Sa PD (Personality Development) ko na siguro masasabing nakakatuwa
din palang mag aral ng tungkol sa aking personalidad at kilalanin pang mabuti ang aking sarili sa papamagitan ng mga aralin dito. Nakakatuwa na may madiskubre kang mga bagay na mas lalong magpapaunlad sa iyong sarili. At mas matutuwa ka dahil maari mong pagandahin ang iyong personalidad sa subject na ito siyempre yun naman talaga ang dapat mong matutunan sa subject na ito sabi nga ng aming guro eh hindi naman patalinuhan at pagalingan sa subject na ito dahil aanhin mo nga naman ang galling at talino kung wala naman kwenta ang ugali mo. Kaya nararapat lang na bigyang pansin ang subject na ito ng mga kabataan para mas lalo pa nilang mapaunlad ang kanilang sarili at mas lumawak pa ang mga naiintindihan nila sa pakikipagkapwa tao para narin sa mas ikabubuti ng lahat ng taong kanyang nakakasalamuha sa mga araw ng kanilang buhay. Sana ay mas marami pang mag aaral ang matulungan ng subject na ito upang maging mas maayos ang ating pamayanan.