You are on page 1of 1

Bakit Single?

Magtatatlong taon na rin mula nung huli akong nagkaboyfriend. Actually, hindi ko nga rin alam
kung valid rin bang iconsider na relationship yun nun dahil sa pagkakaalam ko eh pag sinabi nating
relationship, dapat may mutual understanding na namamagitan bago ito matawag na relationship, maski
anumang aspeto, porma o bilang at uri ng tao na bumubuo nito. Hindi ko kasi ito noon sineryoso. At
syempre, ayoko namang magpakaconfident, kaya sige, ipagpalagay na rin nating hindi ako sigurado
kung sineryoso niya rin ako.
Pagkatapos ko siyang ibreak dahil trip ko lang na parang nakahithit lang ako ng sandamakmak
na maryjane o weeds para sosyal, eh kung sino sino ng mga lalake ang naglabas-pasok sa love chapter
ng buhay ko. Yung mga iba inentertain ko dahil nagkataong nasaniban ako ng flirt na alter ego ko at
yung mga iba kung hindi may sasakyan o nagbibigay ng libreng load eh para may makausap lang sa
mga panahong bored ang lola niyo.
Hayaan niyong ishare ko ang ilan sa kanila, yung mga nagmarka talaga sa akin kumbaga, both
in a positive and a negative way at kung ano ba ang tingin ko sa kanila. Heto. In no particular order.
Boy #1:
Etong si Boy # 1 eh talaga namang masasabi kong masugid na tagahanga ko. Sa sobra ngang
pagkalulong nito sa akin eh parang naging yaya/bodyguard/benefactor ko na rin siya sa loob ng marami
rami na ring taon. Hindi siya gwapo. Promise. Kaya wag na kayong mag abala pang mag-imagine kung
anong itsura niya. Basta ang masasabi ko lang eh may pera ito. Promise. Okay na sana siya eh, kaso
nga lang eh hindi ko talaga siya gusto dahil ayoko talaga ng itsura niya. Hindi naman ako yung
magandang maganda pero kahi papaano eh may tinatawag pa rin naman akong taste kumbaga. Lalonglalo na kung sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na napapangitan rin sila sa kanya, naku, mas
natuturn-off ako sa kanya.
Boy #2:
Hindi ako niligawan nito, pero aminado naman akong nilandi rin ako nito minsan. Alam niya
ang mukha ko at alam ko rin ang mukha niya. Cute tong lalakeng to at masasabi kong isa siya sa
pinakahumorous na lalakeng lumandi sa akin. Siguro, kung hindi lang ito nawala ng parang bula sa
kadahilanang hindi ko alam eh baka nainlove ako sa kanya. Gusto ko kasi ng lalakeng masarap kausap,
yung tipong hindi kami nauubusan ng pag-uusapan sa isang araw. Hinintay ko ngang ligawan ako neto
eh, nag expect ako actually. Pero, ayun nga, bigla siyang umexit sa life ko at wala na kaming
communication ngayon. Ayos na rin yun, kasi simula nun, narealize kong hindi rin pala siya ganun
kacute. Swear, wala tong halong bitterness. Pero, secret lang natin to ha, iniistalk ko ang facebook niya.
Wahaha!
Boy #3:
Naku! Muntikan na akong nahulog sa lalakeng to, buti na lang eh nasabuyan ako ng walang
kaisnglamig na tubig bago pa man din nangyari yun. Oo, nagustuhan ko rin naman siya dahil sa mga
panahon nun na hindi siya nagpaparamdam eh nalulungkot ako at naiinis ako pag may nakikita akong
picture niya na may kasamang ibang girl.

You might also like