You are on page 1of 4

FILIPINO: WIKA NG PAGKAKAISA

by KOMISYONSAWIKA on Jun 18, 2014 3:20 p06No Comments

ANG FILIPINO BILANG WIKA NG PAGKAKAISA


Buwan ng Wikang Pambansa 2014
Ngayong Buwan ng Wika 2014, ibinabandera ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang halaga ng wikang Filipino
bilang wikang nagbubuklod sa bansa. Filipino: Wika ng Pagkakaisa ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na
magtatampok ng mga gawaing pangwika at pangkultura na pangungunahan ng KWF sa buong bansa.

Alinsunod ang pagdiriwang sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos. Ipinahahayag
nito ang taunang pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto. Dagdag pa, ang dating
Pangulong Manuel L. Quezon, na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong 19 Agosto 1878. Sa
bisa ng proklamasyong ito, nangunguna ang KWF sa pagsasagawa ng mga makabuluhan at napapanahong mga
programang may kinalaman sa wika at kulturang Filipino.
Bubuksan ng KWF ang pagdiriwang sa 4 Agosto sa Lungsod Batangas, Lalawigan ng Batangas. Magdaraos
ngpormal na pagbubukas ng Buwan ng Wika sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Punong Lalawigan Vilma
Santos-Recto. Ipoproklama ang Lalawigan ng Batangas bilang huwaran o pilot ng E.O. 335. Inaatasan ng E.O. 335
ang mga ahensiyat tanggapan ng pamahalaan na gamitin ang Filipino bilang opisyal na wika ng korespondensiya at
komunikasyon.

Mula 45 Agosto ay magsasagawa rin ang KWF ng Pagsasanay sa Korespondensiya Opisyal (KO) at
Implementasyon ng E.O. 335 sa Lungsod Batangas, Lalawigan ng Batangas. Nagsisilbing gabay ng mga tanggapan
ng pamhalaan ang KO sa paggawa ng mga opisyal na komunikasyon sa wikang Filipino. Lalahok ang mga kawani
mula sa ibat ibang tanggapan ng Lalawigan ng Batangas.

Gagawin naman sa 4 Agosto ang taunang pagtataas ng watawat ng KWF sa Palasyo ng Malacaang.
Naimbitahang panauhing pandangal si Kgg. Herminio Coloma, Kalihim ng Presidential Communications Operations
Office.

Mangyayari naman ang Pambansang Kongreso sa Salin mula 79 Agosto sa UP Visayas, Lungsod Iloilo.
Magtitipon-tipon ang mga tagasalin, dalubhasa, guro, at mag-aaral upang paksain ang mga napapanahong isyu sa
pagsasalin. Pakay ng Kongreso na idiin ang halaga ng pagsasalin sa pambansang pag-unlad.

Sa 15 Agosto, ilulunsad ang KWF Aklat ng Bayan sa Pambansang Museo, Lungsod Maynila. Binubuo ng 18
titulo ang Aklat ng Bayan na inilimbag ng KWF noong 2013 at 2014. Minimithi ng Aklat ng Bayan na bumuo ng isang
Aklatan ng Karunungan na magtatampok sa wikang Filipino bilang wika ng paglikha at saliksik.

Kabilang sa Aklat ng Bayan ang Ortograpiyang Pambansa, Manwal sa Masinop na Pagsulat, Korespondensiya
Opisyal, Hambingang Wika, Panitikang Popular, Kung Sino Ang Kumatha kay Balagtas, Panitikan ng Rebolusyon(g)
1896, Si Balagtas at ang Panitikan ng Kalayaan, Bisayan Grammar and Notes, Gabay ng mga Senior
Citizen, Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan, Vocabulario de la Lengua Tagala, Mena Pecson Crisologo, mga
Lektura sa Panitikan, Baybayin: Ortograpiya at mga Tuntunin sa Pagsulat sa Wikang Tagalog,Kaalamang-bayan ng
Cordillera, Panitikang Meranaw, at Pandiwa.

Sa Araw ni Quezon, 19 Agosto, mag-aalay ng bulaklak ang mga kawani ng KWF sa Quezon Circle, Lungsod
Quezon. Susundan ito ng pagdiriwang ng Araw ng Pagkakatatag ng KWF at Gawad sa Sulo Hotel, Lungsod
Quezon. Naimbitihan bilang panauhing pandangal si Kgg. Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, Kinatawan ng
Anak-Mindanao Party List. Pararangalan ang mga nagwagi sa mga patimpalak at gawad ng KWF. Ang mga ito ang
Dangal ng Wikang Filipino, Ulirang Guro sa Filipino, Kampeon ng Wika, Sali(n) Na! 2014, at KWF Gawad Sanaysay.

Bilang pagsasara sa Buwan ng Wika, makikiisa ang ahensiya sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) sa
kanilang taunang UMPIL Congress mula Agosto 2830.

***

Tags: Buwan ng Wikang Pambansa 2014, Filipino: Wika ng Pagkakaisa, KWF


Previous postMEMO MULANG DILG SA BUWAN NG WIKA 2014 Next postKWF GAWAD SANAYSAY, HANGGANG 25
HUNYO (MIYERKOLES) PA ANG PAGPASA NG

You might also like