You are on page 1of 3

FIL10 B13

Q1 2010-2011

JESSA MARIE V. GARCIA/CPE/1


JOSE SONNY N. SORIANO
Professor

Sa Likod ng Pagbabago
Isang mapagpala at magandang umaga ang
ipinaaabot ko sa aking mga kamag-aral at sa aking
propesor na si G. Jose Sonny N. Soriano.
Hindi madaling magbago lalo na kung ito ay may
kinalaman sa karangalan ng ating sarili.
Mayroon ngang kasabihan sa wikang Ingles: The
only thing that does not change is change itself. Patuloy
na nagbabago ang ating pamumuhay sa bawat sandali,
sa bawat araw. Anuman ang mangyari, anuman ang
gawin natin may nangyayaring pagbabago. Kumakain
tayo araw-araw at natutulog tuwing gabi. At sa buhay na
ito, tayo ay patuloy na nabubuhay at iisa lamang ang
hantungan natin ang kamatayan.
Sa umiiral na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari, ang tao ay umaasa sa kanyang sariling
paraan, kahit na ito ay masama. Batid ng lahat na ang
katangi-tanging handog sa atin ng Maykapal na wala sa
ibang nilalang ay ang kakayahang mag-isip. Nilikha niya
tayo bilang tagalilok ng mundo at sa bawat sandali ng
ating paninirahan sa mundo ay kailangang mamuhay
tayo ng naaayon sa Kanya. Subalit pilit nating iniiba ang
dimensyon ng ating buhay sa pag-aakala nating ito ay
may naibubungang mabuti sa atin. Halimbawa na lamang
sa klase, madalas naoobserbahan ko tuwing may
seatwork o yung mga gawaing iniaatang sa amin ng
aming mga guro at may maiikiling pagsusulit, ang
karamihan ay nagsisipagkopyahan para manguna sa

klase. Kapag naisakatuparan ang kanilang hangarin,


masaya sila. Sa kabila ng lahat, hindi nila alam na
maraming puna na maaaring mag-angat sa kanila. Sa
ganitong pananaw, ang dapat manguna sa klase ay dapat
na manguna rin sa katapatan.
Lagi nating tatandaan na ang anumang gawin natin
masama man o mabuti ay may kapalit ding kasamaan o
kabutihan. Kaya kailangan nating magbago! Hayaan
nating ang Makapangyarihan ang magbago sa atin at
tulungan ang ating sarili sa kabutihan. Makontento tayo
kung sino at kung ano tayo. Kahit sa maraming problema,
tuloy pa rin. Wala tayong kapangyarihan upang ariin ang
ating kasalukuyang panahon, kung sino man ang maghari
ay nasa panganib.
Isa pang bagay na hindi natin dapat kalimutan: ang
buhay ay pakikipagsapalaran. Sa ating pakikibaka minsan
tayo ay nakakaranas ng pagkabigo gayunpaman di natin
dapat paghariin ang galit sa ating puso. Dapat manaig
ang determinasyon sa pagbabago, sa kabutihan para
malampasan natin ang mga pagsubok at maging matatag
tayo sa oras ng kagipitan upang maiwasto an gating mga
kamalian,
Darating din ang araw na matutuklasan din natin ang
tunay na landas. Maraming may kahirapan nga lang
ngunit
siguradong
ito
ay
may
katapat
na
pinakamagandang regalo ang mas MABUTING IKAW.

You might also like