na anak ni Aprhodite.
Nagsisimula ang tula sa pagpapadala ng isang salot sa mga Griyego ng diyos na
si Apollo, sapagkat binihag ng mga ito ang anak na babae ng isa sa kaniyang mga pari.
Napilitan si Agamemnon na ibalik ang bihag na babae, subalit inagaw naman nito
si Briseis, isang babaeng pag-aari ni Achilles. Nagalit si Achilles subalit tumangging
makipaglaban kay Agamemnon. Subalit, nang mapatay ni Hector ang kaniyang
kaibigang si Patroclus, nakipaglaban si Achilles at napatay niya sa pagtutuos si Hector.
Sa lumaon, lihim na pumunta kay Achilles ang ama ni Hector na si Priam, upang
kuhanin ang bangkay ng kaniyang paboritong anak na lalaki, para mabigyan ng
nararapat na libing. Pumayag si Achilles. Nagwakas ang tula sa paglilibing kay Hector.
Binubuo ang epikang Iliada ng 24 na mga bahaging tinatawag na mga "aklat".

Mahabharata(India)
Maraming paksang tinatalakay ang Mahabharata sa loob ng labinwalong mga bahagi
nito. Sumasakop ang mga paksang ito sa ilang bilang ng mga aspeto
ng Hinduismo, mitolohiyang Hindu, mga etika, at gawi ng pamumuhay ng Hindu. Isang
bahagi pa nito ang tinatawag naHarvamsha. Ilan sa mga nasa ibaba ang ilang mga
pananalita hinggil sa labinwalong mga bahagi ng Mahabharata. Sa Mahabharata,
tinatawag na mga parvan o mga parva - mga aklat - ang mga bahaging ito. Nakatala sa
ibaba ang lahat ng mga parva ng Mahabharata:

Adi-parva

Pagpapakilala, pagsilang, pagaalaga, at pagpapalaki sa mga

prinsipe.
2

Sabha-parva

Buhay sa korte, ang larong betu-beto o dais], at pagpapalayas sa

mga Pandava. Itinayo ni Maya Danava ang palasyo at korte (ang sabha), at Indraprastha.
3

Aranyaka-parva (o Vanaparva, Aranyaparva)

Labindalawang taong pagtigil (na hindi

nakababalik pagkaraang mapaalis) sa gubat (sa aranya).


4

Virata-parva

Isang taon makalipas ang pagkapalayas, pagtigil o paghintil sa

korte ng Virata.
5

Udyoga-parva

Mga paghahanda para sa digmaan.

Bhishma-parva

Ang unang bahagi ng dakilang digmaan, gumanap na komandante

ng mga Kaurava si Bhishma.


7

Drona-parva

Nagpatuloy ang digmaan, si Drona ang komandante.

Karna-parva

Muli, sa digmaan, si Karna ang komandante.

Shalya-parva

Ang huling bahagi ng digmaan, si Shalya ang komandante.

10 Sauptika-parva

Naglalahad kung paano pinaslang nina Ashvattama at ng mga

nalalabing mga Kaurava ang hukbong Pandava habang natutulog (Sauptika).


11 Stri-parva

Ipinagdadalamhati ni Gandhari at ng iba pang mga kababaihan

(mga stri) ang mga yumao.


12 Shanti-parva

Ang pagpuputong ng korona kay , at ang mga utos sa kaniya mula

kay Bhishma
13 Anusasana-parva

Ang mga huling tagubilin (anusasana) mula kay Bhishma.

14 Ashvamedhika-parva

Ang maharlikang seremonya ng ashvamedha, na isinagawa ni

Yudhisthira.
15 Ashramavasika-parva

Lumisan sina Dhritarashtra, Gandhari at Kunti para sa

isang ashram, at ang pagkamatay sa gubat.


16 Mausala-parva

Ang panloob na pag-aalitan sa pagitan ng mga Yadava na may

gamit na mga pamalo (mgamausala).


17 Mahaprasthanika-parva

Unang bahagi ng daan patungong kamatayan (mahaprasthana,

"dakilang paglalakbay") ni Yudhisthira at ng mga kapatid niyang lalaki


18 Svargarohana-parva

Nagsibalik ang mga Pandava sa daigdig ng mga kaluluwa

(svarga).
19 Harivamsha

Buhay ni Krishna.

Beowulf(Inglatera)
Nagtayo ng isang malaking bulwagan o kabahayan [1] ang isang haring Danes na
si Hrothgar (o Hrogar). Tinawag na Heorot ang bulwagang ito. Namuhay ng mainam si
Hrothgar at ang kaniyang mga mamamayan at nagdiriwang sa loob ng Heorot. Subalit
sinagupa sila ng halimaw na si Grendel, na nagtutungo sa Heorot para patayin ang
ilang mga tauhan ni Hrothgar dahil sa ingay na kanyang naririnig at ito ang laging
dahilan ng pag-patay niya sa mga tauhan ni Hrothgar. Narinig ng bayaning si Beowulf,
isang mandirigmang Geatiko (isang Geat; taga-Geatland o Gtaland; lupaing Geat o
lupaing Gota) ang mga suliranin ni Hrothgar kaugnay ng halimaw na si Grendel. Nilisan
ni Beowulf at kaniyang mga tauhan - mga 14 ang bilang - ang Geatland upang
saklolohan si haring Hrothgar. Tumigil ng isang gabi sina Beowulf sa bulwagang Heorot.
Nang dumating si Grendel para paslangin sila, nilaban ito ni Beowulf. Pinilas ni Beowulf
ang bisig ni Grendel mula sa katawan nito at itinusok ang bahaging ito ng katawan ng
lalaking halimaw sa isang pader bilang isang tropeo. Humangos si Grendel sa kaniyang
tahanan sa mga latian, kung saan siya namatay. Naging maligaya ang lahat sa
pagkamatay ni Grendel at nagsipagdiwang. Subalit nang sumapit ang sumunod na
gabi, dumating naman ang ina ni Grendel sa Heorot at pinatay ang maramaing mga tao
bilang paghihiganti. Kinuha ng inang halimaw ang walang-buhay na bisig ng anak na si
Grendel. Pinuntahan ni Beowulf ang mga latiang pinaglalagian ng ina ni Grendel, kung
naglaban ang dalawa. Napatay din ni Beowulf ang ina ng halimaw na si Grendel.
Nagbalik si Beowulf sa Geatland, kung naging hari siya sa paglaon. Sa paglipas ng mga
panahon, nakipaglaban din si Beowulf sa isang dragon. Sa tulong isang batang lalaking
si Wiglaf, maaaring mapaslang ni Beowulf ang nasabing dragon, subalit nasugatan si
Beowulf sa huling pakikipabaka kaya't namatay siya. Pagkaraang bawian ng buhay,
nilibing si Beowulf sa isang hukay sa Geatland.

Aenid(Italya)
Binubuo ang Aeneis ng labindalawang bahaging tinatawag na "mga aklat." Nilalahad ng
ng mga pahina nito ang salaysay hinggil sa bayaning si
Prinsipe Aeneas isang Trohanoat isa ring tauhan sa Iliada ni Homero. Nagsisimula ang
akda habang binubuhat ni Aeneas ang kaniyang amang si
Prinsipe Anchises (o Anquises), habang paalis sa nasusunog na Troy (Troya din,
o Troja, at Troha). Katulad ng Odisea ni Homer ang unang bahagi ng Aeneis ni Vergil,
at naglalarawan ng mga paglalakbay ng prinsipeng si Aeneas at ng kaniyang mga
tauhan. Samantalang kahawig naman ng Iliada ni Homer ang ikalawang bahagi
ng Aeneis ni Vergil. Bagaman may pagkakatulad sa mga gawa ni Homer,
pinangibabawan at binigyan ni Vergil ng bago at mas malalim na mga kahulugan ang
mga tauhan at mga kaganapang ipinaloob niya sa Aeneis. Nagwawakas ito sa
pagdaong ni Aeneas sa mga baybayin ng Italya, kung saan nakipaglaban siya sa mga
mamamayang nananahanan doon.
Isang pinino ngunit malungkot na tula ang Aeneis na naglalaman ng buhay ng mga
taong walang kapupuntahan at naghahanap ng bagong tahanan. Nawasak nga ang
Troya, ngunit ang mga labi ng kabihasnan nito ang naging Roma, ang pinag-ugatan ng
mundong Kanluranin. Nasusulat ang Aeneis sa pamamagitan ng mga heksametro, at

husto ang pagkakaplano ng bumubuo ditong labindalawang mga aklat. Nilarawan pa na


ang "tugtugin at indayog" ng mga taludtod ni Vergil ang pinakapino sa panitikang Latin,
sapagkat may mga mahinang padron at ugnayan, katulad na lamang ng pag-uulit ng
pagbubukas ng Unang Aklat sa Ikapitong Aklat, isang muling pagtungkay na mas may
buhay, kasiglahan, at may pagdiin. Inihambing din ang pakikipagsapalaran ng bayani
ng Aeneis at ng kaniyang mga mamamayan sa paghahanap ng mga Hudyo sa
tinatawag nilang "Lupang Ipinangako."

You might also like