You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas )

Lungsod ng Angeles, ) S.c


x- - - - - - - - - - - - - - - - - - x
PINAGSANIB NA KONTRA-SALAYSAY
KAMI sina, AMMED YURI MACABANTI, nasa hustong gulang may
asawa at nakatira sa 155 Maligaya St Cutcut Angeles City at ROMMEL
MACABANTI, nasa hustong gulang, may asawa at nakatira sa Magsaysay,
Guagua Pampanga na matapos makapanumpa na naayon at alinsunod sa itinakda
ng batas ay nagsasaad ng mga sumusunod;
NA KAMI ay kinasuhan ng FRUSTRATED HOMICIDE na may NPS.
Docket No. III-12-INV-15B-00299 nina JONATHAN M. SERRANO at
ANGELITA S. DELA CRUZ na kamag-anak ng mga umaway sa amin sa daan ng
Rodriguez St. Valdes Floridablanca.
NA aming pinabubulaanan ang kasong ikinaso nila sa amin at inihiling
naming na ma-dismiss ito dahil wala kaming intensyong pumatay ng tao at walang
katotohanan ang mga paratang nila sa amin dahil kami ay dayo lamang sa kanilang
lugar at dumaan lamang kami doon upang mapadali ang aming daan pagpunta sa
bahay ng aming kapatid na si ANDREW MACANBANTI.
NA, noong ika-11 ng Pebrero mag aalas otso ng umaga (8:00am) pagatapos
naming magtrabaho sa DEALCO SLAUGHTER HOUSE bilang BUTCHER
niyaya ko ang aking kapatid na si Rommel na pumunta kami sa bahay ng aming
kapatid na si ANDREW upang trabahuhin ang kanyang ipinapagawang bahay sa
137 Mabigal Floridablanca.
NA, habang kami ay nagbyabyahe papuntang Floridablanca naisipan kong
dumaan sa Rodriguez Street ng Valdez Floridablanca upang mapadali ang pagpunta
namin sa bahay ng aking kapatid na si Andrew na kung saan ako ay nagpauna sa
isang tricycle na minamaneho ng isang lalaking medyo kalbo na may edad 50
pataas at may sakay na dalawang binatilyong lalaki sa loob ng side car at isang
binatang lalaki sa likod ng driver at hindi kasama roon si ROLANDO SERRANO.
NA habang hinihintay naming matapos ang mga papasok na sasakyan upang
kami ay makalabas sa hi-way dahil one way lamang ito, sinabihan ako ng lalaking
medyo kalbo na may edad 50 pataas na nagmamaneho ng tricycle sa likod ko na
Abante! at sumagot ako ng mahinahon na makananu kang makasulung, eme
akakit ing truck ayne karagul na. Nung bisa ka muna naka. at sumagot siya ng
pabalang na may kasamang mura na Ba tanaydamo, tapang mung magsalita at
sinagot ko siya na Ba mama, eko pu managkas uling pare-parehu tamu pung
taga Florida bumaba ang lalaking driver na medyo kalbo sa kanyang tricycle at
sinabihan ako na Ba bakit nanu waring problema mu at sumagot ako na ta ika
nanung problema mu at ng makita ko na malapit na siya sa akin bumaba din ako
sa aking tricycle at bigla niya akong sinuntok sa mukha kung kayat gumanti din
ako at kami ay nagsuntukan.

NA, bumaba na din ang kanyang tatlong mga kasama upang pagtulungan
ako, ng biglang magising si Rommel sa kanyang pagkakatulog sa loob ng aking
side car at lumabas ito. Pagkakita ng tatlong lalaki tumakbo ito papalayo at nahinto
ang pagsusuntukan namin ng lalaking medyo kalbo na may edad 50 pataas. Kung
kayat niyaya ko na ang aking kapatid na umalis sa lugar na iyon at lumayo sa
gulo.
NA, kami ay nakaalis na sa pinangyarihan ng gulo humigit kumulang limang
metro nakita ko ang tatlong kalalakihan na nakaabang at may dalang tubo
(Rommel). Pagbaba ko sa motor pinagpapaalo ako ng isa sa mga lalaki na
nakasakay sa side car na minamaneho ng ng lalaking medyo kalbo na may edad 50
pataas, na matapos akong mapalo sa ulo ako ay napaupo at tumakbo ang lalaking
pumalo-palo sa akin.
NA, ng makita kong napaupo ang kapatid ko bumaba din ako sa motor
upang habulin ang pumalo sa kanya (AMMED). Ngunit nakita ko ang kutsilyo ng
aking kapatid na gamit niya sa aming trabaho na may habang 12 inches kinuha ko
ito upang matakot sila at layuan na kami ng mga kalalakihan na sakay ng ng
lalaking medyo kalbo na may edad 50 pataas upang makaalis na kami. Sa aking
paglingon hahampasin na ako ng pamalo ni ROLANDO SERRANO na hindi
naman kasama sa sakay ng ng lalaking medyo kalbo na may edad 50 pataas na
aming nakasagupa, na bigla na lamang siyang sumulpot doon na may dalang
pamalo upang paluin ako. Ng paluin ako ni Rolando nahawakan ko ang pamalo
niya dahil mahaba ito at sa aking pagkabigla nasagi ko siya sa hawak kong
kutisilyo na may habang 12 inches at nakuha ko ang pamalong hawak niya niya at
ng tignan ko ang aking kapatid na papaluin ni Jonathan Serrano pinalo ko siya
upang ipagtanggol ang aking kapatid na nakaupo sa daan na walang kalaban laban
dahil sa pagkakapalo ng mga lalaking nakasakay sa side car na kasama ng ng
lalaking medyo kalbo na may edad 50 pataas na aking nakaaway ng biglang may
sumigaw na matandang babae na istu na tung mesaksak ne at ako ay biglang
nahimasmasan at kinuha ko ang kapatid ko at kami ay umalis na sa pinangyarihan.
NA, ang reklamong inihain sa amin at ang police report na kasama sa
reklamo ay hindi makatotohanan dahil hindi ko naman sinaksak si Jonathan
Serrano (AMMED). Na ang tinamung sugat ni Jonatan ay hindi makatotohanan
dahil kung sinaksak ko siya gamit ang kutsilyong hawak ko na may talim na 12
inches ay siguradong tatagos sa kanyan ulo dahil ang kutsilyung iyon ay gamit
naming sa trabaho bilang BUTCHER. Marahil gumawa gawa lamang ng mga
kasinungalingan ang mga nagrereklamo sa amin dahil hindi naman namin alam
kung sino nga ba sila at kung nakita nga ba nila at nasaksihan ang tunay na mga
pangyayari at kaguluhan sa daan ng Rodriguez St. Valdes Floridablanca dahil ayon
sa kanilang sinumpaang salaysay ang ginamit naming motor ay walang plaka at
kulay pula daw ang kulay nito na kung susuriin sa ANNEX A ang letrato ng
aking motor kasama ng rehistro nito ay may legal na plaka at kulay asul ang kulay
nito. At higit sa lahat wala silang sakay na estudyante sa loob ng motor na kung
saan ihahatid daw ni ROLANDO SERRANO dahil hindi naman kasama sa motor
si ROLANDO SERRANO at hindi naman sya ang nagmamaneho sa tricycle dahil
ang ngmamaneho ng tricycle ay isang lalaking medyo kalbo na may edad 50 pataas

Nakisawsaw lamang si ROLANDO SERRANO sa away na bigla na lamang siyang


dumating na may dalang pamalo na stainless pang paluin ako (AMMED).
NA kung saan walang sapat na ebidensya ang mga nagreklamo sa amin na
nais naming patayin sina JONATHAN SERRANO at ROLANDO SERRANO at
hindi tama ang ikinaso nila sa amin dahil hindi naman umakma ang lahat ng
elemento ng FRUSTRATED MURDER sa totoong pangyayari na aming inilahad
dahil ipinagtanggol lang namin ang aming mga sarili at nakisawsaw lamang si
ROLANDO SERRANO sa gulo dahil hindi naman siya kasama sa motorsiklong
minamaneho ng ng lalaking medyo kalbo na may edad 50 pataas na kung saan hindi
ko sadya ang pagkakasaksak ko sakanya dahil nabigla lamang ako, kung kayat
pahapyaw ko lng itong ginamit kay ROLANDO dahil nabigla ako ng hampasin niya
ako sa hawak niyang mahabang pamalo na stainless (AMMED), dahil kung may
itensyon akong saksakin siya gamit ang kutsilyong hawak ko na may talim na 12
inches ay siguradong tatagos ito sa katawan niya.
NA kami pa ang dapat magdemanda dahil sila ang naunang nanakit sa amin
at sakanila nagsimula ang gulo dahil hindi naman naming sila kilala at hindi kami
ang unang gumawa ng kilos upang magkagulo at magkaroon ng away. Na ang
sinasabi nilang pare-parehas tamu pung taga Florida ay hindi akma sa totoong
sinabi ko (AMMED) dahil ang sinabi ko ay Ba mama, eko pu managkas uling
pare-parehu tamu pung taga Florida. Sa katunayan ay naipanganak lamang kami
sa Florida at simula ng ako ay ikasal sa aking maybahay humigit kumulang 14 years
na ng ako ay nanirahan na sa Angeles.
NA dumaan lamang kami sa Rodriguez St. Valdes Floridablanca upang
mapadali lamang ang aming daan at wala kaming intensiyong gumawa ng masama
at mankit ng tao. Na ang dahilan kung bakit may dalang kutsilyo ang aking kapatid
ay dahil galing kami sa trabaho at yoon ang gamit niya dahil kami ay BUTCHER.
Makikita ang kopya ng aming ID bilang BUTCHER sa ANNEX B at ang
kutsilyung dala ni ROMMEL na may talim na 12 inches na ginagamit sa kanyang
trabaho bilang BUTCHER bilang ANNEX C at ang pamalong nakuha ko kay
ROLANDO SERRANO na gagamitin sana niyang pampalo sa akin (AMMED) na
nakasugat sa ulo ni JONATHAN SERRANO bilang ANNEX D.
NA ginawa naming ang Pinagsanib na Kontra-Salaysay na ito upang
patotohanan at ipawalang bisa ang ikinaso nila sa amin na FRUSTRATED
MURDER at aming pinatutunayan na kami ay inosente at walang intensyong
pumatay ng tao na lumaban lamang kami upang ipagtanggol ang aming mga sarili.
BILANG PATUNAY, kami ay lumagda sa ibabaw ng aking pangalan ngayon
ika-27 ng Marso, 2015.
AMMED YURI MACABANTI

ROMMEL MACABANTI

Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT PINATOTOHANAN sa harap ko ngayon ika ___ ng


___________, 2015. Pinatutunayan ko na ang nagsalaysay ay aking nasiyasat at
ako ay may sapat na paniniwala na siya ay kusa at malayang nagsalaysay.

You might also like