You are on page 1of 5

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK, PAGSUSURI AT

PAGSASALING WIKA PROYEKTO SA FILIPINO 2 NI EMILY LIMA, BS IN OFFICE


ADMINISTRATION

I.

Pamagat
Ang pamagat ng mga dula ay New Yorker in Tondo at Basketball
Fight. Ang direktor ng mga dulang "New Yorker in Tondo" at "Basketball
Fight" ay si Mel Magno.

II.

May Akda
Ang "New Yorker in Tondo" ay isinulat ni Marcelino Agana Jr. noong
1958. Ang "Basketball Fight" ay isinulat ni Wilfrido Ma. Guerrero na isang
manunulat ng dula, direktor, guro at aktor.

III.

Sanggunian
CCP Encyclopedia of Philippine Art, Vol 7, pp. 217-218. Manila:
Cultural Center of the Philippines, 1994.
Basketball Fight, 8 other plays by Wilfrido Manila : University Pub.
Co., c1952.

IV.

Buod
Ang New Yorker in Tondo ay tungkol kay Kikay, isang babaeng nakatira sa
Tondo na bumisita sa New York. Siya ay pumunta ng New York at pagbalik
niya sa Tondo ay nag-iba ang kanyang ugali. Nag-iba ang kanyang
pananamit, asal, at pananalita at gusto niyang tawagin siyang Francesca.
Pinipilit niya rin na tawaging Mrs. Mendoza ang kanyang ina na si Aling
Atang. Siya ay naging maarte at tinuturing ang kanyang sarili bilang isang
New Yorker. Pagbalik niya sa Tondo ay binisita siya ni Tony. Si Tony at si
Kikay ay may sikretong balak magpakasal bago pumunta si Kikay sa New York
ngunit pagbalik ni Kikay ay itinatanggi na ito ni Kikay. Si Tony naman ay may
sikretong relasyon kay Nena habang nasa New York si Kikay. Gusto ni Nena na
sabihin sa publiko ang balak na pagpapakasal nila ni Tony. Noong sinabi ni
Nena na gusto nila magpakasal ni Tony, ay nag-iba uli si Kikay. Bumalik na ito
sa dati at ayaw niya na maging Francesca. Naglaban si Kikay at Nena para
kay Tony. Pinagtanggol ni Tony si Kikay. Si Totoy naman na may gusto kay
Nena ay ipinagtanggol si Nena. Nagalit si Nena kay Tony at iniwan si Tony at
sumama kay Totoy. Nagkabalikan din muli si Kikay at Tony.
Ang Basketball Fight ay tungkol sa magkasintahang si Alicia at Pepito na
nagbabalak magpakasal. Bumisita si Pepito at ang kanyang inang si Donya
Miguela sa bahay nina Alicia at ang kanyang inang si Donya Pilar. Gusto sana
nilang pag-usapan ang nalalapit na pagpapakasal nina Alicia at Pepito.
Pinakain nila Donya Pilar at Alicia ang mag-inang si Pepito at Donya Miguel at
nag-usap sila tungkol sa ibat ibang bagay. Napag-usapan nila ang basketbol

at nag-away sina Donya Miguela at Donya Pilar. Si Donya Pilar ay kampi sa


Ateneo samantalang si Donya Miguela naman ay kampi sa La Salle. Ito ay
dahil ang asawa ni Donya Pilar ay galling sa Ateneo samantalang si Pepito
naman ay galing sa La Salle. Dahil sa pag-aaway na ito ay naghiwalay si
Alicia at Pepito. Nagkabalikan muli si Alicia at Pepito at sinabi nila na mas
mahal nila ang isat isa kaysa sa kung anumang koponan sa basketbol.
V.

Uri ng Akda
Ang New Yorker in Tondo at Basketball Fight ay mga dulang komedya.
Ang dula ay isang uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay
at ginaganap ito sa tanghalan. Ang Komedya ay isang dulang patanghal
na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa
entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga
mahihiwagang epekto sa palabas.

VI.

Daloy ng Pangyayari a. Karaniwang pagkakasunod-sunod


Sa unang eksensa sa Basketball Fight ay makikita si Alicia na
naghihintay kay Pepito. Inaasahan nilang dumating si Pepito at Donya
Miguela. Pag dating ni Pepito at Donya Miguela ay binate sila nina Alicia at
Donya Pilar. Sila rin ay pinaghanda ng pagkain. Pinakita ni Donya Pilar kay
Donya Miguela ang kanilang bahay. Pagkatapos ay nag-usap sila tungkol
sa ibat ibang mga bagay. Pinag-usapan nila ang pagpapakasal ni Alicia at
Pepito at kung sino ang dapat magbayad sa pagkain sa kasalan. Napagusapan din nila ang basketbol at sila ay nag-away dahil dito.
Nagkahiwalay sandali sina Pepito at Alicia dahil sa pag-aaway ngunit sila
ay nagkabalikan din.
Ang unang eksena sa New Yorker in Tondo ay makikita natin sa Aling
Atang. Pumasok si Tony at tinanong si Aling Atang tungkol kay Kikay.
Dumating si Kikay at nakita ni Tony na nag-iba na si Kikay. Sabi ni Kikay na
hindi daw sila bagay ni Tony at humanap na lang si Tony ng ibang babae.
Dumating si Nena at sinabing magpapakasal na sila ni Tony. Nagalit si
Kikay at nag-away sila ni Nena. Kinampihan ni Tony si Kikay samantalang
kinampihan ni Totoy si Nena. Iniwan ni Nena si Tony kasama si Totoy. Nagusap sina Tony at Kikay at sila ay nagkabalikan din. Nawala na si
Francesca at bumalik si Kikay.

VII.

Bisa
a. Bisa sa Isip
Ang mga dulang New Yorker in Tondo at Basketball Fight ay
parehas nakakaaliw at nakakalibang ng isip. Sa Basketball Fight ay
mapapa-isip ka kung bakit naging malaking isyu ang panonood ng
basketbol. Isang simpleng libangan tulad ng basketbol ay naging
dahilan ng muntikang paghihiwalay nina Pepito at Alicia. Ang paguugali rin ng dalawang nanay nina Pepito at Alicia ay nakaka-intriga.

Mapapaisip ka kung pagkukuwari lang ba ang pakikitungo nila sa isat


isa. Sa harapan ng isat isa ay maayos ang kanilang pakikitungo ngunit
kapat nakatalikod na ay kung ano ano na ang sinasabi. Sa dulang New
Yorker in Tondo naman ay mapapaisip ka kung ano ang tunay na
dahilan ng pagbabago ng ugali ni Kikay. Bakit nagbago ang ugali ni
Kikay noong makarating siya sa New York? Si Tony rin ay isang
hipokrito dahil ayaw niyang makipaghiwalay kay Kikay samantalang
kasintahan niya si Nena. Mapapaisip ka kung seryoso ba talagang
magmahal si Tony o isa lamang siyang manloloko.
b. Bisa sa Damdamin
Ang mga dulang New Yorker in Tondo at Basketball Fight ay
nakakagalak sa damdamin. Nakakaaliw itong panoorin at ang mga
estudyante ay nasisiyahang manood nito. Nakakatawa rin ang ibang
mga eksena tulad ng mga eksena nina Donya Pilar at Donya Miguela.
May mga eksena ring nagpapakilig sa damdamin tulag ng mga eksena
nina Alicia at Pepito, at nina Kikay at Tony. Ang mga eksenang may
musika at sayawan ay nakakapagpabuhay din ng damdamin. Ang mga
tao ay mapapa-sayaw kapag naririnig ang masiglang musika sa mga
dulang ito.
c. Bisa sa Kaasalan
Sa dulang Basketball Fight ay matutunan ang tamang pag-galang sa
opinyon ng ibang tao. Tinuturo dito na kahit ang isang tao ay may
pananaw na naiiba sa iyong pananaw ay kailangan mo pa rin silang
igalang. Nakita natin sa dulang ito ang epekto ng hindi pag-galang sa
opinyon ng ibang tao at iyon ay ang hindi pagkakaintindihan na
maaring mauwi sa pag-aaway. Sa New Yorker in Tondo naman ay
ipinapakita rin na dapat igalang mo ang iyong kapwa. Katulad na lang
ng pag-mamaliit ni Kikay kay Tony dahil si Tony ay isang Tondo boy.
Si Kikay ay naging mapagmataas dahil siya ay nakarating ng New York.
Dapat ay irespeto natin ang ating kapwa, maging sila may ay tagaTondo o taga-New York. Hindi rin natin dapat piliting baguhin an gating
kapwa tulad na lang ng pagpipilit ni Kikay na gawing Mrs. Mendoza si
Aling Atang. Makikita natin sa dula na ito na hindi masaya si Aling
Atang sa mga ginawang pagbabago ni Kikay.
VIII.

Mga

matalinghagang salita
palikero lalaking mahilig lumandi sa mga babae
kumare malapit na kaibigang babae
puto isang uri ng tinapay
rattan isang uri ng halaman na kadalasang ginagawang
kagamitan sa bahay
panguingue isang uri ng larong pansugal

IX.

trifle isang bagay o pangyayari na hindi importante (a matter,


affair, or circumstance of trivial importance or significance)
merci salamat sa wikang Pranses (thank you in French)
pilgrimage isang malayong paglalakbay na kadalasan ginagawa
para sumamba o magbigay pugay (any long journey, especially one
undertaken as a quest or for a votive purpose, as to pay homage)
civilized - sibilisado, sanay, marunong, bihasa
carabao isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o water
buffalo na karaniwang matatagpuan sa Pilipinas (a swamp type
domestic water buffalo found in the Philippines)
naughty makulit (disobedient; mischievous (used especially in
speaking to or about children)
engagement kasunduang pagpapakasal
jilt biglang pag-iwan sa isang kasintahan (To deceive or drop (a
lover) suddenly or callously)
hysterical praning, kondisyon ng pag-iisip na nagpapakita ng di
mapigilang emosyon (arked by uncontrollable, extreme emotion)
vivacious masigla, masaya (happy and lively in a way that is
attractive)
century isangdaan taon (100 taon)
miscegenation pagsasama o pagpapaksal ng dalawang
magkaibang lahi (sexual relations or marriage between people of
two different races)
treachery - pagtataksil, pangloloko, panlilinlang (willful betrayal of
fidelity, confidence, or trust)
ashamed nahihiya (feeling shame or guilt)
fickle balimbing, palaging nag-iiba (marked by lack of
steadfastness, constancy, or stability)
exile isang tao na napilitang tumira sa ibang bansa (a person who
has been forced to live in a foreign country)

Teorya ng Pagpapahayag - Realismo


Ang mga dulang Basketball Fight at New Yorker in Tondo ay salamin ng
realismo sa totoong buhay. Maaring nakakatawa ang mga eksena sa mga
dulang ito ngunit totoong nangyayari ito sa buhay. Sa Basketball Fight
ay makikita natin kung paano nag-aaway ang mga tao dahil sa isang
simpleng bagay katulad ng basketbol. Makikita rin natin sa dula na gusto
ni Donya Pilar na si Pepito ang magbayad ng kakainin sa kasal nila ni
Alicia. Sabi naman ni Donya Miguela na si Alicia ang dapat magbayad nito
at sinala niya pa ang kanyang mga alahas para lang may pambayad sa
kasal. Makikita natin dito ang realidad tungkol sa isyu ng pera. Maraming
tao ang umuutang at nagsasanla ng mga alahas o ibang mamahaling
gamit para lang may pambayad sa mga pangangailangan. Marami ring

tao ang gusto tumakbo sa kanilang mga pinansyal na responsibilidad


tulad na lang ng ginawa ni Donya Pilar. Marami ang gagawin ang lahat
para lang makaiwas sa gastusin. Sa New Yorker in Tondo naman ay
makikita natin ang pagbabago ng ugali ng isang tao dahil lang siya ay
nakarating sa ibang bansa o nagkaroon ng mas mataas na posisyon sa
lipunan. Maraming tao na nagmula sa isang simpleng buhay na biglang
yumaman ay nag-iiba ang ugali. Sila ay nagiging mapagmataas at
nagbabago ang kilos, ayos at pananamit. Marami ang lumalaki ang ulo at
nakakalimot sa kanilang simpleng pinanggalingan. Ang buhay pag-ibig
nina Kikay, Tony, Totoy at Nena ay magulo at nakakalito. Makikita dito ang
kasalukuyang nagyayari sa kabataan ngayon kung saan mabilis at madali
ang pagpapalit ng kasintahan. Minsan ay mayroong may dalawang
kasintahan na pinagsasabay katulad na lang ng ginawa ni Tony.

X.

Mensahe ng Manunulat
Inaanyayahan ko kayo na panoorin ang mga dulang Basketball Fight at
New Yorker in Tondo. Tunay na nakakaaliw ang mga ito at maraming aral
at kagandahang asal ang mapupulot dito. Maaliw ka, matatawa ka at
kikiligin ka. Matatawa ka sa mga eksena ni Donya Miguela at Donya Pilar,
ang dalawang matronang ina nina Alicia at Pepito. Kikiligan ka sa mga
eksena nina Alicia, Pepito, Kikay, Tony, Totoy at Nena. Ang mga dulang ito
ay naayon sa ating kasalukuyang panahon at sumasalamin sa buhay ng
maraming kabataan ngayon. Ito rin ay sinulat ng mga batayang
manunulat ng dula na sina Marcelino Agana Jr. para sa New Yorker in
Tondo at Wilfrido Ma. Guerrero para sa New Yorker in Tondo. Tangkilikin
natin ang panitikang Pilipino.

You might also like