You are on page 1of 1

Ninakaw ang aking tingin

Nawala na parang hangin


May bakas na isang rosas
Pagtibok ay biglang lakas

Sa pagbuhos ng tagumpay
Pag-ibig ay wala sa hanay
Sa bukambibig ni inay
Subukin kung itoy tunay

Buhos ng malakas na ulan


Hanap niya ay silungan
Tahanan na tila lumayo
Kasalanan ay lumago

Oras na walang numero


Di kayay isang laro
Pag-ibig na ninanais
May bahid kaya ng dungis?

You might also like