You are on page 1of 2

Ma. Alyssa Bianca K.

Cruz
Garcia
GREATWK C41
February 17, 2015

Dr. Fanny A.

Interbyu Kay Ricky Lee


Ang mga pangyayari sa panahon ng batas militar ay minsan
pingauusapan ng pamilya ko habang kainan dahil yan lang ang oras namin na
lahat kami ay na nagtitipon tipon para pagusapan ang mga bagay bagay.
Kinikwento ng mga magulang ko at pamilya nila ang karanasan nila sa
panahon na ito. Sabi ng tatay ko, hindi gaano na apektohan ang pamilya niya
ng basta militar kumpara sa mga ibang tao katulad ni Ricky Lee na nakipag
laban para sa kalayaan. Dahil sa koneksyon ng pamilya ng tatay ko sa
politka, hindi sila inabuso at pinasamantalahan ng mga militar. Subalit, hindi
sumasangayon tatay ko sa prinsipyo ng diktador na si Marcos. Kaya, siya
mismo ay sumali sa mga demonstrasyons para matanggal sa posisyon si
Ferdinand Marcos. Sa kwento naman ng nanay ko, siya ay sumali din sa mga
demonstrayon katulad ng ginawa ng tatay ko. Sinabi din niya tungkol sa
striktong pagsunod ng pinatupad na curfew para sa lahat. Gusto din niya
mapalaya sa nakakasakal na gobyerno ni Marcos. Nagkwento din sila tungkol
sa mga karahasan na dinaranas ng mga kababayan natin sa panahon na
iyon. Katulad ng pagnanakit ng mga taong nagrerebelde sa gobyerno.

Pagkatapos kong basahin ang interbyu kay Ricky Lee mas tumatag ang
aking paniniwala tungkol sa pagaabuso ng gobyerno sa panahon ni Ferdinand
Marcos. Nakakalungkot isipin na maraming tao ngayon ay patuloy pa rin
nagsusuporta sa mga nagsimuno sa panahon ng batas militar. Katulad nila
dating Senate President Juan Ponce Enrile, sila pa rin tinatangkilik ng bayan.
At mas malala pa, pati ang mga anak at asawa ng dating diktador ay
binuboto pa rin ng mga tao. Hindi ko maiintindihan kung bakit meron pa rin
naniniwala sa kanilang panunungkulan kahit hindi nila sinagot ang mga
kasalanan nila sa panahon ng batas militar. Naniniwala ako na ang mga tao
na ito ay nabubulag sa katotohan dahil hindi nila tinitignan ang kabuuan na
situasyon. Nililimita nila ang kanilang paningin sa kabutihan lamang na
ginawa ni dating pangulo Marcos. Humahanga ako sa mga tao na
nakipagbuwis buhay katulad ni Ricky Lee para lamang maramdaman ng
henerasyon ngayon ang kalayaan na ninakaw ng dikdator sa paraan ng batas
militar. Nahihiya ako sa mga nagsakripisyo sa panahon na iyon dahil marami
ay nakakalimot sa karahasan na dinulot ng administrasyon ni Marcos. Parang
isinantabi at hindi binibigyan importansya ang pahihirap na pinagdaanan ng
ating mga kababayan para lamang hindi natin maranasan ang hindi
pagkalaya. Kung alam lang ng henerasyon ngayon kung gaano kaswerte tayo
kumpara sa panahon ng ating mga magulang, hindi sana tinatangkilik ang
mga responsibilidad sa batas militar. Dapat baguhin nila ang kanila
paniniwala sa bagay na ito dahil dito nagsisimula ang pagkabulag sa
katotohanan. Kaya natutuwa ako sa mga artikulo na ito dahil binibigay linaw
sa lahat ang katotohanan na nangyari sa madilm na panahon ng ating bansa.
Malaki ang impluwensiya ng mga programa na ito, sapagkat nagsisilbi itong

paalala hindi lamang para sa mga nakaranas ng batas militar, kundi para sa
bagong henerasyon ngayon. Ang bagong henerasyon na ito ay may
responsibilidad na itangkilik ang kalayaan at dignidad ng bawat indibiduwal
na ipinaglaban noong mga panahon na iyon.

You might also like